Compartir

Kabanata 20

Autor: Belle Ame
last update Fecha de publicación: 2025-11-22 21:34:23

"Na-irekomenda naman na siya sa People's Art Theater 'di ba? Kaya hindi na mahalaga pa ang magiging grado niya sa entrance exam. Napakaganda kaya ng accommodations sa De Lasalle, sakto 'yon sa kanya. Kung gusto niyang umalis, e 'di hayaan mo. Dahil ako.... hindi ko kailangan ng concern mo!" ani Cailyn, isinasantabi ang galit na ipinapakita sa kaniya ng dating ama.

Patuloy na nag-ingay ang telepono ni Cailyn dahil sa tawag.

"May gagawin pa ako. Kung tapos ka na ay aalis na ako." aniya habang h
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 102

    Si Jace Verrell Figueroa yung tipo ng tao na hindi basta-basta nagkakagusto sa kung sino lang, lalo na pagdating sa mga relasyon. Sa tagal ng pagkakakilala ni Kian sa kanya, ni minsan nga ay hindi pa niya nakitang may babaeng talagang nagustuhan si Jace.Kaya noong biglang may ipinagawang trabaho sa kanya ang kompanya at kinailangan niyang umalis pansamantala ay wala naman siyang masyadong inisip pa at agad na sumunod sa utos. Umalis lang siya agad at saka tinapos lahat ng dapat niyang gawin doon.Pero bakit parang nag-iba ang lahat pagbalik niya?!Mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda sa pamilya Figueroa ay tila iba na ang pakikitungo ng lahat kay Cailyn.“Jace, eighteen pa lang si Cailyn, ah! Mag-eentrance exam pa siya para makapasok sa college! Dapat tumigil-tigil ka muna ngayon!”Bahagyang ibinaba ni Jace ang kanyang mga mata at tiningnan ang pilak na bracelet sa sariling pulsuhan niya. Hindi maikakailang napakaganda nito. Bahagyang umangat ang manipis na labi ng binata, d

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 101

    Parehong nakatanggap ng regalo mula kay Cailyn ang dalawang miyembro ng pamilyang Figueroa. Ang nakatatanda ay nakatanggap agad ng regalo, samantalang ang nakababata naman ay napangakuang bibilhan siya ng ate niya sa susunod.Samantalanh ang trato sa sarili nitong miyembro ng pamilya na si Kian ay kapantay na lang pala ng kay Adriane!Paano naman nito kayang tiisin iyon, hindi ba?!“Ano ka ba, syempre gano’n din sa’yo. Sa susunod na may makita akong bagay na babagay sa’yo ay bibilhan din kita.” ani Cailyn. Hindi naman kasi madamot si Cailyn pagdating sa mga materyal na bagay. Kaya ngayong humingi na rin si Kian ay mapagbigay na lang siyang pumayag. Sa totoo lang ay hindi naman pangit si Kian. Sa katunayan nga ay pakiramdam ni Cailyn na parang nakita na niya sa kung saan ang mukha nito. Hindi lang talaga niya matandaan kung saang lugar iyon.Bahagyang kumunot ang noo ni Cailyn habang pilit na inaalala. Pero nang wala pa rin talaga siyang maalala ah nagpasya na lang siyang huwag nang p

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 100

    Ano na ba talaga ang namamagitan sa dalawang ’to?!Tila biglang may tumunog na mga alarm bell sa isip ni Kian. Agad itong sumugod para harangan si Cailyn, para itong isang magulang na desperadong pinoprotektahan ang pinakamamahal na anak mula sa isang lalaking gustong umagaw rito.“Jace Verell Figueroa, hindi mo pa nga nakikita nang maayos ang damit, e. Paano mo naman nasabing gusto mo na agad iyan? Paano kung hindi mo naman pala magustuhan?”Bahagyang nanliit ang mga mata ni Jace habang matalim itong nakatingin kay Kian.Bigla tuloy pinagpawisan nang malamig si Kian, pero hindi ito umatras ng kahit isang hakbang. Buo ang loob nitong sinalubong ang tingin ni Jace.“Pagdating sa mga damit, kailangan mo munang subukan bago mo malaman kung babagay ba sa’yo! Basta na lang naman bumili si Cailyn, e. Paano kung hindi namna pala maganda ang dating kapag sinuot mo na? Paano kung hindi rin tama ang size niyan, 'di ba?” ani Kian. "Malay mo, makahanap pa ako ng paraan para mapalitan ’yan!" dag

