Home / Romance / Got pregnant by CEO / CHAPTER 9 AFFECTED

Share

CHAPTER 9 AFFECTED

Author: rai_slutears
last update Huling Na-update: 2025-06-11 21:50:01

Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Kath. Hindi ko malaman kung saan ako maniniwala-sa artikulong nabasa ko, o sa mga salitang mula kay Kath. Parang nagtatalo sa loob ko ang katotohanan at mga tanong na walang sagot.

Gulong-gulo na ang isipan ko. Baka naawa lang talaga siya sa akin, pero hindi ko kailangan ng awa. Alam kong alam niya ang nangyari sa pagitan namin, ang mga sugat na hindi nakikita pero masakit pa rin.

Gusto ko man kalimutan ang lahat, pero paulit-ulit sa ulo ko ang mga pangyayari noong gabing iyon-parang musikang umiikot nang walang tigil, hindi ko matakasan.

Hindi ko na mapigilan ang mga luha. Biglang bumaha ang damdamin ko, pumaimbulog nang walang kontrol. Parang bawat patak ng luha ay dala ang bigat ng pagkabigo, sakit, at takot na matagal ko nang tinatago.

Umiyak ako nang tahimik sa loob ng kwarto, iniisip kung paano ba haharapin ang bukas na may ganitong pagkalito sa puso at isipan.

Tahimik ang kwarto. Nakaambang dilim sa mga sulok, habang ang lamig ng gabi ay dahan-dahang pumapasok sa bintana. Nakaupo ako sa gilid ng kama, ang katawan ko'y nanginginig-hindi lang dahil sa lamig, kundi sa bigat ng nararamdaman.

Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi ni Kath. Parang isang mabigat na bato na paulit-ulit kong pinipisil sa dibdib ko. Gusto kong tumakas, pero saan? Saan ako lalayo kung kahit ang sariling isipan ko ay nagiging isang gulo?

Huminga ako ng malalim, pilit kinokontrol ang pag-iyak. Ngunit sa bawat sandali, ang mga luha ay sumasagi-maliliit na patak na tila apoy sa balat, nag-iiwan ng bakas ng sakit.

Isang tanong ang paulit-ulit na bumabalik: Paano kung totoo? Paano kung ako nga ang susunod na masasaktan?

Napikit ako, niluhod ang ulo sa mga kamay, at pinakawalan ang mga luha nang walang pag-iingat. Hindi ko matanggap na ganito ang nangyayari-na parang ang puso ko ay unti-unting nabubuo sa isang bangungot na hindi ko matakasan.

Ang katahimikan ng gabi ang naging saksi sa aking pagdurusa-isang pagdurusa na puno ng takot, pangamba, at isang matinding pagnanais na malaman kung sino talaga ako sa buhay na ito.

Hindi ko alam kung ako ba ay nasasaktan dahil sa mga nalaman ko, o natatakot lang talaga akong mapalapit sa kanya. Parang naguguluhan ang puso ko, at bawat paghinga ko ay may halong kaba at pangamba. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon ko-baka nga talaga, dala lang ito ng pagbubuntis ko, ng bagong buhay na unti-unting lumalago sa loob ko.

Hinimas ko nang marahan ang unti-unting umbok ng tiyan ko, parang naghahanap ng aliw at lakas sa munting bahagi ng katawan ko na ito. Ang init ng kamay ko ay tila nagiging tulay sa puso kong naglalakbay sa dilim ng pagdududa.

"Baby, pasensya ka na kung ngayon Kung hindi ko masabi sa ama mo ang totoo," bumulong ako, ang boses ko ay puno ng pighati at pagsisisi.

Nagsimulang dumaloy ang luha ko nang hindi ko na mapigilan-malalambot na patak na bumabagsak sa pisngi ko, pinapawi ang bigat ng damdamin na matagal ko nang tinatago. Nanlalabo ang paningin ko, at para bang ang paligid ay nagiging malabo-isang mundo na puno ng pagod, takot, at pag-asa na naglalaban sa puso ko.

Sa gitna ng katahimikan ng gabi, naramdaman kong para bang ang bawat patak ng luha ay may dalang dasal-isang dasal para sa lakas, para sa pag-unawa, at para sa kapayapaan na matagal ko nang hinahanap.

"Hoy Selena, tulala ka nanaman dyan! Anong iniisip mo, ah?" Tinikpan ko ang tenga ko. Balak niya ata sirain ang eardrum ko. Langyang babae 'to, parang nakakain ng microphone.

