Kabanata 5: Burn
Binitawan na niya ako at nilagpasan, hindi man lang hinihintay ang pag-react ko. Saka lang ako nabalik sa ulirat nang makita kong palabas na sana siya ng pintuan. Did he just say… sleep with him? “Wait lang!” pigil ko sa kaniya at tinakbo na ang layo namin. At dahil nasa tamang ulirat na ako, taas na taas ang kilay kong pinameywangan siya. “Anong sleep with you tonight? Anong akala mo sa’kin, GRO, walker, prosti?” sunod-sunod kong banat. Hindi ata niya nakuha ang mga term ko kasi kinunutan lang niya ako ng kilay. “Ano? Mukha ba akong bayaran?” paglilinaw ko. Sa pagkakataong ito, mukhang naintindihan na niya. Still in his perfect coat and tie, he stood tall, hands tucked into his pockets like the arrogant bastard he was. Akala mo kung sinong pogi, tsk! “Then be one. I’ll give you a decent amount just to sleep with me,” seryoso niyang sagot, na para bang iyon na ang solusyon sa lahat ng problema sa ekonomiya. The nerve of this guy! Itinaas ko na ang isang kamay ko para sapakin na siya, ngunit nauna na niyang nailayo ang katawan at tuloy-tuloy nang lumabas. “Grabeng kalungkutan ’yan! P****k ang hanap, buwisit!” pikon kong sigaw kahit hindi ako sigurado kung narinig ba niya. Padabog akong nagmartsa pabalik sa inuupuan ko kanina, pagkatapos ay doon nanatili, hinintay ang pagbabalik niya. Kaso ang walang bayag, umuwi na ata. I swear, I could have grown mushrooms on this chair with how long I sat here. Dahil sa inis, kumuha ako ng ballpen sa table niya at isang bond paper, saka doon nag-iwan ng mensahe para sa kaniya. "Ikaw na p*****a ka, asa kang matutulog ako sa tabi mo. Aalis na ako! Bukas na natin pag-usapan ang dapat pag-usapan. Bye!" malakas kong basa sa sinulat. I slammed it right in the middle of his desk, making sure it was impossible to miss. Lumabas na ako ng opisina at dire-diretsong umuwi na sa condo. Pagkauwi, saka lang ako nakaramdam ng matinding gutom. Ngayon ko lang naalala na wala pa pala akong kain mula umaga. Kaya naman agad kong niluto ang natitirang Pancit Canton ko at saka 'yon nilantakan. Buwisit na 'yon. Ni hindi man lang ako pinakain doon! Kapag talaga mabayaran na niya ang utang ko, tatakbuhan ko siya. Sino siya sa akala niya, ha? Baka si Atasha ang binabangga niya ngayon. Hindi ba siya aware na kilala ako sa pangalang Cat Burglar? Hindi man ako talagang nagnanakaw ng pera ng ibang tao, pero andami ko nang naperahang lalaki dahil sa pag-aakalang maikakama nila ako. And guess what? They never did. Marahil siya ang nakauna sa akin, pero siya na rin ang huli. At sisiguraduhin kong hinding-hindi na siya makakaisa sa akin. May pagkabobita ako sa school dati, pero hindi ako uto-uto sa tunay na buhay. "May araw ka rin sa akin, punyetang walang bayag!" inis kong usal sa hangin. Pagkatapos kong kumain, niligpit ko ang mga ginamit na kubyertos at naupo sa sofa para tawagan si Renzo. May kutob akong may kinalaman ang golden boy na ito sa nangyari sa araw ko ngayon. Ang kaso, inabot na ako ng siyam-siyam pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko. Inis kong ibinagsak sa kutson ng sofa ang cellphone nang makailang ring na ako pero ayaw pa rin niyang sagutin. Sigurado na talaga akong may kinalaman siya rito, kasi hindi niya ugali ang hindi sumasagot. Ibig sabihin, umiiwas siya. O baka natatakot na sa puwede kong gawin sa kaniya? Siguraduhin lang niya na hindi magkukrus ang landas namin, kasi kung hindi, pagbubuhulin ko ang bulbul nilang magpinsan. Tumayo na lang ako at naghubad ng damit. Pumasok ako sa banyo para maligo, para kahit papaano ay maibsan ang inis na kumukulo sa dibdib ko. Isa pa, pinagod ko ang katawan ko sa pagiling-giling kanina, kaya hindi puwedeng matulog ako na hindi fresh ang pakiramdam. I turned on the shower and closed my eyes as the water cascaded down my skin. Ngayon pa lang, dapat iniisip ko