“Grabe! Ang yaman pala talaga ni Dreyk, ano? Tiba-tiba ka na sa kaniya bruha. Uy, ‘wag mo nang pakawalan ang isang ‘yon. Hmm… sige ka baka mapunta pa siya sa akin.”
Hindi na naman matabas ang kadaldalan ni Zusie, kakatapos lang naming mamili ng mga bagong damit, sapatos at ilang pampaganda gamit ang card na ibinigay ni Dreyk kagabi. First time kong makagamit ng gano’n, tapos ang pinamili pa ay mga sarili kong gamit kaya lalong mas bongga. Ilang sikat na stores ang pinuntahan namin, as in sobrang dami na ng bitbit naming paperbags. Ayon lang dahil hindi ako nakapahrequest kay Dreyk nang magiging tagabuhat sana ng mga ito.
“Hindi ka naman papatulan no’n, bruha ka.”
Tinawanan ko si Zusie dahilan upang pabiro niya ako ng tampalin sa may braso ko.
“Hmp! Okay lang, for sure makakahanap din ako ng Prince Charming na katulad niya. Manifesting ako.”
Natuwa ako lalo sa pagbaby talk niya, kaya naman inaya ko siya na kumain kami ng baka ngayon. Steak ba.
“Tingin mo babagay sa ‘kin itong hater dress na ‘to, Selene? Hindi ba masyadong kita ang kaluluwa ko rito?”
“Ngayon ka pa naging concious sa katawan mo, kung kailan hindi ka na naghuh*bad sa harapan ng kung sino-sinong lalaki? Huwag ka nga, syempre babagay ‘yan sa ‘yo, parehas tayong maganda, no.” Pabiro iyon, pero sa totoo’y ¾ naman sa sinabi ko’y tunay.
“Thank you bruhilda, hiindi talaga ako nagsisisi na ikaw ang naging frenny ko, I love you na.” Yumakap pa sa akin si Zusie, na siya rin namang ginawa ko sa kaniya. Narito na kami sa loob ng isang eleganteng steak haus, pagpasok pa lang ay sumulasok na sa ilong ko ang napakasarap na amoy ng mga nilulutong karne.
Habang nasa gitna ng pagkain ay pinag-usapan pa namin ang ilang bagay na nangyari sa bar bago kami umalis do’n, tungkol sa mga maarteng kasamahan namin at sa mg matataas na bossing. Kulang na nga lang ay isumpa ni Zusie ang ilang customer daw niya na sobra naman kung sulitin ang bayad sa kaniya na para bang ayaw na siyang pagpahingahin kahit na limang minuto lang.
Ang iniwasan lang namin na maging topic ay ang tungkol sa pamilya, parehas namng pinutol na ang koneksiyon sa mga dati naming mahal sa buhay. Actually parehas kaming itinakwil ng mga mahal namin sa buhay.
Nang matapos ang aming pamamasyal ay napagpasyahan na naming mauwi upang makapagpahinga. Pero nang makarating sa Condo ay may kung ano’ng kagagahan na naman kaming naisipan na gawin nang matanaw ang swimming pool ng building.
…
“Ano’ng ibig mong sabihin na hindi na si Dreyk Sebastian ang may-ari ng Condo Unit na ‘yon? Eh, magkatabi ang Unit namin sa bulding na to, right? You know me, do you?” Naghihisterikal si Liset sa harapan ng reception area ng gusaling kung saan ay mayroong Unit siyang okupado.
Matagal na silang magkaibigan ni Dreyk, maging ang kanilang mga pamilya ay malalapit na magkaibigan din. Sabay silang lumaki ng binata, may tiwala sila sa isa’t-isa kaya impossible na umalis ito sa kaniyang Unit na hindi man lang nagsabi sa kaniya.
