Share

CHAPTER 8. TRUTH

Penulis: rai_slutears
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-11 21:44:44

Linggo ngayon. Day off ko.

Tahimik ang apartment, pero maingay ang sikmura ko.

Nasa harap ako ng coffee table, hawak ang isang slice ng pepperoni pizza habang nakaupo sa sahig na parang bata. Dalawang box 'to—binili ni Liana para sa akin. Hindi na ako nagulat. Simula kasi nang mabuntis ako, parang oras-oras akong gutom. Iba ang craving, para akong may butas ang tiyan.

"Deserve mo 'yan," sabi ni Liana nung dumaan siya kanina. "Para sa inaanak ko."

Nadia naman, abalang-abala sa pagbili ng prutas para sa akin. Ang kulit nila. Minsan ayoko nang tanggapin—ayokong maging pabigat. Pero ang hirap din tanggihan lalo na kapag pinipilit ka nang may ngiti at pagmamahal sa mata nila.

"Para sa inaanak namin, Selena!" sabay tawa pa.

Napapailing na lang ako. Kung alam lang nila... hindi ko pa rin kayang sabihin sa lahat. Wala pa ako sa punto ng pagiging handa. Wala pa akong lakas ng loob.

Ngayong wala akong pasok, naisip kong lumabas saglit. Hindi ko rin kaya ang buong araw na magkulong sa apat na sulok ng unit ko. Pakiramdam ko, habang lumalaki ang tiyan ko, lumiliit naman ang mundo ko.

Naglakad ako papunta sa park sa may gilid ng apartment complex. Tahimik, maaliwalas, may mga batang naglalaro at naghahabulan. Tanaw ko sila mula sa bench na tinambayan ko.

Nakakagaan ng loob.

Naalala ko tuloy ang kabataan ko. Ang dumi-dumi ko noon kapag galing sa labas. Pawis na pawis, halos naliligo na sa alikabok. Lagi akong pinapagalitan ni Mama, pero hindi ako mapigilan. Kay sarap maging bata. Walang iniintinding sakit, takot, o responsibilidad.

Napangiti ako nang makita ko ang dalawang batang magkahawak kamay. Naglalakad sila na parang sila lang ang tao sa mundo. Simple lang, pero ang kyut nilang tignan.

Biglang kumirot ang puso ko. Naalala ko siya.

Siya—yung boy best friend ko.

Gano'n din kami noon. Laging magkasama, laging nagtatawanan. Laging sinasabi ng mga nakakakita sa amin, "Ayan na. Baka 'yan na ang magiging kayo balang araw."

Pero isang araw, umalis siya. Lumipad papuntang States. Hindi man lang kami handa. Nagulat na lang ako—'yun na pala ang huling araw naming magkasama.

Nangako siya.

Magpapakasal daw kami pagbalik niya.

"Hintayin mo 'ko, Selena," sabi niya.

At ako naman, naniwala. Hinintay ko. Taon na ang lumipas, pero wala pa rin siya. Hindi ko alam kung nasaan na siya. May pamilya na ba? Nakalimot na?

Pero ako, eto pa rin. Pinanghahawakan ang pangakong 'yon na parang hangin. Hanggang kailan?

Kinabukasan, maaga akong nagising.

May shift ako. Kailangan pumasok.

Nasa akin na 'yung bag na nawala ko ilang araw na ang nakaraan. Akala ko bumalik siya—na baka milagro, nagpakita siya ulit para ibalik 'yon. Pero hindi. Tauhan lang pala niya ang nag-abot.

Nakangiti ako pero may sakit sa dibdib. Ang dami kong iniisip.

Pagdating ko sa opisina, sinalubong ako ng pamilyar na boses.

"Good morning, Selena..." bati ni Andrew, isa sa mga katrabaho ko.

"Good morning din sa'yo, Andrew..."

Kumindat pa siya, tapos ngumiti.

Pinipilit niya akong ligawan. Mabait siya, oo. Guwapo rin. Pero hindi ko kayang pumasok sa kahit anong relasyon ngayon. Lalo pa't hindi niya alam ang totoo—na may dinadala akong bata sa sinapupunan ko.

Ayoko siyang paasahin. Ayoko rin masaktan sa huli kapag nalaman niya at tuluyang lumayo. Kasi alam ko, hindi lahat kayang panindigan ang isang buntis na iniwan ng ama ng bata.

Mas mabuti nang pigilan ko ang sarili ko bago pa mahulog.

Maya-maya, tinawag ako ni Ate Dhalia. Isa siya sa mga supervisor sa department namin.

