Share

CHAPTER 3: ANG AKING BAYAW

Penulis: Strawberry Matcha
Inilayo ni Brent ang tingin sa kanyang cellphone nang pumasok sa silid ang dalagang kabababa lang mula sa ikalawang palapag.

Iyon din ang taong nagsabi nitong umaga na masama ang pakiramdam, ngunit kalaunan ay nakiusap na lumabas at isama siya kahit saan—isang bagay na hindi nito karaniwang ginagawa dahil siya ang laging nag-aaya rito. Ang kanyang munting kasama na sabik na sabik nang umalis ay nakasuot lamang ng maluwag na puting T-shirt at terno nitong shorts. Wala itong suot na kahit anong pampaganda, ngunit kailangan niyang aminin sa sarili na ang payak nitong mukha ay mas maganda at mas nakakahalinang tingnan kaysa sa maraming babaeng makakapal ang kolorete sa mukha.

“Handa na ako, Brent!”

“O, saan mo gustong pumunta?” tanong ng lalaki habang nakatingin sa dalagang tila determinadong-determinadong makalabas ng mansyon.

“Ano bang plano mo ngayong araw?” tanong uli ni Arabella.

“Makikipag meet ako sa kaibigan ko ngayong hapon.”

“Saan? Umalis na kaya ngayon din? Tapos makipagkita ka na lang sa kaibigan mo kapag oras na ng usapan niyo.”

“Kailangan kong pumunta sa bayan,” paliwanag ni Brent. “Kungmay gusto kang puntahang lugar habang hinihintay ako, pwede kitang ihatid.”

Halos pitumpung kilometro ang layo ng mansyon ng pamilya Enriquez mula sa bayan. Kung basta sasama sa kanya si Arabella, na wala naman itong ibang pupuntahan, baka mainip lang ang babae. Kung gagala naman ito s aibang lugar, baka hindi naman sila magkasabay na umuwi.

“Ayos lang 'yon! Tara na para makaalis na tayo,” mabilis nitong sagot. “Wala rin naman akong maisip na ibang pupuntahan.”

Napatingin nang may kalituhan si Brent sa dalaga. Aasarin niya sana ito tungkol sa hindi karaniwang ikinikilos nito ngayong araw, ngunit mas nagtaka pa siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang braso at mabilis siyang hilahin palabas ng pinto.

“Hoy, bakit ka nagmamadali? Anong problema?” natutuwa ngunit nagtatakang tanong ni Brent. Hindi naman siya naabala sa mahigpit na paghawak ni Arabella sa kanyang braso. Karaniwan na silang ganito kalapit—sa katunayan, mas palagay pa ang loob nila sa isa't isa kumpara sa malamig na relasyon ng kanyang nakatatandang kapatid na si Enzo kay Janella.

“Huwag mo nang intindihin kung anuman ang iniisip ko!” mabilis na putol ni Arabella habang nakatitig sa pinto. “Magpapaalam lang ako kay Lola. Brent, maghintay ka na sa kotse!”

Itinulak ng maliit nitong kamay ang likod niya, at mabilis na tumakbo pabalik sa loob ng bahay upang iwasang makasalubong si Enzo.

“Lola!”

“O, Arabella... gising ka na pala? Sabi ni Janella may sakit ka raw,” Lumingon si Lola Alicia, na nanonood ng telebisyon sa sala, at nakangiting kinawayan ang apo upang lumapit.

“Medyo mabuti na po ang pakiramdam ko, Lola. Hindi naman po malala ang sakit ko,” pagpapanggap ng dalaga habang pinipilit ngumiti. “Gusto ko lang po sanang magpaalam kasi lalabas po kami ni Brent.”

“Sigurado ka bang maayos ka na? Inaya ka ba ng batang 'yon? Naku, may sakit ka na nga, inilalabas ka pa.”

“Huwag niyo pong sisihin si Brent, Lola. Ako po talaga ang nag-aya sa kanya,” mabilis na pagtatanggol ni Arabella sa lalaki.

“Saan naman kayo pupunta, apo? Kung lalabas ka rin lang, bakit hindi ka na lang sumama kina Janella at Enzo?”

