FAZER LOGINHindi ko kailangang durugin o siraan si Audrey para lamang patunayan ang sarili kong halaga. Kailangan ko lang manatiling tapat sa mga katotohanang nakikita ng aking mga mata.Nang makarating ako sa harap ng elevator, inilagay ko ang folder sa ilalim ng aking braso at pinindot ang button para sa aming palapag.Habang dahan-dahang bumababa ang cabin ng elevator, hindi ko mapigilang maalala ang huling sinabi ni Audrey sa akin kanina.. siya ang mahal ni Amiel.Hindi ko alam kung gaano katotoo ang pahayag na iyon. Hindi ko rin alam kung hanggang saan kayang ipaglaban ni Amiel ang babaeng iyon kapag lumabas na ang lahat.Pero may isa pang tanong na unti-unting nabubuo sa aking isip: kung tunay ngang mahal at pinagkakatiwalaan ni Amiel si Audrey, bakit parang kailangan ng babaeng iyon na patuloy na patunayan at ipagmayabang sa lahat na hindi siya maaaring iwan? At kung ganoon katatag ang relasyon nila, bakit ang simpleng posibilidad lamang na may ibang taong nakarinig sa kaniyang totoong bo
Napatigil siya nang tuluyan.“Bakit ka sumisigaw?” tanong ko sa isang napakahinang boses na halos pabulong na lamang. “Baka may makarinig sa 'yo sa pasilyo.”Napakuyom ang kaniyang mga kamay sa kaniyang gilid, nanginginig ang mga daliri sa matinding gulat at inis.Hindi ko na ibinigay sa kaniya ang pagkakataong maglabas pa ng panibagong blusa at panggigipit. Inayos ko ang isang stray strand ng buhok na nalaglag sa gilid ng kaniyang mukha. Hindi marahas o mabilis ang kilos ko; hindi rin ako ngumiti nang mapanukso. Sa paningin ng sinumang dadaan sa bahagyang nakabukas na pinto, maaari nilang isiping dalawang magkaibang opisyal lamang kami na nag-uusap nang malapitan.Pero nang yumuko ako nang kaunti upang bumulong sa kaniyang tainga, malinaw kong naramdaman ang paninigas ng kaniyang buong katawan.“Mag-ingat ka, Audrey.”Naramdaman kong napatigil ang kaniyang paghinga.“Hindi ako katulad ng mga taong kaya mong alipinin at paikutin sa pamamagitan lamang ng panlilinlang at pag-iyak.”Baha
“Kung ganoon ang tingin mo, hindi ko na problema iyon,” malamig kong tugon.Napasinghap siya, gulat sa kawalan ko ng reaksyon.Sa totoo lang, medyo nakakatawa ang buong sitwasyon kung iisipin. Kanina lamang ay buong-giting niyang ipinagmamalaki na kaya niyang paikutin si Amiel sa pamamagitan lamang ng isang iyak. Ngayon, hindi niya alam kung paano ako haharapin dahil ang mga banta at panggigipit niya ay parang bula na bumagsak sa pader ng aking kawalang-pakialam.Hindi ko kailangang sumigaw para patunayang may kapangyarihan ako.Hindi ko kailangang manakit o gumawa ng iskandalo.At lalong hindi ko kailangang magsumbong agad kay Amiel sa loob ng ilang segundo para lang masiraan siya.Sa kasalukuyan, sapat nang malaman niyang may isang taong nakasilip sa likod ng kaniyang makapal at mapagkunwaring maskara. At hinding-hindi niya ako basta-basta mapatatakot.“Makinig kang mabuti sa akin,” sabi niya, pilit na pinatitigas at pinapatatag ang kaniyang boses. “Wala kang ideya kung ano ang kaya
Nilingon niya ako mula ulo hanggang paa, pilit na ibinabalik ang panghahamak sa kaniyang boses.“Sa tingin mo ba, ikaw ang paniniwalaan niya? Ikaw na halos hindi nga niya pinapansin noon? Ikaw na pilit lang na ipinagsisiksikan ng mga magulang niya para lang mapangasawa niya?”Natawa siya nang mapait at may halong pambabalewala.“Samantalang ako? Ako ang kasama niya. Ako ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng bagay. Ako ang babaeng handa niyang ipagtanggol at ipaglaban kahit buong mundo pa ang kumalaban sa akin!”Hindi ako agad sumagot.Sa halip, dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at pormal na tumingin sa itaas na sulok ng kisame sa likuran niya.Doon nakakabit ang isang maliit na domed high-definition CCTV camera.Matagal na akong sanay na suriin ang mga ganitong detalye sa mga gusali ng korporasyon. Hindi dahil lagi akong naghahanap ng maipipintas o masisilip na pagkakamali ng ibang tao, kundi dahil itinuro nina Daddy at Mommy na mahalagang malaman at suriin kung paano pinoprote
Huminto ako sa paglalakad at mabagal na dinala ang aking tingin sa kaniya."Ano?"Nakita kong ibinaba niya ang kaniyang cellphone at dahan-dahang tumayo mula sa kaniyang swivel chair.Nagsisimula na siyang makabawi sa paunang gulat. Unt-unting bumabalik ang paimbabaw na kumpyansa sa kaniyang mukha, at ang pamumutla ng kaniyang balat ay pinalitan ng isang nakaiirita at pilit na ngiting may halong panghahamon."May narinig ka ba?"Masyadong direkta ang tanong niya—sobrang halata ang matinding takot at kaba na pilit niyang itinatakpan sa likod ng maayos niyang tindig.Ngumiti ako nang bahagya, isang malamig at pormal na ngiti."Bakit? May dapat ba akong marinig?"Saglit siyang natigilan, tila binabasa kung naglalaro lang ba ako. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng isang pilit na tawa."Wala. Nagtatanong lang ako.""Kung wala naman pala, bakit tila labis ka atang kinakabahan?"Awtomatikong nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Hindi ako kinakabahan.""Okay."Nagkrus ako ng mga braso sa ta
Sa dami ng pambabaliktad at kabastusang lumabas sa bibig niya ngayong tanghali, may isang bagay na naging napakalinaw sa akin: hindi lang pala simpleng pagkukunwaring mahina at kawawa ang ginagawa ni Audrey sa harap ni Amiel. Mayroon siyang kalkulado at maitim na planong alisin at sirain ang sinumang sa tingin niya ay magiging hadlang sa mga gusto niyang makuha—kabilang na ang mismong ina ng lalaking sinasabi niyang mahal niya.Napatingin ako sa leather folder na hawak ko.Maaari akong tahimik na umalis. Maaari akong bumalik sa elevator, magpanggap na walang narinig, at hayaan silang magkabukuhan sa sarili nilang oras. Wala naman akong pormal na obligasyong makialam sa personal na kaguluhan ng pamilya Robles. Hindi ko rin kailangang magpaka-hero para kay Amiel—kung tutuusin, responsibilidad niyang gamitin ang kaniyang utak para alamin ang katotohanan tungkol sa babaeng pinili niyang protektahan.Pero may mga bagay na hinding-hindi ko kayang palampasin bilang isang Lorenzo: ang paggami
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul







