Share

Bardagulan

Author: Yurikendo
last update Last Updated: 2023-12-16 15:56:46

“Miss Selene, bakit niyo po itinulak si Miss Liset sa pool?” pag-iinterogate sa amin ng Security ng naturang building. 

Maagap din naman nilang inagapan nang malaglag nga si Liset sa pool, pero hindi ko siya tinulak, nahulog siya, that’s it.

Inikot ko lang ang aking eyeballs bilang sagot. Nakatapis na ako ng tuwalya, si Zusie ay nasa likuran ko habang naghihintay sa magiging desisyon kung ano ang dapat na gawin sa eskandalo na nangyari kanina.

Kahit kailan talaga ay pahamak ang Liset na ‘to, may pasugod-sugod pa sa ‘kin hindi naman pala kaya ang sarili.

“Walanghiya ka talaga, Selene, ano ba kasing balak mo sa pagpasok sa mga buhay namin.” Nanginginig pa ang babaeng ‘to habang halos aputol na ang ugat sa kaniyang leeg sa pagsigaw. Aba! Kasalanan ko pa ngayon?

“Bakit kasi lumapit ka sa may pool? Kung hindi ka rin kasi kalahating tanga, ‘di ba?” Mas lalo ko siyang inartehan, mas seksi ako kung tutuusin sa kaniya kaya ‘wag niya  ‘kong angasan. Hanggang pagsigaw lang naman ang kaya  iyang gawin.

“Baliw!”

“Kaysa naman lampa!”

Narindi na ata ang dalawang security na nakabantay sa ‘min kaya umawat itong muli sa nagsisimula na naman naming pagbabangayan ni Liset. 

“Mas mabuti ata kung bumalik na alang po kayo sa mga Unit niyo, masiyado na kayong nakakaistorbo sa trabaho namin, ma’am,’ sabi ng isang guwardiya.

“Oo, tama. Warning na lang ‘to sa ngayon, pero kapag naulit pa po ay idederetso na namin kayo sa presinto. Do’n na lang ho kayo magkaaregluhan.”

Si Zusie na ang sumang-ayon sa dalawang guwardiya, inalalayan na ‘ko nito patungo sa elevator upang makapagbihis na kmai sa Unit. Ngunit dahil nga sa dito rin pala nagstay si Liset ay nakasunod ito sa amin patungo sa 20th floor.

Hindi na ‘ko umiimik pa hanggang sa muling nagbukas ang elevator upang makalabas kami. Tama nga ito, magkatabi ang inuupahang Condominium ng dalawa, pero bakit nitong mga nagdaang araw ay hindi naman namin siya napansin dito?

“Kailangang malaman ni tita ang ginagawa ni Dreyk, sisiguraduhin ko na hindi ka na makakatuntong pa sa gusali na ‘to.”

             Hayan na naman siya sa mga sinasabi niya, nananahimik na nga ako.

“Sumbungera!” dahil hindi ko natiis ay sumagot pa rin ak.

“Ano?!”

“Tamo, bingi pa pala?”

“Hoy Selene Villazanta, hindi ka ba talaga makakalugar sa dapat mong kalugaran?”

“Bakit, may iba pa ba akong dapat lugaran bukod sa piling ni Dreyk?” Gusto ko siyang inisin ng paulit-ulit, makaganti man lang sa pambabalewala niya sa akin noon.

“Meron, dapat sa ‘yo ibinabalik sa Bar, kung sa’n nababagay ang isang maruming tulad mo!”

Doon na nagpantig ang tainga ni Selene, laitin na siya nito’t lahat pero ‘wag lang niyang babanggitin ang tungkol sa pagiging maruming babae niya.

“Ano’ng sabi mo?”

“Selene, ‘wag na, winarningan na tayo kanina. Pabayaan mo na ang isang ‘yan, naiinggit lang ‘yan kasi echapwera na siya ni Dreyk.” Si Zusie naman ang nagsalita upang mapigilan ang nag-iinit na namang kapaligiran para sa kaniyang dalawa ni Liset. 

“Huwag kang makisaw-saw dito-”

“Tumigil ka na nga Liset! Ikaw, ano bang problema mo? Maging masaya ka nalang para sa ‘min ni Dreyk. Sa dami ng pinagdaanan ko, wala ni isang dumamay sa mga taong pinahalagahan ko, kahit na ikaw. Ang malala pa nga, tinira mo pa ako patalikod. Siguro tuwang-tuwa ka ng umalis ako noon, hindi ko naman alam na may gusto ka sa ex-boyfriend ko. Sinabi mo na lang sana, dahil hindi ko kailangan ang lalaki noon… kaibigan ang kailangan ko. Pero ano ba ang ginawa mo? Itinaboy mo ko papunta rito, hindi mo ‘ko binigyan ng pag-asa, imbes ay mas lalo mo ‘kong inilugmok. Kaya tumugil ka sa kakangawa mo diyan ngayon. Isipin mo na lang, ako ang karma mo. At sisiguraduhin kong magugulo talaga ang buhay mo.”

