Tainted. That was mean. But Elaine did not want to argue with Tan. Ano man at paano man nangyari ang kasal, asawa na uli niya ito. Dahil unang araw bilang mag-asawa, the last thing she wanted to do was to fight with him.
Kung naghihintay si Tan na guguhit ang sakit at disappointment sa mga mata niya, kailangan niya itong biguin. It was a happy and special day for her, regardless kung paano nairaos ang kasal.
“I’ll be all right wherever then. It does not matter,” nakangiting sabi niya.
Tan’s jaw jerked na parang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
“Ahm, are you staying for breakfast?” tanong niya. “How about dinner tonight?” dagdag niya nang hindi nito sinagot ang unang tanong. “Puwede akong pumunta sa ospital para sunduin ka or mag-meet tayo sa malapit na restaurant kapag libre ka na,” habol niya nang tumalima ito papunta sa pinto.
He stopped on his tracks. “For what?” tanong nito, nilingon siya.
Natigilan siya. “Celebration…”
Tan’s smile was smug. “You gotta be kidding me,” he said before walking towards the door, leaving her.
Naupo si Elaine sa sofa nang mamatay ang motion sensor at marinig niya ang pag-click ng na-lock na pinto.
Iniikot niya ang paningin sa mga kalat sa paligid. Her smile was bitter. Hindi niya alam na capable si Tan na manakit ng damdamin. Nasosorpresa siya, consistent ang lalaki mula nang magkita sila uli.
Sinadya nito ang lahat. Pinlano ang kasal bago pa man magsabog ng liwanag ang haring araw. Alam nito na wasted siya kagabi. Alam nito na maaabutang makalat ang unit. Alam nito kung ano ang hitsura niya sa umaga. Kung ano ang posibleng suot niya.
Tan once said she looked prettiest in the morning. She did not believe him. But she wished she was. She wanted to look good in their wedding photo, iyong una kasi ay wala na siyang kopyang naitago. Malamang din na nasunog na ni Tan ang mga litrato nila. Kahit ang social media accounts nito, walang laman kahit isang stolen shot niya.
Malamang sa malamang din, mukha siyang bangad na kurimaw sa bago nilang wedding photo. But nonetheless, gusto niyang makita iyon at i-save sa kanyang gallery.
Idinayal niya ang number ni Atty. Ramas. Nang matapos ang tawag, wala pang dalawang minuto, tumunog na ang Messenger niya. Excited, mabilis na binuksan niya ang chat box.
Sa halip na mga bulaklak, kalat at bote ng beer ang nagsilbing foreground at background ng litrato. Mapait siyang napangiti. Hanggang sa natuon ang tingin niya sa mukha nila ni Tan…
Nakangiti siya. At may tipid na ngiti rin sa mga labi ni Tan. Nakahawak ang isang braso nito sa kanyang baywang. Tawagin na siyang assuming but for her, Tan looked like he was holding her like he was telling the world she was his. Again.
Marami na siyang article na nabasa tungkol sa second marriages. Ayon doon, second marriages more likely to fail. But remarrying the same spouse tells a different story. Doon siya sa huli kakapit.
A smile of joy lit up Elaine’s face. Parang si Son Goku na nakaapak sa ulap, isa-isa niyang dinampot ang mga nakatumbang bote sa living room at nag-umpisang magligpit ng kalat.
Bumagsak ang pangani Drew. “Ikinasal kayo nang gano’n lang?” hindi makapaniwalang sabi nito. “Ni walang palitan ng wedding vows?”
Tinusok ni Elaine ang steamed broccoli sa kanyang plato at mabilis iyong isinubo. Nasa isang vegetarian restaurant sila ni Drew. Katatapos lang ng gym session niya kasama ang kaibigan. Twice a week ay bumibisita siya sa lugar para magpalipas ng oras. Masyadong competent si Anne na wala na siya halos ginagawa sa boutique.
“Wala nga akong mumog, wedding vow pa kaya?”
Tumahimik saglit si Drew. Tiningnan siya.
“Ano?”
“Parang kinakabahan ako, Elaine.”
“Saan?”
“Ewan ko. Simula nang sabihin mo sa ‘kin ang tungkol sa kasal-kasal na ‘yan, hindi na ‘ko mapakali. Paano kung gantihan ka ni Tan? Pahirapan?”
Nag-iwas siya ng tingin. She wanted to say “Same thoughts,” pero ayaw niyang mas mag-alala pa si Drew. Bukod pa sa worried siya na baka makarating iyon kay Mang Chito.