"Pwede ba, Kath, hinaan mo naman yang boses mo? Tignan mo, pinagtitingnan tuloy tayo dahil dyan sa bunganga mo. Alalahanin mo, coffee shop ito, hindi palengke!"

Irata kung sabi, pinagtitingnan tuloy kami dahil sa kaingayan niya.

"Sorry na po, Master. Hindi na mauulit!"

Inirapan lang ako nito at umalis sa harapan ko.

Hinimas ko ang tiyan ko. Dalawang buwan na akong buntis. Lagi akong kumakain ng mga healthy food. Kumakain din ako sa tamang oras dahil bata pa sa sinapupunan ko.

Hindi ko pwedeng pabayaan ang sarili ko dahil baka maapektuhan ang bata sa tiyan ko. Kaya ilang buwan na lang, magiging ina na ako. Minsan talaga, may mga bagay na hindi mo inaasahan, tulad nito. Hindi ko akalain na mabubuntis ako. Hindi ko man mabigyan ng kumpletong pamilya ang anak ko, bubusugin ko naman siya ng pagmamahal.

"Selena, are you okay?"

Nagulat ako sa boses ni Sir Dravis. Sa ilang araw ko siyang nakikita sa coffee shop, never siyang nawawala ng concern sa mga tao. Pero ngayon.

"I'm fine, Sir Dravis," sagot ko agad, pilit kong pinapakalma ang sarili.

Lagi na lang niya akong tinatanong kung okay ako. Mukha ba talaga akong hindi? O baka naman ramdam na niya ang bigat na tinatago ko?

"Sometimes I see you zoning out. Is something wrong? Maybe I can help."

Napatingin ako sa kanya, saglit. Ang bait niya. Pero kahit gaano siya kabait, hindi ko kayang sabihin ang totoo.

Hindi pa ngayon.

"Sir, I don't have any problems. Thanks anyway." Ngumiti ako ng pilit-ng malapad, para lang magmukhang buo pa ako.

Pero sa totoo lang, pakiramdam ko gumuho na ako sa loob.

Selena, hindi mo ito pwedeng ipakita. Baka kung ano pa ang isipin nila. Para ito sa anak mo. Kailangan mong maging matatag.

"My birthday is coming up. Everyone who works for me is invited, so I hope you can make it."

Napatingin ako sa kanya, pero agad din akong umiwas ng tingin.

"I'll try to come, Sir Dravis."

Hindi ko na naitanong kung ilang taon na siya. Bigla na lang siyang umalis, nagmamadali. May gagawin pa raw siya.

Buti pa siya, may direksyon. Ako? Nakatitig sa kawalan, nilalamon ng alaala, ng pangamba, at ng lihim na pilit kong binubuhat mag-isa.

Minsan iniisip ko, bakit kailangan nila Sir Dravis at mga kaibigan niya na maging playboy na lang? Hindi ba sila naaawa sa mga babae na nanghaharas sa kanila?

Sa ilang linggo ko sa coffee shop, may mga babaeng lumalabas sa office ni Sir Dravis na umiiyak. Minsan naawa ako. Alam naman nila na hindi talaga playboy ito. Bakit pinipilit pa nila ang sarili nila sa taong hindi sila kayang mahalin pabalik?

Hindi ko na naitanong kung ilang taon na siya. Bigla na lang siyang umalis-may gagawin daw, nagmamadaling lumabas ng coffee shop.

Lagi siyang gano'n. Parang may hinahabol. O baka may tinatakasan.

Minsan, may mga babaeng nag-e-eskandalo dito. May nagseselos, may nag-aaway, lahat dahil kay Sir Dravis. Sabi ni Kath, magkakaibigan daw silang lahat-puro playboy. At si Sir Dravis? Naging ganyan daw dahil iniwan siya ng dati niyang nobya.

May mga taong ganyan talaga... Takot maiwan, kaya sila na lang ang unang umaalis.

Nag-aabang ako ng taxi. Ilang minuto na akong nakatayo rito, parang hindi pa yata rush hour pero ang tagal ng dumadaan. Pupunta ako ngayon sa restaurant nila Liana at Nadia. Doon na lang kami maghihintay kay Nadia, tapos sabay-sabay na kaming pupunta sa mall.

Sasamahan namin si Liana na mag-shopping.