"Selena, pwede magtanong?"

Bigla akong kinabahan.

"Bakit po, Ate?"

Huminga ako nang malalim habang lumalapit. Nakatingin siya sa akin, parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

"Napansin ko kasi... parang buntis ka."

Parang natigilan ang mundo ko.

Tumigil ang oras. Parang biglang naging ang bigat ng hangin sa paligid.

"Alam mo, ganyan din ako noon nung pinagbubuntis ko ang panganay ko," sabi pa niya, tahimik pero buo ang tono.

Hindi ko alam kung aamin ba ako o tatakbo palayo.

Pero bakit pa ako matatakot? Wala namang masama sa katotohanan. Kahit hindi ko pa kayang sabihin sa iba, kahit takot ako...

Huminga ako nang malalim.

"Opo, Ate... buntis po ako. Sana kung ano man po ang nalaman n'yo... huwag n'yo munang sabihin sa iba, lalo na sa HR. Hindi pa po ako handa. Natatakot po akong mawalan ng trabaho."

Bigla kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Ang takot. Ang kahihiyan. Ang pangambang baka bukas, mawalan ako ng hanapbuhay at ng kaunting seguridad na meron ako.

Tahimik lang si Ate Dhalia. Tinitigan niya ako, pero hindi galit—kundi may pag-unawa sa mga mata niya.

"Kung 'yan ang desisyon mo, rerespetuhin ko," mahina niyang sabi. "Pero tandaan mo, Selena, walang sekretong hindi nabubunyag. Buntis ka. Ilang buwan pa, lalaki na ang tiyan mo—malalaman din nila 'yan."

Tama siya. Alam kong tama siya.

Tumango na lang ako. Hindi ko na kayang magsalita pa.

Nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko, at bigla niya akong niyakap.

Walang salita. Wala nang paliwanag. Pero sa yakap niyang 'yon, kahit sandali lang... pakiramdam ko hindi ako nag-iisa.

"Good morning, ma'am. May I take your order?"

Magiliw kong bati sa isa sa mga customer habang hawak ang tray. Si Kath ang naka-assign sa cashier ngayon, pero pinakiusapan ko siyang magpalit kami ng role. Gusto ko lang talaga magsilbi ngayon.

"Iced coffee and side-fries nachos," sagot ng babae, malamig ang tono.

Napatingin ako sa kanya. Maputi, makinis ang balat—para siyang naliligo sa gatas. Halos perpekto ang features niya, parang model na lumabas lang sandali mula sa isang photoshoot.

Being a waitress isn't really hard. Actually, I was enjoying every bit of it.

Nakakagaan ng pakiramdam, lalo na kapag stress ka sa ibang bagay.

"Selena, halika dito, ghorl," tawag sa akin ni Kath mula sa cashier.

"Ha? Anong chismis na naman 'yan?" kunot-noo kong sagot habang lumalapit sa kanya. Palagi na lang may bagong balita si Kath, at madalas hindi ko naman pinapansin. Pero ngayong araw, kakaiba ang tono ng boses niya.

Tinignan ko ang wall clock—alas singko na ng hapon. Ang bilis talaga ng oras kapag busy ka.

"Tingnan mo 'yung babaeng naka off-shoulder na black jeans," bulong niya habang palihim na nagtuturo.

Napatingin ako—iyon 'yung mestisang babae na in-orderan ko kanina.

"Oo, bakit siya?" tanong ko, habang kinikilala pa ang sinasabi niya.

"Sabi ng kaibigan kong nagtatrabaho sa Nicholson , lagi raw siyang pumupunta doon para lang pilitin si Sir Reeve na pakasalan siya," panimula ni Kath.

"Pero lagi siyang pinapalayas. Wala raw babae na sineryoso si Sir Reeve kahit kailan."

Nagulat ako. Parang hindi ako makagalaw. Parang may humawak sa lalamunan ko at pinigilan akong magsalita. I didn't know what to say.

"Seriously? Lahat ng babae?" tanong ko, pilit kong pinapanatiling kalmado ang boses ko para hindi mahalata ni Kath ang tensyon sa mukha ko.

"Oo, Selena," mabilis niyang sagot. "Halos lahat ng babaeng naging close sa kanya, nasaktan lang. Wala ni isa ang nakapasok sa puso niya."

Seryoso ang tono ni Kath, para bang kilalang-kilala niya si Reeve Nox Nicholson. Para bang nakita niya mismo ang mga nangyari.