na kung paano ako makakatakas sa hayop na 'yon kapag nabayaran na niya ang mga utang ko. Magbabagong-buhay na rin ako sa ibang lugar, kung saan malabong mahanap niya ako. Panahon na siguro para ibenta ko ang pinaglumaan kong condo na ito. Sana magtagumpay na ako sa plano kong ito. "Lord, ibigay niyo na sa’kin ’to—" Natigilan ako nang bigla kong marinig ang isang malakas na pagsabog sa labas. Mabilis akong napahawak sa dibdib, ramdam ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano ’yon? Pinatay ko agad ang shower at hinablot ang towel ko. Mabilis ko itong tinapis sa hubo’t hubad kong katawan, saka nagmadaling lumabas ng banyo. “Anak ng—” Natulala ako saglit nang bumungad sa akin sa sala ay makapal na usok na pilit pumapasok mula sa pintuan ko palabas. Sa pag-aakalang baka nasusunog na ang katabing bahay, hindi ko na naisipang magdamit at aligaga akong lumabas ng pintuan. Ngunit nalaglag ang panga ko nang makitang nasusunog na ang magkabilang gilid ng hallway. "Anong nangyari?! wala sa sarili kong sigaw. Sa takot na baka ma-trap ako sa loob, patakbo kong iniwasan ang apoy at tuluyan na ngang lumabas. Saka ko lang napagtanto ang sitwasyon nang pagkalabas ko ay nakita ang mga kapitbahay kong pinapanood ang unti-unting paglaki ng apoy. Doon ko lang din napagtanto na naka-towel lang pala ako. Pero imbes na tamaan ng hiya ay mas nangingibabaw ang kaba at takot sa akin habang nakatingin ako sa pinanggalingang condo. Literal na namilog ang mga mata ko nang makita kong lalo pang kumapal ang apoy. Oh my God… ’yong condo ko! “Anong ginagawa niyo? Tumawag kayo ng bumbero, dali!” sigaw ko sa mga taong nakatayo lang habang pinapanood ang apoy. Nang walang kumilos sa kanila ay isa-isa ko na silang nilapitan. "Hoy, tumawag ka na ng bumbero! Masusunog ang condo ko! Dalian mo!" yugyog ko sa balikat ng isang mama. "Sorry, miss. Ayaw namin makialam," tugon niya sa akin at iniwas na ang katawan sa akin. “Ano?!” halos pasigaw kong tanong. “Anong ayaw makialam? Hoy—” Ngunit lumakad na siya palayo, para bang wala lang akong sinabi. "Ikaw d'yan, tulungan mo 'ko! Tumawag ka ng bumbero! Dalian mo!" sunod kong yugyog sa balikat ng isa pang lalaki na malapit sa akin. Pero katulad din ng nauna, suplado niya rin akong tinalikuran. Anak ng putcha! “Anong nangyayari sa inyo?! May nasusunog! Hindi niyo ba nakikita?! Tumawag na kayo ng bumbero!” Nag-eskandalo na ako sa harap nila, pero para bang wala silang narinig. Sabay-sabay pa silang umalis, iniwan akong mag-isa. Kung ibang pagkakataon lang ito, baka pinagbabato ko na sila ng kung ano. Pero ang tanging nagawa ko ay napahawak ako sa ulo at umiyak na habang pinagmamasdan ang condo kong unti-unti nang nilalamon ng apoy. “Tulong! Tulong! May nasusunog! Tulong!” Halos malagutan na ako ng hininga sa kasisigaw habang patakbo akong palipat-lipat sa kalsada, desperadong may tumulong. “Tulungan niyo ’ko! Nasusunog ang condo ko! Tulong!” sigaw ko pa, pero walang sumasagot. Malalalim ang bawat paghinga ko habang palinga-linga ako sa paligid. Bakit wala man lang tumutulong sa akin? Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?! Bumalik ako sa harap ng condo at nanghihinang napaupo sa lupa nang makita kong lalo pang lumaki ang apoy. Kalat na kalat na ang usok sa paligid, at umakyat na rin ang apoy sa bubong. Puwede pa sanang mailigtas ang mga gamit ko kung may tutulong lang ngayon. “S-Sunog! Please, tulungan niyo ako!” nanghihina kong sigaw. Napailing ako, mariing ipinikit ang mga mata habang patuloy na humihikbi. Ang dami kong naiwan sa loob. Lahat na ng akin, nandoon na. 'Yong cellphone ko, alahas, bags, shoes, mga muwebles... lahat na. At 'yong condo ko... Palaki na nang palaki ang apoy kaya kahit nanghihina na ako, pinilit kong tumayo. Masakit na sa balat ang init na epekto ng apoy pero nanatili akong nakatayo sa harap ng condo ko. Suminghap ako at tinatagan ang sarili. Alam kong imposibleng maisalba lahat… pero baka puwede pa. Sunod-sunod ang paglunok ko dahil sa naisip. Baka puwede ko pang maisalba ang mga gamit ko. Baka may maisalba pa ako sa ibang alahas at ibang ari-arian ko. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay malagpasan ang makapal na apoy. Sinuyod ko ng tingin ang paligid upang maghanap ng puwedeng ipangsaklob sa katawan ko. Nilapitan ko ang naispatang malaking basahan na nakasampay lang sa harap ng katabing bahay. Agad ko iyon kinuha sa sampayan. Mabuti na lang at may nakita agad akong balde sa gilid. May sapat na tubig doon kaya naman agad kong sinubsob doon ang dalang tela. Ibinalot ko na sa katawan ang basa na ngayong tela. Tamang tama ang lapad at haba niyon dahil halos matakpan ang buo kong katawan. Huminga ako nang malalim at muling humarap sa nagngangalit na apoy sa entrance ng condo ko. Kaya ko ’to. Kailangan kong gawin ’to. Nagsunod-sunod na naman ang paglunok ko nang makita kong lalong lumalaki ang apoy. Ngunit buo pa rin ang loob kong lagpasan iyon. Masama akong damo, kaya imposibleng mamatay ako sa isang sunog lang. "Kalma, Atasha. Isipin mo na lang na mas mahal ang mga naiwan mong kagamitan sa loob kaysa sa konsensya mo. You can do it!" tiim-bagang kong bulong sa sarili. Napansin ko ang pangangatog ng kamay ko kaya pilit ko itong kinalma, pati na rin ang ibang parte ng katawan kong nagsimulang mangatog. Hindi ako pwedeng matakot lang dito. Saan na ako pupulutin kung wala akong maisalba ngayon? Sa putikan! Huminga ako ng tatlong beses. Kaya ko 'to! Kayang kaya ko! Bago pa ako tuluyang kainin ng pangangatog, humakbang na ako ng isang beses palapit sa apoy. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago mariing ipinikit ang mga mata, handa nang sumulong. Gulat akong napalingon sa may-ari ng boses. It was Rev. His bloodshot eyes burned into mine. Suot pa rin niya ang kasuutan niya kanina, habang ang kamay niya ay sobrang higpit ang pagkakahawak sa siko ko. "Are you planning to burn yourself?!" singhal niya sa akin. Ako nama'y nainis sa bigla niyang pagsulpot. Gamit ang natitira kong lakas, hinawi ko ang kamay niya, dahilan para mahulog sa sahig ang telang nakabalot sa akin. "Nahulog pa tuloy, buwisit ka!" asik ko, saka mabilis na dinampot iyon at muling ibinalot sa katawan ko. "Nasisiraan ka na ba ng ulo?!" Hindi ko na lang siya pinansin. Bumwelo ulit ako para sumulong sa apoy, pero muli niya akong hinawakan sa siko. Sa sobrang inis sa pangingialam na naman niya ay malakas ko siyang tinulak. Hinubad ko ang tela sa katawan ko at binalot iyon sa kaniya. "Ayan! Tutal paepal ka, ikaw na magligtas sa mga gamit ko!" Agad niyang tinanggal ang tela at itinapon iyon sa gilid. "Tingin mo talaga may maisasalba ka pa?" sarkastiko niyang tanong. "And what the hell is that?" may pandidiri pa niyang sinipat ang basahang tinapon niya. Pinanlisikan ko siya ng mata. Handa ko na sana siyang sapakin dahil sa kaartehan ngunit hindi na natuloy dahil biglang may malakas na sumabog mula sa loob ng condo ko. "'Yong condo ko!" I screamed as another wave of flames burst out from inside. "Wala na 'yan. Let's just get out of here—" "Hindi!" putol ko sa kaniya. "Hindi puwedeng masunog na lang lahat!" Binalingan ko na siya. Malalalim na ang paghinga ko upang pigilan ang sarili sa paghagulgol. Madiin kong kinagat ang mga labi nang maramdaman ko na naman ang pangangatog ng buong katawan ko. Muli na naman may sumabog sa loob ng condo ko kaya pareho kaming napalingon doon. Ang kaninang pangangatog ay napalitan na ng matinding pag-eestiriko. "Rev, do something! 'Yong condo ko!" humarap ulit ako sa kaniya at niyugyog na ang magkabila niyang balikat. Bahala na ang pride, basta matigil lang ang apoy. Malalim niya lang ako tiningnan sa mata kaya mas lalo ko niyugyog ang balikat niya. "Please, tumawag ka na ng bumbero! Kanina pa ako humihingi ng tulong sa mga tao pero hindi nila ako pinapansin. Please, do something!" Napapadyak na ako sa lupa. Wala na ang mga tao sa paligid. Hindi ko alam kung saan sila nagsipunta para ipagwalang bahala na lang ang sunog. Tanging siya lang ang alam kong makakatulong sa'kin ngayon dahil wala pa ang awtoridad na puwedeng makapagsalba ng mga kagamitan ko. "Please, Rev. Dugo't pawis ko ang nilaan ko d'yan. Please..." I dropped to my knees as another explosion thundered inside, making the fire roar louder. Napahagulgol na ako nang mawalan na ako ng pag-asa. Wala na... Sunog na talaga lahat... sa isang iglap lang. "Atasha..." Nanghihina kong iniangat ang tingin ko nang maupo siya sa harap ko. Lumabo na ang paningin ko dahil sa luha, pero klaro pa rin sa akin ang pagngisi niya ng nakakaloko nang magtama ang mga mata namin. Nakaawang pa ng bahagya ang bibig ko nang hawakan niya ako sa baba, sabay nilapit sa akin ang mukha niya. "Sinabihan na kita kanina, pero hindi ka nakinig," nanunuya niyang tinig na nagpatigil sa paghinga ko. "Now, sleep with me and I'll give you everything." The words slammed into me like a punch to the gut. And then it hit me. The fire, the explosion, and the eerie calm he walked in with. Sa sobrang pagkakagulat ko sa biglaang sunog ay hindi man lang kanina sumagi sa utak ko na baka nga siya ang may kagagawan nito. My God. He did this. Natulala ako, hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya, nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat. Ni hindi ko maibuka ang bibig para sumigaw. Dinungaw niya ako, muling nginisian ng nakakaloko. “All that came from your men’s money. They deserve to burn,” aniya bago ako ipinasok sa loob ng kotse niya. So... he really did it. And it was because...Kabanata 20: Naked"Nagawa ko ngang magpakatanga sa walang kuwentang babae, sa’yo pa kaya?"This man really had no shame.He bent down on one knee and, without hesitation, lifted one of my feet."A-anong ginagawa mo?!" gulantang kong bulalas."I’ll kiss your feet?" sandali niyang inangat sa akin ang tingin bago ibalik sa mga paa ko ang focus niya. "Damn. You didn’t even bother to wear your slippers."Mabilis kong nilayo sa kaniya ang mga paa ko. Pahalik na sana siya doon kaya muntik na siyang masubsob sa lupa."Baliw ka ba?!" sigaw ko na.Oo, sinabi kong lumuhod siya’t halikan ng salitan ang mga paa ko, pero hindi ko naman alam na kaya pala niyang gawin iyon. My God! Nakaka-stress talaga siyang tao!Tinawanan niya lang ako habang nakaluhod pa rin ang isang binti niya. May pailing-iling pa siya na akala mo ay nakakatuwa ang sitwasyon niya."You told me to kneel and kiss your feet. I’m doing it since you asked for it."Napahilamos ako sa mukha dahil sa kawalan ng pag-asa."Tumayo ka d’y
Kabanata 19: KneelI looked at him boredly. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang patulan ang sinabi niyang ’to, pero sige.“Bakit one month?”Napalunok siya. Nilapag niya sa mismong gilid niya ang inagaw sa akin na maleta bago ako muling tiningnan. Tinaasan ko siya ng kilay.“Just one month. You don’t have to ask for my reason.”That’s it.“Okay,” I said flatly, shrugging.Biglang nagliwanag ang mukha niya pero agad din nawala nang nagpatuloy na ako sa paglalakad.“Atasha…”Narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero tuloy lang ako sa paglalakad. Nasa hambaan na ako ng front door ng bahay nang pigilan niya ako sa may siko.“Tumigil ka nga, Rev!” bigla kong sigaw na ikinagulat niya. “Kung wala kang magawa sa buhay, huwag mo na akong idamay! Ang ayos-ayos ng buhay ko, tapos guguluhin mo lang? Tapos ano? Para gawin lang kabet?”“I’ll marry you. We’ll just have to wait for Veronica to call off the wedding.”Napatitig ako sa kaniya na para bang siya na ang pinakabaliw sa balat ng lupa.
