Share

Kabanata 6

Author: Sir Haze
last update publish date: 2026-05-13 20:37:13

Jameson's POV

Matiyaga akong nakaupo habang naghihintay sa labas ng ward, nakapoyus ang mga braso habang nakababa ang ulo. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa loob habang sinusuri ng doktor ang babae.

Ang business suit na aking suot ay bahagyang namantsahan ng dugo.

Nang biglang bumukas-sara ang pintuan. Ang doktor mula sa ward ang lumabas.

"I supposed you're the husband of the lady inside." He's serious, nakatingin sa akin gamit ang matalim na titig. "Malakas ang kapit ng bata sa sinapupunan niya and somehow naka-survive siya. Huwag lang pong ma-stress si Misis dahil tiyak ay maaapektuhan niyon ang bata sa loob. Isa pa, Mister. Palagi mong alagaan ang asawa mo. She's a bit anxious lately."

Napamaang ako. Hindi makapagsalita, buhat niyon ay kasunod na lumabas ang nurse.

Nakangiting tumango ito sa'kin habang hawak ang isang informational record book. "Pangalan lang po natin sir bilang guardian at asawa ni Misis," sabi ng nurse sa'kin. Nanatiling vibrant and charming ang ngiti.

I had all the rights to object sa lahat ng kanilang mga assumptions right? Sa halip ay tumikhim ako. Ang doktor mismo at ang nurse ay inakalang ako ang asawa ng babaeng naroon sa loob. I was not that exposed kaya marahil ay safe naman siguro ako kung sakaling aangkinin kong mag-ina ko nga ang nasa loob ng ward.

Ang aking mag-ina pansamantala. Tumulong lamang ako, nagmamagandang-loob, I already had a child and a wife.

"S-sir?" Pag-agaw ng atensyon ng babaeng nurse sa'kin.

"Ah, sorry. Pakisulat nalang, Jameson Hale." Tugon ko. Tumango naman ang nurse saka nakangiting inangat sa'kin muli ang paningin.

Hindi ako mapakali. Parang anytime ay may makakaalam kung sino ba talaga ako. I was supposed to be in the meeting ngunit heto ako at nagpaka-bayani.

Iniwas ko ang paningin sa nurse, she still have her eyes on me na parang may hinihintay sa kasunod ko pang sasabihin.

"Sir, I'm sorry, but I need the full information of your wife as well."

Ahh. Wife!

Napakamot ako sa batok. Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng babaeng iyon. Matagal bago ako nakapagsalita, ang nurse ay halatang hindi naman nagmamadali o naiinip, nginitian ko na lang at kunwari ay papasok ako sa loob ng ward upang matingnan ang estado ng 'ASAWA' ko sa loob.

Just to escape the awkward yet obvious situation. Iyon ang mainam na dapat kong gagawin.

Saka ko na lamang kukumpletuhin ang impormasyon kung alam ko na ang pangalan ng babaeng iyon.

Hinawakan ko ang doorknob at pinihit pabukas. Inaasahan ko ang babaeng nakahiga sa hospital bed na walang malay ngunit ibang sitwasyon ang aking nadatnan.

She was still on the bed but is fully awake. Sa halip ay nagpang-abot ang mga mata namin kaya'y bahagyang natigilan ako sa paghakbang. Nakaagapay ang unan sa likuran ng babae bilang suporta habang nakasandal sa pader ng ospital.

"Good morning, Maam. Your husband was too worried nang hindi na nakapaghintay na pumasok rito sa ward mo." Pagpasok ng nurse mula sa'king likuran ang hindi ko napansin.

Kumunot ang noo ng babae. "H-husband?"

"Yes po, Maam! Si sir ho," itinuro ako. "E di'ba, siya ang asawa mo?" Tanong ng nurse pabalik-balik ang tingin sa'ming dalawa. Saka ang nurse nanatiling nakatingin sa babae.

"Babalik na lamang 'ho ako rito ma'am, after ten minutes for the follow-up check-up. For now, maghihintay na lamang po tayo sa deklarasyon ng doktor kung pwede ka na bang ma-discharge o hindi pa," mabilis na nakaalis ang nurse na hindi nawala ang ngiti sa labi, isinarado pa ang pintuan ng ward pagkatapos akong lingunin.

