LOGINNang makarating kami sa mamahaling restaurant, agad kaming itinuro ng waiter sa isang pribadong kwarto. Nasa isang malaking mesa na sina Tita Hilary, Tito Justine, at ang anak nilang si Micah.Nang napasulyap ako kay Micah, napangiwi ako. Nakasuot siya ng itim na tube top na tinernuhan ng blazer, maikling palda, at may manipis na net sa mga binti. Para siyang bagong galing sa isang party na hindi pa tapos.Nang mapansin niyang nakatingin ako, ngumiti siya nang napakalapad. “Hi, Amiel!”Napilitan akong ibalik ang ngiti. “Hi.”Habang kumakain kami, nagpalitan ng usapan ang mga matatanda tungkol sa negosyo at sa planong pag-aasawa. Maya-maya, biglang nagtanong si Micah sa harap ng lahat.“So, Amiel, do you have someone?”Napatigil ang kamay ko. Nilingon ako ng buong pamilya ko.Napabuntong-hininga ako. “Yes. Girlfriend.”Saglit na nagbago ang timpla ng mukha ni Micah bago tumingin kay Mommy, na agad namang sumingit: “Hindi naman seryoso iyon.”“Mommy, hindi mo alam kung gaano kaseryoso a
Pagsapit ng Linggo, buong araw kong sinubukang kalimutan ang sinabi ni Mommy tungkol sa pagkain namin sa restaurant.May trabaho ako—o kahit pa sinabi kong may kailangan akong asikasuhin—iyon ang ginawa kong dahilan para hindi na muling pag-usapan ang bagay na iyon. Maaga akong pumasok sa opisina at sinikap na tapusin ang lahat ng kailangang gawin. Hindi ko rin masyadong kinulit ang girlfriend kong si Audrey, lalo na nang mapansin kong abala rin siya sa mga dokumentong ipinagawa ko noong nakaraang araw.Gayunpaman, hindi ko maikakailang paminsan-minsan ay napapatingin ako sa orasan. Hindi dahil excited akong makipagkita sa mga kaibigan ng pamilya namin, kundi dahil gusto kong malaman kung anong oras ako puwedeng umuwi nang hindi na kailangang makipagtalo kay Mommy.Alas-singko pa lamang ng hapon ay tumawag na siya.“Amiel, anong oras ka uuwi?”Napahinto ako sa pagpirma ng isang dokumento. “Bakit, Mommy?”“Dadaan ka muna sa bahay. Sabay-sabay tayong aalis.”Napapikit ako. Akala ko ba p
Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko, pero sa pagkakataong ito, hindi ako yumuko. Hindi ko rin inalis ang tingin ko kay Mommy.“Hindi ko gustong pakasalan si Micah!” mariin kong ulit. “Ilang beses ko pa bang kailangang sabihin iyon para maintindihan ninyo?”“Hindi lahat ng bagay ay tungkol sa gusto mo, Amiel.”“Pero buhay ko ito, Mommy!”“Buhay mo, oo! Pero hindi ibig sabihin na puwede mong balewalain ang pamilya mo!”“Hindi ko kayo binabalewala! Ang gusto ko lang naman, kayo rin ang makinig sa akin!”“Kung nakikinig ka rin sana sa amin, hindi tayo magkakaroon ng ganitong problema!”Napapikit ako. Muli na naman kaming bumabalik sa parehong paikot-ikot na usapan. Walang nakikinig. Walang gustong umintindi. Lahat sila ay may sariling paninindigan, at tila ako lang ang kailangang magsakripisyo.“Alam mo, Mommy,” sabi ko, pinipilit panatilihing kalmado ang boses ko kahit nanginginig na ang aking kalamnan, “pagod na pagod na ako.”Hindi siya sumagot.“Pagod na akong umuwi rito at m
Pagdating ng gabi, halos hindi ko na maramdaman ang pagod sa buong katawan ko. Mas nangingibabaw ang mabigat na batong matagal nang nakadagan sa aking dibdib mula pa noong nakaraang gabi.Buong araw akong naging abala sa trabaho. Sinubukan kong ituon ang buong atensyon ko sa mga dokumentong kailangang pirmahan, sa mga meeting na kailangan kong daluhan, at sa mga desisyong kailangan kong gawin para sa kumpanya. Kahit papaano, naging matagumpay naman ako sa pagpapanggap na maayos ang lahat.Pero sa tuwing nagkakaroon ako ng ilang minutong katahimikan, bumabalik at bumabalik sa isip ko ang nangyari sa bahay.Ang mukha ni Mommy Rendy habang mariin akong pinatatahimik at isinusumbat ang lahat. Ang malamig na tingin ni Daddy. Ang mga mapanuyang salita nina Amara at Akiro. At higit sa lahat, ang kasal na pilit nilang ipinapasa sa akin na para bang wala akong karapatang tumanggi o pumili ng sarili kong liligayahin.Napabuntong-hininga ako habang ipinaparada ang sasakyan sa garahe.Pagbaba ko,
Makalipas ang dalawang oras, halos hindi ko na mabilang ang dami ng dokumentong nabasa at pinirmahan ko. Sa kabila ng malamig at nakasasakal na sitwasyon sa bahay kasama ang pamilya ko, pinilit kong ituon ang buong atensiyon sa trabaho. Ayokong mag-aksaya ng oras sa pag-iisip sa pagtatalo namin nina Mommy at Daddy.Paminsan-minsan, sumisilip ako sa malaking babasaging salamin ng aking opisina upang tingnan ang kabilang kwarto. Sa bawat pagkakataong nakikita ko ang girlfriend kong si Audrey, bahagya akong napapangiti at nagbabago ang amoy ng buo kong araw. Abala ang aking kasintahan sa harap ng computer nito—paminsan-minsan ay nakikipag-usap sa ibang empleyado at tumatawag sa iba't ibang departamento.Napabuntong-hininga ako nang may kasamang ngiti.May ilang papeles akong ipinagawang ayos sa kaniya kaninang umaga. Hindi naman komplikado ang mga iyon, ngunit napakahalaga dahil gagamitin ko sa isang malaking pulong mamayang hapon. Karaniwan, maaasahan ko talaga si Audrey. Bukod sa pagig
“Puyat?” Tinaasan ako nito ng kilay. “Ilang oras ka bang natulog? Dalawa? Tatlo?”“Hindi naman ganoon kalala.”“Amiel.”Napatingin ako rito nang marinig ang paggamit nito sa aking pangalan sa halip na ang pormal na pagtawag sa akin.“Hmm?”“Don't lie to me.”Napangiti ako nang bahagya. Iyon ang isa sa mga bagay na gusto ko kay Audrey. Kahit sekretarya ko ito, hindi ito natatakot na pagsabihan ako kapag nakikita nitong pinababayaan ko ang sarili ko.“I'm telling the truth,” sagot ko. “May mga iniisip lang ako kagabi kaya medyo nahuli akong nakatulog.”Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng dalaga. “Work-related?”Sandali akong nag-atubili bago umiling. “Personal.”Hindi na nagtanong pa si Audrey. Sa halip, dahan-dahan nitong iniangat ang kamay at marahang hinaplos ang aking pisngi.“Kung ganoon, huwag mo nang dagdagan ang problema mo sa pagpupuyat,” malambing nitong paalala. “Hindi naman mawawala ang mga iniisip mo kapag hindi ka natulog. Baka lalo ka lang mapagod.”Natahimik ako.Simple
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