Kaysa kay Brent, mas malaki ang tiwala ni Lola Alicia kay Enzo pagdating sa pagbabantay sa dalawang dalaga. Mas matipuno kasi ito, responsable, at seryoso sa buhay.

“Bibili lang po ako ng ilang pansariling gamit, Lola,” pilit na dahilan ni Arabella upang maiwasan ang paksa tungkol kay Enzo. “Wala naman po akong planong pumunta sa malayo, kaya hindi na po ako sumama sa lakad ni Ate Janella.”

“O sige. Mas mabuti nang si Brent ang kasama mo kaysa sa ibang tao, para makahinga ako nang maluwag. Gabi ka na ba makakauwi?”

“Hindi ko pa po sigurado, Lola. May lakad din po kasi si Brent kasama ang mga kaibigan niya. Kapag gagabihin po kami, tatawag na lang po ako agad sa inyo.”

“Sige na, apo. Mag-ingat kayo at mag-enjoy.”

Napangiti ang matanda habang pinagmamasdan ang pinakabatang apo na siyang nagbibigay-sigla sa buong mansyon. Minsan ay naiintindihan niya kung bakit napakalapit nina Arabella at Brent sa isa't isa—pareho kasing makulit at masiyahin ang dalawa, kaya hindi nakapagtatakang lagi silang magkasundo.

Pagkapasok na pagkapasok sa loob ng kotse ni Brent, agad na isinuot ni Arabella ang kanyang AirPods. Mabilis na pinindot ng kanyang maliit na daliri ang screen ng telepono upang magpatugtog ng music, habang sabay na sumasagot sa mga sunod-sunod na mensahe ng kanyang mga kaibigan.

Kalaunan, nagsimula nang magkwento nang walang tigil ang isa sa mga kaibigan niya sa group chat tungkol sa boyfriend nito. Dahil sa maselang lagay ng kanyang pakiramdam at sa pait na naiwan ng nangyari kagabi, mabilis na isinarado ni Arabella ang chat. Sa halip, napindot niya ang icon ng Instagram upang libangin ang sarili.

Nakita niya ang isang bagong post mula sa isang taong pinafollow niya sa app.

Account iyon ni Enzo sa Instagram. Subalit halos bawat larawang naka-upload doon ay mukha ng kanyang nakatatandang kapatid ang makikita. Iba't ibang anggulo ni Janella sa iba't ibang lugar, na may iba't ibang suot na magagandang damit. Siyempre, napakaganda at napakayumi ni Janella—kaya hindi na nakapagtatakang hulog na hulog ang loob ni Enzo rito.

“Hmph...”

Hindi man lang namalayan ni Arabella kung gaano kabigat ang kanyang naging pagbuntong-hininga hanggang sa magsalita ang lalaking nagmamaneho sa kanyang tabi.

“Sa lakas ng buntong-hininga mo, mukhang may kinaiinisan ka ng labis, ah.”

Mabilis na tinanggal ni Arabella ang AirPods sa kanyang mga tainga nang mapansing natapos na ang pinakikinggang kanta.

“Nababagot lang ako, Brent. Pwede mo ba akong bigyan ng payo kung paano mawawala 'to? I mean, paano ka nagtatanggal ng inip?”

“Gusto mo ng payo mula sa akin? Yung paraan ko mismo? Sure ka?” nakangiting tanong ni Brent habang nakatitig sa kalsada.

“Ano ba 'yung paraan mo?”

“Lumalabas at umiinom kasama ang mga kaibigan ko. Tiyak na gagaan ang pakiramdam mo doon.”

Nagmuni-muni muna si Arabella nang ilang sandali bago dahan-dahang tumango.

“So... ang pakikipagkita mo ba sa mga kaibigan mo ngayon ay para lang uminom?”

“Minsan,” sagot ni Brent. “Pero madalas, para sa trabaho.”

“Seryoso? Sige na, hindi ko naman isusumbong kay Lola, pangako!”

“Hindi naman ako natatakot na isumbong mo ako,” natatawang depensa ni Brent bago naging seryoso ang mukha. “Talagang makikipagkita ako sa kanila para pag-usapan ang trabaho.”