Si Liana talaga. Lagi na lang may "emergency" na shopping trip. Hindi na kami nakakatanggi-kasama na sa pakikipagkaibigan sa kanya ang pagod at gastos.

Minsan nga iniisip ko, paano ba namin naging kaibigan si Liana? Hindi naman kami pare-pareho ng trip sa buhay.

Ako, ayokong gumastos nang walang dahilan. Mas gusto ko pa ngang ipambili ng essentials 'yung pera ko-mga gamit sa bahay, pagkain, at siyempre, pang-ipon para sa baby ko.

Hindi ko pwedeng kalimutan kung bakit ako nagsusumikap. Para sa anak ko 'to. Hindi para sa shopping o luho.

Ilang minuto pa akong nakatayo-nakakangawit na. Aabutin na yata ako ng gabi dito.

Kaya nang may dumaan na taxi, halos mapasalamat ako sa langit. Agad akong sumakay bago pa maunahan ng iba.

Sinabi ko agad kay Manong driver kung saan ako pupunta.

Ma'am, nandito na po tayo."

Bumaba na ako pagkatapos magbayad.

Ang ganda ng restaurant nila, Liana at Nadia. Makikita mo talaga sa labas ang ganda ng restaurant na ito.

Pagpasok mo pa lang, may babati na agad sayo. Nag-text na ako kay Nadia na nandito na ako sa restaurant nila.

Tuwing bakasyon si Nadia ang namamahala ng restaurant nila dahil laging busy ang kanyang mga magulang para sa kanilang business.

"Nabalitaan mo ba, Selena, na malapit na ang birthday ni Kuya Dravis?" tanong ni Liana habang nagso-scroll sa phone. "Balita ko rin lahat ng empleyado niya ay imbitado. Pupunta ka ba?"

Hindi ko agad nasagot. May kung anong kaba sa dibdib ko. Para bang may mangyayaring hindi maganda.

"Baka hindi ako pupunta, Liana." Mahina kong sagot, halos walang gana.

"Ha? So ano balak mo? Magkulong ka na naman sa kwarto mo magdamag?" Iritado ang tono niya, parang sanay na sa drama ko.

"Liana, wala naman akong gagawin doon." Pilit kong tinatago ang bigat ng iniisip ko.

"Ikaw, Nadia? Pupunta ka ba? Diba ka business partner ng papa mo si Kuya Dravis."

"Hmmm... hindi rin ako pupunta," sagot ni Nadia habang nag-aayos ng buhok. "Balita ko kasi gown ang dress code. No thanks."

Napangiti ako sa sinabi ni Nadia. At least, may kasama ako sa apartment. May makakakwentuhan ako. Hindi ko kakayaning mag-isa ngayon.

"Alam niyo, ang KJ niyo. Nakakainis kayo," reklamo ni Liana, sabay krus ng braso at padabog na umupo. Natawa na lang kami ni Nadia sa itsura niya-parang batang hindi napagbigyan.

"Mukhang ikaw lang ang pupunta, Liana. Good luck na lang sayo," pang-aasar ko pa, kaya mas lalo siyang nairita.

Andito kami ngayon sa Jollibee. Gutom na raw si Liana kaya dumiretso kami dito. Hindi na rin kami nagtagal sa restaurant kanina, kasi atat na siyang mag-shopping.

Umorder lang ako ng burger, fries, at sundae-comfort food. Kailangan ko 'yon ngayon.

"Anong bibilhin mo, Liana? At kailangan ba talaga na kasama kami?" tanong ni Nadia, diretso. "Alam mo naman hindi kami mahilig sa ganyan, lalo na si Selena."

"Mukhang stress na kayo eh," sagot ni Liana habang ngumunguya ng fries. "Kaya naisipan kong yayain kayo, para naman makapag-bonding tayo. Namiss ko 'to. Last year pa 'yung huli nating gala."

Oo nga naman. Minsan nakakalimutan naming magpahinga, lalo na ako. Pero kahit anong saya ng paligid, parang hindi matanggal 'yung bigat sa dibdib ko.

Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa boutique. Manglilibre raw si Liana.

"Pumili lang kayo ng gusto niyo, ha? Ako bahala. 'Wag na kayong mahiya-makapal naman ang mukha niyo," nakangising sabi niya.

"Wow ah. Manglilibre ka na nga, manglalait ka pa?" sagot ko, inirapan ko siya. Tinawanan lang ako.

