LOGINPagkarating namin sa bahay hindi ko inakala na makikita ko ang asawa ko. Nakatayo sa pintuan ng bahay at tila may hinihintay. Seryoso ang kaniyang mga mata na biglang tumingin sa sasakyan namin ni Mark.
Inalalayan ako ni Mark na lumabas ng kotse. "Thank you Mark," sabay ngiti ko. "You're welcome as always," sabay ngiti rin nito. Hinawakan ako ni Mark sa kamay ko. Upang lumakad papalapit sa pintuan. Subalit, hindi pa man ako nakakailang hakbang. Mabilis na lumapit sa amin si Xian. Galit na galit niya akong hinablot kay Mark. "Damn you Mark! Alam mong gabi na, tapos anong oras mo ng ini-uwi ang asawa ko?! Naglandian pa ba kayo! Huh!" Mula sa pagtayo ko sa gilid ng asawa ko. Kitang-kita ko ang nanlilisik niyang mga tingin kay Mark. Ngunit, ngumisi lamang si Mark sa kaniya. "Ako pa ngayon ang sinasabihan mo ng ganyan? Asawa ka ni Xyriel hindi ba? Pero, nandito ka lang sa bahay mo imbis na sunduin mo siya? Magpasalamat ka nga at ini-uwi ko pa siya sa 'yo." Walang galit sa mukha ni Mark kundi ngisi pa rin. Ngunit, may halo ito na tila ba'y pang-iinsulto sa asawa ko. "Tsk! Pakialam ko ba? May sariling mga paa ang asawa ko. Kaya niyang umuwi mag-isa. Kaya hindi ko na siya kailangan pang sunduin," malalim na boses ni Xian. Agad na kumirot ang puso ko. Nanginig ang labi ko. Nais tumulo ng mga luha ko. Ngunit, pinipilit ko ang hindi magpakita ng kahinaan sa harap ni Xian. "Gano'n naman pala eh. Ede, wala ka rin pakialam kung ihahatid ko si Xyriel! Hindi naman ako tulad mo. May asawa na nga, naghahanap pa ng iba. Tapos kaibigan pa ng asawa mo? Tanga ka ba!" mariin din itong ibinalik ni Mark sa asawa ko. Saglit akong napangiti ng kunti at tumingin sa asawa ko. Kita ko ang paglunok ng laway niya. Kasabay nito ang pagtahimik niya. Hindi nakasagot ang asawa ko sa sinabi ni Mark. Ibig sabihin ba nito ay totoo ang sinasabi ni Mark? "Bakit hindi ka makapagsalita Xian? Kasi alam mo na totoo ang sinasabi ko? Halata naman na ginagamit mo lang si Xyriel para manatili ka sa tabi niya! Nang sa gano'n, sa pagbabalik ni Diana ay madali mo lang siya makuha. Hindi ba't mahal mo pa rin si Diana kaysa sa asawa mo? Kaya anong klaseng lalaki ka ba talaga? Manloloko at hindi makuntinto sa isa???" mariin pa rin na wika ni Mark. Iniling ko ang ulo ko. Ayaw kong maniwala. Dapat maniwala ako na mahal na mahal ako ni Xian. Kaya pinakasalan niya ako. "Tama na Mark, umalis ka na. Mahal ako ni Xian at mahal ko rin siya. Hindi totoo na hinihintay niya lang ang kaibigan ko. Alam ko na tunay sa akin si Diana. Hindi niya aagawin si Xian sa akin," mahinang boses ko na walang emosyon. Ngunit, sa loob ng aking puso. Alam ko na hindi ko na kayang maging matatag sa oras na ito. "Ayan ka na naman Xyriel. Kaya lalo lumalaki ang ulo ng asawa mo at lumalakas ang loob para lokohin ka. Dahil diyan sa pagiging mabait mo," dismayadong tugon ni Mark. Hindi na ako nagsalita bagkus ay nanahimik na lang akong nakatayo sa pwesto ko. Hanggang sa tuluyan na galit na umalis si Mark. "Ikaw babae! Walang hiya ka talaga! Lalaki mo ba si Mark?!" Biglang lumapit sa akin si Xian at mahigpit na hinawakan ang braso ko. "Iniwan lang kita saglit sa hospital tapos ganyan na ang asal mo?! Ganyan na ba ka-kati ang katawan mo! Kaya kung sino na lang ang pinapatulan mo?!" nanlilisik ang mga mata ni Xian na nakatitig sa akin. Tila nais niya akong patayin sa titig niya. Napaiyak na lang ako. Wala akong masabi. Sapagkat naging duwag ang dila ko. "Hindi ka talaga magsasalita huh?! Kung gano'n, makikita mo kung ano ang dapat na mangyari sa 'yo!" malakas na sigaw nito. Halos manigas ako sa takot. Ngunit, bigla niya akong hinila na parang isang tuta. Pinipilit kong pumiglas. Subalit, hindi ko magawa dahil sa higpit ng hawak niya. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Pagdating namin sa sala. Itinulak ako ni Xian dahilan na napaluhod ako sa harap ni Sean. Habang nakayakap ito kay Diana. "Humingi ka ng tawad sa anak mo! Matapos mo siyang saktan nagawa mo pang lumandi sa ibang lalaki! Napakawalang-hiya mong babae ka!" galit na galit na sigaw muli ni Mark. Habang umiiyak ako. Nakikita ko ang nakangiting mukha ni Diana habang nakatingin sa akin. Punong-puno ng kaniyang pang-iinsulto. "Xyriel, hindi ko akalain na kaya mong saktan ang sarili mong anak. Huwag ka na magalit kay Sean. Mabait siyang bata. Dahil ilang buwan ko na silang nakasama ni Xian. Minsan natutulog kami ng sabay-sabay. Magkakatabi na parang pamilya na. Kaya naman, alam ko na mabait ang mag-ama mo. Kaya bakit ganyan mo sila tratuhin?" puno ng kalungkutan na boses ang ibinigay niya sa akin. Ngunit, ramdam ko na peke ito. "Ano? Ibig ba sabihin noon ka pa nakarating dito sa Pilipinas? Ibig ba sabihin noon ka pa talaga nakakasama ng mag-ama ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo, noon pa talaga. Gusto kita bisitahin ngayong araw. Kaso lang, tinawagan ako ni Sean para alagaan siya sa hospital, 'di ba Sean?" sabay himas niya sa buhok ng anak ko. "Opo mommy Diana. Kasi mabait ka po, tapos maganda rin po. Ikaw po ang gusto ko makasama palagi hindi po si Xyriel. Panget po siya at walang silbe. Katulong lang po siya namin dito sa bahay. Wala po siyang karapatan sa amin ni Daddy," walang alinlangan na sagot ni Sean. Halos muling mawasak ang durog-durog kong puso. "Kita mo na Xyriel? Dahil hindi mo magawang alagaan ang sarili mong anak at asawa. Ayaw na nila sa 'yo. Hindi naman ako makakatanggi kung gusto nila sa akin eh. I'm very disappointed sa mga ginawa mo sa kanila. They never deserve to be hurt," malungkot pa rin na boses ni Diana. Malambing na yumakap sa kaniya ang sarili kong anak. Ngayon, maliwanag na sa akin. Ayaw talaga sa akin ng mag-ama ko. Dahil gusto nila si Xyriel! Sobrang sakit! Matapos kong ibigay ang lahat para sa kanila! Ganito lang ang isusukli nila sa akin! Biglang binitawan ni Diana si Sean. Lumapit ito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Hanggang sa labis kong ikinagulat ang ginawa niya. Dahil bigla niyang~~~"Hindi ko akalain na kung gaano kakapal ang mukha ni Auntie, mas makapal pa pala ang mukha ng anak. Alam mo, Diana, kung wala kang magagawang maayos mas mabuting lumayas ka na agad dito sa bahay. Kung talagang gusto mong pakasalan si Xian, gawin mo lang. Pero huwag na huwag kayo tumira sa bahay na 'to. Dahil hindi ito bahay ampunan ng mga talunan!" Mariin itong sanaysay ni Glenn. Kitang-kita sa kaniyang mga ugat ang pagpipigil niya sa sarili niya. "Tsk! What the hell are you talking about? Kung makapagsalita ka naman parang ikaw ang nagmamay-ari ng bahay. Why? Ikaw lang ba ang Rocces dito? Kung tutuusin kayo dapat ang umalis dito. Kasi matagal na rin naman kayo dito 'di ba? Matagal na kayong nagpakasarap sa buhay niyo. At ngayon, dapat ako naman dahil matagal din akong nawala dito. At isa pa nga pala mas may karapatan si Mommy, kaysa sa inyo. Tulad ko mga apo lang din naman kayo 'di ba? Kaya wala pa rin kayong kapangyarihan. Swerte lang ang kapatid niyo dahil nabilog niya ang ulo ni
"Don't worry it's okay, Miss. Be careful next time." I said with my low tone. "Salamat po sa pag-intindi, Sir. Aalis na po ako, excuse me." Nakangiti siyang umalis ng tuluyan. She's cute for me. Pero mukhang hindi niya kami nakilala ni Glenn bilang Rocces. Well it's weird dahil maraming nakakakilala sa amin. Siya lang yata ang unang babae na walang masyadong naging reaction, interesting. "Hey Bro, kakaiba ang ngiti mo diyan, ah. Are you okay? Mukhang nahulog yata agad ang loob mo sa isang simpleng babae? Don't tell me hindi mo siya nakikilala?" Agad akong napakurap at dito ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakangiti. "What are you talking about? Hindi ako madaling magkagusto sa babae. Then, nakikilala ko siya, she's Miss Delia, right? Ang personal Yaya ng anak ni Bunso." I seriously said. Binuksan ko muli ang pintuan at tuluyan na kaming pumasok. Pero tuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap naming dalawa. "Yes, you're right. Bro, what if let's talk to her. Alamin natin ku
