Se connecterHINATID NINA Priscilla at Harvey sina Monette at ang anak nito palabas ng pavillion kasama ang mga Salazar, sumunod din sa kanila si Fayra.
Napansin ni Aiden ang namumutlang mukha at wala sa sariling pag-kilos ni Fayra matapos nilang iwan ang kanilang lamesa.
"May problema ba?" magaang tanong ni Aiden na katabi ni Fayra sa paglalakad.
Kinagat ni Fayra ang ibabang labi at saka umiling. "Wala naman, medyo masakit lang ang ulo ko." malambing niyang sagot ni Fayra habang nakatingin sa determinadong itsura ng nobyo.
Mula pa naman noong bata ay sakitin na si Fayra kaya hindi na iyon masyadong inisip pa ni Aiden. Nilingon niya ang mga matatanda habang sumusunod sa mga ito sa paglalakad palabas ng pavillion at nagpapalitan ng pagbati sa isa't isa.
"Gusto mo bang pumunta ng ospital?" ani Aiden.
Kaagad namang hinaklit ni Fayra ang braso ni Aiden, pinipigilan niya. Nagsisinungaling lang naman kasi ang dalaga at hindi naman talaga masama ang pakiramdam nito.
"Hindi na kailangan, Babe. Ganito naman na talaga ito dati pa. Sumikip lang talaga ang dibdib ko dahil sa tagal natin sa loob. Makalanghap lang siguro ako ng sariwang hangin sa labas ay baka umayos rin ng kaunti ang pakiramdam ko." malabong sabi ni Fayra.
Tinignan sni Aiden si Fayra nang mag halong pag-aalala. Marahan niyang hinaplos nag dibdib ni Fayra upang tulungan ang dalaga sa paghinga nito.
"Dapat sinabi mo na sa akin kanina pa kung hindi na maganda ang pakiramdam mo. Maiiintindihan naman iyon nina tita Monette panigurado." malambot ang boses na saad ni Aiden sa dalaga.
Biglang gumaan ang pakiramdam ni Fayra at nagbago ang kaniyang mood. Nahihiya at nanlalambing niyang niyugyog ang braso ni Aiden. Maya-maya pa ay tila may naalala siya at nagkunwaring nag-aalala habang hawak pa rin ang kamay ng nobyo.
"Siya nga pala, noong nakita natin ang kapatid ko kanina. Bakit kaya biglang nadito siya sa SR Pavillion? Naalala ko na sinabi ni Daddy na nasa Iloilo ang totoo niyang mga magulang. Isang eroplano lang naman ang bumabyahe sa isang araw galing dito sa Makati papuntang Iloilo, ah. Hindi kaya siya nakakuha ng ticket?" aniya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Aiden nang marinig ang tinuran ng dalaga. Lumingon siya sa lugar na pinanggalingan nila kung saan nila nakita si Cailyn ngunit tila wala namang pakialam roon si Aiden.
"Siguro." sagot niya.
"Sa katunayan nga ay nagkasagutan pa sila ni Lola kanina sa bahay bago siya tuluyang umalis, e. Binigyan pa siya ng pera ni Daddy pero hindi niya rin tinanggap. Tapos parang iniisip pa niya na kami ang nagpalayas sa kaniya! At tsaka 'yong tungkol sa ating dalawa... uhm... masyado ba akong sakim, babe? Dapat siguro ay hindi kita inagaw kay ate." nag-aalinlangang saad ni Fayra pagkatapos kagatin ang ibabang labi.
"Hindi ganoon iyon. Labas ka na roon!" ani Aiden. Nakita niya ang nangingilid na mga luha sa mga mata ni Fayra, kumirot ang kaniyang dibdib at agad na inalo ang dalaga. "Ikaw ang una kong minahal. Fayra... hindi siya papagitna sa ating dalawa."
Simula pa noong bata ay mahina at marupok na talaga si Fayra, at ang kaya niya lang gawin noon ay ang sumama kay Aiden. At bilang isang lalaki ay hindi naman niya kayang maging iresponsable.
Masyadong marupok si Fayra, hindi mapapanatag si Aiden ng walang alaga mula sa dalaga. At tanging paghingi lang ng tawad ang kaniyang maibibigay para kay Cailyn.
