Nandito pa rin kami ngayon sa student lounge. Kalmado na si Sofia ngayon at dumating na rin si Mr. Francisco, ang principal ng school namin.
"Hindi mo ba talaga nakilala 'yung lalaking nakita mo sa loob ng CR?" tanong ni Mr. Francisco kay Sofia.
"Hindi po. Nakasuot po kasi siya ng maskara," sagot ni Sofia. Kumunot ang noo ni Mr. Francisco na tila ba naguguluhan din.
Nakita ko ang isang janitor na may dala-dalang trash bag kung saan nakalagay ang kahon na may nakalagay na patay na pusa.
"Hindi kaya estudyante lang din ang gumawa niyan?" tanong ni Mrs. Mariano, ang nanay ni Brix at teacher rin dito sa Greenville University.
"Maaari. Kaya mamayang tanghali, magkakaroon tayo ng inspection," saad ni Mr. Francisco.
Napatayo ako nang makita ko si daddy at ang iba pang pulis na kagagaling lang sa CR.
Dumako ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na zip lock at sa loob no'n ay isang duguang kutsilyo.
"Nakita namin ito sa bintana ng cubicle kung saan nakita ang patay na pusa. Dadalhin muna namin ito para ma-imbestigahan," wika ni daddy.
"Thank you, Mr. San Diego," saad ni Mr. Francisco.
Napatingin sa 'kin si daddy at tinanguan ako.
"Alam na 'to ng mommy mo. Nag-aalala siya kaya umuwi ka agad mamaya. Mag-iingat ka," sabi niya sa 'kin.
"Sige po, dad. Mag-ingat din po kayo." Humalik ako sa pisngi niya bago sila tuluyang umalis.
Pinabalik na kami ni Mr. Francisco sa mga classroom namin.
"Nakakatakot! Sana malaman na kung sino ang gumawa no'n," sabi ni Macey. Estudyante nga kaya ang may gawa no'n? Pero bakit naman?
Hindi magandang biro iyon. Napatingin ako kay Sofia na tahimik pa rin na nakaupo sa pwesto niya. Tumayo ako at nilapitan siya.
"Sofia." Nagulat pa siya nang tapikin ko siya sa balikat. "Okay ka na ba talaga? Gusto mo bang pumunta muna sa clinic?"
Ngumiti siya at umiling. "I'm fine. Nagulat lang talaga ako sa nangyari kanina," sagot niya.
Maya-maya lang ay dumating na ang adviser namin. Pinagpatuloy ang klase hanggang sa mag hapon na.
Paglabas namin ng room ay nakita namin si Mr. Francisco sa hallway, kausap niya si Mayor Javier.
"Dad!" Agad lumapit si Sofia kay Mayor Javier.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ng Mayor sa kaniyang anak.
"Yes, dad."
Tumingin sa 'min si Mayor Javier.
"Good afternoon po, Mayor," bati namin.
"Ayos lang ba kayo?" tanong niya.
"Opo, ayos lang po kami." Si Brix ang sumagot.
"Mayor, babalitaan na lang din po namin kayo kapag may nahanap na kaming ebidensya. Pasensya po ulit dahil may ganitong nangyari dito," wika ni Mr. Francisco.
"Okay, thank you. I'll be back tomorrow," sagot ni Mayor pagkatapos ay tumingin kay Sofia.
"Let's go?"
Tumingin sa 'min si Sofia para magpaalam.
"See you tomorrow, guys," paalam nito.
"Bye. Mag-iingat kayo," sabi ko.
Umalis na ang mag-ama. Naiwan kaming apat dito nila Brix, Macey, at Jayson.
"Kailangan ko na rin umuwi. Baka inaantay na 'ko ni mommy sa bahay," paalam ko.
"Hatid na kita," alok ni Brix. Tumango na lang ako.
"Okay! See you tom, love birds!" mapang-asar na sabi ni Macey. Ngumisi naman si Jayson.
"Are you hungry? Gusto mo bang dumaan muna tayo sa coffee shop?" tanong ni Brix.
"Nasa bahay si mommy kaya baka may niluto siya. Sa bahay na lang tayo kumain," nakangiting sabi ko.
"Okay." Nag drive na si Brix paalis ng school. After 15 minutes ay nakarating na rin kami sa bahay.
Pagdating sa bahay ay sinalubong agad ako ni mommy ng yakap.
"Oh my God, anak! Are you okay? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya.
"I'm fine, mom. Hindi po ako nasaktan. Wala pong nasaktan sa 'min. Kaso po si Sofia natakot dahil siya po ang nakakita do'n sa lalaki," sabi ko.
"Kamusta naman siya ngayon?"
"Medyo ayos naman na po siya ngayon."
"Buti naman kung gano'n. Maupo muna kayo ni Brix. Kukuha lang ako ng makakain ninyo."
"Thank you po, tita," nakangiting saad ni Brix. Nagtungo kami sa sala at naupo sa sofa.
"Estudyante lang kaya ang may gawa no'n?" tanong ko. Kung estudyante nga, ano namang naisip niya para gawin iyon?
"Maybe. But it can also be a threat."
Napatingin ako kay Brix dahil sa sinabi niya at napaisip din ako.
"Hindi rin naman imposible 'yon. Pero para kanino naman kaya ang threat na 'yon?"
Biglang may kumatok kaya napatayo ako.
"Wait, titignan ko muna kung sino 'yon," paalam ko. Lumapit ako sa pinto namin at binuksan 'yon.
"Oh, Mang Isko! Magandang hapon po," bati ko. Nakita kong may hawak siyang isang maliit na red envelope.
