Partager

Kabanata 18

Auteur: Belle Ame
last update Date de publication: 2025-11-19 23:30:37

"Siya? Tss." pagak na ngumisi si Aina sa tinuran ni Fayra. "'Wag ka ngang masyadong mabait, Fayra. Madali ka nilang aabusuhin kapag ganyan!" taos-pusong payo ni Aina sa kaibigan.

"Naging matalino lang talaga ngayon si Cailyn. Maraming tao ang nakakita na nahulog ang bata sa tubig. Tumawag na rin naman ang lahat ng ambulansya at pare-parehong naghintay ng pulis. Siya lang ang tanging nagpakitang-gilas at sumugod sa ilog na 'yon. Paano na lang kung ay mangyari dahil sa lakas ng agos ng tubig do'n
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 106

    Nawawalan na ng mukha si Fayra. Idagdag pa ang nangyari kay Aina, tuluyan na niyang binitiwan ang dati niyang pa-sweet at maarte na style.Mabilis siyang humakbang para humarang sa harap ni Cailyn.“Teka nga. Paano mo naman nalaman na babae si S? Nakita mo na ba siya in person?”Sobrang taas ng tingin sa sarili ng genius designer na iyon. Maraming tao sa high society ng Manila ang nahuhumaling sa mga produkto ng Seven. Maging ang mga babaeng kabilang sa pinakamayayamang pamilya ay loyal fans ni S. Gustong-gusto nilang imbitahan ito at tratuhin bilang isang honored guest, pero lahat sila ay tinanggihan ni Leana Stephens.Hanggang ngayon nga ay. wala pang nagtatagumpay na maimbitahan ang designer na iyon para makasabay sa dinner.Ordinaryong lugar lang naman ang pinanggalingan ni Cailyn, sa Iloilo. At kung tutuusin ay ang lolo lang naman nito ang may kaunting koneksyon dahil matagal itong naging teacher noon.Iyon lang.Hindi man lang maikukumpara ang ganoong background kahit sa isang

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 105

    “Fayra, tatanungin ko pa lang sana, galing ba sa Seven 'yang dress ba 'yan?” tanong ng isang babaeng kaklase na nakatayo malapit kay Fayra. Halatang inggit na inggit ito habang tinitingnan ang suot niyang bestida.Mahiyain namang yumuko si Fayra. Bahagya siyang namula bago mahina ang boses na sumagot, “Oo. Weird ba tingnan kapag suot ko?”“Ha? Paano magiging weird? Ang ganda-ganda mo nga sa dress na 'yan, oh! Sa tingin ko nga, ikaw lang yata sa buong school ang kayang magdala ng mga designs ng Seven.”Halatang fan na fan talaga ng Seven ang babaeng iyon. Alam na alam niya kasi ang tungkol sa brand ng Seven.“Ang gaganda kasi ng designs nila. Sobrang stylish, lalo na ang mga gawa ng head designer nilang si S. Hindi kasi talaga lahat kayang magdala ng mga designs niya.”“Oo nga. Gustong-gusto ko talaga ang designs ni S. Plano ko nga sanang mag-aral ng design sa college, at sana balang araw ay makita ko siya in person. Hanggang ngayon kasi, walang nakakaalam kung lalaki ba o babae si S,

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 104

    Mas mahusay pa pala talaga magluto ang isang Jace Verrell Figueroa kaysa sa inaasahan ni Cailyn.Mabango at malinamnam ang sabaw ng hot pot, may kakaibang sarap iyon na dulot ng mantika at mga pampalasa n anakahalo roon. Ang mga sili ay ginisa ng husto hanggang sa lumabas ang bango nito, at saka hinaluan ng mga pampalasang nagbibigay ng bahagyang pamamanhid sa dila. Sa ibabaw ng sabaw ay lumulutang ang matingkad na kulay pulang mantika na lalo pang nagpaigting sa itsura niyon. Sa unang tingin pa lang ay halata ng hindi basta-basta ang kung sinumang nagluto niyon.Tinikman ni Cailyn ang sabaw at napatunayan niyang tama nga ang hinala niya. Saktong-sakto ang timpla niyon, malinamnam ang sabaw at bagay na bagay talaga ang anghang sa malutong na laman ng tripe.Naglagay pa siya ng hiniwang baka at karagdagang na tripe na nasa kaldero. Dire-diretso lang ang pagkain niya, walang pakialam kung pinagpapawisan na siya ng husto dahil sa sobrang anghang ng pagkain.Sa wakas, nakatikim din siya n

