Share

Fulfilled Duties (Tagalog)
Fulfilled Duties (Tagalog)
Author: disguisedname

Chapter 1

DEBORAH’S POV

“Hindi naman katulad ng pagtae ang pagkakagusto sa isang tao,” saad ni Watt na nakapagpasamid kina Byeongyun at Einon. Pati ako ay napatitig sa kaniya. “Kapag naitae mo na, wala na iyong feeling na natatae. Iyong pagkagusto ko sa kaniya, hindi gano’n.”

“Gross.” Napailing si Byeongyun.

“Kadiri,” ismid na sabi naman ni Einon.

“Ikaw ba, hindi?” Biglang tumaas ang kilay ni Einon sa banat ni Watt. Akala mo ba hindi ko alam na nagkagusto ka kay Deborah?”

Ay king ina, Watt.

Agad akong napamulaga sa aking narinig. Mabilis ding umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko nang magtama ang tingin namin ni Einon. Ang bilis namang sumegwey ng topic?

“Ha?” Napaawang na lang ang bibig ko. Hindi ko kasi inaasahan na mauungkat pa iyon. Hindi ko rin nabanggit kay Byeongyun kasi para saan?

Pero sabagay. Ang alam ko lang naman ay nagkagusto sa akin si Einon. Hindi ko alam kung bakit at paano niya ako nagustuhan. Hindi ko na rin naman siya tinangkang tanungin dahil ang pag-amin niya sa nararamdaman niya para sa akin ay ang huling beses din na sinabi niyang gusto niya ako.

“Hoy gago ka. Ano’ng sinasabi mo?” namimilog na mga matang singhal ni Einon.

“Bakit? Takot ka ba kay Byeongyun?”

Palihim akong napalingon kay Byeongyun na tahimik na nilalantakan iyong siomai na pina-order niya sa labas sa isang staff ng ate niya rito dahil nagke-crave daw siya. Wala kasi iyon sa menu.

Pero hindi natinag si Byeongyun. Mukhang hindi niya narinig o wala talaga siyang pakialam. Ay teka, ano ba’ng gusto kong mangyari?

Napaismid naman ako.

“Einon, paabot ng tissue,” sambit ni Byeongyun na parang hindi namin sila pinag-uusapang dalawa.

Agad iyong inabot ni Einon kay Byeongyun. “Oh.”

“I knew about it already,” saad ni Byeongyun. “Since first day of school.”

DUNCAN UNIVERSITY

Isang private school na sikat sa pagkakaroon ng mga foreign students. Private, as usual, mahal ang tubig, mahal ang pagkain, mahal ang ambagan, mahal ang lahat... ako na lang ang hindi nagmamahal. Mahal—mahal ang tuition na akala mo ay ipapadala ang aircon at wifi sa sobrang mahal.

Unang araw ko rito sa gintong school na ito. Sa totoo lang ay hindi ako makakapasok sa University na ito kung hindi dahil sa scholarship ko. Unang-una, hindi kami mayaman. Pangalawa, lima na kaming pinag-aaral ng aming mga magulang. Sapalaran pa nga kung makakapag-aral pa iyong isa ko pang nakababatang kapatid.

Ang magandang balita, kung hindi ninyo naitatanong ay nanalo ako sa isang Academic Quiz Bee noong nakaraang taon, at sa pagkasuwerte-suwerte ko nga naman ay ako ang nagkamit ng unang puwesto. Ang premyo? Dalawampung-libong piso kada semester sa buong apat na taong kurso.

Suot ang puting blouse na may kaparehang kulay maroon na kurbata at kulay maroon na paldang lagpas lamang ng kaunti sa aking mga tuhod ay tahimik kong binaybay ang daan patungong gate ng school nang makababa ako ng tricycle.

“Makiki-tap muna ng mga ID ninyo,” sambit noong isang guard na nakabantay sa main gate.