Pinagmasdan nang mabuti ni Arabella ang mukha ng lalaki hanggang sa muling ngumiti si Brent at tuluyang nagpaliwanag.

“Ganito kasi 'yon... Inaya ako ng kaibigan ko na maging kasosyo sa pagbubukas ng isang bagong negosyo.”

“Anong uri naman ng negosyo?” interesadong tanong ng dalaga.

“Maliit na shop para sa mga big bike na nagbebenta rin ng mga pyesa,” kwento ni Brent habang nakatitig sa kalsada. “Nakahanap na ng magandang pwesto ang kaibigan ko. Mag iinvest kami sa kanya. Sa mga narinig ko sa paunang plano, tingin ko magandang ideya ito.”

“Talaga?”

“Oo. Maliit na negosyo lang ito na hindi related sa family business.. Bale personal interest ko ito. Kailangan din kasing matutong tumayo sa sariling paa ng tao sa paglipas ng panahon.”

Dahil doon, napaisip din si Arabella. Naitanong niya sa sarili kung ano ang magiging hinaharap niya pagkatapos niyang makapagtapos ng pag-aaral. Kailangan ba niyang magtrabaho agad kasama nina Enzo at Brent sa kumpanya ni Lola Alicia, o magkakaroon siya ng pagkakataong pumili ng talagang gusto niyang gawin?

“Ang dami mo na kayang pera mula sa pagtatrabaho sa kumpanya ni Lola,” kantiyaw ng dalaga.

“Alam ko. At nagtatrabaho pa rin naman ako doon,” natatawang sagot ni Brent. “Pero walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Baka magpakasal sina Enzo at Janella, at sa huli ay ipasa na talaga ni Lola ang pamamahala ng kumpanya kay Enzo. Gusto kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa habang maaga pa. Tsaka kung magkamali man ako sa hakbang na 'to, may sasalo pa rin naman sa akin.”

“So, sa tingin mo ba pagka-graduate ko, kailangan ko ring magtrabaho sa kumpanya ni Lola?”

“Siguro. Pero di ba magandang bagay 'yon? Magiging iisang pamilya tayong lahat. At baka balang araw, maging pormal na magbayaw na rin kayo ni Enzo.”

Natigilan si Arabella. “So... siguradong pakakasalan niya ang kapatid ko, tama?”

Nanggaling ang tanong na iyon sa karumal-dumal na nangyari sa kanila nitong nakaraang gabi, na nag-iwan ng matinding pag-aalinlangan sa kanyang puso. Nang marealize ni Enzo na hindi si Janella ang kasama nito sa kama, huli na ang lahat. Ito ba talaga ang uri ng lalaking pakakasalan pa rin ang kanyang kapatid?

Napatingin nang bahagya si Brent sa kanya. “Bakit mo naman nasabi 'yan? Alam mo namang matagal na niyang totoong mahal si Janella. O galit ka lang kay Enzo?”

“Hindi,” mabilis na tanggi ni Arabella. “Gusto ko lang malaman kung anong tingin mo.”

“Mahal ni Enzo si Janella. Totoo niya itong mahal at gusto niya itong pakasalan. Huwag mo nang isiping may iba siyang pinupuntahan nang patago. Sigurado akong magiging bayaw mo siya. Ngayon pa lang, tanggapin mo na siya bilang bayaw mo, dahil obvious naman ang pagkahumaling niya sa ate mo... Hindi niya kailanman papakawalan si Janella.”

“Mm-hmm,” mahinang sagot ni Arabella.

Alam naman niyang doon din pupunta ang lahat sa huli. At kapag dumating ang araw na iyon, hahanap siya ng dahilan para tuluyang umalis. Hinding-hindi na siya titira sa mansyong iyon, kahit gaano pa kalaki ang utang na loob niya kay Lola Alicia. At kahit sa ganoong paraan man lang, hindi na niya kailangang makita si Enzo araw-araw.

“Dahil nakikita kong stressed ka, sasabihin ko na lang sa 'yo ang totoo para matapos na,” biglang sabi ni Brent habang pilyong nakangiti.

