Share

#2

last update publish date: 2026-08-10 09:31:52

Nagising ako sa loob ng kwarto. Ito ay hindi sa bahay kundi sa hospital. Ramdam ko pa rin ang sakit sa ulo ko. Ngunit, pinilit ko ang katawan ko na tumayo. Tahimik lamang, walang katao-tao rito. Tanging ako lang. Hinahanap ko agad ngayon ang asawa ko at ang anak ko. Kaya naman, pinilit kong bumangon mula sa higaan.

Maayos akong naglakad upang lumabas sa kwarto. Tahimik pa rin. Tila bumalik sa ala-ala ko ang nangyari noon matapos kong ipinanganak si Sean.

Habang naglalakad ako may nakita akong medyo bukas na pintuan ng kwarto. Rinig na rinig ko ang tinig ng anak ko. Gano'n rin ang boses ng asawa ko. Kaya naman, dahan-dahan akong lumapit roon. Napatakip ako ng bibig ko sa mga nakita ko.

May isang babae ang nakayakap sa asawa ko. Na tila ba mas mag-asawa pa silang tingnan kaysa sa amin ni Xian. Tuwang-tuwa ang anak ko sa kaniya. At dahil nakatalikod ang babae hindi ko ito makilala. Gayunpaman, nanatili pa rin ako sa pintuan. Nakatayo habang pinapanood sila.

“Mommy, pwede po bang ikaw na lang ang makasama ko palagi? Ayaw ko po kasi kay Xyriel eh. Mahina po siya, panget po siya. Hindi po siya bagay kay Daddy. At hindi rin po siya bagay na maging mommy ko,” nakikiusap na boses ng anak ko.

Agad na tumulo ang mga luha ko. Iniisip ko, ano ba ang pagkukulang ko? Bakit ganito ang nangyayari ngayon? Ginawa ko naman ang lahat. Pero, hindi pala ako tinuring na Ina ng sarili kong anak.

“Darling baby, don't say that. Mommy mo pa rin si Xyriel,” mahinhin na tugon ng babae.

Dahan-dahan itong lumapit sa anak ko. Umupo ito sa tabi ni Sean. Dito ko nakita ang mukha niya na labis kong ikinagulat. Si Diana ang matalik kong kaibigan na itinuri kong kapatid ko, na minsan na rin minahal si Xian.

“Tsk! Mabuti ka pa, alam mo kung paano maging mahinhin. Samantalang si Xyriel hindi nagawang maging mabuti sa anak ko. Ni-hindi nga marunong mag-ayos ng sarili niya. Nagiging pabigat lang siya sa akin,” mariin na sabi ng asawa ko.

Napasandal ako sa gilid ng pintuan. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Napahikbi ako, pero pilit ko itong pinipigilan upang hindi nila marinig. Tila ba binaon ako ng isang malaking bato sa sitwasyon ngayon. At halos napakuyom ang kamao ko.

“Psh, mabuti pa bisitahin natin ang asawa mo Xian. Kahit paano naman kaibigan ko pa rin si Xyriel. Kaya, maging mabait ka sa kaniya,” mahinhin na tugon ni Diana.

“What po? Umuwi na lang po tayo mommy. I don't like to see her po. Sinaktan niya po ako, masama po siyang babae!” galit na boses ni Sean.

“Tama ang anak ko. Kaya huwag ka na masyadong maging mabait sa kaibigan mong walang kwenta. Bwesit lang siya sa buhay namin ng anak ko. Hayts! Kung nandito ka lang sana noon pa. Mas gugustuhin ko na ikaw ang pinakasalan ko at siguro ikaw ang ina ni Sean ngayon.”

Ramdam ko pa ang tuwa sa boses ni Xian. Hindi man lang siya kinakalibutan sa mga sinasabi niya. Hindi ko talaga ito inaakala. Buong buhay ko siyang minahal. Pero, tila ay peke lang ang ibinigay niya sa akin.