Sinusubukan niyang tawagan si Dreyk ngunit wala siyang makuhang sagot mula rito. Kanina pa siya nakarating sa lugar, nakapagshower at bihis na rin. Balak niya na makipagakita sa kaibigan upang kumbinsihin ito na ‘waag ituloy ang pagbabalak ng kasal kay Selene. Liman taon niya ring iniwasan ang mundo nito kaya naman hindi siya papayag ngayon na biglang susulpot ang dating kaibigan sa kanilang litrato. Mas lalong ayaw niyang magkarron ng ugnayan ang kaniyang soon-to-be husband sa dati nitong girlfriend.
“D*mn! Pick up Dreyk!”
Nakatatlong beses si Liset sa pagsubok sa security code ng Unit nito pero hindi na niya ma-acces pa, it’s either pinalitan nito ang passwrod o di kaya’y binitiwan na ang space sa natural building.
“Why on Earth Dreyk would give up that Unit, he loves it, especially the view. This is unbelievable!”
Nagpapadyak siya ng kaniyang paa.
“Is she throwing out our friendship? And for what reason? Huh! Sa Selene na ‘yon? Eh, isa lang naman siyang uneducated wh*re!”
Hindi na nagdalawang-isip pa si Liset upang punatahan ang kaibigan sa trabaho nito. She wants an explanation for this. Sumusunod ang kaniyang buhok sa bawat pagkendeng niya papalabas ng main door, she was indeed sophisticated. Subalit isang pigura ang makakpagpatigil sa kaniyang pagngingitngit.
She saw Selene on the pool side, napabuga pa nga siya ng hangin ng mapagtanto na naglatag pa ito ng towel at doon tumih*ya at tumutok sa araw.
“Ano, sunbathing lang?” asar niyang sabi. Ngunit ang akmang pagderetso sa knaiyang sasakyan ay napurnada ng maisip kung ano ang ginagawa ni Selene doon
“She can’t afford it here-”
“Wait, don’t tell me. D*mn.” Pumapalakpak ang takong ng kaniyang stilleto sa agresibo niyang pagtungo sa kinaroonan ni Selene. Pinameywangan niya ito’t pinabangon.
“Ano’ng problema mo?”
“What are you doing here?”
Nagkatitigan sila saglit, matalim at puno ng pagkainis sa isa’t-isa.
‘Hindi mo ba nakikita na nagrerelax ako rito? Ikaw, ano namang ginagawa mo rito. ‘Wa mong sabihin na ini-stalk mo ‘ko?” Humagalpak ng tawa si Selene. Tumayo ito’t dinampot ang kaniyang tuwalya. “Zue, halika na, may langaw na biglang dumating baka mamaya’y mapanis tayo rito.”
“Hey!” Itinulak ni Liset si Selene gamit ang hintuturo nito, hindi naman naging malakas ang impact no’n sa babae pero kahit papaano’y nainsulto siya sa kinilos ito. “Hinuthutan mo ba si Dreyk para makuha ang unit niya rito? O ipinalit mo ang katawan mo para makadikit sa kaniya? Puwede ba Selene, get your own life. Minsan mo nang idinawit ang pangalan ni Dreyk sa isang eskandalo, ‘wag mo nang ulitin pa.”
“Talaga ba?” magkasalikop ang mga braso ni Selene, butt out para sa lalong ikaiinis ni Liset.
All this time ay hindi pa rin niya maisip kung ano ang nagawang masama sa dating kaibigan, sa kaniyang maayos naman siang naghiwalay no’n. Ayon lang dahil tinraydor siya ng kaibigan sa dalawang bagay. Una’y ang pagpapasabak nito sa kaniya sa isang maling impormasyon, pangalawa, nalaman niya na lang sa social media na magkasintaha na si Liset at Patrick, isang buwan matapos niya umalis sa probinsya.
“Looser, layuan mo ang kaibigan ko!’
“Well, sa kaso na ‘yan siya ang dapat mong kausapin, hindi ako. Sa aming dalawa’y siya ang parang asong ulol na wagas kung makakapit sa ‘kin. At hindi ko na problema ‘yon, ‘di ba?”
