Jusmeyo, Marimar... Ngayon ko lang naalala kung saan ko siya nakita. Siya 'yung lalaking nakita ko sa TV—kasama sa isang high-profile investigation. Siya rin 'yung nasa mall. At ngayon, nalaman kong kaibigan pa pala siya ng may-ari ng coffee shop kung saan ako nagtatrabaho.
"Try to slap her if you don't want to lose your job."
Nagulat kaming lahat. Anong pinagsasabi niya? Naka-droga ba siya? Sino ba siya para magsabi ng ganun?
Wala siyang pakialam. Hinila niya lang ako palayo at sumakay kami ng elevator. Ni hindi ako nakapagtanong—lahat nangyari nang mabilis.
Tahimik. Nasa loob kami ng elevator. Nanginginig ang tuhod ko.
Tumitig siya sa akin, malamig ang mga mata. Walang kahit anong emosyon.
"What are you doing here?"
Napasinghap ako. "A-ah... h-hinatid ko lang po... y-yung padala ni Sir para sa inyo..."
Nakakailang ang katahimikan niya. Lalo na kapag tinitigan niya ako—parang binabasa niya buong pagkatao ko. Nahuli ko siyang nakatingin sa tiyan ko.
Hindi siya umiwas. Hindi siya nahiya. Wala siyang pakialam.
"Are you pregnant?" tanong niya, diretso. Walang emosyon. Walang pakundangan.
"Ha?!"
Napatras ako ng bahagya. Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko rin alam kung may karapatan ba siya na tanungin 'yun. Pero sa titig niyang 'yon, parang wala akong maitatago.
Gusto kong lumubog sa sahig. Wala pa ngang ibang nakakaalam... paano niya nalaman?
Tahimik ulit. Tumingin siya sa elevator panel.
"I'll take you home." Walang tono ang boses niya. Parang utos, hindi offer.
Pagbukas ng pinto, hinila niya ulit ako palabas. Hindi ako makapalag. Sobrang bilis ng pangyayari.
Dumaan kami sa parking lot. Walang imik. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya, at tinanguan lang ako. Sumakay ako. Ramdam ko ang lamig sa loob ng sasakyan—at hindi lang dahil sa aircon.
Wala pa ring imikan. Nakatitig lang siya sa daan habang nagmamaneho.
Bakit ganito ang pakiramdam? Para akong isdang inilagay sa malamig na tubig, hindi makagalaw. Hindi ako sigurado kung ligtas ako o nasa panganib.
Napatingin ako sa bintana. Dumaan kami sa may mga nagtitinda ng prutas. Naaamoy ko pa ang mangga sa hangin pero hindi ko maenjoy. Hindi ngayon.
"We're here," mahinang sabi niya.
Napatingin ako. Apartment ko 'to. Paano niya nalaman ang address ko?
Tumigil ang puso ko sa kaba.
Pagbaba ko, hindi pa rin siya nagsalita. Tahimik niya akong inihatid sa pintuan. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin mula sa paligid, pero wala siyang pakialam. Tuloy lang sa paglalakad. Tuloy lang sa pagiging malamig.
Sinubukan kong buksan ang pinto. Putcha, naiwan ko 'yung bag sa coffee shop!
"Ano ba 'to..." bulong ko sa sarili.
Huminga ako nang malalim. "Pwede ka nang umalis. Hintayin ko na lang kaibigan ko. Salamat sa paghatid." Pinilit ko magsalita ng buo, kahit pa nanginginig ang boses ko.
Tumingin siya sa akin. Walang galit. Walang saya. Walang kahit ano.
"Pinakuha ko na ang bag mo."
Biglang tumigil ang mundo ko. Bakit siya may access sa ganun? Bakit parang lahat alam niya?
Anong klaseng tao 'to?
Hindi ko siya masulyapan ng matagal. Yung presensya niya pa lang, nakakabigat ng dibdib.
Tahimik. Wala kaming sinabi sa isa't isa.
Hanggang sa tumalikod siya, bumalik sa sasakyan, at umalis.
Pagkapasok ko sa kwarto, bumagsak ako sa kama. Hindi ko alam kung matatakot ako o... may ibang nararamdaman na hindi ko maintindihan.
Paano niya nalaman na buntis ako? Walang sinasabi, pero parang nakikita niya lahat.
Hinimas ko ang tiyan ko. Wala pa namang halata. Pero sigurado ako—alam niya.
Naalala ko si Mama. Kung andito lang siya...
Naluha ako. Hindi ko na napigilan.
Ma... ang gulo. Hindi ko na alam kung sino ang kakampi at sino ang hindi.
Pinunasan ko ang luha ko. Pumikit.