“May isang taon din kaming nagsama sa iisang bubong, kilala ko ang asawa ko,” sabi niya, tumusok uli ng gulay.
“Ire-remind lang kita, hija. Iba na ang sitwasyon ngayon. Iyong unang pagsasama n’yo, mahal na mahal ka ni Tan, saksi kami doon. Itong pangalawa, kahit hindi mo aminin, alam kong hindi ka pa niya napapatawad.”
Elaine smiled. “Huwag kang mag-alala. I got this.”
“May expiration ang kasal n’yo, uy. Paano kung natapos na ang six months at wala pa rin siyang nararamdaman para sa ‘yo?”
“Sabi sa librong nabasa ko, hindi agad-agad nawawala ang pagmamahal. He probably just forgot he’s madly in love with me. Ipapaalala ko lang.”
Napailing si Drew.
Nag-umpisa na siyang ganahang kumain nang mapansing nakatitig sa kanya ang kaibigan. “Bakit na naman?”
“Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo? Kung mahal ka niya, maiintindihan niya.”
Nabitin sa ere ang hawak niyang kutsara. Then she pouted her lips. “Sabi ko, I got this. Lumalamig ang pagkain, Ma’am Charo. Kumain ka muna bago ka magbigay ng payo.”
Itinuon ni Elaine ang tingin at buong atensiyon sa pagkain habang panay ang sulyap at iling ni Drew. Sinadya niyang ipaskil ang maaliwalas na awra para kahit paano ay maitago sa kaibigan ang sariling pag-aalala.
She believed it was not the right time. Dahil sa estado niya ngayon, buong pagkatao niya ang pumipigil sa kanya na aminin kay Tan ang totoo.
“Saan tayo mamayang gabi? Susunduin mo ba ‘ko o pupuntahan kita sa condo?” tanong ni Drew nang iparada niya ang kotse sa harap ng Baclaran Church.
“Magtrabaho ka, huwag kang ano. May date ako.”
“Oo nga pala. Walang wedding vows at kiss, grabe naman kung pati honeymoon, wala rin. Ikuwento mo sa ‘kin bukas kung ilang minuto ang itinagal at kung nakailan kayo sa buong magdamag,” humahagikgik nitong sabi.
Nakitawa siya. “Landi.” Iniabot niya kay Drew ang takeout niyang pagkain para kina Mang Chito at Macon. “Saka na ako bibisita.”
“Sige. Ingat ka. Tawagan mo ‘ko ‘pag may problema.”
Kasabay ng pagbaba ni Drew ang pagkabura ng maluwang na ngiti sa mga labi ni Elaine. Napatitig siya sa kaliwang kamay na nakahawak sa steering wheel.
Kanina lang niya na-realize, bukod sa wedding vows at kiss, hindi rin pala siya binilhan ni Tan ng singsing. Kinailangan pa niyang iiwas at itago sa ilalim ng mesa ang kamay para hindi iyon mapansin ng kaibigan.
Mula sa Baclaran, dumeretso si Elaine sa The Palace Mall. Bago mag-alas-sais ng gabi ay nasa Ainsdale na siya. Ipinatong niya sa counter ang dalang takeout. Busy ang staff sa pag-a-arrange ng display sa rack.
May dalawang customer sa loob ng boutique. May kasalukuyang ina-assist si Anne. Ikinabit niya ang nametag, saka lumapit sa isa pang customer na sinu-survey ng mga mata ang naka-display na dresses.
“How may I help you, Sir?”
Nag-angat ng tingin sa kanya ang lalaki. Ngumiti.
Muntik nang bumagsak ang panga ni Elaine. Ang pulis sa red sports car. Marco Figueroa ang pangalan nito kung tama ang tanda niya. Ano naman kaya ang ginagawa nito roon?
Umasim ang mukha ni Elaine. Padaskol niyang inayos ang nakahilerang hanger ng mga damit sa clothes rack.
“Para sa misis mo, Sir?” she asked sa tonong napipilitan pa.
“Walang bibili sa ‘yo kung ganyan ka mag-alok ng paninda mo.”
Umirap siya. Naiinis siya rito, hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil masyado nitong pinahaba ang diskusyon tungkol sa violation niya noong nakaraan.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito?” Hindi naman kasi ito mukhang nabigla nang makita siya.
“Ako ang biktima pero parang ako pa ang tinatratong may kasalanan.”
Itinirik niya ang mga mata. “Bibili ka ba o hindi?”