Nais kong lumaban, pumasok sa loob ng kwarto at sabunutan ang kaibigan ko. Pero, nilalamon ako ng takot ko. Takot na baka ako lang ang masaktan.

Galing sa ibang bansa si Diana kaya kailangan niya ng pahinga. Siguro, mali lang ako ng narinig ko. Hindi ako dapat magpadala sa mga naririnig ko ngayon!

Iniling-iling ko ang ulo ko. Ngumiti ako at napahinga nang malalim.

Tama! Kailangan ko lang ng pahinga! Kung ano-ano pa talaga ang naririnig kong walang kwenta!

Bumalik ako sa kwarto ko. Hinihintay ko ang pagpunta ng asawa ko at ng anak ko rito. Pabalik-balik ang mata ko sa orasan na nasa pader.

"Please lang mahal pumunta kayo rito ni Sean. Hihintayin ko kayo dito," nanginginig na boses ko.

Unti-unting may namumuong luha sa mata ko.

"Wala ka ba talagang balak na puntahan ako? Anong oras na mahal oh!"

Dito ay tuluyan ng nahulog ulit ang mga luha ko. Hanggang sa maya-maya lamang ay biglang may nagbukas ng pintuan. Natuwa ako dahil akala ko ay si Xian. Ngunit, binawi agad ang ngiti ko. Dahil isang doctor ang pumasok. At ito ay ang matalik kong kaibigan.

"How are you Xyriel?" nakangiting bungad nito sa akin. Walang alinlangan siyang lumapit sa akin at nakatitig sa mga mata ko.

"Why? Umiiyak ka na naman ba? Kailan ba hihilom ang mata mong 'yan?" dagdag pa nito. Dahilan na agad kong pinunasan ang mga mata ko.

"Mark, ayos lang ako," sabay hikbi ko. "Ahm, si Xian ba ang kumuha sa 'yo para alagaan ako dito?" mahinang boses ko.

"Hindi niya ako inutusan. Ako ang kumuha sa 'yo sa isang nurse. Minsan lang tayo magkita. Tapos hindi pa maganda ang kalagayan mo," sabay ngiti nito.

Napayuko ako ng kaunti at napatingin sa higaan ko banda sa paanan ko.

"Mark, nasaan na ba si Xian? Darating pa ba siya dito?" malungkot na boses ko.

Kahit paano ay naghihintay pa rin ako. Umaasa na biglang papasok si Xian.

"Kanina pa naka-alis si Xian kasama ang anak mo. Pati na rin ang matalik mong kaibigan na si Diana."

Agad na kumuyom ang mga kamao ko. Walang hiya! Hindi man lang ako pinuntahan o sinilip man lang!

"Ga-gano'n ba? A-ayos lang naman. Kailangan kasi ni Diana ng pahinga. Kaya mabuti kung na una na silang umalis," nanginginig kong sabi.

Pinilit kong iangat ang ulo ko at pinilit kong ngumiti sa harap ni Mark.

"It's okay Xyriel, ako na ang maghahatid sa 'yo pa-uwi. Madilim na rin, gabi na. Kaya delikado kung mag-isa ka lang sa daan."

Hindi na ako sumagot pa. Agad na kumilos si Mark. Inayos niya ang mga gamit dito sa loob ng kwarto. Matapos ay inalalayan niya akong bumangon.

"Kaya ko na Mark. May lakas na ang katawan ko," sabay peke kong pagngiti.

"Malaki ang sugat mo sa ulo mo. Pero oo maayos na siya dahil naagapan. Pero Xyriel gusto kitang alalayan, okay?" sabay ngiti ulit ni Mark.

"Wala bang magagalit Mark?" pagtataka ko.