"Alam niyo ba," panimula ni Liana habang hawak-hawak ang isang dress, "noong isang araw narinig ko sila Kuya Lucien pinag-uusapan nila... Yung nabuntis daw ni Nox"

Parang may sumabog na bomba sa tenga ko.

"Sinong Nox" tanong ni Nadia, nakikirinig na rin.

"Yung tahimik. Laging kasama nila Kuya Dravis. 'Yung mukhang laging galit pero pogi."

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Nox... siya nga.

"Gusto na raw ng lolo ni Nox ng apo. Tapos ayun, may nabuntis nga raw siya. Feeling ko pananagutan niya 'yon," dagdag ni Liana, parang tsismis lang sa kanya.

Naninikip ang dibdib ko. Para akong nilunod ng sarili kong damdamin.

Totoo ba 'to? May anak na si Nox?

"Ang swerte nung babae," patuloy ni Liana. "Kita mo naman sa mga mata ni nox-masaya. Iba 'yung saya niya lately, 'di ba?"

"Liana, tigilan na natin 'yan, okay? Andito tayo para magsaya!" sigaw ko, mas malakas kaysa sa inaasahan ko. Lumingon ang ilang tao sa boutique, natahimik bigla sina Nadia at Liana.

Tahimik si Liana. Hindi na siya nagsalita pa. Ako rin, pilit kong pinipigil ang panginginig ng bibig ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 14.

    Actually, totoo naman-hindi tunay na pangalan ni Nadia ang Alemaw. Ang buong pangalan niya ay Nadia Brie Aleman, pero tinatawag lang naming Alemaw. Si Liana naman, minsang tinatawag na Clarita, at ako-Laureta, galing sa apelyidong Laurel.Pagdating namin sa shop na Belinda Fashion, agad kaming sinalubong ng staff. Lahat sila nakangiti, parang hindi stress sa trabaho. Nakakagaan ng loob."Ms. Medrano, nakahanda na po ang gowns na pinili ninyo," bati ng babaeng designer, si Mrs. Alvarez-siya rin ang sumukat sa amin nung nakaraang linggo.Hindi man ito yung mga tipong high-end couture, pero grabe, ang gaganda. Detalyado, elegante, at bawat piraso parang may sariling kwento. Sa totoo lang, pangarap ko noon maging fashion designer. Mahilig akong mag-drawing ng gowns sa notebook ko. Pero ngayon, isa na lang siyang alaala ng panaginip na tila hindi na matutupad."Halika na, Laureta!" tawag ni Liana "Dadaan pa tayo sa mall, may bibilhin pa ako!""Saan na yung mga gowns?" tanong ko habang nagl

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 13.

    Kailangan na natin puntahan 'yung designer na kilala ko," sabi ni Liana, abalang nagche-check ng phone. "Doon ako nagpagawa ng gown na susuotin natin mamaya sa birthday ni Drake.""Grabe naman, pwede bang huwag na lang mag-gown?" reklamo ni Nadia, halos mapunit ang tissue sa kakakalikot niya sa pagkain. "Ayoko talaga ng ganyan. Hindi bagay sa'kin-ang init, ang sikip. Feeling ko mapipilay 'yung confidence ko n'yan.""lahat ng lalaki doon naka-suit. Gusto mo ikaw lang mukhang na-ligaw sa ukay-ukay? Ayaw mo mag-gown? Eh 'di mag-suit ka na lang. Total, puwede mo naman na ring sabayan si Johnny Bravo sa entrance!"sabay tawa namin ni Liana, halos mabulunan ako sa kape. Si Nadia, nakasimangot pero halatang hirap pigilan ang tawa."Bilis na nga kayong kumain," sabi ko habang tinatanggal ang luha sa gilid ng mata kakatawa. "Baka ma-late tayo. Alam n'yo na kung sino ang reyna ng 'Five minutes na lang' sa ating tatlo."Sabay naming tinignan si Liana, na kahit breakfast pa lang, naglalagay na ng

