Kabanata 3: Twerk
Madiin kong naikuyom ang mga kamao ko nang muling bumalik sa isip ko ang lahat ng pinagdaanan ko dahil lang sa gabing iyon. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya nang tumigil ang tingin niya sa mga kamao kong mahigpit na nakakuyom, tila kinukwestyon pa kung bakit ganoon ang ayos. Nagtagis ang mga bagang ko sa sobrang galit at puot na kumukulo sa dibdib ko. “Rev Kurozawa Alcantara…” I spat out his full name through gritted teeth, as if saying it could summon every ounce of anger left inside me. He smirked, and that alone was enough to make my jaw lock even tighter. Binulsa niya ang dalawang kamay niya sa slacks niya, saka kalmadong naglakad palapit sa akin. Napasinghap ako at hinanda na ang kamao ko. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa..." pauna niyang sabi bago huminto ilang hakbang mula sa akin. "Nalaman kong baon ka sa utang at kailangan mo ng malaking pera," dugtong niya na para bang kung sinong genius na nagsasalita. Wala namang bayag! "I’ll give you a job, but I need to see first your résumé.” Gusto kong matawa o ngumisi man lang ng sarkastiko sa salitang nanggaling sa bibig niya. Nabalitaan niyang lubog ako sa utang pero ni hindi man lang sa akin nagpakita sa loob ng dalawang taon. How ironic he could be. “I’ll even pay off your debts as your advance salary,” he added like it was some grand gesture, as if I would throw myself at his feet in gratitude. Hindi ko na napigilang hindi matawa ng mapait sa sobrang inis. "Hindi ko alam kung nabagok ba ang ulo mo o sadyang may saltik ka lang talaga para magkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang mga 'yan," sabi ko sa malalim at seryosong tinig. Napangisi siya, and that smug look made me want to claw his face off. Bumaba ang tingin ko sa paa niya nang humakbang siya palapit. “If you’re referring to what happened between us, just forget it.” Then another step. Tutok na tutok ang mata ko sa paggalaw ng kaniyang paa. Isang lakad pa, sige. Makikita niya talaga kung paano literal na mawalan ng bayag. Parang narinig naman niya ang nasa utak ko kasi talagang humakbang pa siya ng isang beses. Saka lang siya tumigil nang tumayo na siya sa harap ko mismo. Tibay! Ako naman ngayon ang napangisi. Hinakbang ko paatras ang isa kong paa para makakuha ng tamang buwelo. Handa na akong suntukin siya sa mukha, ngunit bago ko pa 'yon magawa ay nahuli na niya sa ere ang kamay ko, sabay pilipit at dinala sa likod ko. "Ouch!" daing ko. The word choked as pain shot through my arms. “Oops. Sorry.” His tone dripped with fake sweetness, lips curling into that wicked smirk. “I’m the one who needs you, so I’ll be the one doing the talking.” Anak ng putcha! Sinubukan kong kumawala, pero parang bakal ang pagkakahawak niya. Mas malakas siya kaysa sa akin, at ramdam ko iyon sa bawat pilit kong galaw. "Fuck you!" malutong kong mura, halos umalingawngaw sa loob ng opisina. Imbes na matinag siya ay blangko lang niya ako tiningnan sa mata. “Be my secretary...” malamig niyang bulong sa tainga ko. Feeling guwapo, a****a! “But before that, you have to impress me first.” Halos masuka ako sa sobrang pandidiri sa sinabi niya. “Impress you?” I spat through clenched teeth, twisting and pulling, but his hold only tightened until I winced in pain. "Aray, ha! Masakit na, isa!" Mabilis naman niyang niluwagan ang pagkakahawak ng braso ko sa likod, pero hindi iyon sapat para makawala ako. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Hayop!" sigaw ko habang pilit pa rin akong kumakawala. "Ikaw na nga ’tong may kasalanan sa’kin noon, ikaw pa may ganang gan’tuhin ako. Ang pangit ng ugali mo!" Nahimigan ko ang pagkakatigil niya saglit. Pagkatapos ay malalim siyang napabuntong hininga, para bang sinusubukan niyang pigilan ang inis o 'di kaya ay tinitimbang ang susunod niyang sasabihin. “Lasing tayo no’n pareho. Ikaw ang unang sumunggab sa akin.” Aba’t sasagot pa talaga! “Kahit na! Wala ka pa ring bayag! Tangina mo!” Muntik ko na siyang duraan nang ilapit niya lalo ang mukha niya sa gilid ko. Ako na mismo ang nag-iwas ng tingin nang maramdaman ko kung gaano kalapit na ang mga labi namin. He chuckled low, then shook his head like I was a joke. Diretso pa rin ang tingin niya sa mga mata ko. “You will be my mistress, Atasha.” His voice dropped, lethal and smooth. “And there’s nothing you can do about it...” Mas lalo akong nag-apoy sa galit sa narinig, pero siya ay nanatiling nakatitig sa akin na para bang wala lang ang lumalabas ngayon sa bibig niya. “By hook…” His lips brushed dangerously close to my ear, “…or by twerk.” Putangina. Gamit ang buong lakas ko, tumagilid ako at walang pakundangang sinipa siya sa bandang gitna ng kaniyang hita. Sapul! Nabitawan niya ako at napaluhod habang namimilipit sa sakit. At dahil natuwa ako sa ayos niya, nakangisi akong lumayo sa kaniya. Pagkatapos ay may pagmamalaki akong tumayo ng maayos habang nakahalukipkip sa harap niya. "Ayan. Buti nga sa'yo!" I said with pure satisfaction. He dropped to his knees, clutching the spot I kicked. Parang hindi pa ako nakontento kaya lumapit ulit ako sa kaniya upang ulitin ang ginawa, ngunit kalalapit ko pa lang ay napigilan na niya ako sa balak gawin. He caught my leg before I could land the second kick. At sa mabilis na galaw, hinila niya ang hawak na niyang binti ko, dahilan kung bakit nawalan ako ng balanse. Akala ko'y babagsak na ako sa sahig, ngunit hindi 'yon nangyari dahil sinalo niya ako. Pagkatapos ay kinarga na ako at pabagsak na pinaup sa ibabaw ng kaniyang de-salamin na lamesa. Gulat akong napatingin sa kaniya nang seryoso niyang ilapit sa akin ang kaniyang mukha, habang ang buong katawan ko'y pinagitnaan na ng mga braso niyang nakapatong sa magkabila kong gilid. “Now, tell me. Are you willing to accept the job offer or not?” usal niya sa baritinong boses. Napalunok ako, hindi dahil sa takot sa ipinapakita niyang kaseryosohan ngayon, kun'di dahil nakita ko sa kaniya ang awra ni Rex noon. Kung paano supladong tumingin ang kapatid niya, magsalita, at kumilos, ganoon na ganoon ang nakikita ko ngayon sa harap ko. “I’m silently counting ten seconds for you to decide. Mayro’n ka na lang limang segundo para pumayag. Five… four… three—” “Kahit one thousand billion seconds pa ’yan, wala akong pake!” matapang kong singhal diretso sa mukha niya. Bahagya siyang napapikit, siguro dahil natalsikan ko siya ng laway sa bandang mata. Kung puwede lang duraan siya, ginawa ko na. “’Pag wala ka pa ring sagot, pasasabugin ko na ang unit mo.” “A-Ano?!” He casually shrugged. “Three… two… and—” “O-Oo na! Teka lang, oo na ang sagot ko! Tangina naman!” halos pasigaw ko na. Malakas ko siyang tinulak sa dibdib at patalon akong bumaba sa ibabaw ng lamesa. Nang balingan ko ulit siya ay nakangisi na siya ng nakakaloko, hatalang tuwang tuwa. "Anong kailangan mo sa'kin?" I crossed my arms and sat on the empty chair beside his desk, crossing my legs for emphasis. Sineryoso niya ang kaniyang mukha at nakapamulsang pumunta sa kaniyang swivel chair, saka siya naupo doon. Now it looked like a formal business meeting. "I want a new secretary... and a mistress," diretsahan niyang sabi sa akin. Napasinghap ako saglit, pero maya-maya lang din ay kinunutan ko na siya ng noo. "A mistress, really? Hindi wife?" sarkastiko kong tanong na may kasamang irap. He shook his head firmly. “I only want a mistress... 