Napabuga si Liset, nilaro ang dila sa kaniyang bibig. “Ang kapal mo rin talaga, e no?”
“Alam ko naman, pero ayos lang at least maganda ako, hinahabol ng lalaki, hindi ako ang naghabol. Hindi gaya mo, nawala lang ang may-ari, ikaw na ang pumalit. Sagitn linta ka ba?”
“Walanghiya ka!’
Hindi na napigilan pa ng dalawa ang parehong mataas na tensiyon, nagkasabunutan na ang mga ito.
“Bitchhh…”
“P*tang *n* mooo!”
Hindi nagpaawat ang mga ito, nasira pa ng ang heels ni Liset mula sa pagkakatapilok. Si Selene naman ay nagkaroon na ng sugat sa likod mula sa mahabang kuko ni Liset na dumaplis.
Hanggang sa nakahinga lang sila nang malaglag ang isa sa pool.
“Love, sorry na-traffic. Tapos ay nagpa-gas pa ako kaya medyo natagalan talaga.” Bumaba si Leon mula sa BMW naming sasakyan. Aligaga siya sa pag-e-explain kung ano ang nangyari all the way here habang ako ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya. Isa rin siya sa super na-miss ko. Sa pag-aalala sa mga nangyari ay hindi ko na nga napigilang hindi mapaluha. Well, I was just overjoyed. “Love, are you okay? Did something happen? Inaway ka ba nila?” “No, no Love, masaya lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nakapasok na si Fiel sa loob ng kotse habang kaming ay narito pa sa front door. “Do you missed me?” tanong ni Leon sa akin. Pinunasan niya ang tubig na dumaloy sa aking mukha. Tumango ako. Hindi ko na siya hinayaang magreact pa’t tumingkayad ako ng kaunti upang mahagkan siya sa labi. Nadama ko naman na tumugon ng halik ang mahal ko kaya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Leon may not be my first in life, but he will be my last. I promise. I missed you, and I love you.
Flashback. After Selene’s accident. “What are you trying to tell, wife?” The situation was too hard for Dreyk to accept what Selene was saying. She wanted something that would be hard for him to give her. “Ibalik na lang natin kung ano ang dati, bago tayo nagkita ulit at bumalik ako sa ‘yo.” “Are you saying na…” “You have Sera, she needs her mother.” Napatayo si Dreyk sa kaniyang kinauupuan, napasabuhok gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Umayos din naman sa kaniyang pagkakaupo si Selene, gusto niyang mas maintindihan ni Dreyk na ang kapakanan ng bata ang iniisip niya rin. Pero paano nga rin ba niya ipapaliwanag sa asawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi pa rin nakakabalik ang alaala niya. At ang pinakatotoo sa lahat ay iba ang tinatawag ng puso niya. “But I need you, wife.” “I know, pero ayaw ko na ring magkunwari pa sa harapan mo Dreyk. I can’t remember the tings that we used
“Ready na ba ang lahat?” tanong ni Mrs. Sebastian sa kaniyang mga maids na nagpe-prepare ng venue for her niece, Sera’s 6th birthday party. Sa mansiyon lang ang kanilang handaan para mas malawak at maimbitahan lahat ang kaibigan at kaklase ni Sera. “Mamala,” sigaw ni Sera sabay yakap sa kaniyang mahal na lola. “Thank you po,” dugtong ng bata. “Everything for my princess.” Mrs. Devere Sebastian gave Sera a kiss in the forehead. Sa tabi ng magandang bata ay ang nakababatang kapatid naman niyang si Fiel. “Don’t be naughty, Fiel. Always hold ate Sera’s hand. Oka.” Pagpapaalala ng ginang sa batang lalaki. “Yes, mamala.” Mrs Devera also gave Fiel a kiss just like what she did to Sera. Nagtakbuhan na ulit ang dalawa patungo sa ilang kaibigan ng celebrant. Patapos na rin ang pag-aayos, at ilang sandali na nga lang ay magsisimula na ang event. Lumabas na rin si Dreyk kasama ni Selene at nakipag-usap sa mga bisita. Nagpasalamat ang dalawa sa pagdating nila sa kaarawan ni Sera, nagpahay