Pigil hiningang sinumbatan ko si Liset, inilabas ko ang gusto kong sabihin dahil ito na ang mas tamang pagkakataon para doon. 

“Kaya kung ano man ang mayro’n kami ng kaibigan mo’y tanggapin mo na. May sariling isip si Dreyk para idikta niyo kung sino ang dapat na para sa kaniya,”wika ko. Sawang-sawa na ‘kong parating inaayawan, kaya ngayon na may isang tao na ginusto ako’y hindi ko basta babalewalin ‘yon. Hindi ko man matumbasan ang pagkainteres sa ‘kin ni Dreyk, ang mahalaga ay maappreciate ko man lang iyon.

“Wala kang magagawa, Selene.” Humagalpak ito ng tawa. “Hindi mo naman mababago ang mga nangyari na, patuloy ka lang na gagapang.”

Napabuntong-hininga ako, wala na nga ata talaga ‘kong mapipiga ni katiting na simpatya o pagsisisi sa kaniya. Kailangan ko na lang tanggapin na ito ang tunay na Liset na hindi ko nakilala noon.

“Okay, kung ‘yan ang mindset mo. Just make sure na hindi kita matatalo pagdating ng araw.” 

Iginigiya na ako ni Zusie sa may pintuan ng may bigla pang akonng maalala’t muling bumaling rito. Panay ang pagngiti-niti nito na parang hindi naniniwala na kaya ko siyang ungusan balang-araw.

“Nga pala, siguraduhin mo rin na mabantayan ng maayos si Patrick, alam mo na, baka mamaya’y may isa pang linta ang kumapit sa kaniya, malay mo ako pala ‘yon.”

“What?” 

Ramdam ko ang pagtaas ng emosyon sa mga mata nito, sadyang mabilis ang physical capacity ni Liset kaya nang akmang hihilahin na naman ako niya’y hindi na ako agad nakakilos pa. Subalit hindi ko inaasahan ang pagdating ni Dreyk mula sa kabilang gawi. Naroon na siya, sinalo ang kamay ni Liset na dadampi na naman sa ‘kin.

“Dreyk…” si Liset ‘yon.

“What is this all about?”

“Dreyk, paano kasi ‘yang si Liset-”

“Zusie, pumasok na muna kayo sa loob, samahan mo si Selene,” utos ni Dreyk. Agad din namang tumalima si Zusie’. Pero ay hindi ko maintindihan ay kung bakit parang galit ito sa tono ng pagkakasabi niya. Ni hindi pa ‘ko hinayaan na makatapos sa sinasabi ko.

“Let’s talk,” anito. Itinulak niya si Liset patungo sa Unit nito, ni hindi tumingin o lumingon man lang sa akin.

“At ano’ng gagawin nila sa kuwartong ‘yon ng silang dalawa lang?” inis na tanong ko sa sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   The End

    “Love, sorry na-traffic. Tapos ay nagpa-gas pa ako kaya medyo natagalan talaga.” Bumaba si Leon mula sa BMW naming sasakyan. Aligaga siya sa pag-e-explain kung ano ang nangyari all the way here habang ako ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya. Isa rin siya sa super na-miss ko. Sa pag-aalala sa mga nangyari ay hindi ko na nga napigilang hindi mapaluha. Well, I was just overjoyed. “Love, are you okay? Did something happen? Inaway ka ba nila?” “No, no Love, masaya lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nakapasok na si Fiel sa loob ng kotse habang kaming ay narito pa sa front door. “Do you missed me?” tanong ni Leon sa akin. Pinunasan niya ang tubig na dumaloy sa aking mukha. Tumango ako. Hindi ko na siya hinayaang magreact pa’t tumingkayad ako ng kaunti upang mahagkan siya sa labi. Nadama ko naman na tumugon ng halik ang mahal ko kaya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Leon may not be my first in life, but he will be my last. I promise. I missed you, and I love you.

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Parting Ways

    Flashback. After Selene’s accident. “What are you trying to tell, wife?” The situation was too hard for Dreyk to accept what Selene was saying. She wanted something that would be hard for him to give her. “Ibalik na lang natin kung ano ang dati, bago tayo nagkita ulit at bumalik ako sa ‘yo.” “Are you saying na…” “You have Sera, she needs her mother.” Napatayo si Dreyk sa kaniyang kinauupuan, napasabuhok gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Umayos din naman sa kaniyang pagkakaupo si Selene, gusto niyang mas maintindihan ni Dreyk na ang kapakanan ng bata ang iniisip niya rin. Pero paano nga rin ba niya ipapaliwanag sa asawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi pa rin nakakabalik ang alaala niya. At ang pinakatotoo sa lahat ay iba ang tinatawag ng puso niya. “But I need you, wife.” “I know, pero ayaw ko na ring magkunwari pa sa harapan mo Dreyk. I can’t remember the tings that we used

