Share

CHAPTER 7

REGINALD DAEWOON...

Magaling na gumiling ang babae sa unahan at hindi maalis-alis ang tingin n'ya rito. Kanina n'ya pa din napapansin na ang mga mata ng babae ay hindi din umaalis sa kan'ya.

Iba ang nararamdaman n'ya rito. Malakas ang pakiramdam n'ya sa mga tao ngunit sa babae ay parang tinatalo s'ya nito.

"Fvck!" mariing mura n'ya ng makita na hinawakan nito ang strap ng bikini na suot. Parang gusto n'yang tumakbo sa gitna at hablutin ang babae.

May pakiramdam s'ya na ayaw n'yang may nakakakita ng katawan nito na ibang tao. Nagtagis ang kan'yang bagang ng marinig ang hiyawan ng mga lalaki at sinisigaw ang salitang hubad.

May nagbato ng mga pera rito at mas lalo pa nitong ginalingan ang paggiling sa katawan. Hindi n'ya na kayang panuorin ang ginagawa nito. Alam n'ya na hindi n'ya dapat ito ginagawa at isa pa ay nasa misyon s'ya pero parang may nag-udyok sa kan'ya na puntahan ang babae sa unahan para pababain sa stage na iyon.

"What are you doing Red?" narinig n'ya ang boses ni Spike
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Jossel Zulueta Ber
ang landi mu pula alin ba ga s kanila uy
goodnovel comment avatar
Melba Ritos
Nice story author .........
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Thank you Ms A sa update keep safe always God bless you
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status