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 99

    Halata naman sa ekspresyon ni Jace na iba siya sa lahat. Hindi man nito sabihin nang direkta ay halos umaapaw na sa tuwa ang mga mata ng binata!“Paanong pare-pareho lang?! Itim ang bracelet namin ni Adriane, samantalang silver ang sa’yo! Magkaiba kaya ang kulay ng mga ’yan!”Bakit naman kasi?!Hindi napigilan ni Jace ang bahagyang pag-angat ng mga labi niya. Ibinaba niya ang tingin at hinaplos ang bracelet na nasa pulsuhan, halatang tuwang-tuwa ito sa sarili.“Baka naman kasi mas bagay sa inyo ang itim.” ani Jace. Hehe!“Bagay din naman sa akin ang silver, ah!” sagot ni Kian. “Talaga ba?” sagot ni Jace. Hindi man lang nito inalis ang tingin sa bracelet na suot niya. Halatang wala na sa usapan ang isip niya habang sumasagot nang walang gaanong interes.Lalong nakaramdam ng inggit si Kian. Hindi niya maiwasang sumama ang loob habang pinagmamasdan ang bracelet ni Jace.“Jace, paano kung magpalit na lang kaya tayo? Sa tingin ko kasi mas bagay sa’yo ang itim, e. Simple, elegante, tapos

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 98

    Wala na rin namang pakialam si Kian kung tunay ba o peke ang bracelet na ibinigay ni Cailyn. Masaya niya itong isinuot sa pulsuhan at saka kumuha ng ilang litrato gamit ang cellphone niya. Nagpadala siya ng tig-isang litrato sa lolo, tatay, at tiyuhin niya. Pagkatapos niyon ay nag-post din siya sa social media account niya.[Sa mundong puno ng paghihirap, ang baby ko lang ang munting White Rabbit na may tamis ng asukal.] iyan ang inilagay nitong caption na may kasama pang smiley face sa dulo. At kalakip ng post na iyon ang litrato ng bracelet na kakasuot lang niya.Isa siyang sikat na personalidad sa social media na may limampung milyong followers. Kaya naman kahit ilang sandali pa lang mula nang mag-post siya ay dagsa na agad ang mga fans niya. Sunod-sunod ang shares at likes sa bagong update niya.Ilang sandali lang ay nagsimula nang magkomento ang mga tagahanga tungkol sa litrato na ipinost ni Kian. "AAAAAHHHH! Hindi lang basta kamay ang kamay ni Kuya, parang iyan na ang pinakamal

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 97

    Pagkasabi ng mga katagang iyon ay nahihiyang hinawakan ni Ruan ang brooch na binili ni Cailyn para sa kanya.“A-ate, puwede mo po ba akong tulungan na isuot ’to? Hindi ko po kasi alam kung paano ito ikakabit, e.”"Sus, kalokohan!" bulong ni Kian sa isip niya.Matalino ang lahat ng miyembro ng mga Figueroa, at hindi eksepsiyon si Ruan doon. Bata pa lang ito ay kayang-kaya na nitong buuin at pagtagpi-tagpiin ang isang baril na pinaghiwa-hiwalay ang mga piyesa. Tapos ngayon ay sasabihin nitong hindi nito kayang magkabit ng napakaliit lang na brooch? Sinong niloloko ng batang ito?Ang problema nga lang, napaniwala talaga nito si Cailyn.Pinanood ni Kian ang bawat hakbang ng dalaga habang papalapit ito sa kama.“Sige. Alin ba sa dalawa ang gusto mong isuot muna?” mahinnag tanong ng dalaga. Ilang sentimetro na lang ang layo ng magandang mukha ni Cailyn sa bata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ruan. Namula ang mukha nito at halos pabulong na sumagot kay Cailyn habang iniabot ang kamay

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 30

    "Kung ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko , e 'di hindi ko rin puwedeng tanggapin ito." ani Nissy. Ayaw man niya ay maingat pa rin niyang inilapag ang bracelet sa mesa at itinulak pabalik kay Cailyn, kahit na halata namang gustong gusto niya iyon dahil hindi matanggal ang tingin niya rito.Tumaas

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 29

    PUMASOK SI Cailyn sa loob ng silid ng Class A, katabi lamang iyon ng silid ng Class B.Nanlaki naman ang mga mata ni Aina at nalaglag ang panga nang makita ang silid na pinasukan ni Cailyn."S-si Cailyn... s-siya ang tinutukoy sa forum? Pero paanong... p-paano naging ganon kataas ang grado niya sa

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 19

    Nakaalis na sina Fayra at ang iba pa nilang mga kasama bago pa magbago ang awra ng itsura ni Harvey. Hindi maipinta ang kaniyang itsura nang humakbang palapit sa kinaroroonan ni Cailyn."Cailyn," tawag niya sa dalaga.Mariing nakatingin si Cailyn sa brochure ng ospital. Kahit na common naman na ang

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 11

    Hindi na itinuloy ni Nikko ang napag-uasapan nina Cailyn kanina nang makita niyang nakuha na ng dalaga ang mga gamot nito."Subukan mong inumin ang mga gamot na 'yan ng paunti-unti na lang. Uminom ka ng isang piraso kung hindi ka makatulog sa gabi, pero hangga't hindi naman kailangan ay 'wag ka na

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status