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Birthday Present

    “Ready na ba ang lahat?” tanong ni Mrs. Sebastian sa kaniyang mga maids na nagpe-prepare ng venue for her niece, Sera’s 6th birthday party. Sa mansiyon lang ang kanilang handaan para mas malawak at maimbitahan lahat ang kaibigan at kaklase ni Sera. “Mamala,” sigaw ni Sera sabay yakap sa kaniyang mahal na lola. “Thank you po,” dugtong ng bata. “Everything for my princess.” Mrs. Devere Sebastian gave Sera a kiss in the forehead. Sa tabi ng magandang bata ay ang nakababatang kapatid naman niyang si Fiel. “Don’t be naughty, Fiel. Always hold ate Sera’s hand. Oka.” Pagpapaalala ng ginang sa batang lalaki. “Yes, mamala.” Mrs Devera also gave Fiel a kiss just like what she did to Sera. Nagtakbuhan na ulit ang dalawa patungo sa ilang kaibigan ng celebrant. Patapos na rin ang pag-aayos, at ilang sandali na nga lang ay magsisimula na ang event. Lumabas na rin si Dreyk kasama ni Selene at nakipag-usap sa mga bisita. Nagpasalamat ang dalawa sa pagdating nila sa kaarawan ni Sera, nagpahay

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   What happened in the Past?

    Dreyk’s Flashback Memory Isang shot pa para kay Jeriko. Narito kami sa bar, kahahatid ko lang kay Claire sa kanilang bahay. Galing kami sa pag-aasikaso ng kasal namin. Medyo exhausted dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, at wala pa kami sa kalahati ng mga kailangan para sa event. “Mukhang pagod na pagod ka ha,” puna ni Jeriko sa akin. Sinalinan niya ako sa aking shot glass. “Oo, nakakapagod pala magpakasal,” sabi ko. Niyaya ko ang aking matalik na kaibigan para naman kahit papaano’y makaramdam ng relaxation ang katawan ko. “Gano’n talaga at ‘yan,” sabi niya pa sa akin. Ikinuwento ko nga saka kung gaano karami ang pinuntahan namin ngayong araw, sumabay pa na tinotoyo si Claire, sabi nito’y may monthly period daw kasi siya, na hindi ko naman maisip kung acceptable reason ba ‘yon. “Tiis lang pre, pagkatapos naman ng kasal niyo’y magiging kampate ka na kay Claire. Matagal niyo na rin namang plano ‘to, ‘di ba? Kasunod ay ikaw na ang magpapatakbo ng Kumpaniya niyo kaya maswerte k

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Accident

    Madudurog na ang kamao ko kakasuntok sa puting pader ng Ospital na pinagdalhan sa mag-ina ko. Maayos ang lagay ni Sera pero hindi ni Selene, ang sabi’y kailangan agad na ma-operahan ang asawa ko sa lalong madaling panahon. Mahigit isang oras na ang lumipas, wala pa ring balita tungkol sa operasyon ng asawa ko. “Dreyk, anak, w-what happened?” humahangos si mom na lumapit sa akin. Siya ang una kong tinawag matapos kong matanggap ang balita tungkol sa nangyari sa asawa ko. “Ang sabing nabundol sila ng kotse mom, Selene save Sera. And then I don’t know…” hindi ko na napigilan pa ang hindi mapaiyak, ngayon lang bumalik ang asawa tapos ay may nangyari pang ganito. Hinaplos ng aking ina ang aking likuran at sinubukan akong pakalmahin, I tried kanina kaso’y ang saklap lang talaga. “Wala pang sinasabi ang Doktor, sa katunayan ay hinihintay ko nga na may lumabas mula sa operating room.” Tumango-tango si Mom. “Okay, so, were is Sera, ang apo ko?” Itunuro ko kay mom kung saan ang silid ng

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Selene and Tiffany Reconciliation

    Ano ba’t kailangan ba akong madamay sa kaso ni Tiffany Andres? Isang pulis ang tumawag sa akin upang sabihin na nagtangkang magpakamatay ang babae habang nasa kulungan. Ang sabi’y kung hindi nga raw naabutan ng ilang kasamahan sa banyo ay baka malamig na bangkay na ito ngayon. At bakit ako rin ang tinawagan nila, bakit hindi na lang si Dreyk? Dalawang Police Officer ang nagbabantay sa silid na okupado ni Tiffany, may malay na siya pagdating ko kaya naman kinausap ko na kaaagd siya. Kailangan ko ring makabalik agad papuntang school para sa mga bata. “Ano ba ang naisip mo’t gusto mong magpakamatay?” Prangka kong tanong sa kaniya. Naupo ako sa may malapit sa kaniya. Nakaupo naman ito habang may nakatusok na aparato sa kaniyang wrist arm. Hindi sumagot si Tifany, tinapunan lang ako nito ng tinging sakka muling tumingin sa labas ng kaniyang bintana. Nag-eemote lang? “So, gusto mo nang magpakamatay?” tanong ko ulit. “Wala kang pakialam.” Napasinghap ako’t tinarayan siya, in

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status