Hindi ko na kinaya ang dami ng tanong sa utak ko. Kailangan kong malaman. Kailangan kong maintindihan kung sino ba talaga si Sean Duke Nicholson.
Binuksan ko ulit ang laptop at nagsimulang mag-search. This time, mas specific na ang tinype ko: " Nicholson "
Ilang sandali pa, lumabas ang sunod-sunod na article pero merong isa na nagpahinto sa'kin.
Reeve Nox Nicholson. CEO and sole heir of Nicholson Global Holdings—isang conglomerate na may hawak sa iba't ibang negosyo sa buong mundo. From high-end hotels and resorts sa Italy, Maldives, at Dubai, hanggang sa fine-dining restaurants sa New York, Tokyo, at Paris. May pangalan siya sa mundo ng luxury at elite lifestyle. May private security firm din na involved sa international contracts. Isa raw siya sa pinakabatang billionaire sa Asia ngayon.
Mas lalo akong napatigil nang makita ko ang listahan ng mga properties niya sa Pilipinas. May Nicholson Hotel pala sa Tagaytay. Isa sa pinaka-sosyal at private na lugar para sa mga exclusive guests.
He owns more than I ever imagined.
Lumunok ako ng hangin. Hindi lang siya basta businessman. He's a powerful name. A dangerous name.
Napatingin ako sa cellphone ko. May ilang unread messages mula kina Liana at Nadia, pero hindi ko muna binuksan. Hindi pa ako ready magsalita.
Hindi ko akalaing ang lalaking iyon—yung tahimik pero nakakatakot, yung parang kaya kang basahin kahit hindi ka nagsasalita—ay siya rin palang may hawak sa napakalawak na imperyo.
Nakakatakot. Pero may parte sa'kin na lalo pang na-curious. Gusto kong malaman kung anong klase siyang tao sa likod ng mga peryodikong 'to. Kung totoo bang lahat ng kayamanang 'yon, ay sapat para tabunan ang lungkot o galit sa likod ng mga mata niya.
At kung bakit... bakit parang may dahilan kung bakit niya ako binabantayan.
At kung sino man si Nox... hindi ko alam kung ligtas ako sa kanya.
Actually, totoo naman-hindi tunay na pangalan ni Nadia ang Alemaw. Ang buong pangalan niya ay Nadia Brie Aleman, pero tinatawag lang naming Alemaw. Si Liana naman, minsang tinatawag na Clarita, at ako-Laureta, galing sa apelyidong Laurel.Pagdating namin sa shop na Belinda Fashion, agad kaming sinalubong ng staff. Lahat sila nakangiti, parang hindi stress sa trabaho. Nakakagaan ng loob."Ms. Medrano, nakahanda na po ang gowns na pinili ninyo," bati ng babaeng designer, si Mrs. Alvarez-siya rin ang sumukat sa amin nung nakaraang linggo.Hindi man ito yung mga tipong high-end couture, pero grabe, ang gaganda. Detalyado, elegante, at bawat piraso parang may sariling kwento. Sa totoo lang, pangarap ko noon maging fashion designer. Mahilig akong mag-drawing ng gowns sa notebook ko. Pero ngayon, isa na lang siyang alaala ng panaginip na tila hindi na matutupad."Halika na, Laureta!" tawag ni Liana "Dadaan pa tayo sa mall, may bibilhin pa ako!""Saan na yung mga gowns?" tanong ko habang nagl
Kailangan na natin puntahan 'yung designer na kilala ko," sabi ni Liana, abalang nagche-check ng phone. "Doon ako nagpagawa ng gown na susuotin natin mamaya sa birthday ni Drake.""Grabe naman, pwede bang huwag na lang mag-gown?" reklamo ni Nadia, halos mapunit ang tissue sa kakakalikot niya sa pagkain. "Ayoko talaga ng ganyan. Hindi bagay sa'kin-ang init, ang sikip. Feeling ko mapipilay 'yung confidence ko n'yan.""lahat ng lalaki doon naka-suit. Gusto mo ikaw lang mukhang na-ligaw sa ukay-ukay? Ayaw mo mag-gown? Eh 'di mag-suit ka na lang. Total, puwede mo naman na ring sabayan si Johnny Bravo sa entrance!"sabay tawa namin ni Liana, halos mabulunan ako sa kape. Si Nadia, nakasimangot pero halatang hirap pigilan ang tawa."Bilis na nga kayong kumain," sabi ko habang tinatanggal ang luha sa gilid ng mata kakatawa. "Baka ma-late tayo. Alam n'yo na kung sino ang reyna ng 'Five minutes na lang' sa ating tatlo."Sabay naming tinignan si Liana, na kahit breakfast pa lang, naglalagay na ng
Nasaktan ako hindi lang dahil itinago sa akin ang katotohanan, kundi dahil naramdaman kong hindi ako sapat para sa isang ama na kailanman ay hindi ko nakilala. Ngunit sa kabila ng lahat, pinilit kong intindihin si Mama. Pinili kong manahimik. Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa kanya.At mula nang pumanaw si Mama, ako na lang mag-isa ang humaharap sa bawat unos ng buhay.Oo, mahirap. Masakit. Nakakapagod.Pero kahit papaano, naging masaya ako habang siya ay kasama ko pa. Si Mama ang naging sandalan ko. Siya ang nagpalakas sa akin tuwing ako'y nanghihina. Siya ang nagpapatawa sa akin kapag punô na ako ng pagod at luha. Siya ang nag-aalaga sa akin tuwing ako'y may sakit, at sa mga oras na pakiramdam ko'y wala na akong silbi sa mundo.Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya. Isang sakit na hindi kayang tapalan ng kahit anong salita o oras.Si Mama-pinili niyang mamuhay sa tahimik. Lumayo sa gulo. Hindi dahil sa duwag siya, kundi dahil sa pagmamahal. Gusto niya akong
Alas singko ng umaga.Wala akong pasok ngayon. Gusto ni Sir Drake na makapag-prepare lahat ng empleyado para sa birthday celebration niya mamayang gabi. Ayon kay Kath-isa sa mga ka-trabaho ko-marami raw talagang dumadalo tuwing birthday ng aming boss. Mga galing sa mayayamang pamilya, mga business partners niya, at kung sinu-sinong sikat na personalidad.Kaya lalo akong kinakabahan.Lutang ako buong gabi-iniisip kung pupunta ba ako o hindi. Wala akong matinong damit. Puro luma, puro simpleng kasuotan lang ang meron ako. Magastos ang gumayak. Kailangan maganda ang suot mo para hindi mapag-isipan ng masama, para hindi ka pagtawanan. Para hindi ako magmukhang kawawa.Napatigil ako sa pagmu-muni-muni nang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Nadia's calling.Ano na naman 'to? Inis kong sinagot ang tawag niya."Oh, bakit ka napatawag?" tanong kong walang gana. Sigurado akong mangungulit na naman siya."Hoy, babae! 6:30 ang start. Dapat pagdating namin diyan, ready ka na ha? Sasa
Tahimik lang ako at tulala walang sigawan, walang luha ang lumalabas sa mga mata ko.pero sa loob ko may isang kirot na hindi ko maipaliwanag parang may kamay na biglang humawak sa puso at iniwang kumikirot kahit walang sugat.Hindi ko inasahan ang mga nalaman ko. Ngunit totoo pala ang sinasabi nila—kapag ang sakit ay totoo, hindi mo ito kailangang isigaw. Dumarating ito nang tahimik. tahimik ngunit matalim. Tahimik ngunit ubos-lakas."Ikakasal na si Nox."Isang pangungusap lang mula kay Liana.Ngunit sapat na iyon para mabasag ang katahimikan sa loob ko. Sapat na upang magkalamat ang mga pader na matagal kong itinayo sa puso ko.Bakit siya pa?Sa dinami-rami ng maaaring mahalin, bakit si Nox pa? Ang lalaking hindi ko naman dapat pinagtuunan ng damdamin.Ang taong pilit kong kinalimutan, ngunit palaging bumabalik sa bawat sulok ng isip ko.Pinilit kong paniwalaan ang sarili:"Wala namang masama magmahal, 'di ba?"Basta huwag lang aasa. Basta huwag lang aangkin ng hindi para sa iyo.P
Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Kath. Hindi ko malaman kung saan ako maniniwala-sa artikulong nabasa ko, o sa mga salitang mula kay Kath. Parang nagtatalo sa loob ko ang katotohanan at mga tanong na walang sagot.Gulong-gulo na ang isipan ko. Baka naawa lang talaga siya sa akin, pero hindi ko kailangan ng awa. Alam kong alam niya ang nangyari sa pagitan namin, ang mga sugat na hindi nakikita pero masakit pa rin.Gusto ko man kalimutan ang lahat, pero paulit-ulit sa ulo ko ang mga pangyayari noong gabing iyon-parang musikang umiikot nang walang tigil, hindi ko matakasan.Hindi ko na mapigilan ang mga luha. Biglang bumaha ang damdamin ko, pumaimbulog nang walang kontrol. Parang bawat patak ng luha ay dala ang bigat ng pagkabigo, sakit, at takot na matagal ko nang tinatago.Umiyak ako nang tahimik sa loob ng kwarto, iniisip kung paano ba haharapin ang bukas na may ganitong pagkalito sa puso at isipan.Tahimik ang kwarto. Nakaambang dilim sa mga sulok, habang ang lamig