Sinusundan kaya siya nito? Kung may plano itong huthutan siya ng pera, wala itong mahihita sa kanya.
“Bibili.”
“Para sa asawa mo? Anong size?”
“Mukha ba ‘kong may asawa na?”
Mabilis niya itong pinasadahan ng tingin. Ngumisi. “Mukhang nakakadalawa ka na.”
Amused na tumawa ang lalaki. Tiningnan niya ito nang masama. Guwapo. Mabango, mukhang mayaman pero iboboto pa rin niya ng dalawang doble si Tan.
“Bigyan mo ‘ko nito, nito, at nito. Base sa size mo,” natatawa pa ring sabi nito.
Nagdududang tinitigan niya ito. “Are you trying to hit on me? I’m sorry to disappoint you, I’m—”
“Who’s the owner?” tanong agad ng aristokratang matandang babae na humahakbang papasok sa loob ng boutique.
Mabilis na lumakad si Elaine palapit para personal na asikasuhin ang kadarating lang na customer.
“Hey!” protesta ng pulis na walang pakundangan niyang iniwan.
Nilingon niya ang lalaki, pinandilatan. “Owner daw!” she murmured, saka itinuloy ang paghakbang papunta sa bagong dating.
Napansin agad ni Elaine ang LV handbag at Oscar De la Renta nitong outfit hindi pa man tuluyang nakakalapit.
“Ikaw si Elaine Martinez?”
“Elaine Martinez-De Marco, Ma’am,” matamis ang ngiting sagot niya.
The woman scuffed bago umigkas ang kamay at pinadapo ang palad sa makinis niyang mukha.
Bumuway si Elaine. Natulig siya sa lakas ng sampal nito. She wanted to touch her face para kahit paano ay mawala ang sakit. Pero kagaya noon, ipinako na siya sa pagkakatayo.
“You shameless, thick-faced, scheming bitch! Kung akala mo magiging masaya ka sa ginawa mo sa anak ko, nagkakamali ka. Sisiguruhin ko na sisingilin ka ng karma!” sabi nito sa gigil pero pigil ang lakas na boses.
Kumapit si Elaine sa rack sa kanyang kaliwa o bibigay ang mga tuhod niya. Her heart started to pound violently.
Umiikot ang paningin niya. Ang daming mga boses na pumapasok sa utak niya. Sunod-sunod. Mga galit na boses, nagbabanta, nagmumura, tumatawa…
No! Stop! Stop! She was panicking. Higit-higit niya ang hininga. Gusto niyang abutin ang gamot sa bulsa ng suot na coat pero natatakot siya. Natatakot siya. Baka kapag kumilos siya, lalo siyang saktan ng mga tao sa paligid.
Thankfully, mabilis na nakalapit si Marco. Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang braso, inaalalayan siya. At last, nagawa niyang magbuga ng hiningang pigil-pigil pala niya.
May binanggit si Marco tungkol sa assault at batas na halos hindi na niya maintindihan. Bagaman hindi mukhang natigatig, tumalikod ang matandang babae matapos siyang iwan ng masamang tingin.
Nakaalis ito nang hindi man lang nalalaman ni Elaine kung sino at kung para saan ang sampal nito. Wala siya sa huwisyo at lakas ng loob para magtanong.
“Elaine…” nag-aalalang tawag ni Anne na hindi niya alam kung kailan pa nakalapit.
It was her second bottle. Binuksan ni Elaine ang lid ng canned beer bago iyon dinala sa kanyang bibig. Pagkatapos ng insidente sa Ainsdale, pinauwi na siya ni Anne para makapagpahinga.
She wanted to stay as long as her employees do. Mag-assist ng customers, ngumiti, makitawa na parang walang nangyari. Pero hindi niya kayang harapin si Marco. Tinubuan siya ng hiya sa pulis bigla. Bakit kasi kailangan pa nitong masaksihan ang eksena?
Alas-sais na ng gabi nang makarating si Elaine sa unit. Dumaan siya sa isang sikat na bakeshop para bumili ng cake sa pag-asang darating si Tan. Ilang beses siyang sumubok na tawagan ito pero kinakansela lang nito ang tawag.
Lalong nalungkot si Elaine. Kanina pa niya nalaman kung sino ang matandang babaeng sumugod sa kanya ng sampal. Corazon Crisostomo ang pangalan nito, ang mommy ni Janine.
She was in her mid-fifties. Napahiya siya sa ilang customers at sinaktan siya nito. Gayunman, hindi niya magawang magalit.
Naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito. Truth was, naiinggit siya kay Janine. May nanay ito na nakahandang gawin ang lahat maiganti lang ang anak. Ni hindi nito naisip ang sariling kapakanan. She was old at beinte-sais anyos lang ang sinugod nito.
Napangiti si Elaine nang mapait. Bakit ba ang perpekto ng buhay ng ibang tao habang siya, parang tinalikuran ng mundo? Bago pa siya maluha ay dinampot na niya ang lata ng alak at tumungga.
Sinapo niya ang pisnging mainit pa rin. Pakiramdam niya ay namamaga iyon. Sa lakas ng sampal ni Mrs. Crisostomo, bumakat ang palad nito sa kanyang balat. Dinala niya ang malamig na lata sa pisngi. Ilang sandaling idinikit iyon doon bago inubos ang laman sa ilang lagok.
Narinig niyang tumunog ang doorbell. Sinulyapan niya ang oras sa wall clock. Quarter to nine. It could not be Tan. Dati ay mag-uumaga na itong umuwi galing sa ospital. Minsan ay inaabot pa nang ilang araw bago niya makita.
Mabigat ang katawan na tumayo si Elaine mula sa pagkakasalampak sa carpeted floor, saka lumakad papunta sa pinto para pagbuksan ang nasa labas.
Nang bumungad sa harap niya si Tan, hindi niya alam kung paano pipigilan ang sarili na sugurin ng yakap ang lalaki.
“I need you to sign some papers,” sabi nito sa business-like na tono.
“O-okay,” tango niya.
It did not matter. Ang importante, nandoon ito. His mere presence was enough to calm her every nerves.
“Tuloy ka.” Akmang tatalikod na siya nang hulihin nito ang braso niya.
Napatalima si Elaine. Napatitig siya kay Tan. Nakakunot ang noo nito. Kumabog ang dibdib niya. May mahihinang kuryenteng tumutulay galing sa mainit nitong palad papunta sa kanyang dibdib.
“What happened to your face?” tanong nito.
Kumurap siya. Natauhan. Akmang tatakpan niya ang pisngi pero maagap na siyang napigilan ni Tan.
Nanigas si Elaine nang hawiin nito ang buhok niya para i-check ang kanyang mukha. Nakatitig siya sa lalaki…
Nangyari na ito noon. Ilang ulit. She felt sentimental. Nag-umpisang magtubig ang kanyang mga mata. Kagaya noon, gusto niyang magsumbong kay Tan pero saglit lang, narinig na niya ang buntong-hininga ng asawa bago disappointed na pinakawalan siya.
“Aren’t you too old for a thug, Elaine?”
One and a half year laterKakaligo lang ni Tan, bagaman nakabihis na ng pantulog, nakapatong pa sa ulo niya ang tuwalyang ginamit na pantuyo sa kanyang buhok nang lumabas siya ng banyo. Tinapunan niya ng sulyap ang orasan. Alas-otso ng gabi. He went home on time as usual. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Elaine sa kambal nina Sean and Thera kanina. They ate dinner together kasama ang mag-asawa.Matapos kumain, nag-umpisang mag tantrums si Jassy Mikaela pero agad nanahimik nang kargahin at aliwin ni Elaine. They decided to bring her to their room habang si Lucah Gabrielle ay sa guest room dinala nina Thera at Sean para patulugin. It was the second time Sean’s family visited them at magpapaumaga doon.May importanteng meeting si Sean at hindi nito gustong iwan ang mag-anak sa villa. Hanggang ngayon, binabawi pa rin ng dalawa ang mga panahong nasayang na hindi magkasama. Tan was genuinely happy for them.