Isa pa sa nakakatuwa ay ang pagiging high tech ng school na ito. Bago ka makapasok ay kailangan mo munang i-tap iyong ID mo sa isang maliit na scanner na nakadikit sa pader at pagkatapos ay lalabas ang iyong mukha sa monitor, senyales na naka-logged in ka na. Ganoon din ang gagawin bago ka lumabas ng school para mai-log out at malamang wala ka na sa loob ng school.

Ilang hakbang pa ay narating ko na ang isang pagkahaba-habang pasilyo.

Maganda.

Halos lahat ng makita kong building ay nagtataasan at mababa na ang limang palapag. Rinig na rinig din ang malakas na ingay mula sa malaking gymnasium at kitang-kita rin ang kagandahan ng Terraza mula sa aking kinatatayuan. Talagang maganda dahil kung hindi ay malamang kurakot ang nga nilalang dito. Sa mahal ng ibinabayad na tuition dito ay dapat lang na maganda rin ang school!

Sa pagpapatuloy ng aking paglalakad ay mas lalo kong narinig ang maingay at nakabibinging paligid. Ang daming estudyante. May mga elementary na nagtatakbuhan habang kanilang hila-hila ang mga de gulong nilang bag, may mga juniors, seniors, at syempre, mga college na halos nagpupulahan ang mga pisngi dahil sa kanilang make-up. Ako? Tamang pahid lang ng kaunting pampapula sa labi para hindi ako magmukhang clown katulad noong babaeng kadadaan lamang sa aking harapan.

Dala ng pagkamangha sa aking mga nakikita ay hindi ko na napansin ang aking dinaraanan.

“Kabayo! Hala, sorry po!” agad ko namang paghingi ng tawad nang may makabangga akong estudyanteng lalaki sa aking paglalakad.

Kung inaakala ninyong dito na magsisimula ang istorya ng aking pag-ibig ay isa iyong malaking kalokohan! Ni hindi niya man lamang nga ako nilingon at diretsong naglakad ulit. Dahil doon ay agad na tumikwas ang aking nguso sa pagkadismaya.

“Tsk! Sa mga drama lang talaga sa TV may mga babae at lalaking magkakatitigan sa ganoong eksena,” usal ko saka nagpatuloy sa paglalakad. “Pero sa totoong buhay, wala—ay kabayo ulit!”

“Aish jinjja!” My goodness!

Take two pero ibang karakter. Para siyang kidlat. Agad kasi niya akong nahawakan sa aking braso dahilan para hindi ako bumagsak pagkatapos ko siyang mabangga at mawalan ng balanse.

Pag-angat ng ulo ko ay nakita ko ang mala-anghel niyang mukha, matangos na ilong, fair-skin, may pa-bangs, at talagang siya’y matangkad. First foreigner na nakita ko rito nang malapitan.

“K-Korean?” wala sa sariling sambit ko.

“Ne,” Yes, walang emosyon niyang sagot. Pansin ko ang paghugot niya ng kaniyang hininga bago niya marahang binitiwan ang aking braso. Kapagkuwa’y namulsa siya saka niya sinabing, “Do not face the floor, and look where you’re going, midget. Kaya ka nababangga e.”

I immediately fixed myself nang mapatitig ako sa kaniya. Parang hindi ko yata gusto ang tabas ng kaniyang dila.

According to English thesaurus, midget is synonymous to Lilliputian, baby, diminutive, knee-high, miniature, minikin, pocket, teensy, teeny, tiny, short, small...

“A-ano? Anong—hoy! Anong midget ang sinasabi mo, ha?” singhal ko sa kaniya saka ko siya tinaasan ng kilay. Ngumiti naman siya.

“Midget,” ulit niya saka bahagyang yumuko upang tingnan ako nang malapitan. Dagdag pa niya, “Small. Short. Baby. Ah, no. Scratch that. Let’s say, minion. Gets?”

Suot ang nakakaloko niyang ngiti na dahilan ng paniningkit ng aking mga mata ay agad akong napabuga ng hangin dahil sa nararamdaman kong pagkaasar.

