Share

CHAPTER 51

“KAMUKHANG kamukha mo pala ang pamangkin ko.  Siguradong marami rin itong paluluhaing lalaki paglaki,” nakatawang sabi ni Javier habang tinataguya si Stacey.  Nagulat siyang kaagad sumama dito ang anak niya samantalang umiiyak ito kapag unang kita pa lang nito sa tao.  Siguro’y iba talaga ang lukso ng dugo.

            “Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi mong ‘yan.” Nakangusong sabi niya sa binate, huminga siya ng malalim, “Sana napatawad mo na ko sa lahat ng pagsusuplada ko saiyo nuong araw.  Siguro ngayon naiintindihan mo na kung bakit ako naging ganun saiyo.” Napapahiyang sabi niya rito.

            “Kalimutan na natin yun.”

            “Kumusta ka na nga pala? I mean, may girlfriend ka na?”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status