"Sino naman? Remember, wala akong girlfriend o nililigawan. Kaya walang magagalit kung may makakita sa atin," sabay ngiti niya pa rin. "Let's go na Xyriel."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
freyjaerendis
Diyan ka na lang kay Mark, beh!
goodnovel comment avatar
SkyLuna
Ahas talaga minsan mga matalik na kaibigan ee... kaiyak sitwasyon ni Xyriel takeng Xian, No balls! ...
goodnovel comment avatar
DW.R
Mark did a good job. Pinagtanggol pa niya si Xyriel Kay Xian. Sana Sila nalang please Ms. A...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Forgive Me Please, Love Me Again    #125

    "Hindi ko akalain na kung gaano kakapal ang mukha ni Auntie, mas makapal pa pala ang mukha ng anak. Alam mo, Diana, kung wala kang magagawang maayos mas mabuting lumayas ka na agad dito sa bahay. Kung talagang gusto mong pakasalan si Xian, gawin mo lang. Pero huwag na huwag kayo tumira sa bahay na 'to. Dahil hindi ito bahay ampunan ng mga talunan!" Mariin itong sanaysay ni Glenn. Kitang-kita sa kaniyang mga ugat ang pagpipigil niya sa sarili niya. "Tsk! What the hell are you talking about? Kung makapagsalita ka naman parang ikaw ang nagmamay-ari ng bahay. Why? Ikaw lang ba ang Rocces dito? Kung tutuusin kayo dapat ang umalis dito. Kasi matagal na rin naman kayo dito 'di ba? Matagal na kayong nagpakasarap sa buhay niyo. At ngayon, dapat ako naman dahil matagal din akong nawala dito. At isa pa nga pala mas may karapatan si Mommy, kaysa sa inyo. Tulad ko mga apo lang din naman kayo 'di ba? Kaya wala pa rin kayong kapangyarihan. Swerte lang ang kapatid niyo dahil nabilog niya ang ulo ni

  • Forgive Me Please, Love Me Again    #124

    "Don't worry it's okay, Miss. Be careful next time." I said with my low tone. "Salamat po sa pag-intindi, Sir. Aalis na po ako, excuse me." Nakangiti siyang umalis ng tuluyan. She's cute for me. Pero mukhang hindi niya kami nakilala ni Glenn bilang Rocces. Well it's weird dahil maraming nakakakilala sa amin. Siya lang yata ang unang babae na walang masyadong naging reaction, interesting. "Hey Bro, kakaiba ang ngiti mo diyan, ah. Are you okay? Mukhang nahulog yata agad ang loob mo sa isang simpleng babae? Don't tell me hindi mo siya nakikilala?" Agad akong napakurap at dito ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakangiti. "What are you talking about? Hindi ako madaling magkagusto sa babae. Then, nakikilala ko siya, she's Miss Delia, right? Ang personal Yaya ng anak ni Bunso." I seriously said. Binuksan ko muli ang pintuan at tuluyan na kaming pumasok. Pero tuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap naming dalawa. "Yes, you're right. Bro, what if let's talk to her. Alamin natin ku

  • Forgive Me Please, Love Me Again    #123

    Wala akong gana lumabas ngayon sa kwarto ko. Gusto ko lang ng kaunting oras para tuluyan na mawala sa puso ko si Xian. Noong una akala ko magiging maayos na ang lahat. Pero napagtanto kong mahal ko pa rin siya. At ngayon na nalaman ko na ang sagot niya, kahit na kunti ay wala na akong dapat maging pakialam pa sa kaniya. Sa muli naming pagkikita hindi ko na siya dapat mahalin pa. Hindi ko na siya dapat maalala pa bilang kasama ko sa nakaraan. Gano'n rin ang anak naming dalawa. Kung talagang payag siya na magpakasal kay, Diana. Si Diana ang magiging Ina ng anak ko. "Riell, it's me your kuya Glenn, lumabas ka na diyan. Kakain na tayo." Malakas ang sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto ko. Hindi sila basta-basta makakapasok dahil inayos ko ang password. Ayaw ko rin ng may isturbo sa akin. "Come here, My Princess. We know what happened earlier kaya alam namin kung ano ang nararamdaman mo. Pero may rules tayo dito sa bahay. Kakain na tayo at sasabay ka sa amin. Kapag hindi ka lumaba

