เข้าสู่ระบบMas mahusay pa pala talaga magluto ang isang Jace Verrell Figueroa kaysa sa inaasahan ni Cailyn.Mabango at malinamnam ang sabaw ng hot pot, may kakaibang sarap iyon na dulot ng mantika at mga pampalasa n anakahalo roon. Ang mga sili ay ginisa ng husto hanggang sa lumabas ang bango nito, at saka hinaluan ng mga pampalasang nagbibigay ng bahagyang pamamanhid sa dila. Sa ibabaw ng sabaw ay lumulutang ang matingkad na kulay pulang mantika na lalo pang nagpaigting sa itsura niyon. Sa unang tingin pa lang ay halata ng hindi basta-basta ang kung sinumang nagluto niyon.Tinikman ni Cailyn ang sabaw at napatunayan niyang tama nga ang hinala niya. Saktong-sakto ang timpla niyon, malinamnam ang sabaw at bagay na bagay talaga ang anghang sa malutong na laman ng tripe.Naglagay pa siya ng hiniwang baka at karagdagang na tripe na nasa kaldero. Dire-diretso lang ang pagkain niya, walang pakialam kung pinagpapawisan na siya ng husto dahil sa sobrang anghang ng pagkain.Sa wakas, nakatikim din siya n
Hindi naman mapili sa pagkain si Cailyn. “Kahit ano, okay lang sa akin.” mahinang dagot ni Cailyn habang nakayuko ng bahagya. “Kahit ano? Hay nako, mas mahirap tuloy pumili niyan.” Isinuksok ni Kian ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. Gwapo naman ang mukha nito ngunit sadyang nakakainis tingnan kapag nang-aasar. Ang dating kulay-lilang highlights sa buhok ng binata ay pinalitan na ng matingkad na kulay pula, na para bang nag-aapoy na balahibo ng ibon. Bagay na bagay sa magulo, malaya, at walang pakialam nitong personalidad.Bumaling si Kian kay Jace.“Ikaw, Jace? Ano’ng gusto mong kainin?” tanong nito. Tumingin si Jace kay Cailyn. Nakasuot ang dalaga ng hoodie, simple pero kapansin-pansin pa rin ang dating. “Mag-hot pot na lang siguro tayo.” mababa at kalmadong sabi ni Jace, malalim ang tingin. Naalala kasi niya iyong huling pagkakataon na pinapili niya si Cailyn kung ano ang gusto nitong kainin. Isang pagkain na may sabaw at may mga sangkap na parang hot pot an
Si Jace Verrell Figueroa yung tipo ng tao na hindi basta-basta nagkakagusto sa kung sino lang, lalo na pagdating sa mga relasyon. Sa tagal ng pagkakakilala ni Kian sa kanya, ni minsan nga ay hindi pa niya nakitang may babaeng talagang nagustuhan si Jace.Kaya noong biglang may ipinagawang trabaho sa kanya ang kompanya at kinailangan niyang umalis pansamantala ay wala naman siyang masyadong inisip pa at agad na sumunod sa utos. Umalis lang siya agad at saka tinapos lahat ng dapat niyang gawin doon.Pero bakit parang nag-iba ang lahat pagbalik niya?!Mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda sa pamilya Figueroa ay tila iba na ang pakikitungo ng lahat kay Cailyn.“Jace, eighteen pa lang si Cailyn, ah! Mag-eentrance exam pa siya para makapasok sa college! Dapat tumigil-tigil ka muna ngayon!”Bahagyang ibinaba ni Jace ang kanyang mga mata at tiningnan ang pilak na bracelet sa sariling pulsuhan niya. Hindi maikakailang napakaganda nito. Bahagyang umangat ang manipis na labi ng binata, d
Parehong nakatanggap ng regalo mula kay Cailyn ang dalawang miyembro ng pamilyang Figueroa. Ang nakatatanda ay nakatanggap agad ng regalo, samantalang ang nakababata naman ay napangakuang bibilhan siya ng ate niya sa susunod.Samantalanh ang trato sa sarili nitong miyembro ng pamilya na si Kian ay kapantay na lang pala ng kay Adriane!Paano naman nito kayang tiisin iyon, hindi ba?!“Ano ka ba, syempre gano’n din sa’yo. Sa susunod na may makita akong bagay na babagay sa’yo ay bibilhan din kita.” ani Cailyn. Hindi naman kasi madamot si Cailyn pagdating sa mga materyal na bagay. Kaya ngayong humingi na rin si Kian ay mapagbigay na lang siyang pumayag. Sa totoo lang ay hindi naman pangit si Kian. Sa katunayan nga ay pakiramdam ni Cailyn na parang nakita na niya sa kung saan ang mukha nito. Hindi lang talaga niya matandaan kung saang lugar iyon.Bahagyang kumunot ang noo ni Cailyn habang pilit na inaalala. Pero nang wala pa rin talaga siyang maalala ah nagpasya na lang siyang huwag nang p
