LOGINPero ipinagpatuloy ko nang walang awa: "Pero hindi ibig sabihin noon ay may karapatan ka nang hamakin at bastusin ang asawa ko.""Hindi ko siya hinahamak!""Sinabi mong nasa kusina lang siya! Sinabi mong mataba siya at mukhang matanda! Sinabi mong hindi ka katulad niyang nagpapakapagod sa anak namin!"Wala siyang maisagot. Nakatitig lang siya sa akin habang umaagos ang luha."Napakalaki ng tingin mo sa sarili mo, Lisbeth. Akala mo kapag nag-ayos ka at nagsuot ng magagandang damit, magiging pantay ka na kay Rendy?" Bahagya akong tumawa nang walang saya. "Kung ganda at halaga lang ang pag-uusapan... hindi ka dapat nakikipagkumpara sa asawa ko. Malayong-malayo ka sa kaniya."Napayuko siya sa matinding hiya."Hindi mo kilala si Rendy. Si Rendy, may dignidad. Si Rendy, hindi kailangang manira ng ibang tao para lang mahalin siya. At kahit may mga pagkukulang siya bilang tao, hindi iyon nagbibigay ng kahit kaunting puwang sa 'yo para pumasok sa buhay ko."Tahimik ang buong opisina. Tanging a
"Pumalit?" tanong ko sa isang mababang boses."Oo! Ako ang magiging kasama mo rito at sa condo!""Sa asawa ko? Papalitan mo ang asawa ko?"Tumango siya nang mabilis, may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata. "Kung ayaw na niya s 'yo at itinaboy ka na niya, bakit mo pa siya hahabulin? Bakit ka pa magmamakaawa sa isang babaeng wala nang pakialam sa 'yo?!"Hindi ako sumagot, tinititigan ko lang ang kaniyang kabaliwan."Mas bata ako sa kaniya, Denis!" dagdag pa niya nang walang alinlangan, ipinapakita ang kaniyang katawan. "Mas maganda ako, mas sexy, at mas nakatutulong sa iyo sa negosyo! Hindi ako katulad ni Rendy na laging abala sa bahay, laging nasa kusina nagluluto, nag-aasikaso lang sa anak niyo, nagpapakapagod sa maliit niyang negosyo..."Napangisi siya nang nakalilitong sigla. "Sa akin, Denis... buong atensiyon ko, buong oras ko, ibibigay ko sa 'yo. Ikaw lang ang mundo ko."Hindi pa rin ako nagsasalita. Pakiramdam ko ay nasusuka ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya."At k
Lumapit sa akin ang isang pulis. “Sir, kayo po ba si Mr. Denis Robles?”Napakunot ang noo ko. “Opo. Bakit po?”“May tumawag po sa barangay at sa istasyon para ireport ang trespassing at harassment niyo rito. Pakiusap po, maaari po ba kayong sumama muna sa amin o lumayo na sa lugar na ito?”Napatitig ako kay Papa Romeo. Hindi ko inakalang aabot siya sa puntong itatawag niya ako sa pulis para lang mapaalis sa tapat ng sarili nilang bahay.“Papa... ipinahuhuli niyo ako?”“Sinabi na namin sa iyo nang ilang beses na umalis ka, Denis,” sagot ni Papa Romeo nang hindi tumitingin sa akin. “Huwag mo nang intayin na sampahan ka pa ng kapatid nila ng kaso.”Napayuko ako sa matinding hiya at pagkagimbal.Hindi ko na maipagtanggol ang aking sarili. Hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko kung pulis na ang nakatayo sa harap ko. Hindi ko pwedeng gawing mas malaking gulo at iskandalo ang sitwasyon na lalong magpapadumi sa pangalan ng pamilya ni Rendy.Kaya kahit masakit, tumango ako sa pulis. “Sige po..
Hindi ako tinanggap sa bahay nina Rendy nang araw na iyon.Pagkababa ko pa lang ng aking SUV sa gilid ng kalsada sa Cavite, sinalubong na agad ako ng malamig at napakamapanuring tingin ni Papa Romeo. Nakatayo siya sa may steel gate, nakakrus ang mga braso, walang kahit anong pagbati, at walang kahit anong tanong kung bakit ako naroon pagkalipas ng ilang araw.Tanging isang salita lamang ang lumabas sa kaniyang bibig—isang utos na parang patalim na pumutol sa natitira kong pag-asa:“Umuwi ka.”Huminga ako nang napakalalim, pilit na pinipigilan ang pangangatog ng aking boses at ang luha sa aking mga mata.“Papa... pakiusap po. Gusto ko lang sanang makita si Rendy... kahit si Amiel lang muna.”“Hindi sila lalabas,” walang emosyon niyang sagot.“Papa, magpapaliwanag lang ako—”“Sinabi ko nang umuwi ka na, Denis!” mas nagalit ang kaniyang boses.Hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakatayo sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang inaasahan kong man
Halos lahat ng mga empleyado—mula sa HR, Finance, Design Team, hanggang sa mga utility staff—ay nakatayo at nakakumpol sa harap ng malaking Smart TV sa lobby ng floor.May mga nagbubulungan, may mga nakatitig sa kani-kanilang phone, at ang iba ay nakatingin sa monitor nang may matinding gulat, galit, at pagkadismaya."Napakakapal naman ng mukha niya..." bulong ng isang HR staff."Akala mo kung sinong mabait at kawawa kapag kasama si Sir Denis... traydor pala!" ganti pa ng isa.Napatigil ako sa paglalakad. Nanlamig ang aking tiyan."Anong nangyayari rito?!" sigaw ko sa isang matigas at galit na boses.Nagulat ang lahat ng empleyado at mabilis na lumingon sa akin. Biglang tumahimik ang buong floor. May ilang mabilis na nagtago ng kani-kanilang phone, habang ang iba naman ay hindi makatingin sa akin nang diretso.Lumapit ako sa gitna ng lobby kung saan nakasindi ang malaking Smart TV screen.Sa screen ng TV... nakaplay ang isang HD video recording na galing sa cellphone ng isang nakatago
Nagkatinginan ang dalawang receptionists."Sir, strictly confidential po ang CCTV footages at incident reports ng ospital. Hindi po namin basta-basta maibibigay 'yon sa kahit kanino nang walang court order o formal request mula sa pulisya.""Naiintindihan ko," tumango ako, pilit na pinatitigas ang aking boses. "Pero ako ang asawa ng kabilang partidong idinawit sa gulo na 'yon. May Security Chief o Head Security Officer ba rito na maaari kong makausap nang pormal?"Tinitigan ako ng staff bago tumango. "Sandali po, Sir. Aabisuhan ko ang Security Office."Pumunta ako sa waiting area at naglakad-lakad habang nanginginig ang aking mga kamay sa kaba.Makalipas ang sampung minuto, isang matangkad na lalaking nakasoot ng itim na security barong at may badge na 'Chief Security' ang lumapit sa akin."Mr. Robles?" tanong ng security chief."Ako nga po, Chief," nakipagkamay ako sa kaniya. "Maraming salamat sa pagharap sa akin.""Sabi ng reception, nagtatanong kayo tungkol sa insidente noong Septe
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a