Kabanata 18: One monthAlam ko namang nakakatawa talaga ang posisyon ko ngayon.Nakayakap sa malaking puno na parang ewan, gulo-gulo na ang buhok, at higit sa lahat, gulat na nakatingin pa rin sa lalaking hindi na matapos-tapos ang paghalakhak.Oo, nakakatawa naman talaga, pero ang kapal naman ng mukha niya para pagtawanan ako?! Hindi ba niya alam na kaya ako nalagay sa katangahang ’to ay dahil sa kaniya?“Tigilan mo ’yan, nademonyo ka!” asik ko nang muli na naman niya akong pinicturan.Sinubukan kong iduro ang gawi niya pero dahil sa flash ng camera niya ay napapikit ako.“You’re planning to escape, aren’t you?”At may gana pa talagang mang-alaska, huh.“Oo!” pasigaw kong sagot. “Makababa lang ako dito, lalayasan talaga kita, punyeta ka! Ang pangit-pangit mo!”Natigil siya sa pagtawa at biglang sumeryoso ang mukha.“Go ahead,” he said in a low voice. “I’ll show these pictures to the authorities when I report you missing.”At muli na naman siyang nagsimulang humalakhak. Sa inis ko ay
Kabanata 17: FlashDinig na dinig pa rin ang mga sigaw ni Veronica sa labas. Padoble na rin nang padoble ang kaba ko.Luminga-linga ako sa paligid, sinusubukang maghanap ng puwedeng madaanan palabas. Seryoso, kailangan ko na talagang makalabas dito bago pa niya maisipang umakyat.Ngayon ko talaga napagtanto kung anong problema ang pinasok kong ’to.Ginawa akong kabet ng lalaking may fiancée! Putcha, kabet!Napilitan man ako, pero ang kinalabasan pa rin ay kabet ako!That girl might sue me or do any horrible thing if she wants. Siya ang legal, kaya may karapatan siya.Mas lalong lumakas ang sigaw niya. Literal na namilog ang mga mata ko nang palakas na nang palakas ito.Huwag niyang sabihing paakyat na siya rito?!“Get out of my way!”Tumigil ang puso ko nang marinig kong sobrang lapit na nga ng boses niya.“This is trespassing, Veronica! Leave now before I call my security!” Rev’s voice echoed.Tingin ko’y nagpupumilit si Veronica na pumunta dito, tapos todo pigil naman itong si Rev.
Kabanata 16: VeronicaSa huli, ako lang din pala ang nainis. Bumagsak ang mukha ko at inikutan ko na lang siya ng mata.Tsk. Akala ko naman type na talaga niya ako. Bakit ko nga ba nakalimutan ang tunay niyang rason kung bakit niya ako h-in-ire bilang mistress?Malamang ginawa lang akong wallpaper para pagselosin si Veronica. At kapag magselos, baka siya na ang umatras sa kasal nila. Eh 'di sasakses ang walang bayag! Iyon lang 'yon."Nakapag-dinner ka na?" Rev suddenly asked.Hindi ko siya sinagot. Tinalikuran ko siya at gumapang na sa kama. Pero agad na naman akong napabalik sa harap niya nang maalala ko ang tunay kong sadya sa cellphone niya."Give me your phone," I said, holding out my hand again.He stared at it for a moment, but just like earlier, he eventually handed it to me."If you're going to put your picture again—""Hindi na. Kukunin ko lang number ni Renzo."Hindi ko inangat sa kaniya ang tingin ko, pero ramdam ko ang pag-alinsunod ng mata niya sa bawat pindot ko sa cellp
Kabanata 15: PictureKung ganito palang ako ang gagawin niyang wallpaper, sana sinabi na lang niya sa akin. Hindi 'yong cropped picture ko pa noong college ang ilalagay niya. Saan niya ba 'to nakuha?I unlocked his phone and went straight to the camera. Mabuti na lang, walang password.Tiningnan ko muna ang itsura ko sa camera, handa nang kunan ng litrato ang sarili. Pero nang makita kong medyo namamaga pa rin ang mga mata ko, naghanap ako ng concealer sa binili rin niyang makeup kit.Kailangan sobrang ganda ko sa picture. Tiwala naman ako sa itsura ko ngayon, pero para mas maging perfect pa lalo ang kuha, naglagay na rin ako ng kaunting makeup sa mukha.I even curled my hair and changed my pajamas into something nicer. Nang nakontento na ako sa kabuuan ko, ipinatong ko na ang cellphone kung saan maganda ang anggulong makukuha.Sanay akong mag-pose sa camera dahil may mga local brand akong na-endorse dati pa, kaya naman ang gagawin kong ito ay wala lang sa akin.Tumayo na ako at nag-p