Se connecterItinago ni Cailyn ang kaniyang telepono pabalik sa kaniyang bulsa at nilakasan ang loob na nagpaalam sa kaniyang Lolo."Lolo, m-may pupuntahan po sana ako mamaya." aniya."Saan mo gustong pumunta, hija? At uutusan ko ang pinsan mo para samahan ka." saad ng matanda nang hindi na nag-iisip. Ngayon lang niya ulit nakasama ang apo at handa siyang sungkitin ang mga bitwin sa langit para lang mabigay ang gusto ng apo."Lolo, may pupuntahan pa akong press conference mamaya. Nangako na sa akin si kuya na ihahatid niya ako do'n." singit ni Klaire na may pagkislal ng hindi pagsang-ayon sa mga mata.Medyo sikat at kilala si Klaire sa showbiz, bilang isa rin naman siyang maganda at matalinong pinagpalang babae. Bago pa ito makatapos sa kolehiyo ay ilang beses na siyang umakto sa mga TV Dramas. Kilala rin ang pangalan nito sa buong syudad ng Metro Manila."Hindi ba pwedeng ang driver na lang natin ang maghatid sa 'yo?" turan ng matanda. Hindi kasi ito sang-ayon sa pagsali ni Klaire sa showbiz. Hin
HINDI NAIWASANG humalakhak ng lolo ni Cailyn. "Haha! Hindi naman na importante ang itsura ng bata." saad nito.Hindi na naitago pa ng matanda ang sariling pride kahit na sinabi niya pa ang mga katagang iyon. "Cailyn, apo, siya si Monette Villanueva." pakilala ng matanda sa kausap kay Cailyn.Bahagya namang kumibot ang mga kilay ni Cailyn at masunurin pa ring binati ang matandang babae na kausap ng kaniyang Lolo."Hello po, Ma'am Monette." aniya.Maya- maya pa ay mabilis na hinubad ni Monette ang suot na bracelet sa kaniyang palapusuhan at pinilit itong iabot at ilagay sa palad ni Cailyn. Kulay ginto iyon at may naka-ukit na letrang 'C'."Naku, napakabait mo namang bata, hija. Pasensya na, hindi ko kasi alam na dadalhin ka pala ng lolo mo ngayon dito para maghapunan. Kung alam ko lang ay naghanda sana ako ng mas magandang regalo para sa 'yo, hija. Ilang taon na rin mula nang mabili at mapabasbasan ko ito. Sana ay 'wag mong masamain." humihingi ng paumanhin na saad ni Monette sa dala
HINATID NINA Priscilla at Harvey sina Monette at ang anak nito palabas ng pavillion kasama ang mga Salazar, sumunod din sa kanila si Fayra.Napansin ni Aiden ang namumutlang mukha at wala sa sariling pag-kilos ni Fayra matapos nilang iwan ang kanilang lamesa. "May problema ba?" magaang tanong ni Aiden na katabi ni Fayra sa paglalakad.Kinagat ni Fayra ang ibabang labi at saka umiling. "Wala naman, medyo masakit lang ang ulo ko." malambing niyang sagot ni Fayra habang nakatingin sa determinadong itsura ng nobyo.Mula pa naman noong bata ay sakitin na si Fayra kaya hindi na iyon masyadong inisip pa ni Aiden. Nilingon niya ang mga matatanda habang sumusunod sa mga ito sa paglalakad palabas ng pavillion at nagpapalitan ng pagbati sa isa't isa."Gusto mo bang pumunta ng ospital?" ani Aiden.Kaagad namang hinaklit ni Fayra ang braso ni Aiden, pinipigilan niya. Nagsisinungaling lang naman kasi ang dalaga at hindi naman talaga masama ang pakiramdam nito. "Hindi na kailangan, Babe. Ganito na
"Cailyn, siya ang iyong tunay na ama, si Archer Quintana. Isa na siyang guro ngayon." pakilala ng matanda kay Cailyn. Umangat ang kilay ni Jace at saka sumandal sa pader habang pinapanuod ang matandang ipinapakilala kay Cailyn ang lahat ng naroon. "Isa siyang propesor sa UP Diliman," kaswal na pagpapakilala ng matanda sa kaniyang ama bilang isang guro. Napansin ni Cailyn ang isang lalaki na nakasuot ng kilalang suit mula sa Tiño Suits, bahagyang namumula ang mga mata nito at nakakuyom ang mga kamao, mukhang nagpipigil ng mabuti para makontrol ang sariling mga emosyon.Malabo ang konsepto ni Cailyn para sa isang ama, ngunit gusto yata ng lalaking iyon na tawagin siya nito sa ganoong paraan. Mariin niyang itinikom ang kaniyang mga labi. "Dad," tawag niya rito matapos tignan ang isang middle-aged na lalaki gamit ang malinaw na mga mata. "Ah!" mabilis namang namula ang mga mata ng lalaki na nasa middle-aged kasunod ng pag-iwas nito ng tingin, natatakot na ipakita kay Cailyn ang
Ilang saglit pang napaisip si Cailyn bago sumunod.Napakalaki at napakalawak ng Pavillion, tila alam na alam rin ng lalaking kasama niya ang pasikot-sikot sa lugar. Na matangkad at may mahahabang mga binti. At kahit na mukha itong mabilis maglakad ay pinanatili pa rin nito ang kalahating pulgada lang na layo kay Cailyn.Kumunot ang noo ni Cailyn nang makaramdam ng kaunting pananakit ng ulo. Humigpit ang hawak niya sa dala-dala niyang shorlder bag.Noon pa naman niya gustong malaman kung sino ba talaga ang kaniyang tunay na mga magulang, ngunit ngayon ay tila nagkakagulo-gulo lang ang lahat..."Cailyn?" isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa kaniiang tabi habang nagpapatuloy siya sa paglakad. Inangat niya ang kaniyang tingin sa tumawag sa kaniya at sa hindi kalayuan ay nakita niya ang mga nakatayo na grupo ng mga tao. Ang pamilyang nagpalayas sa kaniya kanina lang, kasama sina Harvey Avensa at ang kaniyang asawa, si Priscilla Avensa, at si Fayra Avensa ay naroon.Maliban pa ki
SINO NGA BA naman ang aayaw sa magagandang tao at kahit mga bagay man? Tumaas ang sulok ng mga labi ni Kian at lumapit kay Cailyn para tulungan ito sa bitbit nitong mga gamit. “Cailyn, ‘di ba? Ako si Kian, ‘yong pinsan mo. Pwede mo rin akong tawaging kuya.” pinangunahan na ni Kian ang pagbati. Tiningala ni Cailyn ang lalaki. Matangkad si Kian at gwapo rin ang itsura nito. Natural na nakangiti ang makitid at peach blossom na mga mata nito, nagbibigay ng impresyon sa ibang tao na siya ay hindi mapanakit at palakaibigan ang pakiramdam. May matingkad na purple highlight sa buhok nito na tumatakip sa kaniyang noo. At sa marangal nitong anyo ay makikita ang mapaglaro at palabiro nitong pag-uugali.Hmmm… tila nakita na niya ang ganitong mukha noon.May pagka - face blind si Cailyn kaya hindi siya gaanong nakakaalala ng mga hindi naman ganoon ka-importanteng tao. Pinipili lamang niya sa kaniyang isip ang itsura ng mga tao na nakilala na niya at hinahayaan na lang kung hindi niya maalala an