“Midget? Still there?” aniya saka niya ikinaway ang kaniyang kanang kamay malapit sa aking mukha. Doon ko rin napansin na mayroon siyang tattoo ng dragon sa kaniyang magkabilang braso.

“Oo, nariito ako! Hindi mo ba ako nakikita? Tsk! ‘Wag mo nga akong tawaging midget!” pagrereklamo ko sa matinis na boses.

“A majja,” Oh, that’s right, sambit niya saka muling inayos ang kaniyang tindig. “I can clearly see how little you are pero magpatangkad ka muna, okay?” With his both hands on his pocket, nagsimula na siyang maglakad papalayo.

“Siraulo ka!” pahabol kong sigaw sa kaniya.

“Ah, hold it,” sabi pa niya saka siya tumigil sa paglalakad. Paglingon niyang muli sa akin ay kaniyang sinabi, “Are you lost, little girl? You are in the college department at bawal ang elementary students dito.”

Mas lalong kumulo ang aking dugo nang ngumiti siya nang mas malapad.

“Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita itong suot kong uniform? College na ako! College! Ano ba’ng problema mo sa height ko, ha? Bwiset ka!” naiinis kong sigaw sa kaniya.

Pakiramdam ko’y magkakaroon na akong ng totoong wrinkles dahil sa pangungunot ng aking noo dahil sa mga pang-aasar niya.

“Ah. Okay,” aniya sa pagitan ng kaniyang mahinang pagtawa. Doon ay hinayaan ko na siyang maglakad palayo.

Minasahe ko ang aking mukha at saka nag-relax. Kung hindi ko pa kasi siya hahayaang umalis ay baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili na hindi mag-evolve at maging si David dahil sa Koreanong Goliath na iyon!

“Relax, Deborah. Simula pa lang yan,” bulong ko sa aking sarili. “Baka mas marami pang kurimaw na mas malala pa riyan kaya relax ka muna.”

Humugot ako ng isang malalim na paghinga, inayos ang sarili ko saka ako nagmadali sa paglalakad patungo sa classroom ko.

Wala pa man ako sa pinto ay narinig ko nang binanggit ang pangalan ko.

“Miss Macalintal?” ani ng isang boses ng babae.

“Miss Deborah Macalintal?”

“Yes, ma’am! Present po!” medyo pasigaw kong tugon nang makatuntong na ako sa pinto ng aming classroom.

“Oh, you’re here,” nakangiting sabi sa akin noong professor. Dagdag pa niya, “You may sit beside Mr. Yoon, but introduce yourself first.”

Tumango naman ako at tumayo sa unahan na walang kamalay-malay sa aking sunod na makikita at maririnig.

“Akala ko ba college na tayo? Bakit may kinder sa unahan?” pambungad na pang-aasar ng isa sa mga lalaking magiging kaklase ko dahilan upang magtawanan ang lahat.

Gustuhin ko mang iikot ng 360° ang aking mga mata dahil sa inis ay hindi ko magawa. Seriously? Hindi ba pwedeng mind their own height na lang? Kanina pa ha.

“Stop making fun of her, Neo.”

Napalingon ako doon sa lalaking nagsalita at nagsaway sa may bandang likuran. Nalukot lang lalo ang aking mukha nang malaman kong magiging kaklase ko pala siya. Naka-pokerface siya nang tingnan niya ako mula sa kinauupuan niya.

“Be friendly with a kid like her,” dugtong pa niya na ikinatawa na nang malakas ng lahat estudyanteng nasa loob ng classroom.

Tinitigan ko siya’t pasimpleng sinamaan ng tingin. Koreanong Goliath!

“Quiet, everyone!” saway naman nitong professor na nasa aking tabi. Kapagkuwa’y agad ring humupa ang tawanan nila. “Miss Macalintal, please introduce yourself.”

“Deborah Macalintal,” maikli at walang gana kong pagpapakilala. Ni hindi ko na rin magawang ngumiti dahil sa pagkainis.