"Hmm," marahang tugon ni Fayra. Mas lalong gumaan ang kaniyang pakiramdam nang makita ang malamig na ekspresyon ni Aiden nang banggitin niya ang pangalan ni Cailyn, walang kahit anong emosyon roon.
Ngunit sa kaloob-looban ni Fayra ay iniisip niya pa rin ang rason kung bakit nagtungo si Cailyn sa Pavillion na kaniyang kinaroroonan.
Marahil ay gaya nga ng sinabi ng kaniyang Lola at ng iba pa nilang bisita, na isa lamang coincidence ang pagpunta roon ni Cailyn.
Tumuwid ng tayo si Fayra habang naglalaro ang ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi nagtagal ay bigla niyang nakita sa gilid ng kaniyang mga mata ang pag-galaw ng isang tao mula sa kabilang direksyon.
Cailyn?!
Suot pa rin ni Cailyn ang damit na suot nito kanina bago umalis ng villa. Isang T-shirt na panloob, stripe shirt naman ang sa labas at isang light blue na maong na shorts, ipinapakita ang mahahaba, diretso at makinis na mga biniti ni Cailyn.
Kapansin-pansin din ang mukha nito. Iyong mga mata niya, na walang bahid ng anumang kolorete, ay itim na itim na parang tinta. Bumaba ang tingin ni Cailyn, at tila may taglay talagang alindog ang kaniyang makurbang katawan.
Malinaw na nakita rin ni Aiden si Cailyn dahil sa gulat na ekspresyon nito. "Cailyn?" aniya.
Maliban pa kay Cailyn ay nasulyapan rin ni Aiden ang iba pang mga kasama nito.
Natigil naman sa paglalakad sina Harvey at ang mga kasama nito nang marinig ang tinuran ni Aiden. Maging si Monette Villanueva at ang anak nito na umaalalay sa kaniya sa patuloy na paglalakad ay bigla ring natigil sa pakikipag-usap kay Priscilla.
Nilingon niya ang pamilyang kalalabas lang sa silid ng VIP Lounge at saka nagpatulong sa anak para lapitan ang matandang Quintana.
"Mr. Quintana, ano't napadpad ka rito sa syudad?" maligayang bati ni Monette sa Lolo ni Cailyn.
Mr. Quintana?
Tila binuhusan ng malamig na tubig ang buong pamilya ng mga Avensa!
Naging banayad naman ang ekspresyon ng ina ni Aiden at saka sinuyod ng tingin ang bawat miyembro ng mga Quintana na naroon.
Quintana?
Nakilala ni Fayra ang apelido na iyon. Hindi kaya ay iyon ang iisang Quintana na iniisip nila? Maging ang inner circle sa lungsod ay nahahati pa rin sa iba’t ibang antas. Kakapasok lamang ng mga Avensa sa mundo na iyon, at nasa ikasiyam na antas lamang bago ang pinakamataas. Higit na nakaaangat pa rin ang mga Salazar, dahil may mga miyembro silang may hawak na mga opisiyal na position roon.
Ngunit kung pag-ssapan ang pinaka-makapangyarihan na pangalan at pamilya ay ang mga Quintana at Villanueva ang nakaka-angat, kasama na rin doon ang mga Guillen. HAlos ipilit na nga lang din ng mga Salazar ang kanilang sarili sa mundo na iyon. At sa gitna ng mga pamilya na iyon ay ang mga Quintana ang namumuno, dahil hindi rin mabilang ang mga koneksyon ng mga Quintana sa buong syudad ng Metro Manila. Kilala rin ang matandang Quintana bilang isang kahanga-hanga at maimpluwensyang tao sa lungsod simula pa noong kabataan nito.
Gayunpaman ay habang tumatanda ito ay lumalala naman ang kalusugan niya. At lumipat din ito sa Manila pagkatapos ng sampung taon para magpagaling, simula noon ay madalang na itong bumalik sa syudad ng Iloilo.
Ilang mga kabataan na mula sa henerasyon ngayon ang nakarinig na ng pangalan ng matanda, ngunit hindi nila ito madalas makita ng personal.
