BYEONGYUN’S POV
“Zero, oneul sigangwa nalssi,” Zero, today’s time and weather, nakapikit kong utos kay Zero.
“The time is 6:32 am. Humidity is 96%, 4% rain probability, precipitation is 0.01016 mm, wind chill is 26, dew point is 25, 6% cloud cover, and UV index is 0.”
“Kamsahamnida.” Thank you.
Dahan-dahan ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko. Nilapitan ko na rin ang floor-to-ceiling na pinto at nagsisilbi na ring bintana sa aking kuwarto saka hinawi ang kurtinang nakaharang dito.
“Nalsi johjyo?” Nice weather, isn’t it? sabi ko sa oras na tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.
“Ye, majjayo,” Yes, that’s right, tugon ni Zero.
Voice command ang bahay ko. At iyong kinakausap ko kanina ay si Zero, pangalang ibinigay ko sa kaniya.
Matapos kong pagmasdan ang labas ay hindi na ako nag-abala pang magsuot ng kahit na anong damit nang maisipan kong lumabas na mula sa aking kuwarto. Bukod sa ako lang naman ang tao rito ay puro lang naman mga babaeng robot ang kasama ko.
Nang marating ko ang kusina ay agad akong kumuha ng maiinom mula sa refrigerator.
“Byeongyuna! Byeongyuna!”
Mula sa aking likuran ay narinig ko ang isa pang boses ng babaeng robot, si Uno.
Uno is a humanoid, four feet and six inches tall, and weighed 70 pounds. Kumbaga sa tao, ang taas niya’y para lamang sampung taong gulang na batang babae pero matured at advanced si Uno. She could walk with or without voice command, could speak about thousands of words, and could move her head and arms. Uno’s body consisted of steel gear, a camera and monitor, and motor skeleton covered by aluminum skin. Kulay pink siya ngayon.
“Byeongyuna! Byeongyuna!” muli niyang pagtawag sa akin.
Pagharap ko sa kaniya’y bitbit niya ang isang stripes na shorts dahilan para bahagya akong matawa.
“Uno-ssi? Mwohaneun geoya?” Miss Uno? What are you doing? natatawa kong tanong sa kaniya.
“Could you please wear your shorts, Byeongyuna? I hate seeing you walking around naked. Your thing is swaying.”
“M-mwo?” W-what? Mas lalo akong natawa. “My thing? My thing is swaying—ah. This?” sambit ko sabay turo sa aking alaga.
“I hate you! I hate you!” paulit-ulit niyang sabi saka nagpaikot-ikot sa kaniyang kinatatayuan. Bigla ring nagkulay pula ang kaniyang mga ilaw, senyales na naiinis siya.
“Alright. Give me my shorts, Uno. I’ll wear it.”
Doon ay lumapit siya sa akin saka niya iniabot ang shorts na kaniyang hawak-hawak.
“Your thing is swaying. Your thing is swaying. So disgusting! So disgusting!” aniya pa bago tuluyang bumalik sa sala.
Napailing ako’t muling natawa dahil daig ko pa ang may kasamang totoong babae. Ipinagpatuloy ko na rin ang pag-inom noong tubig saka muling bumalik sa aking kuwarto upang maghanda na sa pagpasok.
Isang oras pa bago ang unang klase sa umaga ay nakarating na ako sa school. Akala ko ay mapayapa akong makapaglalakad sa loob ng campus ngunit mali ako.
“Oppa!”
“Hi, oppa!”
“Ang gwapo mo naman.”
“Oppa, date me!”
“Hello, cute.”
“Can you be my boyfriend, oppa?”
Hindi ko pa rin lubos na maunawaan kung bakit ang daming gustong madikitan ako. Hindi naman ako Kpop member, hindi rin ako actor o model pero sa tuwing nasa school ako, nagiging instant celebrity ako.
Minadali kong isinuot iyong black face mask at iyong hood ng suot kong jacket saka nagmadali sa paglakad sa hallway.
Bakit ba kasi ang daming high school student na nakakalat sa college department?
“Si Byeongyun ba ‘yon?”
Tumakbo na ako nang makita kong lalapitan na ako ng iba pang grupo ng mga babaeng sa tantiya ko’y mga senior high school.
Yeah, I know I’m cute, but it irritates me everytime they want to squeeze me on the school hallways!
“Oh hey—aish!”
“Aray ko naman! Masakit sa pwet ha? Hindi mo ba ako nakikita?”