“O-okay,” napipilitang ngiti ng professor saka niya ako sinenyasan na puwede na akong maupo.

“Boring.”

Napangisi ako nang mahagip ng aking tainga ang kaniyang ibinulong. Isang lalaking parang kakambal ang crescent moon. Hinarap ko siya at saka siya nginitian.

“Mas mabuti iyon para hindi ka magka-interes sa akin,” sabi ko.

“Burn baby!” natatawang sambit ng kaniyang katabi.

“What the—”

Maglalakad na sana ako patungo sa aking upuan nang maalala ko kung sino ang aking makakatabi. Muli ko namang hinarap iyong professor namin.

“Ma’am, puwede po bang makipagpalit ng desk?” tanong ko na agad niyang hindi sinang-ayunan.

Napasimangot ako nang bahagya sa kaniyang sagot. Tumalikod na lang ako pagkatapos saka tinunton ang aking magiging upuan kung saan ay kitang-kita ko na ang mukha ng isang Koreanong Goliath.

“Stop pouting. Mukha kang goldfish,” panimula niya pagkaupo ko pa lamang sa tabi niya.

“Tigilan mo ako, Goliath!” saway ko sa kaniya saka siya bahagyang tinalikuran.

“Goliath?” nagtatakang tanong niya ngunit hindi ko iyon pinansin. Ngunit sadya yata siyang may lahi ng pagiging makulit nang marinig ko na naman ang kaniyang boses.

“Ma’am, puwede po bang makipagpalit ng desk?” panggagaya niya sa akin kaya mariin akong napapikit. Pilit pa niyang pinaliit ang kaniyang boses kaya mas lalo akong nairita. “Tss. Ayaw mo ba akong katabi?” tanong pa niya sa mapang-asar na tono.

Dahan-dahan ko siyang nilingon suot ang isang pekeng ngiti. “Obvious ba? Kailan ka ba titigil? Kailan ka mawawala?”

Umiling siya. “There’s no way you can get rid of me, midget. Anyway, I’m Byeongyun. Yoon Byeongyun,” pagpapakilala niya sa akin.

“Tigilan mo na ako, puwede? Tumahimik ka na lang. Hindi ko naman tinatanong.” Tinaasan ko lang siya ng kilay saka ko inayos iyong mga gamit ko sa table.

“We’re classmates.”

“Ano naman ngayon?”

“Araw-araw mo akong makikita. Araw-araw mo akong makakausap at makakasama. It’s cool, isn’t it?”

“Cool mo mukha mo. Kumukulo ang dugo ko sa iyo!”

“Tss. Easy ka lang.”

Hindi ko na siya pinansin pa. Kung ganito lamang din naman ang aking makakasama, makikita, at makakausap araw-araw ay mas gugustuhin ko pang makipag-usap sa aking sarili!

“Deborah? That’s a nice name, but I prefer calling you midget,” aniya saka tumawa.

Muling nagpanting ang aking tainga kaya’t nang mahawakan ko ang isang makapal-kapal kong notebook mula sa aking bag ay agad ko iyong naihampas sa kaniya. Agad na nahinto ang kaniyang pagtawa dahil sa aking ginawa.

“Masakit? Tumahimik ka kasi,” sarkastiko kong sabi saka siya inirapan.

Bago ko alisin ang aking paningin sa kaniya ay nakita ko pang nag-pokerface siya.

Kung bakit ba naman kasi hindi na lang siya naging mabait! Bibihira na nga lang ako makakita ng Koreano tapos ubod pa ng bully.

“Midget,” sambit niya.

Awtomatiko kong nailagay ang aking mga kamay sa magkabila kong tainga nang marinig ko na naman ang kaniyang pang-aasar. Tinamaan ka nga naman ng magaling!

Ilang minuto pa’y lumabas na ang professor matapos makapagpakilala ng lahat. Wala raw munang klase kasi anytime, pwede pang mabago ang schedule kaya sa amin na muna ang natitirang time sa klase niya.

