Share

I. GREENVILLE

Demi

"Bye, mom. Bye, dad." Pagkatapos kong magpaalam sa parents ko ay lumabas na ako ng bahay. Bumungad agad sakin ang masayang umaga ng Greenville.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga tao sa labas na nagtatawanan at nag-uusap. Ang ilan naman ay naghahanda para sa pagpasok nila sa kanilang mga trabaho at eskwelahan.

"Magandang umaga, Demi!"

I smiled when I saw Mang Isko. Payat ito, maputi na ang buhok, at kapansin-pansin na rin ang kulubot nitong balat. Isa siya sa mga kapit-bahay namin na malapit din sa pamilya namin. Minsan na siyang naging pasyente ni mommy nang maaksidente siya dati.

Tinigil niya ang pagwawalis at lumapit sa akin.

"Magandang umaga rin po, Mang Isko," bati ko.

Nakarinig ako ng busina at naaninag ko ang isang blue sports car na papalapit sa amin. Napansin ko agad ang paglapad ng ngiti ni Mang Isko.

The car halted in front of us. A tall guy came out from the car and walk towards my direction with a wide smile.

"Good morning, Demi." Nakangiting bati niya.

“Good morning, Brix,” I greeted him back. He is my classmate and one of my friends.

"For you," aniya at inabot sa akin ang isang bouquet ng flowers.

"Thanks, but you don't have to do this." Hindi ko na alam kung ilang beses niya na akong binigyan ng bulaklak.

"Natural lang 'yan sa panliligaw," saad niya.

"Oo nga naman, hija. Kailan mo ba kasi sasagutin 'tong si Brix. Ilang taon na 'yang nanliligaw sayo." Namula ako sa sinabi ni Mang Isko. Ang pang-aasar niya ay sinabayan pa ng mas mapang-asar na tawa ni Brix.

Two years ago when Brix started to court me. He's my childhood bestfriend. He's a good man, at sabi nga ng iba ay nasa kaniya na ang lahat. Looks, brain, talent, and good personality. Aaminin ko naman, I also like him, but I think this is not yet the right time.

"Ayos lang po, Mang Isko. I can wait. Nakapaghintay nga ako ng dalawang taon, eh. Kaya kong maghintay kahit ilang taon pa 'yan."

"Sige. Basta 'pag kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Magaling ako sa panliligaw noon," sabi ni Mang Isko at tinapik ang balikat ni Brix. Natawa na lang kami sa sinabi niya.

Nagpaalam na kami kay Mang Isko at sumakay na sa kotse ni Brix.

"Sasabay ba sina Macey?" tanong ko sa kaniya. Malapit lang din ang bahay nila Macey dito sa 'min kaya pwede namin siyang daanan.

"Sinundo siya ni Jayson. Baka nasa school na sila," sagot niya. Tumango nalang ako at binuksan ang bintana ng kotse niya. Lagi ko 'tong ginagawa para maramdaman ang hangin. Maraming puno sa daan at dahil malapit na ang pasko, mas malamig ngayon ang simoy ng hangin.

Napansin ko rin na may ilang Christmas decorations na rin ang mga bahay dito. November na rin naman kasi at saka September pa lang yata handang-handa na ang mga tao para sa pasko.

Siguradong masaya na naman ang pasko rito sa Greenville.

According to our Mayor, Mr. Solomon Javier, Greenville is like the happiest town in the world. Halos lahat yata ng tao dito ay magkakakilala, kahit saan ka pumunta may babati sa ‘yo. Saka maliit lang naman kasi ‘tong Greenville.

Simula rin nang maging Mayor si Mr. Javier, mas naging payapa ‘tong Greenville.

"Malapit na ang Christmas. Do you have any plans?" Napatingin muli ako kay Brix nang mag tanong siya.

"Wala naman. Dito lang din kami mag ce-celebrate ng Christmas. Alam mo naman sila mommy, ayaw umalis dito," sagot ko.

"Just like my parents. Ayaw nilang umaalis dito. Ayaw nilang mahiwalay sa mga kaibigan nila."

Magkakaibigan kasi ang parents namin. Highschool pa lang ay magkakasama na sila. May grupo pa nga sila at kabilang doon si Mayor Javier.

Greenville University

Pinagbuksan kami ng gate no'ng guard nang makarating kami sa school at agad na dumiretso si Brix sa parking lot.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ang text ni Jayson.

: Nasa student lounge kami.