Inalis ko ang suot kong face mask at tiningnan kung sino iyong nabangga ko habang tumatakbo ako. Napangisi ako nang makita ko kung sino.
“Yeah, I didn’t see you. Ang liit mo kasi, midget.”
Pagtingala niya sa akin ay saka niya ako tinaasan ng kilay. Sabi niya, “Goliath? Anong itsura iyan? Mukha kang kidnapper! Saka teka nga, ako na lang ba lagi ang kailangang mag-adjust? Lakihan mo kaya iyang mga mata mong singkit!”
“I have no time to explain right now. Come on! Get up!” sambit ko nang mapansin kong hindi pa rin tumitigil sa paghabol sa akin iyong mga estudyante kanina.
“Saglit nga! Ang sakit kaya sa puwet!” reklamo pa niya na dahan-dahan pa sa kaniyang pagtayo. Nang mapansin kong malapit na iyong mga kababaihan ay tinulungan ko na si Deborah sa kaniyang pagtayo.
“Ppalli kaja!” Let’s go fast! sabi ko saka ko siya hinila upang tumakbo.
“H-hoy, sandali!” aniya saka ako pinisil sa aking kamay dahilan para matigil ang aming pagtakbo. “Ano bang problema mo? Bakit tayo tumatakbo? Bakit kailangang tumakbo?”
“I’ll explain later.”
“Oppa! Wait!”
“Anong later? Byeongyun ano—”
“Aish!” Tsk! Muli kong hinila si Deborah saka muling tumakbo.
Hindi ko alam kung sino o ano ang dapat kong sisihin. Should I blame my face instead?
“Teka, hinahabol ka nila? Walanghiya nga naman! Iba ka rin talaga—ahh!” Napasigaw na lamang siya nang dagdagan ko ang bilis ng aking pagtakbo.
Makaraan ang ilang minuto ay nagtago kami sa isang room nang pumihit kami pakaliwa matapos naming baybayin ang mahabang pasilyo.
“Bitawan mo na ako. Hindi na nila tayo mahahabol,” hinihingal at naiinis niyang sabi sa akin nang maisara ko na ang pinto. Agad ko naman siyang binitawan saka rin naghabol sa aking paghinga.
“Mian,” Sorry, sambit ko saka ko inalis ang suot kong jacket at mask.
Matapos niya akong irapan ay kaniyang sinabi, “Ano bang ginagawa mo, ha? Anong meron?” Namaywang pa siya’t tinaasan ako ng kilay.
“Hiding,” mabilis kong sagot.
“Hiding? Bakit? Dahil hinahabol ka ng mga fans mo?”
“They’re not my fans.”
“So anong tawag mo ro’n?” tanong niya habang inaayos ang kaniyang buhok. Dagdag pa niya, “Eh kasalanan mo rin naman kasi e. Kung hindi ka siguro ipinanganak na g—”
“Guwapo?”
Agad namang tumikwas ang kaniyang nguso dahil sa aking tanong. “N-nevermind,” sagot niya saka siya tumalikod. “Nasaan na iyon?”
Nang makita ko sa lapag ang kaniyang hinahanap na panali sa kaniyang buhok ay agad ko iyong kinuha.
“Found it,” sabi ko dahilan para bahagya niya akong lingunin. “Let me tie your hair. Ang ikli ng mga braso mo,” sabi ko saka pumuwesto sa kaniyang likuran.
“Talagang kailangang may panlalait?”
“Hindi kita nilalait,” pagtanggi ko saka hinawakan ang kaniyang buhok. “I’m describing you.”
“Siraulo—aray ko!”
“Huwag kang sumigaw! Baka may makarinig sa atin!”
“Ayusin mo kasi. Dahan-dahanin mo! Masakit kaya!”
“Just don’t move. Ito na, inaayos ko na nga. Saka hinaan mo iyang boses mo.”
Nang maitali ko ang kaniyang buhok ay saktong pagbukas naman ng pinto.
“Bro, anong ginagawa ninyo dito?” natatawang tanong ni Einon at Watt nang maabutan nila kami sa loob. Kapwa sila mga kaklase rin namin.
“Bakit kasama mo rito si Deborah?” tanong pa ni Watt.
“Akala ko CR ‘to. Mukhang naging motel na,” pangngisi naman ni Einon.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Deborah nang mapansin niya ang aming paligid.
“T-teka, nasaan—ano ‘to? CR ng mga lalaki?” bulalas niya saka niya ako tiningnan nang masama. “Siraulo ka talaga, Goliath!”
“Sabagay. Sa ganda ba naman ng CR dito ay mukhang hindi CR,” sambit pa ni Einon saka iginala ang kaniyang paningin.
“Siraulo—aray ko!” biglang panggagaya ni Watt kay Deborah na agad namang sinakyan ni Einon.
“Huwag kang sumigaw! Baka may makarinig sa atin!” sambit ni Einon na ginagaya ang sinabi ko kanina.
“Ayusin mo kasi. Dahan-dahanin mo! Masakit kaya!”
“Just don’t move. Ito na, inaayos ko na nga. Saka hinaan mo iyang boses mo.”
Pinigilan ko ang aking sariling huwag matawa dahil sa ginagawa noong dalawa at sa itsura ngayon ni Deborah.
“Alam ninyo bang rinig na rinig kayong dalawa kanina sa labas?” natatawang pahabol ni Einon.
“Goliath!” sigaw ni Deborah. Mukha na siyang kamatis ngayon. Maliit at kulay pula.
“It’s Byeongyun,” nakangiti kong sabi.
“Naiihi na ako. Hindi pa ba kayo tapos?” usal ni Watt saka tumingin sa aming dalawa ni Deborah.
“Bwiset!” muling sigaw ni Deborah saka dali-daling tinungo ang pinto.
“Where are you going? Ayaw mo bang makakita ng lumilipad na ibon, Deborah?” pahabol na pang-aasar ko pa sa kaniya dahilan para linungin niya ako.
“Anong ibon? Maya? Iyong maliit at kulay brown?”
Wala na akong ibang narinig maliban sa malakas na tawanan nila Einon at Watt. Nakita ko rin ang pagngisi ng maliit na babaeng iyon bago siya tuluyang lumabas ng pinto.
“Bro, maliit daw iyan at kulay brown? King ina!”
“Iba rin ang tabas ng dila ni Deborah, pre. Malakas!”
Sinamaan ko na lamang sila ng tingin ngunit pagpihit ko patalikod ay pasimple rin akong napangiti.
Maliit? Tingnan na lang natin sa banda riyan kung alin ang mas maliit Deborah. Ang height mo o itong alaga ko.
DEBORAH’S POV Maaga akong nagising kinabukasan. Buhay na buhay ang group chat namin nila Byeongyun, Einon, Watt, and Bavi nang mag-online ako. Yes, kasama si Bavi. A week old pa lang ang group chat namin. “Balita ko umalis na raw si Soobin?” entrada ni Einon. “Hindi man lang nagpaalam sa akin,” tugon ni Watt na may umiiyak na emoji. “Salamat daw sa tula, Watt. Pero sorry, hindi ka raw talaga niya type,” sabi ko. Ang harsh ng dating pero iyon talaga, e. Para maka-move on na rin talaga siya. “Paano mo nalamang binigyan ko siya ng tula?” “Hala, ang corny mo talaga, Watt. Oh ayan ha, hindi ka talaga type,” pang-aasar pa ni Einon. “Pero nice guy ka daw naman, Watt,” sabi ko. Pampalubag-loob sa kaniya. “Did you two talk?” biglang singit ni Byeongyun. “Oo, saglit. Bago siya umalis kahapon. She apologized to everyone,” sagot ko. “Ikaw, kinausap mo pa ba siya?” “Nah.” “If Soobin’s really leaving, mukhang magiging okay na ang mga susunod na araw para sa iyo, Mexico,” Bavi commented.