'cause I already have a fiancée.” Anak ng... Ano bang trip nito? “And you are the only one I see fit for the position since something has already happened between us. Be my mistress until Veronica calls off the wedding.” Mas lalong lumalim ang pangungunot ng noo ko. Oh, my God. May baliw dito. “Doc, gising na siya!” wala sa sarili kong bulalas sabay tayo. Siya naman ngayon ang nakakunot ang noong nakatitig sa akin, tila naguguluhan sa sinabi ko. “Kung ipinatawag mo lang pala ako dito para sabihin ang kahibangang ’yan, sana hindi ka na nag-aksaya ng panahon! Baliw!” Mabilis kong iginala ang tingin ko sa lamesa niya. Agad kong dinampot ang lagayan ng ballpen at marahas ko iyong hinagis sa mukha niya. “Kulang pa ’yan, p*****a ka! Kung makaasta ka, akala mo kung sino ka. Diyos ka ba, ha?!” Hindi siya agad nakasagot. Nakatingin lang siya sa nagkalat na mga ballpen sa sahig, tapos balik sa akin. Tatalikuran ko na sana siya, pero bago pa ako makagalaw ay nagsalita siya. “You just agreed earlier...” Napahinto ako. Tumayo siya at matikas akong tiningnan. “That was your contract whether you like it or not.” Nagpantig ang tainga ko. Bumaling ulit ako sa mga gamit sa lamesa, handa na namang may ihagis sa kaniya, pero nahuli niya ang kamay ko bago ko pa 'yon magawa. Hindi ako nagpatalo kaya agad ko rin binawi sa kaniya ang kamay ko. “Malaki ang isusuweldo ko sa'yo. Babayaran ko rin ang oras at mga utang mo. Anything you want, I will give you. Think of this as a business proposal. A deal.” Sunod-sunod ang pagsinghap ko. Gusto kong magwala, pero sa halip ay bumalik ako sa pinanggalingang upuan at pilit ikinalma ang sarili. Oo, walang mapaglalagyan ang galit at inis ko sa kaniya... pero ang hirap tanggigan ng mga alok niya. Maybe agreeing to this would give me the perfect chance to get back at him. “One hundred thousand in just fifteen days. ’Yan dapat ang suweldo ko,” sabi ko at mabilis na umiwas ng tingin. Putcha. Bakit parang nakakababa ng ego ngayong nanggaling na sa mismong bibig ko? From the corner of my eye, I saw him lean back in his chair. “Okay. It is a deal then. Now twerk.” “Huh?” gulantang kong lingon sa kaniya. Bahagya niya lang ako tinaasan ng kilay, waring siya pa ang nawirduhan sa reaksyon ko. “I want to see you twerk. Malungkot ako ngayon kaya gusto kong mapangiti.” Napasapo ako sa noo. Pambihirang lalaki. Anong kinalaman ng pag-twerk ko sa mood niya? Confirmed. Baliw nga talaga siya!Kabanata 20: Naked"Nagawa ko ngang magpakatanga sa walang kuwentang babae, sa’yo pa kaya?"This man really had no shame.He bent down on one knee and, without hesitation, lifted one of my feet."A-anong ginagawa mo?!" gulantang kong bulalas."I’ll kiss your feet?" sandali niyang inangat sa akin ang tingin bago ibalik sa mga paa ko ang focus niya. "Damn. You didn’t even bother to wear your slippers."Mabilis kong nilayo sa kaniya ang mga paa ko. Pahalik na sana siya doon kaya muntik na siyang masubsob sa lupa."Baliw ka ba?!" sigaw ko na.Oo, sinabi kong lumuhod siya’t halikan ng salitan ang mga paa ko, pero hindi ko naman alam na kaya pala niyang gawin iyon. My God! Nakaka-stress talaga siyang tao!Tinawanan niya lang ako habang nakaluhod pa rin ang isang binti niya. May pailing-iling pa siya na akala mo ay nakakatuwa ang sitwasyon niya."You told me to kneel and kiss your feet. I’m doing it since you asked for it."Napahilamos ako sa mukha dahil sa kawalan ng pag-asa."Tumayo ka d’y
Kabanata 19: KneelI looked at him boredly. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang patulan ang sinabi niyang ’to, pero sige.“Bakit one month?”Napalunok siya. Nilapag niya sa mismong gilid niya ang inagaw sa akin na maleta bago ako muling tiningnan. Tinaasan ko siya ng kilay.“Just one month. You don’t have to ask for my reason.”That’s it.“Okay,” I said flatly, shrugging.Biglang nagliwanag ang mukha niya pero agad din nawala nang nagpatuloy na ako sa paglalakad.“Atasha…”Narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero tuloy lang ako sa paglalakad. Nasa hambaan na ako ng front door ng bahay nang pigilan niya ako sa may siko.“Tumigil ka nga, Rev!” bigla kong sigaw na ikinagulat niya. “Kung wala kang magawa sa buhay, huwag mo na akong idamay! Ang ayos-ayos ng buhay ko, tapos guguluhin mo lang? Tapos ano? Para gawin lang kabet?”“I’ll marry you. We’ll just have to wait for Veronica to call off the wedding.”Napatitig ako sa kaniya na para bang siya na ang pinakabaliw sa balat ng lupa.