Dreyk’s Flashback Memory Isang shot pa para kay Jeriko. Narito kami sa bar, kahahatid ko lang kay Claire sa kanilang bahay. Galing kami sa pag-aasikaso ng kasal namin. Medyo exhausted dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, at wala pa kami sa kalahati ng mga kailangan para sa event. “Mukhang pagod na pagod ka ha,” puna ni Jeriko sa akin. Sinalinan niya ako sa aking shot glass. “Oo, nakakapagod pala magpakasal,” sabi ko. Niyaya ko ang aking matalik na kaibigan para naman kahit papaano’y makaramdam ng relaxation ang katawan ko. “Gano’n talaga at ‘yan,” sabi niya pa sa akin. Ikinuwento ko nga saka kung gaano karami ang pinuntahan namin ngayong araw, sumabay pa na tinotoyo si Claire, sabi nito’y may monthly period daw kasi siya, na hindi ko naman maisip kung acceptable reason ba ‘yon. “Tiis lang pre, pagkatapos naman ng kasal niyo’y magiging kampate ka na kay Claire. Matagal niyo na rin namang plano ‘to, ‘di ba? Kasunod ay ikaw na ang magpapatakbo ng Kumpaniya niyo kaya maswerte k
Madudurog na ang kamao ko kakasuntok sa puting pader ng Ospital na pinagdalhan sa mag-ina ko. Maayos ang lagay ni Sera pero hindi ni Selene, ang sabi’y kailangan agad na ma-operahan ang asawa ko sa lalong madaling panahon. Mahigit isang oras na ang lumipas, wala pa ring balita tungkol sa operasyon ng asawa ko. “Dreyk, anak, w-what happened?” humahangos si mom na lumapit sa akin. Siya ang una kong tinawag matapos kong matanggap ang balita tungkol sa nangyari sa asawa ko. “Ang sabing nabundol sila ng kotse mom, Selene save Sera. And then I don’t know…” hindi ko na napigilan pa ang hindi mapaiyak, ngayon lang bumalik ang asawa tapos ay may nangyari pang ganito. Hinaplos ng aking ina ang aking likuran at sinubukan akong pakalmahin, I tried kanina kaso’y ang saklap lang talaga. “Wala pang sinasabi ang Doktor, sa katunayan ay hinihintay ko nga na may lumabas mula sa operating room.” Tumango-tango si Mom. “Okay, so, were is Sera, ang apo ko?” Itunuro ko kay mom kung saan ang silid ng
Ano ba’t kailangan ba akong madamay sa kaso ni Tiffany Andres? Isang pulis ang tumawag sa akin upang sabihin na nagtangkang magpakamatay ang babae habang nasa kulungan. Ang sabi’y kung hindi nga raw naabutan ng ilang kasamahan sa banyo ay baka malamig na bangkay na ito ngayon. At bakit ako rin ang tinawagan nila, bakit hindi na lang si Dreyk? Dalawang Police Officer ang nagbabantay sa silid na okupado ni Tiffany, may malay na siya pagdating ko kaya naman kinausap ko na kaaagd siya. Kailangan ko ring makabalik agad papuntang school para sa mga bata. “Ano ba ang naisip mo’t gusto mong magpakamatay?” Prangka kong tanong sa kaniya. Naupo ako sa may malapit sa kaniya. Nakaupo naman ito habang may nakatusok na aparato sa kaniyang wrist arm. Hindi sumagot si Tifany, tinapunan lang ako nito ng tinging sakka muling tumingin sa labas ng kaniyang bintana. Nag-eemote lang? “So, gusto mo nang magpakamatay?” tanong ko ulit. “Wala kang pakialam.” Napasinghap ako’t tinarayan siya, in