  • Forgive Me Please, Love Me Again    #122

    "Anong pinagsasabi mo, Diana? Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng 'to?" Halos mawalan ng lakas ang katawan ko. "Ano pa nga ba? I just want to inform you. Para sa huli hindi ka na masyadong magulat pa. At kung hindi ka naman naniniwala sa mga sinasabi ko. You ask, Lolo." Hindi ko maiisip kung ano ang reason kung bakit pumayag si Lolo base sa sinasabi ni Diana. Masakit pa rin sa akin ang bagay na 'to. Bakit magpapakasal pa si Diana kay Xian? At bakit nga ba pumayag si Xian? "Aalis na ako." Tipid kong huling sinabi at umalis sa kaniyang harapan. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin. Pero deretsahan lang sa paglalakad ang mga paa ko. Habang nakayuko lang ako at hawak-hawak pa rin ang divorce paper. Wala sa sarili akong pumasok sa kwarto. Hindi kwarto ko kundi kwarto ng Lolo ko. Nadatnan ko silang nag-uusap ni Auntie Angie at natigilan sila ng mapansin nila ako. "Speaking of, nandito na pala ang pinakamamahal mong, Apo. Sa itsura niya mukhang sinabi na sa kaniya ng anak k

  • Forgive Me Please, Love Me Again    #121

    XYRIEL POINT OF VIEW "Maraming salamat sa oras na ibinigay mo sa akin, Alejandro. Kahit paano naging maayos din ang loob ko. Naging masigla pa rin ang araw ko kahit paano. Salamat rin sa tiwala mo sa akin sa pagkwento mo sa nakaraan mo. At salamat na rin sa paghatid mo sa akin dito sa bahay." Hindi ko maiwasan ang ngumiti. Naglalakad na kami ngayon papasok sa bahay ko. "Ano ka ba, Riell, kung makapagpasalamat ka naman parang hindi na tayo magkikita. Walang problema sa akin ang lahat. Ang mahalaga naging masaya ka kasama ako at naging komportable ka," sabay ngiti niya. "Gano'n na nga, Alejandro. By the way, gusto mo ba dito ka muna sa bahay manatili ng ilang sandali. Ayos lang naman sa akin, eh. At walang problema sa mga kuya ko." "Sure, hindi na ako tatanggi." Ewan ko ba sa reaksyon ni Alejandro, mukha siyang kinikilig or assuming lang talaga ako? Tuluyan na kaming nakapasok sa bahay. Mula sa sala ay natanaw ko agad si Diana, parang hindi siya mapakali dahil pabalikbalik an

  • Forgive Me Please, Love Me Again    #120

    "Doc, how is she? Ayos lang ba ang lagay ni, Clara?" Nakayakap sa akin si Clara habang nakatayo ako at siya naman ay nakaupo sa kama niya. We're here in the hospital. "Sir, wala naman problema sa kalagayan niya. Kung tutuusin, isang good news ang nangyari." Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan. Anong good news sa part na nahihirapan ang mahal ko? "What do you mean, Doc?" pag-aalala ko. "Sir, Clara is pregnant." Napakurap ako dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "That's why it's good news for both of you. Congratulations, Sir and Ma'am." He said while he is smiling. Nanigas na lang ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala. "So, ayan lang aalis na muna ako dahil may aasikasuhin pa ako. Pwede na rin kayong umuwi. Again congratulations," dagdag pa niya. Kusa akong napatango bilang sagot. Matapos ay tuluyan na umalis si Doc. "Alejandro, ano na ang gagawin natin? May anak na tayo, oh. Dapat sabihin natin ito sa mga Daddy natin. Kapag malaman nila I'm sure na hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status