"Some women even leave his office crying," dagdag pa niya. "Ganun daw siya ka-cold. Wala siyang pakialam kahit pa umamin na yung babae ng feelings niya."

Parang may kumurot sa dibdib ko. May kung anong biglaang kaba ang bumalot sa katawan ko, isang klaseng panic na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Was I hurt? O baka nagulat lang talaga ako?

Hindi ko alam. Pero ang sigurado, biglang bumigat ang pakiramdam ko. May hindi maipaliwanag na lungkot na gumapang sa akin.

Sadness ba 'to? O takot?

Bigla kong naalala—'yung tingin niya sa akin noong nasa elevator kami. Tahimik lang kami noon, pero may laman ang mga mata niya. Parang may gusto siyang sabihin pero pinili niyang manahimik.

Guni-guni ko lang ba 'yon?

Napailing ako ng bahagya. Hindi ako dapat mag-assume. Hindi ito personal.

Pero baka may dahilan kung bakit ganun siya. Baka hindi lang talaga siya marunong magpakita ng nararamdaman. Hindi ibig sabihin na cold siya, wala na siyang puso... diba?

At kahit anong pilit kong iwaksi sa isip ko, nanatili pa rin ang kaba.

Selena, huwag mo nang isipin 'to. Huwag mong gawing komplikado.

Pinilit kong ngumiti nang bahagya, sabay iwas ng tingin kay Kath. Sana hindi niya napansin kung gaano ako natahimik.

Kailangan kong ipaalala sa sarili ko—paulit-ulit:

Trabaho lang 'to. Kliyente lang siya.

Walang iba.

Wala dapat iba.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 14.

    Actually, totoo naman-hindi tunay na pangalan ni Nadia ang Alemaw. Ang buong pangalan niya ay Nadia Brie Aleman, pero tinatawag lang naming Alemaw. Si Liana naman, minsang tinatawag na Clarita, at ako-Laureta, galing sa apelyidong Laurel.Pagdating namin sa shop na Belinda Fashion, agad kaming sinalubong ng staff. Lahat sila nakangiti, parang hindi stress sa trabaho. Nakakagaan ng loob."Ms. Medrano, nakahanda na po ang gowns na pinili ninyo," bati ng babaeng designer, si Mrs. Alvarez-siya rin ang sumukat sa amin nung nakaraang linggo.Hindi man ito yung mga tipong high-end couture, pero grabe, ang gaganda. Detalyado, elegante, at bawat piraso parang may sariling kwento. Sa totoo lang, pangarap ko noon maging fashion designer. Mahilig akong mag-drawing ng gowns sa notebook ko. Pero ngayon, isa na lang siyang alaala ng panaginip na tila hindi na matutupad."Halika na, Laureta!" tawag ni Liana "Dadaan pa tayo sa mall, may bibilhin pa ako!""Saan na yung mga gowns?" tanong ko habang nagl

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 13.

    Kailangan na natin puntahan 'yung designer na kilala ko," sabi ni Liana, abalang nagche-check ng phone. "Doon ako nagpagawa ng gown na susuotin natin mamaya sa birthday ni Drake.""Grabe naman, pwede bang huwag na lang mag-gown?" reklamo ni Nadia, halos mapunit ang tissue sa kakakalikot niya sa pagkain. "Ayoko talaga ng ganyan. Hindi bagay sa'kin-ang init, ang sikip. Feeling ko mapipilay 'yung confidence ko n'yan.""lahat ng lalaki doon naka-suit. Gusto mo ikaw lang mukhang na-ligaw sa ukay-ukay? Ayaw mo mag-gown? Eh 'di mag-suit ka na lang. Total, puwede mo naman na ring sabayan si Johnny Bravo sa entrance!"sabay tawa namin ni Liana, halos mabulunan ako sa kape. Si Nadia, nakasimangot pero halatang hirap pigilan ang tawa."Bilis na nga kayong kumain," sabi ko habang tinatanggal ang luha sa gilid ng mata kakatawa. "Baka ma-late tayo. Alam n'yo na kung sino ang reyna ng 'Five minutes na lang' sa ating tatlo."Sabay naming tinignan si Liana, na kahit breakfast pa lang, naglalagay na ng