Break time at ang lahat ay halos naglilibot sa buong campus. Pumunta muna ako sa canteen para sana bumili ng tubig.

“Ate, tubig nga po!” medyo pasigaw kong sambit dahil sa dami ng nakaharang sa unahan ko ay hindi ako maririnig.

“Ate, pabili po ng—aray ko! Ate, tubig—aray! Tubig po!”

Anak ng! Minsan talaga ang hirap din maging maliit. Muntik na akong mapisa kanina. Jusko!

“Oh, tubig.” Pagharap ko sa aking tagiliran ay nakita ko si Byeongyun na iniaabot sa akin ang isang bottled water.

“Take it. You’ll just get hurt kapag nakipagsiksikan ka pa sa kanila. Sa liit mong ‘yan, maiipit ka lang nila.”

Concern ba ito o sadyang nang-aasar lang? Talagang iba rin ang tabas ng dila nito e.

“Salamat ha,” sarkastikong sambit ko sabay hablot sa kaniya noong bote ng tubig.

“My pleasure, midget,” aniya sabay kindat sa akin at saka nakapamulsang umalis.

Aba, ay maharot ang kano! Kumindat pa?

“Nakita mo ‘yon? Kumindat si kuyang pogi!”

“Oppa wink at us. Omo. Omo.”

Awtomatikong pumihit ang leeg ko sa likuran ko nang marinig ko ang itinitili ng mga harot na ito. Mga senior high school students.

Nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila agad nila akong tinaasan ng kilay. Aba’t—mga balasubas!

Magtataray na sana ako kaso nakita kong nagliwanag bigla iyong mga mukha nila. Mukhang nakakita ng artista sa likuran ko. Sa pagtataka ko’y pumihit ulit ang leeg ko para tingnan kung saan sila nakatingin.

“Hi, midget,” ngiting-ngiti na bati niya sa akin.

Napatikwas ang nguso ko nang makita ko na naman siya. Kaya naman pala. Artistahin nga. Kapagkuwa’y napangisi ako. Ang makaisip ng kalokohan ngayon ay saktong-sakto lamang.

“Bakit ka bumalik?” komportable kong tugon sa kaniya na halatang kaniyang ipinagtaka. Nilingon ko ulit iyong mga asyumera sa likuran ko na tumitili parin. Napairap ako bago ko muling lingunin si Byeongyun.

“Come with me. We’ll go around the campus,” pagyayaya niya sa akin na sinang-ayunan ko naman kaagad. Napangisi na lang ako sa naisip ko.

“Sure! Let's go!” bumubungisngis kong sambit sabay hawak sa braso niya.

“Great,” usal niya na hindi binigyang-pansin ang ginawa kong paghawak sa kaniyang braso saka kami naglakad palabas ng canteen. Bago pa man kami tuluyang makalayo ay nilingon ko sa huling pagkakataon iyong mga bruhang senior high school students na ngayon ay mga nakakunot ang noo. Natawa naman ako.

“Mga assuming!” bulong ko sabay dila sa kanila.

Ilang segundong katahimikan.

“You’re so cute and funny. Para kang bata sa ginawa mo,” natatawa-tawang usal ni Byeongyun sa gitna ng aming paglalakad. Diretso lang siyang nakatingin sa daan.

“Tss. Hindi naman siguro sila mamamatay kung patulan ko sila,” naaasar kong sambit.

“Ginawa mo pa talaga akong props?” pang-aasar pa niya kaya kumalas agad ako sa pagkakahawak ko sa braso niya nang mapagtanto kong kanina pa pala ako nakakapit sa kaniya.

“Tse! Acting lang iyon! Sa iyo na braso mo, oh!” singhal ko sa kaniya saka ko siya mahinang itinulak.

“Ngayon ka pa kumalas?”

“Bakit? Nag-e-enjoy ka pa?”

Nang inguso niya ang aming paligid ay naintindihan ko na.

“Masiyado tayong agaw-pansin,” nakangiti niyang sabi na ikinataas ng aking kilay.