Two HeartsNilinga ni Tan si Elaine na humihingal na itinukod ang kamay sa katawan ng nakatayong puno na nalampasan niya kanina. Ngumiti siya nang mapasulyap ito sa kanya. Kumaway ito at sinenyasan siyang mauna na. Pero sa halip na sundin ang utos ni Elaine, binalikan niya ito. Kinuha niya sa side pocket ng bag niya ang baon na insulated water bottle, binuksan iyon at iniabot dito. Kinuha niya ang backpack sa likod nito. Gustong magprotesta ni Elaine pero wala itong lakas na gawin iyon. Alam niyang hindi iyon mabigat dahil siniguro niyang first aid kit, one hundred ml mineral water at ilang crackers lang ang laman ng bag bago sila mag-umpisang umakyat kanina.Tan hired a guide and porter to carry their bags and tents for them. Maraming dala si Elaine. Mula sa ready-to-eat food hanggang sa mga gagamitin sa pagtulog. Habang siya, survival kit at first aid kit lang ang dala bukod sa damit na sakto lang sa dalaw
Handcuffed(Continuation of Chapter Thirty-three)Hindi hinihiwalayan ng tingin ni Tan si Marco mula nang lumapit ito sa bar counter para um-order ng alak at kahit hanggang noong lumapit ito sa pandalawahang mesa na inookupa niya. Bumuntong-hininga siya nang mag-umpisa na ang pulis na magsalin ng alak sa dalawang basong isinilbi ng waiter slash bartender kanina.Gusto niyang tanggihan ang alok ng lalaki na sumakay sa kotse nito pero bukod sa naiwan niya ang sasakyan sa mansiyon ng mga Crisostomo nang damputin siya ng mga pulis kanina, gusto rin niyang marinig direkta sa bibig ng pulis kung ano ang totoong intensiyon nito sa pakikipaglapit sa kanyang asawa.Nasa The Hub sila, si Marco ang pumili ng lugar na pinagtakhan niya. Pandalawahan at nasa sulok ang mesang inokupa nilanang makapasok. It was Tuesday at halos walang tao sa loob ng bar.“I’m treating you
Ramdam ni Elaine ang bahagyang paninikip ng dibdib habang magkahinang pa rin ang mga mata nila ni Marco. She didn’t want to lose a friend pero ayaw niyang paulit-ulit itong masaktan dahil sa kanya. Ang pag-aalala at takot na nahimigan niya sa boses nito kanina, alam niyang hindi pag-aalala ng isang lalaki sa isang kaibigan lang. Hindi siya tanga para hindi iyon maramdaman. At hindi siya selfish para patuloy itong paasahin at saktan. Marco was a good person. He deserved someone who would love him wholeheartedly.Elaine swallowed the imaginary lump in her throat nang bahagyang ngumiti at tuluyang magbuka ng bibig si Marco.“Kapag nakikita kitang malungkot, kapag alam kong mabigat ang dala-dala mo, kapag umiiyak at nasasaktan ka pero pilit mong itinatago… Kapag tumatawa ka at alam kong hindi iyon totoo kundi pakitang tao lang… iyon ‘yong mga pagkakataong gustong-gusto kong agawin ka sa asawa mo. Pero sa bawat mga pagkakataong iyon, para ako
But the broken smile started to change into a mischievous grin. Kasabay ng sinadyang pagtigas ng ekspresyon sa mukha, dumukwang nang bahagya si Elaine para pagpantayin ang mukha nila ni Mrs. Crisostomo.“Bakit ho hindi? Kung sasamahan at bibisitahin ninyo ako araw-araw uli?” anas niya, sa mahinang boses pero alam niyang sapat para marinig nito.Suminghap si Mrs. Crisostomo. She went literally still na pakiramdam niya, iingit ang leeg nito kung babaling sa kanya.Tumuwid si Elaine sa pagkakatayo. Guilt crept into her heart nang makita ang bahagya nitong panginginig. But Mrs. Crisostomo needed to taste a doze of her own medicine.Mental health problem was not a character failure kagaya ng gusto nitong ipahiwatig. Sandra kept telling her that at ilang beses din niya iyong sinubukang ipasok sa isip. She was glad she was able to voice it out now, hindi kagaya dati na takot siyang aminin ang sakit kahit sa sarili.Perhaps she was a little dif
Nagising si Elaine dahil sa tumatagos na sinag ng araw sa kuwarto ni Tan. Namilog ang mga mata niya nang ma-realize kung anong oras na. It was past nine in the morning, said the clock that was hanging on Tan’s bedroom wall.Ang orihinal na plano ay maaga siyang gigising para ipaghanda si Tan ng almusal. Pero ang akmang pagbangon, nahinto nang maramdaman ang malaking kamay ni Tan na nakayapos hanggang sa kanyang balikat.Tiningala niya si Tan na natutulog pa rin. She took few deep breaths to calm the beating of her heart. This was her favorite sleeping position. Nakaunan siya sa dibdib ni Tan at malinaw na naririnig ang tibok ng puso nito.Sa loob ng mahabang panahon, kagabi lang uli siya totoong nakaramdam ng kapayapaan, ng seguridad, ng pagmamahal. She fell asleep fast and slept easy on his arms. Pagkatapos ng mga bangungot na dumaan at sumubok nang husto sa buhay nila ni Tan, pakiramdam niya ay kagabi lang siya nagising nang tuluyan.Maingat, kuma