Ano na ba talaga ang namamagitan sa dalawang ’to?!Tila biglang may tumunog na mga alarm bell sa isip ni Kian. Agad itong sumugod para harangan si Cailyn, para itong isang magulang na desperadong pinoprotektahan ang pinakamamahal na anak mula sa isang lalaking gustong umagaw rito.“Jace Verell Figueroa, hindi mo pa nga nakikita nang maayos ang damit, e. Paano mo naman nasabing gusto mo na agad iyan? Paano kung hindi mo naman pala magustuhan?”Bahagyang nanliit ang mga mata ni Jace habang matalim itong nakatingin kay Kian.Bigla tuloy pinagpawisan nang malamig si Kian, pero hindi ito umatras ng kahit isang hakbang. Buo ang loob nitong sinalubong ang tingin ni Jace.“Pagdating sa mga damit, kailangan mo munang subukan bago mo malaman kung babagay ba sa’yo! Basta na lang naman bumili si Cailyn, e. Paano kung hindi namna pala maganda ang dating kapag sinuot mo na? Paano kung hindi rin tama ang size niyan, 'di ba?” ani Kian. "Malay mo, makahanap pa ako ng paraan para mapalitan ’yan!" dag
Halata naman sa ekspresyon ni Jace na iba siya sa lahat. Hindi man nito sabihin nang direkta ay halos umaapaw na sa tuwa ang mga mata ng binata!“Paanong pare-pareho lang?! Itim ang bracelet namin ni Adriane, samantalang silver ang sa’yo! Magkaiba kaya ang kulay ng mga ’yan!”Bakit naman kasi?!Hindi napigilan ni Jace ang bahagyang pag-angat ng mga labi niya. Ibinaba niya ang tingin at hinaplos ang bracelet na nasa pulsuhan, halatang tuwang-tuwa ito sa sarili.“Baka naman kasi mas bagay sa inyo ang itim.” ani Jace. Hehe!“Bagay din naman sa akin ang silver, ah!” sagot ni Kian. “Talaga ba?” sagot ni Jace. Hindi man lang nito inalis ang tingin sa bracelet na suot niya. Halatang wala na sa usapan ang isip niya habang sumasagot nang walang gaanong interes.Lalong nakaramdam ng inggit si Kian. Hindi niya maiwasang sumama ang loob habang pinagmamasdan ang bracelet ni Jace.“Jace, paano kung magpalit na lang kaya tayo? Sa tingin ko kasi mas bagay sa’yo ang itim, e. Simple, elegante, tapos
Nakaalis na sina Fayra at ang iba pa nilang mga kasama bago pa magbago ang awra ng itsura ni Harvey. Hindi maipinta ang kaniyang itsura nang humakbang palapit sa kinaroroonan ni Cailyn."Cailyn," tawag niya sa dalaga.Mariing nakatingin si Cailyn sa brochure ng ospital. Kahit na common naman na ang
Hindi na itinuloy ni Nikko ang napag-uasapan nina Cailyn kanina nang makita niyang nakuha na ng dalaga ang mga gamot nito."Subukan mong inumin ang mga gamot na 'yan ng paunti-unti na lang. Uminom ka ng isang piraso kung hindi ka makatulog sa gabi, pero hangga't hindi naman kailangan ay 'wag ka na
HINDI NAIWASANG humalakhak ng lolo ni Cailyn. "Haha! Hindi naman na importante ang itsura ng bata." saad nito.Hindi na naitago pa ng matanda ang sariling pride kahit na sinabi niya pa ang mga katagang iyon. "Cailyn, apo, siya si Monette Villanueva." pakilala ng matanda sa kausap kay Cailyn.Bahag
HINATID NINA Priscilla at Harvey sina Monette at ang anak nito palabas ng pavillion kasama ang mga Salazar, sumunod din sa kanila si Fayra.Napansin ni Aiden ang namumutlang mukha at wala sa sariling pag-kilos ni Fayra matapos nilang iwan ang kanilang lamesa. "May problema ba?" magaang tanong ni A