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 103

    Hindi naman mapili sa pagkain si Cailyn. “Kahit ano, okay lang sa akin.” mahinang dagot ni Cailyn habang nakayuko ng bahagya. “Kahit ano? Hay nako, mas mahirap tuloy pumili niyan.” Isinuksok ni Kian ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. Gwapo naman ang mukha nito ngunit sadyang nakakainis tingnan kapag nang-aasar. Ang dating kulay-lilang highlights sa buhok ng binata ay pinalitan na ng matingkad na kulay pula, na para bang nag-aapoy na balahibo ng ibon. Bagay na bagay sa magulo, malaya, at walang pakialam nitong personalidad.Bumaling si Kian kay Jace.“Ikaw, Jace? Ano’ng gusto mong kainin?” tanong nito. Tumingin si Jace kay Cailyn. Nakasuot ang dalaga ng hoodie, simple pero kapansin-pansin pa rin ang dating. “Mag-hot pot na lang siguro tayo.” mababa at kalmadong sabi ni Jace, malalim ang tingin. Naalala kasi niya iyong huling pagkakataon na pinapili niya si Cailyn kung ano ang gusto nitong kainin. Isang pagkain na may sabaw at may mga sangkap na parang hot pot an

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 102

    Si Jace Verrell Figueroa yung tipo ng tao na hindi basta-basta nagkakagusto sa kung sino lang, lalo na pagdating sa mga relasyon. Sa tagal ng pagkakakilala ni Kian sa kanya, ni minsan nga ay hindi pa niya nakitang may babaeng talagang nagustuhan si Jace.Kaya noong biglang may ipinagawang trabaho sa kanya ang kompanya at kinailangan niyang umalis pansamantala ay wala naman siyang masyadong inisip pa at agad na sumunod sa utos. Umalis lang siya agad at saka tinapos lahat ng dapat niyang gawin doon.Pero bakit parang nag-iba ang lahat pagbalik niya?!Mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda sa pamilya Figueroa ay tila iba na ang pakikitungo ng lahat kay Cailyn.“Jace, eighteen pa lang si Cailyn, ah! Mag-eentrance exam pa siya para makapasok sa college! Dapat tumigil-tigil ka muna ngayon!”Bahagyang ibinaba ni Jace ang kanyang mga mata at tiningnan ang pilak na bracelet sa sariling pulsuhan niya. Hindi maikakailang napakaganda nito. Bahagyang umangat ang manipis na labi ng binata, d

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 101

    Parehong nakatanggap ng regalo mula kay Cailyn ang dalawang miyembro ng pamilyang Figueroa. Ang nakatatanda ay nakatanggap agad ng regalo, samantalang ang nakababata naman ay napangakuang bibilhan siya ng ate niya sa susunod.Samantalanh ang trato sa sarili nitong miyembro ng pamilya na si Kian ay kapantay na lang pala ng kay Adriane!Paano naman nito kayang tiisin iyon, hindi ba?!“Ano ka ba, syempre gano’n din sa’yo. Sa susunod na may makita akong bagay na babagay sa’yo ay bibilhan din kita.” ani Cailyn. Hindi naman kasi madamot si Cailyn pagdating sa mga materyal na bagay. Kaya ngayong humingi na rin si Kian ay mapagbigay na lang siyang pumayag. Sa totoo lang ay hindi naman pangit si Kian. Sa katunayan nga ay pakiramdam ni Cailyn na parang nakita na niya sa kung saan ang mukha nito. Hindi lang talaga niya matandaan kung saang lugar iyon.Bahagyang kumunot ang noo ni Cailyn habang pilit na inaalala. Pero nang wala pa rin talaga siyang maalala ah nagpasya na lang siyang huwag nang p

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 11

    Hindi na itinuloy ni Nikko ang napag-uasapan nina Cailyn kanina nang makita niyang nakuha na ng dalaga ang mga gamot nito."Subukan mong inumin ang mga gamot na 'yan ng paunti-unti na lang. Uminom ka ng isang piraso kung hindi ka makatulog sa gabi, pero hangga't hindi naman kailangan ay 'wag ka na

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 8

    HINDI NAIWASANG humalakhak ng lolo ni Cailyn. "Haha! Hindi naman na importante ang itsura ng bata." saad nito.Hindi na naitago pa ng matanda ang sariling pride kahit na sinabi niya pa ang mga katagang iyon. "Cailyn, apo, siya si Monette Villanueva." pakilala ng matanda sa kausap kay Cailyn.Bahag

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 7

    HINATID NINA Priscilla at Harvey sina Monette at ang anak nito palabas ng pavillion kasama ang mga Salazar, sumunod din sa kanila si Fayra.Napansin ni Aiden ang namumutlang mukha at wala sa sariling pag-kilos ni Fayra matapos nilang iwan ang kanilang lamesa. "May problema ba?" magaang tanong ni A

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 6

    "Cailyn, siya ang iyong tunay na ama, si Archer Quintana. Isa na siyang guro ngayon." pakilala ng matanda kay Cailyn. Umangat ang kilay ni Jace at saka sumandal sa pader habang pinapanuod ang matandang ipinapakilala kay Cailyn ang lahat ng naroon. "Isa siyang propesor sa UP Diliman," kaswal na pa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status