DEBORAH’S POVTumahimik ang buhay ko for the past few days. Walang nananakit sa akin o nangti-trip. Nakakahinga na ako nang maluwag na hindi iniisip kung may mangyayari na namang masama sa akin.“Pupunta ako sa canteen,” I announced, looking at the three boys. “Sasama ba kayo?”Mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo si Byeongyun sa tabi ko. Tumayo na rin sina Einon at Watt habang tumatango.Sampung araw na rin ang nakakalipas matapos kaming ipatawag ng Board of Discipline. The penalty of expulsion of Choi Soobin with prior approval of the Secretary together with the supporting papers were forwarded to the Regional Office. Oo, mae-expel na si Soobin.Pagdating sa canteen ay bumili lang kami ng iced coffee saka naupo sa bakanteng table.“Threathening another with infliction of harm upon his person, destroying property belonging to any member inside the school, participating in brawls or inflicting physical injuries on others inside or outside the campus, physically assaulting any student,
DEBORAH’S POVI was sitting among these men, Einon, Watt, and Byeongyun. Isa-isa ko silang tinititigan habang nag-uusap sila sa harap ko sa isang glass table. In the North was our best choice for lunch after morning class. Treat ni Byeongyun.Napabuntonghininga na lamang ako nang maalala ko ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi ngayong may patunay na laban kay Choi Soobin. Maraming nangyaring hindi ko inaasahan at isa na doon ang ginawa ni Watt.“I won’t judge you for liking Choi Soobin, nagmamahal ka lang naman,” nakaismid na sabi ni Einon kay Watt na tahimik lang na nakasandal sa kaniyang upuan. “Mahal kita pero hindi ako support, bro.”Parang noong isang araw lang ay halos lumuwa ang mata ni Einon nang aminin sa amin ni Watt na gusto niya si Choi Soobin. Si Byeongyun? Hindi ko alam.“Isa pa, hindi ko pa rin matanggap na nagawa mong maglihim sa amin. Ang galing mo doon, hindi ko nahalatang marunong ka palang umibig,” nanunuksong dag
WATT’S POVSabi ko sa sarili ko, I should be in love with a nice person. Kasi kahit hindi ako mahal, mabait pa rin. Kahit hindi ako gusto, she would treat me nicely. Pero hindi ko akalain na magkakagusto ako sa kaniya, kay Choi Soobin. King ina! I had never tried to tell it either to Einon or Byeongyun kasi para saan pa? Itatago ko na lang siguro hanggang sa mawala. Almost everyone in the class despised her. She was once nice to me, not until I confessed to her.I had been trying to look okay everytime I would saw her talking with Byeongyun. Alam ko kung gaano niya kagusto ang kaibigan ko. Alam ko rin kung gaano nasusuya si Byeongyun sa ugali ni Soobin. Nasasaktan ako para kay Soobin, but I hid it anyway. Alam ko sa sarili kong hindi magiging maayos kung ipagpapatuloy ko ang pagkagusto ko sa kaniya, but I couldn’t help it. Gusto ko siya pero sa tingin ko rin ay sumusobra na siya. These past few days had been a chaotic days for us dahil kay Soobin.“Hindi ninyo pa rin ba makontak?” tan
BYEONGYUN’S POV It was just so tiring recently. Lalo pa ngayon na may hindi pa nagpapakilalang nagsasabi na si Soobin ang may kagagawan ng pagkawala ng drafts ni Deborah. “Paano ninyo nagagawang pagbintangan si Choi Soobin kung kasalanan naman talaga ni Deborah kung bakit hindi niya makita iyan? Hindi siya ninakawan. Malinaw na kay Deborah ang sisi kung hindi niya nakita ang draft dahil nasa mga gamit niya pa rin iyan. Puwede ba? Tigilan ninyo ang kasisisi sa kaibigan ko!” “See? It’s really her fault,” may pagmamalaking giit pa ni Soobin sabay punas sa basa niyang pisngi. “Are we done? Ugh! Such as waste of time!” “Hindi ko alam... bakit...” nauutal na sabi ni Deborah na halatang hindi rin makapaniwalang nasa mga gamit lang pala niya ang nawawalang drafts ng essay niya. Matapos ang pangyayaring iyon ay umalis ng classroom si Soobin kasama si Selena. Ang ipinagtaka ko nga lamang ay halos kaladkarin niya si Wyn palabas ng classroom. Agad akong kinutuban saka napailing. “This is a
DEBORAH’S POVHalos mabiyak na ang aking ulo sa kaiisip kung ano’ng nangyayari. Ang gulo. Hindi ko alam kung bakit may nagte-text sa amin na may nagnakaw ng draft ko sa essay gayong nakita rin ito sa mga gamit ko. Ang dami kong tanong ngunit parang ang hirap hanapan ng sagot.“Sino ba kasi iyan? Totoo pa ba iyan o ginugulo na lang tayo?” reklamo ni Watt makaraang malaman nila na may nagpadala rin ng text message sa akin.Nakita ko kung paano gumalaw ang panga ni Byeongyun. Kita sa hitsura niya na napipikon na siya.“Hindi ko talaga alam na narito ang mga papel na pinagsulatan ko. Wala na akong matandaan,” sabi ko saka sinimulang ayusin ang aking mga gamit na nakakalat sa lapag. Agad naman akong tinulungan ni Einon.“Kahit ako ay naguguluhan na rin,” sambit pa ni Einon saka niya iniabot sa akin ang aking bag.“Ayaw ko na talaga ng gulo. Hangga’t maaari, sana huwag na