Share

VISIT

INFANTA, QUEZON POLICE STATION

Kabadong tinapik-tapik ng Chief of Police na si Alfonso Lorenzo ang gilid ng kanyang mesa habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kanyang opisina na nasa ikalawang palapag ng police station ng Infanta. Nakaharap sa isang bahagi ng parking area ang kanyang opisina kaya kitang-kita niya ang pamilyar na kulay itim na pick-up truck na pumarada sa ilalim ng punong mangga. Alam niyang sinadya ng driver niyon na doon mag-park. Marami pang space sa parking lot dahil week-end kaya wala gaanong tao at mga sasakyan.

Nakarinig ng dalawang magkakasunod na katok mula sa pinto si Chief Lorenzo kaya bahagya siyang napapitlag.

"Tuloy," aniyang ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa labas ng bintana.

Bumukas ang pinto sa driver's side ng pick-up at mula roon ay bumababa ang lalaking kahit may kalayuan ay alam ni Chief Lorenzo na seryoso ang anyo nito. Mas lalo tuloy nadoble ang kaba sa kanyang dibdib. Kumunot ang noo niya nang makitang bumukas maging ang pinto ng pick-up
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status