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 12

    Nasaktan ako hindi lang dahil itinago sa akin ang katotohanan, kundi dahil naramdaman kong hindi ako sapat para sa isang ama na kailanman ay hindi ko nakilala. Ngunit sa kabila ng lahat, pinilit kong intindihin si Mama. Pinili kong manahimik. Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa kanya.At mula nang pumanaw si Mama, ako na lang mag-isa ang humaharap sa bawat unos ng buhay.Oo, mahirap. Masakit. Nakakapagod.Pero kahit papaano, naging masaya ako habang siya ay kasama ko pa. Si Mama ang naging sandalan ko. Siya ang nagpalakas sa akin tuwing ako'y nanghihina. Siya ang nagpapatawa sa akin kapag punô na ako ng pagod at luha. Siya ang nag-aalaga sa akin tuwing ako'y may sakit, at sa mga oras na pakiramdam ko'y wala na akong silbi sa mundo.Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya. Isang sakit na hindi kayang tapalan ng kahit anong salita o oras.Si Mama-pinili niyang mamuhay sa tahimik. Lumayo sa gulo. Hindi dahil sa duwag siya, kundi dahil sa pagmamahal. Gusto niya akong

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 11.

    Alas singko ng umaga.Wala akong pasok ngayon. Gusto ni Sir Drake na makapag-prepare lahat ng empleyado para sa birthday celebration niya mamayang gabi. Ayon kay Kath-isa sa mga ka-trabaho ko-marami raw talagang dumadalo tuwing birthday ng aming boss. Mga galing sa mayayamang pamilya, mga business partners niya, at kung sinu-sinong sikat na personalidad.Kaya lalo akong kinakabahan.Lutang ako buong gabi-iniisip kung pupunta ba ako o hindi. Wala akong matinong damit. Puro luma, puro simpleng kasuotan lang ang meron ako. Magastos ang gumayak. Kailangan maganda ang suot mo para hindi mapag-isipan ng masama, para hindi ka pagtawanan. Para hindi ako magmukhang kawawa.Napatigil ako sa pagmu-muni-muni nang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Nadia's calling.Ano na naman 'to? Inis kong sinagot ang tawag niya."Oh, bakit ka napatawag?" tanong kong walang gana. Sigurado akong mangungulit na naman siya."Hoy, babae! 6:30 ang start. Dapat pagdating namin diyan, ready ka na ha? Sasa

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 10 PAIN

    Tahimik lang ako at tulala walang sigawan, walang luha ang lumalabas sa mga mata ko.pero sa loob ko may isang kirot na hindi ko maipaliwanag parang may kamay na biglang humawak sa puso at iniwang kumikirot kahit walang sugat.Hindi ko inasahan ang mga nalaman ko. Ngunit totoo pala ang sinasabi nila—kapag ang sakit ay totoo, hindi mo ito kailangang isigaw. Dumarating ito nang tahimik. tahimik ngunit matalim. Tahimik ngunit ubos-lakas."Ikakasal na si Nox."Isang pangungusap lang mula kay Liana.Ngunit sapat na iyon para mabasag ang katahimikan sa loob ko. Sapat na upang magkalamat ang mga pader na matagal kong itinayo sa puso ko.Bakit siya pa?Sa dinami-rami ng maaaring mahalin, bakit si Nox pa? Ang lalaking hindi ko naman dapat pinagtuunan ng damdamin.Ang taong pilit kong kinalimutan, ngunit palaging bumabalik sa bawat sulok ng isip ko.Pinilit kong paniwalaan ang sarili:"Wala namang masama magmahal, 'di ba?"Basta huwag lang aasa. Basta huwag lang aangkin ng hindi para sa iyo.P

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 9 AFFECTED

    Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Kath. Hindi ko malaman kung saan ako maniniwala-sa artikulong nabasa ko, o sa mga salitang mula kay Kath. Parang nagtatalo sa loob ko ang katotohanan at mga tanong na walang sagot.Gulong-gulo na ang isipan ko. Baka naawa lang talaga siya sa akin, pero hindi ko kailangan ng awa. Alam kong alam niya ang nangyari sa pagitan namin, ang mga sugat na hindi nakikita pero masakit pa rin.Gusto ko man kalimutan ang lahat, pero paulit-ulit sa ulo ko ang mga pangyayari noong gabing iyon-parang musikang umiikot nang walang tigil, hindi ko matakasan.Hindi ko na mapigilan ang mga luha. Biglang bumaha ang damdamin ko, pumaimbulog nang walang kontrol. Parang bawat patak ng luha ay dala ang bigat ng pagkabigo, sakit, at takot na matagal ko nang tinatago.Umiyak ako nang tahimik sa loob ng kwarto, iniisip kung paano ba haharapin ang bukas na may ganitong pagkalito sa puso at isipan.Tahimik ang kwarto. Nakaambang dilim sa mga sulok, habang ang lamig

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status