Pinagbuksan na ako ni Brix ng pinto.

"Nasa student lounge daw sila," sabi ko sa kaniya.

"May i-aannounce yata si Macey." Kumunot ang noo ko. Si Macey ang SSG President dito sa GU. Ano naman kaya ang i-aannounce niya?

"Let's go," aya ni Brix. Tumungo muna kami sa locker room para ilagay ang ilang gamit ko. Pagkatapos ay pumunta na kami sa Student Lounge.

Pagkarating namin doon ay nadatnan namin sina Macey, Jayson, at Sofia. Nandoon din ang ilang classmates namin.

Pumalakpak pa si Macey nang makita kami. She stood up, revealing her red spaghetti strap and white short shorts. Napailing na lang ako. Palibhasa ay may katungkulan siya rito sa school kaya nasusuot niya kung ano ang gusto niya.

"Oh, great! Buti naman dumating na kayo,” saad niya.

Naupo kami sa couch na katapat nila.

Humalukipkip si Macey at ngumiti nang malapad. "So, this coming December 5, we're going to have a Christmas Party." Oh? Sobrang aga naman no'n. Usually, second week of December ang Christmas Party namin.

"You guys should prepare for your intermission numbers." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Wait! W-what...what do you mean?" tanong ko.

"Christmas Party natin sa December 5, and as part of our party, we’re gonna perform on stage so you better prepare yourselves,” paliwanag niya.

“Kailangan lahat talaga tayo?” tanong ko.

“Selected students only. Me and Jayson will perform together, then kayong dalawa naman ni Brix.”

I mentally rolled my eyes. Dinamay niya pa talaga kaming dalawa ni Brix.

"How about Sofia? Sino ang makakasama niya?" tanong ni Brix. Napatingin ako sa babaeng tahimik lang na nakaupo sa kabilang couch habang nakikinig sa amin.

Sofia is the real opposite of Macey. Pagdating sa pananamit, kung si Macey ay halos lumuwa na ang kaluluwa, si Sofia naman ay laging balot na balot. Tahimik at mahinhin lang. She’s the purest among us. Maganda ang pagpapalaki sa kaniya ni Mayor Javier kahit na mag-isa lang 'to.

Napatakip naman ng bibig si Macey na parang gulat na gulat dahil nakalimutan niya si Sofia.

"Hmm...paano ba 'to?" Nag isip-isip siya kung ano ang pwedeng gawin. Si Sofia lang kasi ang walang kasama 'pag nag perform.

"Okay! Mag-isa na lang ako mag pe-perform. Jayson and Sofia will perform together." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Paano ka?" mahinhin na tanong ni Sofia.

Nginitian siya ni Macey. "It's okay. I can perform alone," sagot niya.

"Are you sure, babe?" tanong naman ni Jayson na nakatayo sa gilid ni Sofia.

"Of course, babe! Basta galingan niyo ha?" aniya. Napangiwi nalang kami nang halikan niya sa labi si Jayson.

"Pupunta lang ako sa restroom." paalam ni Sofia at tumayo na.

Bumuntonghininga nalang ako.

"You okay?" Napatingin ako kay Brix nang tanungin niya ako. Pilit na lang ako ngumiti at tumango.

Ano naman kayang ipe-perform namin sa Christmas Party? Bakit kasi gumawa pa si Macey ng ganito?

"AHHHHH!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang malakas na sigaw na 'yon. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko na gulat na gulat din.

"Si Sofia ba 'yon?" tanong ni Macey.

Para ngang boses 'yon ni Sofia. Ano naman kayang nangyari sa kaniya? Tumayo kami agad at pumunta sa restroom kung saan nandoon si Sofia.

Nadatnan namin siya sa pintuan na nanginginig at umiiyak.

"Sofia, anong nangyari?" tanong ko.

Nanginginig ang kamay niya habang tinuturo 'yung isang cubicle.

"M-may lalaki doon kanina. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil may maskara siya." Lalaki? Sino naman iyon? Anong ginagawa niya sa CR ng girls?

Pumasok si Brix doon sa cubicle ngunit agad din siyang napaatras.

"G-guys...tignan niyo 'to." Agad kaming lumapit sa kaniya.

"Oh my god!" sigaw ni Macey. Kahit kami ay napaatras nang makita ang nasa loob ng cubicle.

"Tumawag kayo ng guard!"

Paano? Bakit mayroong ganito dito?


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status