Share

Kabanata 47

Bigo akong bumalik sa loob ng hospital. Walang Yohann Min ang nagpakita. Wala siya. Sinubukan kong hagilapin hanggang sa hindi na makayanan ng paghinga ko. Sumisikip ito at natatakot akong baka magkatotoo nga ang sinabi ni Amay na ma-eextend ako rito. 

Kapag nakalabas ako mag-uusap tayo, Yohann. Naiinis na ako alam mo ba iyon? 

Tumingala ako at suminghap. Tuyo na rin ang mga luhang iniyak ko kanina. Para akong nakalutang sa ere habang naglalakad sa mahabang hallway hanggang sa matigilan dahil sa lalaking naka-wheelchair sa aking harapan. 

May suot siyang arm sling sa kaliwang braso. Nakabandage ang ulo at may mga pasa sa mukha. Seryoso ang paninitig niya sa akin kaya naningkit ang aking mata hanggang sa mapamilyaran ang mukha niya. 

Naghintay akong magsalita siya pero walang nangyari. Baka siguro nakaharang lang ako sa daraanan niya kaya siya tumigil at nagalit. Napalunok ako

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status