LOGINKabanata 4: Take it or take it
"At bakit naman kita susundin ngayon?" taas-kilay kong tanong sa kaniya. He looked at me with the most bored expression, one eyebrow raised like he was daring me to argue. Aba’t ang kapal! “Because your job starts now. It’s a mistress’s obligation to make me happy,” he said so casually, as if it were the most natural thing in the world. Kinunutan ko siya ng noo. "Akala ko ba para lang hindi matuloy ang kasal niyo ng kung sinumang Veronica na sinasabi mo kaya mo 'ko hinire bilang kabet?" “Yeah, but making me happy is part of your job description too, as your boss. Now twerk.” Napabuntong-hininga ako nang malalim, tila nawawalan na ng pag-asa sa kahibangan ng lalaking ito. Lihim ko siyang inirapan bago ako tumayo, handang gawin ang utos niya kahit na gusto ko nang isampal sa kaniya ang laptop sa kaniyang lamesa. "Siguraduhin mo lang na bago matapos ang araw na ito, bayad na lahat ng mga utang ko," I said while scrolling through my playlist. Wala siyang imik kaya tinigil ko muna ang pag-scroll at tiningnan siya, saka ko siya tinaasan ng kilay. “Fine. Just twerk. May pinagdadaanan ako kaya gusto ko sumaya." Nababaliw na talaga siya. Ang layo niya sa first impression ko noon sa kaniya sa bar na sobrang bait. Magaling pa naman ako sumayaw. 'Pag talaga siya, na-inlove sa'kin pagkatapos makita ang galaw ko, bahala siya. Pila siya sa likod. Walang favoritism dito. “What do you want me to dance to, sir?” I asked, my voice dripping with sarcasm. Nahirapan ako sa pagpili ng kanta. Pakiramdam ko kasi ay parang gusto ko lahat isayaw nang nasa playlist ko, nang sa ganoon ay bumilib na talaga siya sa'kin. "Anything. Ikaw na Ang bahala. I’ll just sit here and watch,” he said. Feeling prinsipe, a****a! Inikutan ko siya ng mata para ipakita na napipilitan talaga ako, pero dahil wala na akong choice, kaya agad na akong pumili ng tugtog. I randomly chose Whine Up by Kat DeLuna. Nakita ko ang pag-ayos niya ng upo sa kaniyang swivel chair nang bumwelo na ako sa harap niya. Bago ko pindutin ang play button, lumapit muna ako sa kaniya at inilapag ang cellphone ko sa mesa niya. Saka ko inayos ang suot kong pajama para kahit papaano ay bumagay sa gagawin ko. “What are you doing?” taas na niyang kilay na tanong habang binabagtas ng tingin ang bawat galaw ko. I was folding the hem of my oversized top, turning it into a makeshift crop top to make it look tighter. “As you can see, I’m fixing my clothes,” I stated the obvious, rolling my eyes at him. “I know I can look hot in plain pajamas, but I need to look even hotter to you,” I added, which made his brows furrow. Bahala na talaga siya diyan. Kung magulat siya, problema na niya ‘yon. "Let's see," tanging nasabi niya sa seryosong tono. Nginisian ko na lang siya at pinindot na nga ang play button ng cellphone ko. As the music started, I slowly turned my back to him, letting him get a full view of the bare strip of my back. Sinabayan ko pa ng marahang kembot ng balakang ang bawat hakbang ko papunta sa mismong gitna ng office floor, parang nasa runway lang. Saktong nandoon na ako nang sumabay ang unang linya ni Kat DeLuna. Doon ko na sinimulan i-lip-sync ang lyrics ng kanta habang maharot na kumikembot. My teeth grazed my lower lip as I ran my fingers through my hair, letting my body move with the rhythm like I owned it. Hindi pa ako nakontento at pinadulas ko ang kanang kamay ko mula sa dibdib ko pababa sa flat na flat kong tiyan. When the chorus hit, I spun around to face him dramatically. Whine up, whine up, whine up, oye! Whine up, whine up, whine up, oye! Whine up, whine up, whine up, oye! Whine up, whine up, whine up, oye! I twerked with everything I had, feeling the bounce of my hips match the beat of the music. Kung may degree lang sana sa ginagawa kong 'to, baka naging summa cum laude na ako. Sa kasagsagan ng sayaw ko, nasulyapan ko siyang seryosong nakasandal sa kaniyang swivel chair. Nakakuyom ang kaniyang panga, habang seryosong titig na titig sa puwet ko. Lihim akong napangisi dahil do'n. I knew he was enjoying the view. Sigurado ako do’n dahil ganoon na ganoon ang reaksyon ng ilang lalaking nakasayawan ko na noon sa bar. They all whipped their attention to my ass. To tease him even more, I walked toward him just as the chorus ended. Nahuli ko pa ang bahagyang pagkabigla sa ekspresyon niya nang hilahin ko ang swivel chair niya paharap sa akin. Pagkatapos ay bahagya kong niyuko ang katawan upang pantayan ang paningin niya, habang ang dalawa kong kamay ay nakatungkod na sa magkabilang side ng kaniyang swivel chair. Now this was fun. Kitang-kita ko ang pagbaba ng mata niya sa bandang dibdib ko. My teeth sank into my lip when I noticed the slight bob of his