“Wow. Sikat ka pala sa mga babae, ano?” Tiningala ko si Byeongyun. Sabi ko pa, “Alam mo minsan, mag-face mask ka na lang para hindi ka pinagkakaguluhan. Sus! Para hawak lang sa braso e,” sambit ko at nagpatiuna sa paglalakad.

“Hey, midget! Wait for me,” sigaw niya habang hinahabol ako. Madali naman niya akong naabutan dahil mahahaba ang biyas niya kumpara sa akin.

“Just don’t mind them. Kung gusto mo, humawak ka na ulit sa akin kasi baka mamaya, maligaw at mawala ka pa. Hawak lang naman—aw!” Napadaing na lamang siya nang hampasin ko siya sa gitna ng pang-aasar niya sa akin.

“Siraulo ka.”

“If I know, tuwang-tuwa ka sigurong hawakan ako. Hawak—aray!”

“Humanap ka ng kausap mo, Goliath!”

“Baka may iba ka pang gustong hawakan sa akin—ouch! Hey! Nakakarami ka na!”

“Tumigil ka na nga, Goliath!”

“It’s Byeongyun.”

“Goliath.”

“Okay, midget.”

“Ugh!”

“Ayaw mo na talagang humawak—okay. I’ll stop.”

Tinangka kong unahan siya sa paglakad ngunit sa laki niya’y hindi ko siya magawang takasan.

Natapos ang maghapon sa paglilibot namin sa school facilities at different departments na meron ang school. At sa maghapon na iyon, hindi ko man inaasahan ay si Byeongyun lang ang nakasama ko sa buong tour kahit maya’t maya ko siyang hinahampas dahil sa pagiging alaskador niya.

“Ayaw mo talagang ihatid kita?”

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niyang naitanong sa akin iyon habang papalabas kami ng gate ng school.

“Oo, ayoko nga. Baka kung ano pa’ng isipin ng mga iyan,” sabi ko sabay nguso sa paligid.

Ang dami kasing babaeng bet na bet ang Koreano na ito. Sa dami nila ay baka maging meat ako sa Samgyeupsal kapag nagkataon.

Nang makarating kami sa parking area ay agad niyang kinuha ang kaniyang helmet.

“So? I just want to give you a ride to say thank you kasi sinamahan mo ako kanina sa pagtu-tour around the campus,” pagpapaliwanag pa niya sabay salpak noong helmet sa ulo niya.

“Sus! Thank you is enough. Saka hindi mo naman ako girlfriend para ihatid pa sa bahay.”

“Mwo?” What? nangingiti niyang tanong sa akin saka niya ako tinitigan. “Required ba na dapat girlfriend lang ang inihahatid sa bahay ng isang lalaki?”

“A-ano? Ay ang—”

“Kung gano’n ay girlfriend na kita. Halika na,” aniya saka dali-daling sumakay sa kaniyang big bike.

“Siraulo ka ba talaga?”

“Hindi naman.”

Napasapo na lamang ako sa aking noo dahil sa kaniyang mga pinagsasasabi.

“Umuwi ka na nga. Saka i-preno mo rin minsang iyang bibig mo. Ang dami mong kalokohan!” naka-irap kong sabi.

“No one can say, midget. Malay mo, soon.” Saglit akong natahimik dahil sa sinabi niya. Soon, my foot.

Nakita ko naman kung paano pa ngumiti nang isang malapad si Byeongyun nang marinig niya lalo ang mga bulungan sa paligid.

“Get lost, Goliath!”

Sa kahihiyang nararamdaman ko ay tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad palayo.

“I told you, it’s Byeongyun!”

“Bye!”

“Okay. Bye, midget! See you tomorrow!”

Hindi ko na siya nilingon pa at nagdiretso na lang sa paglalakad.

Sa dinami-rami ng puwede kong makilala sa unang araw ay iyon pang saksakan ng kulit. Talaga bang siya na ang makakasama, makikita, at makakausap ko araw-araw sa school na iyon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status