Tumahimik ang paligid. Biglang naging mabigat ang pakiramdam ko sa hangin. It seems like I was suffocated. Hindi ko magawang tingnan ang babae sa mata. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya na hindi alam ang gagawin.

"N-nandito ka," pagbasag niya sa katahimikan. She has a gentle and calm voice but it seems like she's very exhausted. Ibinaling ko ang paningin sa kanya ngunit bahagya rin akong kinabahan.

Ang paraan ng paninitig niya sa'kin ay kakaiba sa tono ng kanyang boses. She looks so persistent and full of encouragement, subalit masasabi ko pa rin na may kakaiba sa kalusugan niya na dapat mapag-tuonan ng pansin lalong-lalo na sa ob-gyne.

Tumikhim ako. Humakbang paharap. Binalak ko sanang magtanong ngunit naunahan niya ako.

"Hindi mo na dapat pang magsinungaling sa mga nurse at doktor upang sabihing asawa mo ako, Mr. Alexander Jameson Hale."

I was stunned. "Paano mo nalaman ang pangalan ko, Miss?"

Nanatili siyang nakatitig sa'kin. Ni walang pag-aalangang salubungin ako ng tingin diretso sa mga mata. She was full of encouragement. Hindi ko alam kung ano ang nangyari't basta na lamang siyang hinimatay sa gitna ng daan.

"Remember doon sa shed? ako ang babaeng iyon na tinulungan mo. Sa ikalawang pagkakataon ay tinulungan mo uli ako. Ang panyo na pinagamit mo sa'kin ay naroon sa apartment maging ang wallet na naihulog mo yata sa daan nang araw na iyon."

Ohh! Ngayon naalaa ko na.

Kaya pala hindi ko mahagilap ang pitakang iyon. Siya pala ang nakapulot.

"Ibabalik ko iyon sa iyo kung may oras ako—"

"Ano ang pangalan mo?" Hindi ko siya pinatapos. I have to know her name para mabilis siyang ma-discharge at nang makalabas na kami. "Hiningi sa'kin ng nurse kanina. Hindi ko man lang alam ang pangalan ng asawa ko't nagmukha pa akong tanga sa harapan ng nurse," pagbibiro ko upang maibsan man lang ang awkward na sitwasyon dito sa loob.

Ngunit hindi ang babae tumugon. Sa halip ay tinitigan lamang niya ako at kalaunan ay lumabas sa mga mata niya ang iilang butil ng mga luha sa pisngi.

Shit!

Bigla akong nataranta.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. O kung may nasabi kaya akong hindi maganda na ikinasama ng loob nito. Mabilis kong nahanap ang tissue sa ibabaw ng lamesa. Daglian na ibinigay ko iyon sa kanya na agad namang tinanggap.

I watched her full of pity. Ano man ang pinagdadaanan ng babaeng ito, sana ay malalagpasan niya.

Tumikhim ako. "Nabanggit sa'kin ng doktor. Huwag ka daw masyadong magpaka-stress at magpakapagod. You have to take care of yourself lalo at may anghel kang dinadala sa sinapupunan mo." I poured a cup of cold water at inabot iyon. She seems too thirsty at naubos agad ang laman ng baso.

Itinapon ko ang tissue na kanyang ginamit saka ko siya binigyan ng bago pagkatapos niyang makainom ng tubig.

Nasaan kaya ang asawa niya't mag-isa lamang siya dito sa ospital?

Gusto kong malaman ngunit may parte sa loob ko na dapat ay hindi ko na panghimasukan pa. It's something that I could tell for her privacy, baka mailang. Besides, I came here only for being a good citizen. Hindi upang alamin ang buong background ng babaeng 'to.

"Huwag mo nang itanong, busy siya."

Tumabingi ang ulo ko.

Busy? Walang tao ang magiging busy thinking about her being pregnant kung siya man ang priority.

Hindi ako nagsalita. Baka nagkataon lang siguro at may importanteng ginawa ang asawa niya.

"Alright. Now, I need to have your name for the information. Baka bumalik na iyong nurse at tanungin muli ako."