Adam’s apple. Hudyat na ito na nahuhulog na nga siya sa bitag ng isang Atasha. Such an easy man. Bahagya kong ginigiling ang katawan ko habang nasa ganoong posisyon pa rin kami. Ang tingin ko’y diretso lang sa kaniyang mata. Ni hindi ko ito inalis hangga’t hindi siya ang unang napaiwas ng tingin. Mahina. Tumayo ako nang tuwid at muling ipinaharap sa kaniya ang likod ko. When the pre-hook part came, I swayed my hips side to side, making sure every move made my ass bounce to the beat. Both my hands were clasped above my head. I wanna feel you (I wanna feel you too), I wanna feel you near Dalawang bagsakang kembot ng balakang ko ang pinakawalan ko sa parte na ’yan. Binaba ko ang magkabila kong kamay upang bumwelo na para sa chorus ngunit natigil ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa aking balakang. “That’s enough already,” mahina niyang bulong sa tainga ko. Parang nanuot sa loob ko ang mainit niyang hininga. Kasabay din no’n ay ang pagtayo ng mga balahibo sa katawan, ngunit nagawa ko pa rin abutin ang cellphone ko at pinatay ang tugtog. Saka ko siya mataray na hinarap. “Nasa exciting part na tayo, e. Sayang, ’di mo man lang nakita. Magbi-break dance sana ako sa dulo, para maiba naman,” pang-aalaska ko. Nakangisi pa ako niyan ng panggago pero agad din napawi nang makita ko ang pagkakaseryoso masyado ng mukha niya. “I’ll give you two hundred thousand today… sleep with me tonight.” Umawang ang bibig ko sa gulat. Anak ng— His hand, which I didn’t realize was still on my waist, moved up to brush my hair over my shoulder. Sa gulat ko sa sinabi niya, napatitig na lang ako sa buong mukha niya, lalo na sa labi niya nang sumilay ang nakakalokong ngisi doon. “Take it or take it?” nanunuya niyang tanong.Kabanata 60: Groom "Are you okay? Pulang-pula na mukha mo." Agad akong napaiwas ng tingin nang mapuna niya agad ang mukha ko. Buwisit na ’to! May gana pa talaga siyang tanungin ako ng ganyan?! Malamang, namumula ako dahil sa sinabi niya! Pero dahil mukhang wala naman siyang ideya sa naging epekto ng litanya niya sa akin, napilitan akong magpanggap. "Alam mo, tutal sobrang yaman n’yo naman, palagyan n’yo na rin kaya ng aircon ang labas niyong ’to? Ang init dito masyado, e!" palusot ko at pinaypayan pa ang sarili gamit ang isa ko pang kamay. "Talaga?" waring kumbinsido niyang tanong. Tumango ako. Mukhang naniwala naman siya kaya sinamahan ko na rin ng hilaw na ngiti ang pagpaypay sa sarili. "Air-conditioned ang loob ng bahay. Pagpasok natin sa loob, baka mawala na ang pamumula ng pisngi mo," suhestiyon pa niya. Sandaling nawala ang pilit kong ngiti dahil sa pagpuna na naman niya sa pamumula ng pisngi ko, pero agad ko rin naibalik. "Oh, e ’di kung gano’n, tara na sa loob?" Agad
Kabanata 60: Groom"Are you okay? Pulang-pula na mukha mo."Agad akong napaiwas ng tingin nang mapuna niya agad ang mukha ko. Buwisit na ’to! May gana pa talaga siyang tanungin ako ng ganyan?! Malamang, namumula ako dahil sa sinabi niya!Pero dahil mukhang wala naman siyang ideya sa naging epekto ng litanya niya sa akin, napilitan akong magpanggap."Alam mo, tutal sobrang yaman n’yo naman, palagyan n’yo na rin kaya ng aircon ang labas niyong ’to? Ang init dito masyado, e!" palusot ko at pinaypayan pa ang sarili gamit ang isa ko pang kamay."Talaga?" waring kumbinsido niyang tanong.Tumango ako. Mukhang naniwala naman siya kaya sinamahan ko na rin ng hilaw na ngiti ang pagpaypay sa sarili."Air-conditioned ang loob ng bahay. Pagpasok natin sa loob, baka mawala na ang pamumula ng pisngi mo," suhestiyon pa niya.Sandaling nawala ang pilit kong ngiti dahil sa pagpuna na naman niya sa pamumula ng pisngi ko, pero agad ko rin naibalik."Oh, e ’di kung gano’n, tara na sa loob?"Agad siyang su
Kabanata 59: Holding Hands"Atasha, we don't need to do this. Kung 'di ka naman komportableng makita si Mama, kahit 'wag na muna."Mariin kong inilingan si Rev. "Nakabihis na tayo, oh? Ngayon pa ba tayo hindi tutuloy?"Naitikom niya ang kaniyang bibig, siguro ay natanto niyang wala na talaga siyang magagawa kundi sumang-ayon na lang.Today is Friday. Two days have passed since his sister, Erich, showed up at his office. Dalawang araw na ring naudlot ang lakad na ito dahil ayaw talaga niyang pumunta kami sa Mama niya."Hindi naman kailangang pumunta pa tayo doon. Believe me, my mom’s not sick. Alibi lang niya 'yon kasi alam na niyang aatras na naman ako sa kasal namin ni Veronica."Blangko ko na siyang nilingon bago ko siya sinamaan ng tingin."Nandito na tayo sa kotse mo. Hahawakan mo lang ang manibela para makalarga na tayo. Bakit ba ayaw mo?"He rested one arm on the wheel, then looked at me."Hindi naman sa ayaw ko..." mahinahon niyang sabi. "Wala akong trabaho bukas. We can just..