“Ang totoo?” Humarap siya kay Brent sa sandaling narinig ang mga salitang iyon. “Anong totoo, Brent?”

“Ang katotohanang nagpapatunay na siguradong-sigurado nang magiging bayaw mo si Enzo.”

Napakunot ang noo ng dalaga ng marinig iyon. “At ano naman 'yang katotohanan na 'yan?”

Saka humarap si Brent sa kanya na may kasamang malapad na ngiti.

“Nagpaplano ng mag-propose si Enzo kay Janella ngayong araw.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 50: PINAPATULOG KO ANG BABY

    “A-Ayaw ko ng magswimming.”“Bakit ayaw mo na?” tanong nito habang nakatitig sa kanyang mga mata.“Parang lalagnatin ako.”“Oh… kung ganoon, patutuyuin kita.”“Hindi, hindi, ayoko ng ginagawa mo Enzo.”“Tara na, tutulungan kita.” Binuhat ni Enzo si Arabella na parang bagong kasal habang umaahon sa pool. Patuloy na tumatanggi ang babae, subalit hindi ito makapagpumiglas sa takot na baka mahulog.“Kaya ko namang maglakad nang mag-isa, Enzo. Hindi mo na ako kailangang buhatin.”“Huwag matigas ang ulo mo. Sinabi ko nang tutulungan kita.”“Ako ang matigas ang ulo? Ikaw ang matigas ang ulo!” Hinampas ng maliit na kamay ni Arabella ang braso nito, umaasang maiparamdam sa lalaki na pinipigilan niya ito, ngunit hindi siya nito pinansin, ipinagpatuloy nito ang pagbuhat sa kanya hanggang makaahon sa pool.“Paanong naging matigas ang ulo ko? Sabi mo, nilalamig ka na at parang lalagnatin, kaya iniahon na kita sa tubig. Nasaan dun ang katigasan ng ulo?”“Ewan ko sa ‘yo.” Ngumiti si

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 49: MAPANGANIB

    Inayos ni Arabella ang pagkain habang kumukuha ng litrato gamit ang kanyang cellphone. Pagkatapos niyang kumain, plano niyang kunan ng litrato ang bawat sulok ng resort.Pagkatapos kumuha ng litrato, hinanap niya ang kasama niya. Naroon pa rin ito, kaswal na naninigarilyo, sa smoking area ng villa.Lumapit siya para tawagin ang lalaki para sa dinner. Sa halip na ibaba ang bintana para tawagin ito, ilang beses niyang tinapik ang salamin.Lumingon si Enzo nang marinig ang pagkatok nito, tinanggal niya ang sigarilyo sa kanyang bibig gamit ang kanyang mga daliri. Agad niya itong itinapon bago binuksan ang pinto para kausapin ito.“Anong kailangan mo?”“Halika na.. Kakain na tayo ng dinner. Nakahain na.”“Oh, sige. Pupunta ako diyan.” Kumunot ang noo ni Arabella sa mahinang amoy ng usok ng sigarilyo. Kahit hindi niya direktang nalanghap ang usok, hindi pa rin niya ito nagustuhan.Bumalik siya sa loob, kasunod ang matangkad na lalaki.“Kumain ka ng kanin. Damihan mo ha. Hindi

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 48: NALIHIS NG ATENSIYON

    Ang villa, na napapalibutan ng 360-degree na tanawin ng bundok, ay lubos na humanga kay Arabella kaya hindi niya mapigilang mapangiti. Maaga pa lang nakapag-book na si Enzo ng suite. Pagdating nila doon, sinalubong sila ng mga staff at tinulungan silang magdala ng mga bagahe patungo sa kuwarto.Gusto mo bang mag dinner sa ibaba, o magpadeliver na lang tayo dito sa itaas?” tanong ni Enzo kay Arabella, habang abala ang babae sa pagkuha ng larawan sa mga tanawin na nakikita nito gamit ang cellphone.“Bukas na lang tayo kumain sa ibaba.. Magpadeliver na lang muna tayo ngayon..” Mungkahi ni Arabella, subalit ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatutok sa panonood at pagtingin sa paligid.. Namangha siya sa ganda ng lugar,kaya kahit ang gutom niya, nakalimutan na niya."Sige, ano ang gusto mong kainin? Umorder na tayo ng pagkain para hindi na tayo maghintay nang matagal kapag naka-ayos na tayo sa ating kwarto."“Sige..” Lumapit si Enzo sa kanya, at inakay siya patungo sa counter.Dahi