Bigla namang sumigla ang matanda nang makita ang grupo ng mga Avensa at Villanueva.
"Nandito lang naman ako para sunduin ang apo ko." malakas ang boses na saad ng matanda habang humahalakhak.
"Apo?" tanong ni Monette at saka nilingon si Cailyn na tahimik na itinutulak ang inuupuang wheelchair ng matanda.
Maputi ang balat nito at mahinhin ang bawat kilos.
"Ito bang dalaga na ito? Napaka-ganda naman niya!" hindi sobra ang naging ekspresyon ni Monette, magaganda talaga ang lahi ng mga Quintana, ngunit ang itsura ng dalagang ito.. well, sabihin na natin na sobrang nakakamangha talaga!
Itinago ni Cailyn ang kaniyang telepono pabalik sa kaniyang bulsa at nilakasan ang loob na nagpaalam sa kaniyang Lolo."Lolo, m-may pupuntahan po sana ako mamaya." aniya."Saan mo gustong pumunta, hija? At uutusan ko ang pinsan mo para samahan ka." saad ng matanda nang hindi na nag-iisip. Ngayon lang niya ulit nakasama ang apo at handa siyang sungkitin ang mga bitwin sa langit para lang mabigay ang gusto ng apo."Lolo, may pupuntahan pa akong press conference mamaya. Nangako na sa akin si kuya na ihahatid niya ako do'n." singit ni Klaire na may pagkislal ng hindi pagsang-ayon sa mga mata.Medyo sikat at kilala si Klaire sa showbiz, bilang isa rin naman siyang maganda at matalinong pinagpalang babae. Bago pa ito makatapos sa kolehiyo ay ilang beses na siyang umakto sa mga TV Dramas. Kilala rin ang pangalan nito sa buong syudad ng Metro Manila."Hindi ba pwedeng ang driver na lang natin ang maghatid sa 'yo?" turan ng matanda. Hindi kasi ito sang-ayon sa pagsali ni Klaire sa showbiz. Hin
HINDI NAIWASANG humalakhak ng lolo ni Cailyn. "Haha! Hindi naman na importante ang itsura ng bata." saad nito.Hindi na naitago pa ng matanda ang sariling pride kahit na sinabi niya pa ang mga katagang iyon. "Cailyn, apo, siya si Monette Villanueva." pakilala ng matanda sa kausap kay Cailyn.Bahagya namang kumibot ang mga kilay ni Cailyn at masunurin pa ring binati ang matandang babae na kausap ng kaniyang Lolo."Hello po, Ma'am Monette." aniya.Maya- maya pa ay mabilis na hinubad ni Monette ang suot na bracelet sa kaniyang palapusuhan at pinilit itong iabot at ilagay sa palad ni Cailyn. Kulay ginto iyon at may naka-ukit na letrang 'C'."Naku, napakabait mo namang bata, hija. Pasensya na, hindi ko kasi alam na dadalhin ka pala ng lolo mo ngayon dito para maghapunan. Kung alam ko lang ay naghanda sana ako ng mas magandang regalo para sa 'yo, hija. Ilang taon na rin mula nang mabili at mapabasbasan ko ito. Sana ay 'wag mong masamain." humihingi ng paumanhin na saad ni Monette sa dala
HINATID NINA Priscilla at Harvey sina Monette at ang anak nito palabas ng pavillion kasama ang mga Salazar, sumunod din sa kanila si Fayra.Napansin ni Aiden ang namumutlang mukha at wala sa sariling pag-kilos ni Fayra matapos nilang iwan ang kanilang lamesa. "May problema ba?" magaang tanong ni Aiden na katabi ni Fayra sa paglalakad.Kinagat ni Fayra ang ibabang labi at saka umiling. "Wala naman, medyo masakit lang ang ulo ko." malambing niyang sagot ni Fayra habang nakatingin sa determinadong itsura ng nobyo.Mula pa naman noong bata ay sakitin na si Fayra kaya hindi na iyon masyadong inisip pa ni Aiden. Nilingon niya ang mga matatanda habang sumusunod sa mga ito sa paglalakad palabas ng pavillion at nagpapalitan ng pagbati sa isa't isa."Gusto mo bang pumunta ng ospital?" ani Aiden.Kaagad namang hinaklit ni Fayra ang braso ni Aiden, pinipigilan niya. Nagsisinungaling lang naman kasi ang dalaga at hindi naman talaga masama ang pakiramdam nito. "Hindi na kailangan, Babe. Ganito na
