LOGINMakalipas ang dalawang oras, halos hindi ko na mabilang ang dami ng dokumentong nabasa at pinirmahan ko. Sa kabila ng malamig at nakasasakal na sitwasyon sa bahay kasama ang pamilya ko, pinilit kong ituon ang buong atensiyon sa trabaho. Ayokong mag-aksaya ng oras sa pag-iisip sa pagtatalo namin nina Mommy at Daddy.Paminsan-minsan, sumisilip ako sa malaking babasaging salamin ng aking opisina upang tingnan ang kabilang kwarto. Sa bawat pagkakataong nakikita ko ang girlfriend kong si Audrey, bahagya akong napapangiti at nagbabago ang amoy ng buo kong araw. Abala ang aking kasintahan sa harap ng computer nito—paminsan-minsan ay nakikipag-usap sa ibang empleyado at tumatawag sa iba't ibang departamento.Napabuntong-hininga ako nang may kasamang ngiti.May ilang papeles akong ipinagawang ayos sa kaniya kaninang umaga. Hindi naman komplikado ang mga iyon, ngunit napakahalaga dahil gagamitin ko sa isang malaking pulong mamayang hapon. Karaniwan, maaasahan ko talaga si Audrey. Bukod sa pagig
“Puyat?” Tinaasan ako nito ng kilay. “Ilang oras ka bang natulog? Dalawa? Tatlo?”“Hindi naman ganoon kalala.”“Amiel.”Napatingin ako rito nang marinig ang paggamit nito sa aking pangalan sa halip na ang pormal na pagtawag sa akin.“Hmm?”“Don't lie to me.”Napangiti ako nang bahagya. Iyon ang isa sa mga bagay na gusto ko kay Audrey. Kahit sekretarya ko ito, hindi ito natatakot na pagsabihan ako kapag nakikita nitong pinababayaan ko ang sarili ko.“I'm telling the truth,” sagot ko. “May mga iniisip lang ako kagabi kaya medyo nahuli akong nakatulog.”Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng dalaga. “Work-related?”Sandali akong nag-atubili bago umiling. “Personal.”Hindi na nagtanong pa si Audrey. Sa halip, dahan-dahan nitong iniangat ang kamay at marahang hinaplos ang aking pisngi.“Kung ganoon, huwag mo nang dagdagan ang problema mo sa pagpupuyat,” malambing nitong paalala. “Hindi naman mawawala ang mga iniisip mo kapag hindi ka natulog. Baka lalo ka lang mapagod.”Natahimik ako.Simple
Kinabukasan, maagang-maaga akong bumaba sa dining. Umaasa ako na baka sakaling lumipas na ang matinding galit nina Mommy at maaari na kaming mag-usap nang maayos bilang pamilya.Subalit pagdating ko pa lamang sa hapag-kainan, agad na sumampal sa akin ang isang matinding katahimikan.Walang bumati sa akin. Walang nagtanong kung nakatulog ba ako nang maayos. Wala ring mang-aasar gaya ng nakagawian nina Amara at Akiro tuwing umaga.Sa halip, nakatutok ang lahat sa kani-kanilang pagkain. Si Daddy ay tahimik at pormal na nagbabasa ng balita sa kaniyang tablet habang umiinom ng kape. Si Mommy Rendy naman ay maayos na hinihiwa ang kaniyang pancake, ni hindi man lang nag-abalang tumingin sa direksiyon ko. Ang dalawa ko namang kapatid ay parehong nakayuko sa kanilang mga plato, wari bang biglang nawalan ng kakayahang magsalita.Napahinto ako sa tabi ng aking upuan.'Ano 'to? May lamay ba sa bahay na hindi ko alam?'Napailing ako sa sarili kong naisip bago tuluyang umupo.“Good morning,” bati
Napahinto ako.Hindi ko inaasahang maririnig ko ang ganoong matinding sigaw mula sa kaniya. Sanay akong pagalitan niya kapag may nagagawa akong mali, pero ngayon ay iba ang dating ng boses niya. Hindi iyon simpleng pagsaway—isa iyong tahasang utos na patahimikin ako, na para bang wala nang anumang halaga ang boses ko sa bahay na ito.Ngunit sa halip na matakot, lalo akong nasaktan at nagalit.“Bakit, Mom?” mahinang tanong ko, puno ng pait. “Dahil ba ayaw mong marinig ang katotohanan? Dahil ba mas madali para sa iyo na patahimikin ako kaysa tanggapin na may sarili akong utak at desisyon?”“Sinabi kong manahimik ka!” mariin niyang ulit, nanginginig ang boses sa galit. “Huwag mo akong subukan, Amiel. Hindi ako papayag na bastusin mo ako sa sarili kong pamamahay!”“Hindi kita binabastos. Ipinaglalaban ko lang ang sarili ko!”“Ang ipinaglalaban mo ay ang sarili mong kapritso at kagustuhan!” sagot niya. “Ni hindi mo man lang iniisip ang magiging epekto ng mga ginagawa mo sa pamilya natin!”
Hindi pa man ako nakalalayo sa sala ay narinig ko na naman ang boses ni Mommy.“Amiel, bumalik ka rito. Hindi pa tayo tapos mag-usap.”Napapikit ako at malalim na napabuntong-hininga. Akala ko ay tapos na ang pagtatalo namin, pero mukhang hindi pa pala siya kuntento. Sa totoo lang, pagod na akong makipagsagutan. Gayunman, mas lalo akong naiirita sa tuwing naiisip kong parang wala man lang akong karapatang magdesisyon para sa sarili kong buhay.Dahan-dahan akong lumingon at muling humarap sa kanila.“Ano na naman, Mom? Hindi ba't malinaw naman ang sinabi ko? Ayokong pakasalan si Micah! Hindi ko siya mahal, at wala akong balak na magkunwaring mahal ko siya para lang mapasaya kayo.”Nakita kong bahagyang kumunot ang noo ni Daddy. Samantala, si Mommy Rendy ay nakaupo pa rin sa sofa, tuwid ang likod, at mariing nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mas ikinaiinis niya—ang pagtanggi ko sa kagustuhan niya o ang katotohanang hindi ko na siya basta sinusunod gaya ng dati.“Hindi lahat
“Ang ingay n'yo naman,” komento ni Amara habang nakahalukipkip. Hindi man lang niya ako binigyan ng disenteng ngiti. Sa halip, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.“Anong problema mo?” iritado kong tanong.“Wala naman,” sagot niya, sabay kibit-balikat. “Naaaliw lang akong marinig na hanggang ngayon, hindi mo pa rin kayang tanggapin na hindi lahat ng tao ay kailangang sumunod sa gusto mo.”“Amara, huwag kang makisali dito.”“Bakit? Totoo naman, ah.” Humakbang siya palapit sa mesa at mariin siyang tumingin sa akin. “Narinig ko ang mga sinabi mo, Kuya. Kung talagang mahal mo ang plastic mong girlfriend, sabihin mo sa kaniya na hubarin na niya ang maskara niya. Baka mamaya, kumapit na sa mukha niya ang kapal no'n!”“Amara!” saway ni Mommy, bagaman hindi niya lubusang naitago ang bahagyang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi.“Excuse me? Anong karapatan mong magsalita nang ganiyan tungkol kay Audrey?”“Karapatan kong magsabi ng totoo,” mataray niyang sagot. “O ano? Dahil ba girlfriend
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul







