Share

MANILENYA 17

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-08-29 15:44:54

"M-Mr. Graham? A-Ano pong ginagawa niyo rito?" nauutal at halatang nanginginig na tanong ni Mr. Reyes, ang ama ni Earl. Halos mawalan ito ng kulay sa mukha habang nakatitig sa pormal at maawtoridad na lalaking kakapasok pa lamang sa bulwagan.

Napakunot nang husto ang noo ni Sir Angelo. Inilibot niya ang kaniyang matatalim na mata sa buong silid—mula sa mga nagkalat na basag na baso sa sahig, sa mga taong tila napatid ang hininga sa gulat, hanggang sa kaguluhang malinaw na pilit na ibinabaon ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 77

    Napalunok ako ng laway. “Opo, Pa. Magsalita po kayo. Kakayanin ko pong pakinggan ang lahat.”Huminga nang malalim si Papa Romeo. “Noong ibinigay ko sa iyo ang kamay ng anak ko noong kasal ninyo, may isang bagay lang ako na hiniling sa iyo: Ang huwag mo siyang sasaktan. Ang ingatan mo siya tulad ng pag-iingat na ginawa ko mula noong isilang siya.”Napayuko ako, naramdaman ang matinding kirot sa aking dibdib.“At ano ang ginawa mo, Denis?” patuloy ni Papa Romeo, may bahagyang panginginig ng galit sa kaniyang boses na pilit niyang pinipigil. “Pinaikot mo siya sa mga kasinungalingan. Gumawa ka ng kwento tungkol sa ibang babae para lang subukin ang pagmamahal niya sa iyo. Pinagmukha mo siyang tanga. Pinaiyak mo siya gabi-gabi.”“I'm so sorry, Pa…” hagulhol ko. “Napakagago ko po—”“Tumahimik ka muna at pakinggan mo ako!” madiing putol ni Papa Romeo.Agad akong natahimik, nakatungo habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha sa kumot.“Noong nakita kitang nakatayo sa labas ng gate namin sa

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 76

    “Ma… gusto ko po sanang humingi ng tawad sa inyong dalawa ni Papa.”“Kung ganoon, gawin mo kapag tuluyan ka nang nakakalabas at nakakatayo nang malakas. Hindi mo kailangang madaliin ang lahat,” sagot ni Mama.“Pero gusto kong malaman ninyo kung gaano ko pinagsisisihan ang lahat ng ginawa ko,” nanginginig kong boses. “Hindi ko po gustong saktan si Rendy. Hindi ko gustong umabot sa puntong magkakagulo ang pamilya natin... Ako po ang naging tanga, Ma. Ako ang hindi naging maayos na asawa.”Tahimik na nakinig si Mama habang pilit kong inilalabas ang mga salitang matagal nang nakabara sa aking lalamunan.“Kung naging mas mature lang po ako... kung kinausap ko lang siya nang maayos tungkol sa insecurity at selos ko sa halip na gumawa ng mga pekeng kwento at litrato... hindi sana nangyari ito. Hindi sana umiyak si Rendy, at hindi sana ako umabot sa ospital na 'to. Natatakot po ako, Ma... Natatakot akong baka hindi ko na maibalik ang dating tiwala niya.”Inabot ni Mama ang tissue sa mesa at m

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 75

    “Salamat sa Diyos at maayos na ang kaniyang lagay,” napabuntong-hininga si Mama, saka muling pinalibutan ng kaniyang dalawang kamay ang aking kamay. “Magpagaling ka, Denis. Hinahanap ka na ng anak mo. Araw-araw iyong nagtatanong kung kailan makakauwi ang Daddy niya.”Naramdaman kong biglang sumikip ang aking lalamunan. Si Amiel... ang aking anak.“Miss na miss ko na rin po si Amiel, Ma...” bulong ko. “Paki-sabi po sa kaniya... mahal na mahal siya ng Daddy niya.”“Oo naman. Palagi naming sinasabi sa kaniya na nagpapalakas ka lang dito.”Napapikit ako sa matinding pagsisisi. Sana ay makabawi ako sa anak namin. Gusto kong maging isang ama na hindi lamang nagbibigay ng mga laruan at allowance, kundi isang amang maipagmamalaki niya—isang haligi ng tahanan na marunong magprotekta sa kaniyang ina at hindi nagdadala ng gulo sa tahanan.“Hindi muna namin siya isinama rito,” dagdag ni Mama. “Maraming bacteria sa ospital, bata pa naman iyon at mabilis kapitan ng sakit.”“Opo, Ma. Mas mabuti po n