Kabanata 58: SisterAt tama nga ako na mahaba-habang araw ito, kasi halos wala rin naman akong ginawa kundi panoorin siyang magtipa ng kung anu-ano sa kaniyang laptop, mag-sign ng mga papeles, at tumawag kung kani-kanino.Aaminin ko, hindi nakakasawa ang kapogian niya, lalo na ngayon na panay ang titig ko sa pagnguso, pagkukunot ng noo, at kung anu-ano pa niyang reaksyon sa mukha. Pogi talaga siya... pero seryoso, nauumay na ako rito.Mag-aalas-onse pa lang pero pakiramdam ko ay isang taon na akong nakaupo rito sa isa sa mga sofa niya. Gustuhin ko mang manood ng palabas sa cellphone o ‘di kaya sa malapad niyang TV rito, hindi ko rin magawa dahil baka maistorbo ko lang ang trabaho niya.Problemado akong bumuntong-hininga at tumayo na. Awtomatiko naman siyang napatingin sa akin."I'm bored here. Ito-tour ko lang sarili ko sa labas," paalam ko sa kaniya.Tumayo rin siya mula sa kaniyang swivel chair at lumapit sa akin."Samahan na kita. Magla-lunch break din naman na."Umiling ako. "Tapu
Kabanata 57: StayI took another bite of the hotcake on my fork before finally speaking again."Ang hassle mag-aral ulit, Rev. Stable ka naman na, kaya hindi mo na siguro kailangan pahirapan ang sarili," sabi ko sa mahinahong boses.Hindi ko sa kaniya masabi nang direkta ang gusto kong iparating, pero sana ay makuha pa rin niya kahit papaano. Totoo naman kasing hindi na niya kailangang patunayan ang sarili sa pamilya niya, lalo na sa mapagkumpara niyang mama. He's doing well, actually.Hindi siya umimik sa sinabi ko kaya nilingon ko na siya. Bahagya akong nagtaka nang makitang tumigil siya sa kaniyang almusal at nakatitig lang nang malalim sa plato niya.Okay… that’s concerning."Hoy, Rev! Natahimik—""You know what? You’re right," putol niya sa akin, saka ako nilingon.Naitikom ko na lang ang bibig at lihim na napatikhim nang ngitian niya ako.“It’s not like I’ll gain anything by constantly competing with my brothers. Iba ako, iba si Riel at Rex sa akin," aniya, sabay tusok ng isang
Kabanata 56: AbsThe moment I slammed the door, I leaned against it, panting like I had just run a marathon. My heart was pounding uncontrollably, and I swear I could still see his smug face in my head.“Punyetang Miss Universe,” tiim-bagang kong bulong sa sarili.Hindi ko na nga kinaya ang pa-save niya ng Ganda sa contacts niya, tapos may pa-Miss Universe pa siyang nalalaman ngayon?Ano nang kasunod? Miss Galaxy na, gano’n?Naihilamos ko na lang ang mga palad ko at mariing napakagat sa labi.Buwisit! Buwisit! Buwisit ka talagang kurimaw ka!Natigil ako sa kakasigaw sa isip nang kumatok siya sa pintuan. Pero dahil para na akong ewan dito, hindi ko siya pinagbuksan.Sa halip ay ni-lock ko pa ang pintuan at patakbong tumalon sa kama. Padarag kong hinigit ang isang unan at saka iyon niyakap nang sobrang higpit.Nakakabaliw, sa totoo lang!Gumulong-gulong na ako sa kama habang yakap-yakap pa rin ang unan. Ayaw ko mang mapangiti sa pa-Miss Universe niya, pero hindi ko talaga mapigilan.Oo