Wala akong gana lumabas ngayon sa kwarto ko. Gusto ko lang ng kaunting oras para tuluyan na mawala sa puso ko si Xian. Noong una akala ko magiging maayos na ang lahat. Pero napagtanto kong mahal ko pa rin siya. At ngayon na nalaman ko na ang sagot niya, kahit na kunti ay wala na akong dapat maging pakialam pa sa kaniya. Sa muli naming pagkikita hindi ko na siya dapat mahalin pa. Hindi ko na siya dapat maalala pa bilang kasama ko sa nakaraan. Gano'n rin ang anak naming dalawa. Kung talagang payag siya na magpakasal kay, Diana. Si Diana ang magiging Ina ng anak ko. "Riell, it's me your kuya Glenn, lumabas ka na diyan. Kakain na tayo." Malakas ang sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto ko. Hindi sila basta-basta makakapasok dahil inayos ko ang password. Ayaw ko rin ng may isturbo sa akin. "Come here, My Princess. We know what happened earlier kaya alam namin kung ano ang nararamdaman mo. Pero may rules tayo dito sa bahay. Kakain na tayo at sasabay ka sa amin. Kapag hindi ka lumaba
"Anong pinagsasabi mo, Diana? Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng 'to?" Halos mawalan ng lakas ang katawan ko. "Ano pa nga ba? I just want to inform you. Para sa huli hindi ka na masyadong magulat pa. At kung hindi ka naman naniniwala sa mga sinasabi ko. You ask, Lolo." Hindi ko maiisip kung ano ang reason kung bakit pumayag si Lolo base sa sinasabi ni Diana. Masakit pa rin sa akin ang bagay na 'to. Bakit magpapakasal pa si Diana kay Xian? At bakit nga ba pumayag si Xian? "Aalis na ako." Tipid kong huling sinabi at umalis sa kaniyang harapan. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin. Pero deretsahan lang sa paglalakad ang mga paa ko. Habang nakayuko lang ako at hawak-hawak pa rin ang divorce paper. Wala sa sarili akong pumasok sa kwarto. Hindi kwarto ko kundi kwarto ng Lolo ko. Nadatnan ko silang nag-uusap ni Auntie Angie at natigilan sila ng mapansin nila ako. "Speaking of, nandito na pala ang pinakamamahal mong, Apo. Sa itsura niya mukhang sinabi na sa kaniya ng anak k
XYRIEL POINT OF VIEW "Maraming salamat sa oras na ibinigay mo sa akin, Alejandro. Kahit paano naging maayos din ang loob ko. Naging masigla pa rin ang araw ko kahit paano. Salamat rin sa tiwala mo sa akin sa pagkwento mo sa nakaraan mo. At salamat na rin sa paghatid mo sa akin dito sa bahay." Hindi ko maiwasan ang ngumiti. Naglalakad na kami ngayon papasok sa bahay ko. "Ano ka ba, Riell, kung makapagpasalamat ka naman parang hindi na tayo magkikita. Walang problema sa akin ang lahat. Ang mahalaga naging masaya ka kasama ako at naging komportable ka," sabay ngiti niya. "Gano'n na nga, Alejandro. By the way, gusto mo ba dito ka muna sa bahay manatili ng ilang sandali. Ayos lang naman sa akin, eh. At walang problema sa mga kuya ko." "Sure, hindi na ako tatanggi." Ewan ko ba sa reaksyon ni Alejandro, mukha siyang kinikilig or assuming lang talaga ako? Tuluyan na kaming nakapasok sa bahay. Mula sa sala ay natanaw ko agad si Diana, parang hindi siya mapakali dahil pabalikbalik an
"Doc, how is she? Ayos lang ba ang lagay ni, Clara?" Nakayakap sa akin si Clara habang nakatayo ako at siya naman ay nakaupo sa kama niya. We're here in the hospital. "Sir, wala naman problema sa kalagayan niya. Kung tutuusin, isang good news ang nangyari." Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan. Anong good news sa part na nahihirapan ang mahal ko? "What do you mean, Doc?" pag-aalala ko. "Sir, Clara is pregnant." Napakurap ako dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "That's why it's good news for both of you. Congratulations, Sir and Ma'am." He said while he is smiling. Nanigas na lang ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala. "So, ayan lang aalis na muna ako dahil may aasikasuhin pa ako. Pwede na rin kayong umuwi. Again congratulations," dagdag pa niya. Kusa akong napatango bilang sagot. Matapos ay tuluyan na umalis si Doc. "Alejandro, ano na ang gagawin natin? May anak na tayo, oh. Dapat sabihin natin ito sa mga Daddy natin. Kapag malaman nila I'm sure na hindi