"Cailyn, siya ang iyong tunay na ama, si Archer Quintana. Isa na siyang guro ngayon." pakilala ng matanda kay Cailyn. Umangat ang kilay ni Jace at saka sumandal sa pader habang pinapanuod ang matandang ipinapakilala kay Cailyn ang lahat ng naroon. "Isa siyang propesor sa UP Diliman," kaswal na pagpapakilala ng matanda sa kaniyang ama bilang isang guro. Napansin ni Cailyn ang isang lalaki na nakasuot ng kilalang suit mula sa Tiño Suits, bahagyang namumula ang mga mata nito at nakakuyom ang mga kamao, mukhang nagpipigil ng mabuti para makontrol ang sariling mga emosyon.Malabo ang konsepto ni Cailyn para sa isang ama, ngunit gusto yata ng lalaking iyon na tawagin siya nito sa ganoong paraan. Mariin niyang itinikom ang kaniyang mga labi. "Dad," tawag niya rito matapos tignan ang isang middle-aged na lalaki gamit ang malinaw na mga mata. "Ah!" mabilis namang namula ang mga mata ng lalaki na nasa middle-aged kasunod ng pag-iwas nito ng tingin, natatakot na ipakita kay Cailyn ang
Ilang saglit pang napaisip si Cailyn bago sumunod.Napakalaki at napakalawak ng Pavillion, tila alam na alam rin ng lalaking kasama niya ang pasikot-sikot sa lugar. Na matangkad at may mahahabang mga binti. At kahit na mukha itong mabilis maglakad ay pinanatili pa rin nito ang kalahating pulgada lang na layo kay Cailyn.Kumunot ang noo ni Cailyn nang makaramdam ng kaunting pananakit ng ulo. Humigpit ang hawak niya sa dala-dala niyang shorlder bag.Noon pa naman niya gustong malaman kung sino ba talaga ang kaniyang tunay na mga magulang, ngunit ngayon ay tila nagkakagulo-gulo lang ang lahat..."Cailyn?" isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa kaniiang tabi habang nagpapatuloy siya sa paglakad. Inangat niya ang kaniyang tingin sa tumawag sa kaniya at sa hindi kalayuan ay nakita niya ang mga nakatayo na grupo ng mga tao. Ang pamilyang nagpalayas sa kaniya kanina lang, kasama sina Harvey Avensa at ang kaniyang asawa, si Priscilla Avensa, at si Fayra Avensa ay naroon.Maliban pa ki
SINO NGA BA naman ang aayaw sa magagandang tao at kahit mga bagay man? Tumaas ang sulok ng mga labi ni Kian at lumapit kay Cailyn para tulungan ito sa bitbit nitong mga gamit. “Cailyn, ‘di ba? Ako si Kian, ‘yong pinsan mo. Pwede mo rin akong tawaging kuya.” pinangunahan na ni Kian ang pagbati. Tiningala ni Cailyn ang lalaki. Matangkad si Kian at gwapo rin ang itsura nito. Natural na nakangiti ang makitid at peach blossom na mga mata nito, nagbibigay ng impresyon sa ibang tao na siya ay hindi mapanakit at palakaibigan ang pakiramdam. May matingkad na purple highlight sa buhok nito na tumatakip sa kaniyang noo. At sa marangal nitong anyo ay makikita ang mapaglaro at palabiro nitong pag-uugali.Hmmm… tila nakita na niya ang ganitong mukha noon.May pagka - face blind si Cailyn kaya hindi siya gaanong nakakaalala ng mga hindi naman ganoon ka-importanteng tao. Pinipili lamang niya sa kaniyang isip ang itsura ng mga tao na nakilala na niya at hinahayaan na lang kung hindi niya maalala an