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 47: MAGKATULAD NA KAGUSTUHAN

    Sumunod na araw…Naglagay si Arabella ng mga apat o limang pares ng damit sa kanyang maleta, para kung sakali. Kinaumagahan, tinanong niya ulit si Enzo kung talagang silang dalawa lang ang pupunta sa resort na iyon. Kung wala ba talagang isasama ang lalaki kahit sino maliban sa kanya. Ngunit iginiit nito na sa pagkakataong iyon na silang dalawa lang talaga ang pupunta.Dinala ni Enzo ang maleta papunta sa kotse. Si Arabella naman ay inihatid ni Janella sa sasakyan upang makapagpaalam.Inalis na niya ang pagkailang, saka nilingon ang kanyang kapatid. Alam naman niya kung ano ang relasyon ng dalawa, pero sa sandaling iyon, siya ang pinili ng lalaki na isama.“Gusto mo bang sumama sa amin, Ate Janella? Para naman may makasama ako kapag may trabaho si Enzo,” mahigpit na hinawakan ni Arabella ang kamay ng kanyang kapatid. Mahal niya ito, at ayaw niyang magkimkim ang ate niya ng sama ng loob sa kanya. Dahil sa kakaibang relasyon nilang tatlo, medyo nababalisa siya.“Hindi ka naman

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 46: MAG-FOCUS SA BABY

    Iniwasan ni Arabella ang malamlam na matang nakatitig sa kanya. Kinuha niya ang telepono sa tabi niya, binuksan ito, at sa halip ay itinuon ang pansin sa kung ano ang nasa screen.Pinagmasdan ito ni Enzo, may ngiti sa mga labi niya. Habang nagkukunwari itong abala sa screen, mas lalo niya itong gustong asarin.“Nag-uusap naman tayo nang maayos, bakit ka biglang nag phone?”“Hindi… Wala na akong… wala na tayong dapat pag-usapan.” Nag iwas ng tingin si Arabella sa lalaki.“Mag usap kaya tayo tungkol sa bata.”“Ayoko.”“Bakit? Natatakot ka bang may masabi ako sa iyo? Bakit ang dali mong mataranta?” Bahagyang inilayo ni Arabella ang kanyang ulo para ilayo ang kanyang mukha sa screen ng telepono.“Tama na. Hindi mo na kailangang masahehin ang mga binti ko. Hindi na masakit.. Maayos na ko.” Tumango si Enzo, marahang hinahaplos ng kanyang malaking kamay ang mga payat na binti ng babae, at hinayaan na niya itong hilahin ang mga binti nito palayo sa kanyang kandungan.Lumayo s

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 45: MAG INGAT KA

    Kumunot ang kanyang maitim na kilay habang nakatitig sa dalawang maliliit na damit na hawak niya. Wala pa siyang nakakasex simula pa noon. Ang akala nga niya, si Janella ang kanyang magiging first time, pero nagkamali siya, at sa nakababatang kapatid nito siya nagpatikim. Noon lang niya naisip, na pareho sila ni Arabella, na first time ang isa’t isa.Bumalik sa alaala ang mga pangyayari noong gabing iyon. Hindi ba't siya ang yumakap, humalik, at humila sa babae papunta sa kama? Lasing na lasing siya noong gabing iyon. Kahit sinabihan siya ni Arabella na tumigil, hindi niya magawa.Huminga nang malalim si Enzo, mahigpit na nakahawak ang kamay sa maliliit na damit ng babae. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagpasyang magpatuloy. Hindi lang siya ang hindi handa, kundi pati na rin si Arabella. Ngunit, sinisikap ng babae na gampanan ang kanyang tungkulin. Paano niya hahayaang pasanin nito ang lahat nang mag-isa?Binalikan niya si Arabella, dala ang mga damit nito sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status