Kabanata 18: One monthAlam ko namang nakakatawa talaga ang posisyon ko ngayon.Nakayakap sa malaking puno na parang ewan, gulo-gulo na ang buhok, at higit sa lahat, gulat na nakatingin pa rin sa lalaking hindi na matapos-tapos ang paghalakhak.Oo, nakakatawa naman talaga, pero ang kapal naman ng mukha niya para pagtawanan ako?! Hindi ba niya alam na kaya ako nalagay sa katangahang ’to ay dahil sa kaniya?“Tigilan mo ’yan, nademonyo ka!” asik ko nang muli na naman niya akong pinicturan.Sinubukan kong iduro ang gawi niya pero dahil sa flash ng camera niya ay napapikit ako.“You’re planning to escape, aren’t you?”At may gana pa talagang mang-alaska, huh.“Oo!” pasigaw kong sagot. “Makababa lang ako dito, lalayasan talaga kita, punyeta ka! Ang pangit-pangit mo!”Natigil siya sa pagtawa at biglang sumeryoso ang mukha.“Go ahead,” he said in a low voice. “I’ll show these pictures to the authorities when I report you missing.”At muli na naman siyang nagsimulang humalakhak. Sa inis ko ay
Kabanata 17: FlashDinig na dinig pa rin ang mga sigaw ni Veronica sa labas. Padoble na rin nang padoble ang kaba ko.Luminga-linga ako sa paligid, sinusubukang maghanap ng puwedeng madaanan palabas. Seryoso, kailangan ko na talagang makalabas dito bago pa niya maisipang umakyat.Ngayon ko talaga napagtanto kung anong problema ang pinasok kong ’to.Ginawa akong kabet ng lalaking may fiancée! Putcha, kabet!Napilitan man ako, pero ang kinalabasan pa rin ay kabet ako!That girl might sue me or do any horrible thing if she wants. Siya ang legal, kaya may karapatan siya.Mas lalong lumakas ang sigaw niya. Literal na namilog ang mga mata ko nang palakas na nang palakas ito.Huwag niyang sabihing paakyat na siya rito?!“Get out of my way!”Tumigil ang puso ko nang marinig kong sobrang lapit na nga ng boses niya.“This is trespassing, Veronica! Leave now before I call my security!” Rev’s voice echoed.Tingin ko’y nagpupumilit si Veronica na pumunta dito, tapos todo pigil naman itong si Rev.
Kabanata 16: VeronicaSa huli, ako lang din pala ang nainis. Bumagsak ang mukha ko at inikutan ko na lang siya ng mata.Tsk. Akala ko naman type na talaga niya ako. Bakit ko nga ba nakalimutan ang tunay niyang rason kung bakit niya ako h-in-ire bilang mistress?Malamang ginawa lang akong wallpaper para pagselosin si Veronica. At kapag magselos, baka siya na ang umatras sa kasal nila. Eh 'di sasakses ang walang bayag! Iyon lang 'yon."Nakapag-dinner ka na?" Rev suddenly asked.Hindi ko siya sinagot. Tinalikuran ko siya at gumapang na sa kama. Pero agad na naman akong napabalik sa harap niya nang maalala ko ang tunay kong sadya sa cellphone niya."Give me your phone," I said, holding out my hand again.He stared at it for a moment, but just like earlier, he eventually handed it to me."If you're going to put your picture again—""Hindi na. Kukunin ko lang number ni Renzo."Hindi ko inangat sa kaniya ang tingin ko, pero ramdam ko ang pag-alinsunod ng mata niya sa bawat pindot ko sa cellp
Kabanata 15: PictureKung ganito palang ako ang gagawin niyang wallpaper, sana sinabi na lang niya sa akin. Hindi 'yong cropped picture ko pa noong college ang ilalagay niya. Saan niya ba 'to nakuha?I unlocked his phone and went straight to the camera. Mabuti na lang, walang password.Tiningnan ko muna ang itsura ko sa camera, handa nang kunan ng litrato ang sarili. Pero nang makita kong medyo namamaga pa rin ang mga mata ko, naghanap ako ng concealer sa binili rin niyang makeup kit.Kailangan sobrang ganda ko sa picture. Tiwala naman ako sa itsura ko ngayon, pero para mas maging perfect pa lalo ang kuha, naglagay na rin ako ng kaunting makeup sa mukha.I even curled my hair and changed my pajamas into something nicer. Nang nakontento na ako sa kabuuan ko, ipinatong ko na ang cellphone kung saan maganda ang anggulong makukuha.Sanay akong mag-pose sa camera dahil may mga local brand akong na-endorse dati pa, kaya naman ang gagawin kong ito ay wala lang sa akin.Tumayo na ako at nag-p