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 74

    “Kung ganoon, magpalakas ka. Isang linggo na lang daw at puwede ka nang ma-discharge, sabi ng doktor. Pag-uwi natin sa bahay, saka natin unti-unting ayusin ang lahat ng nasira sa atin. Isang hakbang sa bawat araw.”Napapikit ako at marahang isiniksik ang aking mukha sa mga palad ni Rendy. Hindi ko na napigilan ang panibagong pagdaloy ng mainit na luha sa aking mga pisngi.“Thank you, Rendy…” nanginginig kong bulong. “Thank you for not giving up on me. Thank you for staying.”“Nandito ako dahil asawa kita, at dahil mahal kita,” mahina niyang sagot habang yumuyuko at marahang inilalapat ang kaniyang noo sa akin. “Kaya magpahinga ka na muna. Huwag mo nang ubusin ang natitira mong lakas sa pag-iyak.”Napangiti ako nang bahagya sa gitna ng aking pagluha. “Sorry.”“Wala ka nang ibang alam sabihin kundi sorry,” untag niya na may halong pait at lambing.Napatawa ako nang mahina, kahit kumikirot ang aking dibdib sa bawat paghinga. “Dahil iyon naman talaga ang nararapat kong sabihin sa iyo... a

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 73

    Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ni Rendy.Agad kong pinunasan ang aking mukha gamit ang aking braso, pilit na pinipigil ang anumang tunog ng pagluha. Ayokong magising siya na nakikitang umiiyak ako. Ayokong isipin niyang ginagamit ko ang sakit ko o ang emosyon ko para lang kaawaan niya ako at patawarin.Gusto kong patawarin niya ako hindi dahil sa awa, kundi dahil nakikita niyang bukal sa puso ko ang pagbabago. Pero alam kong malayo pa iyon. At handa akong maghintay kahit gaano katagal.Dahan-dahang idinilat ni Rendy ang kaniyang mga mata. Kurap-kurap siya habang iniaangat ang kaniyang ulo mula sa kama. Nang magtama ang aming mga paningin, agad na dumaloy ang walang katulad na pag-aalala sa kaniyang mukha.“Denis?” mahina niyang tawag, paos pa ang boses mula sa paggising.Dali-dali siyang umayos ng upo at hinawakan ang aking noo. “Gising ka na pala... May masakit ba sa 'yo? Nahihirapan ka bang huminga? Susuriin ko ba ang monitor?”Napatitig ako sa kaniya. Sa kabila ng lahat ng gi

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 72

    Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang maging isang halimaw sa sarili kong tahanan.Noon, napakasimple lang ng pangarap ko. Ang makasama si Rendy at si Amiel. Ang maging isang mabuting haligi ng tahanan. Pero paano ako humantong sa puntong ito?Nagsimula ang lahat nang hayaan kong kainin ako ng sarili kong insecurity, selos, at katangahan.Naramdaman ko noong unti-unti siyang nagiging abala. Mula sa trabaho, sa pag-aayos ng bahay, hanggang sa pag-aalaga sa anak naming si Amiel. Kapag umuuwi ako galing sa trabaho, madalas ay pagod na siya. Minsan, kapag gusto ko siyang yakapin o kausapin, hindi niya agad ako nabibigyan ng pansin dahil marami siyang ginagawa. Minsan naman, kapag naglalambing ako, sasabihin niyang pagod siya at kailangan niyang magpahinga.At sa halip na intindihin ang kaniyang pagod... naging makasarili ako.Tumingin ako sa sarili kong pangangailangan at hindi sa kaniya. Nagtampo ako. Naging childish ako. Inisip kong hindi na niya ako mahal. Inisip kong nababawasan n

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 5: Pagtakas

    HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 2: Unang Trabaho

    POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 4: Swerte pero Malas

    Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 3: Linlang

    “TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status