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 12

    Nasaktan ako hindi lang dahil itinago sa akin ang katotohanan, kundi dahil naramdaman kong hindi ako sapat para sa isang ama na kailanman ay hindi ko nakilala. Ngunit sa kabila ng lahat, pinilit kong intindihin si Mama. Pinili kong manahimik. Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa kanya.At mula nang pumanaw si Mama, ako na lang mag-isa ang humaharap sa bawat unos ng buhay.Oo, mahirap. Masakit. Nakakapagod.Pero kahit papaano, naging masaya ako habang siya ay kasama ko pa. Si Mama ang naging sandalan ko. Siya ang nagpalakas sa akin tuwing ako'y nanghihina. Siya ang nagpapatawa sa akin kapag punô na ako ng pagod at luha. Siya ang nag-aalaga sa akin tuwing ako'y may sakit, at sa mga oras na pakiramdam ko'y wala na akong silbi sa mundo.Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya. Isang sakit na hindi kayang tapalan ng kahit anong salita o oras.Si Mama-pinili niyang mamuhay sa tahimik. Lumayo sa gulo. Hindi dahil sa duwag siya, kundi dahil sa pagmamahal. Gusto niya akong

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 11.

    Alas singko ng umaga.Wala akong pasok ngayon. Gusto ni Sir Drake na makapag-prepare lahat ng empleyado para sa birthday celebration niya mamayang gabi. Ayon kay Kath-isa sa mga ka-trabaho ko-marami raw talagang dumadalo tuwing birthday ng aming boss. Mga galing sa mayayamang pamilya, mga business partners niya, at kung sinu-sinong sikat na personalidad.Kaya lalo akong kinakabahan.Lutang ako buong gabi-iniisip kung pupunta ba ako o hindi. Wala akong matinong damit. Puro luma, puro simpleng kasuotan lang ang meron ako. Magastos ang gumayak. Kailangan maganda ang suot mo para hindi mapag-isipan ng masama, para hindi ka pagtawanan. Para hindi ako magmukhang kawawa.Napatigil ako sa pagmu-muni-muni nang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Nadia's calling.Ano na naman 'to? Inis kong sinagot ang tawag niya."Oh, bakit ka napatawag?" tanong kong walang gana. Sigurado akong mangungulit na naman siya."Hoy, babae! 6:30 ang start. Dapat pagdating namin diyan, ready ka na ha? Sasa

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 10 PAIN

    Tahimik lang ako at tulala walang sigawan, walang luha ang lumalabas sa mga mata ko.pero sa loob ko may isang kirot na hindi ko maipaliwanag parang may kamay na biglang humawak sa puso at iniwang kumikirot kahit walang sugat.Hindi ko inasahan ang mga nalaman ko. Ngunit totoo pala ang sinasabi nila—kapag ang sakit ay totoo, hindi mo ito kailangang isigaw. Dumarating ito nang tahimik. tahimik ngunit matalim. Tahimik ngunit ubos-lakas."Ikakasal na si Nox."Isang pangungusap lang mula kay Liana.Ngunit sapat na iyon para mabasag ang katahimikan sa loob ko. Sapat na upang magkalamat ang mga pader na matagal kong itinayo sa puso ko.Bakit siya pa?Sa dinami-rami ng maaaring mahalin, bakit si Nox pa? Ang lalaking hindi ko naman dapat pinagtuunan ng damdamin.Ang taong pilit kong kinalimutan, ngunit palaging bumabalik sa bawat sulok ng isip ko.Pinilit kong paniwalaan ang sarili:"Wala namang masama magmahal, 'di ba?"Basta huwag lang aasa. Basta huwag lang aangkin ng hindi para sa iyo.P

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 9 AFFECTED

    Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Kath. Hindi ko malaman kung saan ako maniniwala-sa artikulong nabasa ko, o sa mga salitang mula kay Kath. Parang nagtatalo sa loob ko ang katotohanan at mga tanong na walang sagot.Gulong-gulo na ang isipan ko. Baka naawa lang talaga siya sa akin, pero hindi ko kailangan ng awa. Alam kong alam niya ang nangyari sa pagitan namin, ang mga sugat na hindi nakikita pero masakit pa rin.Gusto ko man kalimutan ang lahat, pero paulit-ulit sa ulo ko ang mga pangyayari noong gabing iyon-parang musikang umiikot nang walang tigil, hindi ko matakasan.Hindi ko na mapigilan ang mga luha. Biglang bumaha ang damdamin ko, pumaimbulog nang walang kontrol. Parang bawat patak ng luha ay dala ang bigat ng pagkabigo, sakit, at takot na matagal ko nang tinatago.Umiyak ako nang tahimik sa loob ng kwarto, iniisip kung paano ba haharapin ang bukas na may ganitong pagkalito sa puso at isipan.Tahimik ang kwarto. Nakaambang dilim sa mga sulok, habang ang lamig

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status