"Jasmine," mahina niyang tugon. "Jasmine Cuenca ang pangalan ko."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend   Kabanata 20

    Jasmine's POV"How's the talk going?" Salubong niyang tanong sa'kin saka iginiya ang braso ko upang ikawit sa braso niya."Wala. She only gives us blessings," sagot ko naman. Hindi ko napansin ang pagsunod ni Brianna sa'kin. Kitang-kita ko ang madilim niyang mukha ngunit ng makita si Alexander, biglang naglaho ang galit sa mga mata niya. Sa halip ay biglang naging maamong tupa.Nilingon ni Alexander si Brianna. "Thank you. Hope you'll find a man suitable for you, soon," pahayag niya.Ngumiti ang pekeng babae nang ubod-tamis. Hinawakan si Alexander sa braso at malanding hinaplos iyon. "Sa tingin ko lang, Mr. Hale ay tayong dalawa lamang ang nababagay sa isa't-isa. Jasmine was divorced woman at saka—"Bago pa man ako makapag-react ay pasimpleng hinawi ni Alexander ang kamay ni Brianna. Nagulat iyong huli. Ako man ay hindi inaasahan na may kaunting respeto pa ring iginawad si Alexander kay Brianna kahit na lantaran nitong ipinapahiwatig ang kagustuhan nitong mapalapit sila sa isa't-isa.

  • Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend   Kabanata 19

    Jasmine's POV Bigla akong napatayo sa kinauupuan. Lahat ng mga bisita ay nasa kay mama napako ang atensyon. Kasama niya ay sina papa at Brianna na hindi maimprinta ang mukha sa likod. Lalo nang makita kong nagbago ang kanyang reaksyon ng makita si Alexander na nakatayo sa tabi ko. Hindi naging maganda ang kutob ko. "And who are they?" Biglang tanong ni mama Cindy. Ang ina ni Alexander. "I haven't invited an unfamiliar faces—" "They're Jasmine's family, mom," tugon niya na ikinagulat ko. Paano niya nalamang pamilya ko ang nasa harapan ng reception? Bumaba ang paningin niya sa'kin. "I'll gonna entertain your family," maingat niyang ibinaba ang kamay ko ngunit hindi ko siya hinayaang makalayo. "Sasama ako sa'yo." "You sure? Baka napagod ka na," tanong naman niya. Naninigurado. Kahit naman na pagod ako, hindi ko hahayaang humarap siya sa pamilya ko nang mag-isa. Knowing Brianna's whims, batid kong kahit alam niyang kasado kami ni Alexander, gagamitin at gagamitin niya ang kakayahan

  • Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend   Kabanata 18

    Jasmine's POV Nakatingala ako sa kahabaan na aking lalakaran. Mula sa kinatatayuan ko ay may naghihintay sa'kin sa unahan. Ang buong lugar ay may mga desinyong naaayon sa theme ng seremonya. Yumuko ako. Nakikita ko ang sarili na suot ang hindi inaasahang gown, sa ikalawang pagkakataon. Ganito ba sa pakiramdam? Pakiramdam ko ay panandalian akong nakatayo sa ulap kasama ang mga nagkakantahang ibon sa alapaap. The rented band that will sing the song suited for this event ay nakahanda na. Nakabase ang kanilang tugtog oras na iaapak ko ang mga paa sa pulang alpombra. Ang mga bisitang nakadalo ay mga piling tao lang. Kasama sa listahan ay ang kaisa-isa kong kaibigan na kasabayang nakaupo ang ilang guest sa pamilya ng lalaking anomang oras pagkatapos ng seremonya ay magiging asawa ko na. This is the second time I stepped myself in the wedding event. Pangalawang beses na maranasan kong maikasal sa dalawang lalaking magkaiba ang prinsipyo at paninindigan. Mr. Hale's mother wink at me. Ip

  • Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend   Kabanata 17

    Jasmine's POV Hawak ko ang sling ng shoulder bag habang papasok sa malaking bahay namin sa Capital City. Personal akong nagpaalam kay Alexander na hindi muna ako papasok ngayong araw dahil uuwi ako sa amin. Pumayag siya at inalok pang ipagmaneho ako ngunit ako mismo ang tumanggi. Hindi ko gustong makita siya ng mga magulang ko at ni Brianna lalo na't nagmumula siya sa angkan ng kilalang pamilya. My family will just accept for his wealth and not the kind of person he is. Kaya heto at mag-isa akong umuwi. Ang dahilan kung bakit ako naparito ay upang ipaalam sa pamilya ko na ikakasal ako, sa ikalawang pagkakataon. Bilang respeto na rin sa pagpapalaki nila sa'kin sa loob ng maraming taon, gusto ko pa rin silang imbitahin sa araw ng kasal ko, a day after tomorrow. Sinalubong ako ng mga katulong. Pareho ang mga itong nagbigay-galang sa'kin. Lahat ng mga househelpers ay hindi malapit ang loob kay Brianna dahil sa napaka-entitled nitong ugali. Nadatnan ko silang tatlo sa lounge. Masayan

  • Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend   Kabanata 16

    Jasmine's POV "Pasensya ka na muli roon kay mama," nakatayo siya sa'king tapat habang sinasabi 'yon. While I was sitting in his swivel chair, bigla naman niyang tinanong. "What do you want to eat tonight?" Hindi pa nga ako nakasagot. May pahabol na naman siyang tanong. "Kailan tayo babalik sa ospital para sa check-up mo at ni baby?" Bahagya siyang naupo, kalahati ng katawan niya'y kasing pantay ng tiyan ko. "Are you doing well there, kiddo?" Saka niya inilapit ang tainga upang pakinggan ang bata sa loob na hindi pa man ganoon kaumbok. Then he smile. Inangat niya ang paningin sa'kin. "Sana lang talaga ay lalaki ang baby. Can't wait to see if he is him." Saka siya tumayo. Ang ngiti ay hindi pa rin naglaho sa pisngi. "Well, ano nga ang gusto mong kainin tonight?" Hindi ako nakapagsalita. Ang paraan kung paano niya ako tratuhin, at ang kaalamang kahit hindi siya ang ama ng baby ay walang pagbabago at pandidiri siyang nararamdaman mula sa akin. Sa halip ay kabaligtaran pa nga. If onl

  • Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend   Kabanata 15

    Jasmine's POV Magkalayo ang distansya namin nang makabalik sa Hale's International Corporation. Hindi ko alam kung ramdam pa rin ba niya ang tensyon, kasi ang nararamdaman ko kanina ay dala-dala ko pa rin hanggang dito sa opisina niya. Oras na nakabalik kami sa kompanya, batid ko ay naging busy siya. Maya't-maya siya lumalabas at papasok sa mismong opisina na tila ay hindi mapakali. Kung tatawagin ko naman siya upang itanong kung ano ang gagawin ko'y sasabihin lamang niya'y magpahinga ako. Talaga ba? Wala na nga akong ginawa kaninang umaga, pati ba naman ngayong hapon ay nakatengga lang ako rito at tutunganga? For the forth time, he left his office. Nagmamadali pang inabot ang USB na konektado pa sa laptop niya. Maya-maya ay bumukas muli ang pintuan. It was his fifth time going back and forth in his office. "I left my laptop, kukunin ko lang," pahayag niya. It was not the normal way he act I think. "Seryoso, Mr. Hale," natigilan siya sa paghakbang palapit sa pintuan, saka ako n

  • Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend   Kabanata 5

    Jasmine's POV"Kung hindi ka lang sana humabol nang humabol kay Vincent, sa tingin mo ba ay ikaw ang pakakasalan niya? Girl, wake up! Dahil lamang sa malalaking negosyo ninyo kaya siya napilitang ipakasal dahil nakasalalay roon ang mamanahin niya sa mga magulang niya," sandaling tumahimik si Sylvia

  • Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend   Kabanata 4

    Jasmine's POV"Sigurado ka na ba sa desisyon mo," paniniguradong tanong ni Guin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang itinanong sa'kin iyon.I looked at her with pure of determination. Saka siya malalim na napabuntong-hininga sabay baba ng tingin. "You know, I am still worried. Baka kung an

  • Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend   Kabanata 3

    Jasmine's POV"Jas, tara na," tawag sa'kin ni Guinevere habang nasa loob ng taxi. "Baka kako ay masyado ng traffic mamaya at mahihirapan itong sinasakyan natin na makisabay," dugtong nito, nakadungaw ang ulo pababa upang hagilapin kung saan ako nakatayo.Think I have responsibility, ibinulsa ko ang

  • Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend   Kabanata 2

    Jasmine's POV Hilang-hila ko ang dalawang bagahe. Palabas sa bahay na hindi man lang nagkaroon ng kulay, biglang nakaramdam ako nang pagkasuka. Napatakip ako sa bibig. Dalawang beses akong dumura ngunit walang lumabas sa'king bibig. Should be the foods I had eaten yesterday. Hindi ko magawa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status