"Ano po 'yan?" tanong ko.
"Galing 'to sa mga tauhan ni Mayor, invitation daw." Nilahad niya sa 'kin 'yung isang envelope. "Ito ’yung para sa inyo."
"Salamat po." Pagkakuha ko ng envelope ay nagpaalam na rin si Mang Isko.
"What's that?" tanong ni Brix pagkabalik ko.
"Invitation daw," sagot ko.
Lumabas si mommy galing sa kusina, may dala-dala siyang mga pagkain.
"Ayan na ba 'yung invitation para sa homecoming?" tanong ni mommy.
"Homecoming?" sabay na tanong namin ni Brix.
"Last month ay nakausap ko si Serenity at sabi niya ay malapit na daw sila bumalik!" masayang sabi ni mommy.
Agad kong binuksan ang envelope para malaman kung totoo ang sinasabi niya.
You are cordially invited
To the Homecoming Of Mayor Solomon Javier's Family!November 25th
7 o'clock in the evening Greenville Town Hall"Totoo nga, mom! Sa November 25 daw gaganapin 'yung homecoming." Tuwang-tuwa si mommy. Bestfriend niya kasi si Tita Serenity at matagal na silang 'di nagkikita.
Finally! Makakasama na ulit ni Sofia ang pamilya niya.
Tinignan ko si Brix na biglang nanahimik. "Bakit ganyan mukha mo? Aren't you happy? Makakasama na ni Sofia ang pamilya niya!"
"Babalik na rin si Sander," saad niya. Nawala ang ngiti sa labi ko.
Masama nga pala loob nito kay Sander, ang kuya ni Sofia.
Gusto akong ligawan ni Sander dati pero masyado pa akong bata. He's too old for me. Para ko na nga siyang kuya, eh.
"It's been five years, Brix. Baka nga may girlfriend na 'yon. Saka kuya lang ang tingin ko kay Sander," sabi ko sa kaniya. Unti-unti ay may sumilay na ngiti sa labi niya.
"Eh, ano ako para sayo?" tanong niya. Agad akong umiwas ng tingin at ininom ang juice na dala ni mommy.
Wait! Si mommy!
Napatingin ako sa harap namin at nandoon pa nga si mommy na nakatingin sa 'min ni Brix.
"Baka gusto n'yo munang kumain," aniya at tinuro ang mga pagkain na nasa table. "Pahiram muna ng invitation para maipakita ko sa daddy mo mamaya."
Inabot ko sa kaniya 'yung invitation pagkatapos ay umakyat na siya sa taas.
"Hmm...anong oras ko kaya maririnig ang sagot mo?" Pagpaparinig ni Brix. Napairap na lang tuloy ako.
"Just eat, Brix! Baka gabihin ka pa," sabi ko.
Narinig ko na lang ang tawa niya na may halong pang-aasar.
"Sofia, we're so happy for you! Makakasama mo na si Tita Serenity pati na rin ang mga kapatid mo," masayang sabi ni Macey.Nandito kami ngayon sa cafeteria.Ngumiti si Sofia. "Ako rin. I can't wait to see them.""Bukas na daw mag-uumpisa ang preparation for the homecoming?" tanong ni Jayson."Yeah. Busy ang mga tao ni dad ngayon tapos sumabay pa 'yung nangyari kahapon," sagot ni Sofia.Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "If you need some help for the preparation, just tell us. We're gonna help you." Tinignan ko ang ibang kaibigan namin at tumango naman sila."Actually, aayain ko nga sana kayo mamaya sa Belle's Cafe para mapag-usapan sana natin nang maayos 'yung preparation. Gusto ko rin kasi tumulong kila dad," aniya."Sige ba!" saad ni Brix."Thank you, guys!"Tumango ako at nginitian siya.
"Okay, class dismiss." Pagkasabi ng teacher namin no'n ay nagtayuan agad ang mga kaklase ko."Saan tayo ngayon?" tanong ni Jayson."Ngayon na lang kami bibili ni Brix ng mga decorations," sagot ko. "Sofia, ano pa bang kulang?""Ise-send ko na lang sayo 'yung list," sagot niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit."Okay! Magkita-kita nalang tayo sa town hall," saad ni Macey. Sumang-ayon naman ang lahat.Lumabas na kami ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay may nakita kaming babaeng tumatakbo. Namumutla ito at mukhang takot na takot.Bigla siyang tumigil sa harapan namin."Miss, anong problema?" tanong ni Jayson."M-may lalaki sa CR!" Naiiyak na saad niya."Oh my God!" sigaw ni Macey."Hindi kaya 'yon din 'yung nakita ko?" tanong naman ni Sofia.Kumunot ang noo ko habang nakatingin do'n sa babae
"Hindi ka pa ba uuwi, Brix?" tanong ni Ate Bianca sa kapatid. Nandito pa rin kami sa town hall. Ang ibang mga tao ay nasa likod ng town hall para hanapin kung sino man ang pumatay doon sa aso. Pinakita ko rin sa kanila ang papel na napulot ko."Ihahatid ko muna si Demi," sagot ni Brix."Sige, mauuna na ako. Dadaanan ko pa si mommy sa school. Mag-ingat kayo pauwi," sabi ni Ate Bianca."Ingat, Ate Bianca," sabi ko. Hinatid namin siya sa labas ng town hall.Pagkaalis niya ay nagpaalam na rin kami sa mga kaibigan namin."Ihahatid ko na si Demi sa bahay nila. Magkita na lang ulit tayo bukas," paalam ni Brix."Uuwi na rin ako. May pupuntahan pa kasi kami ni dad," sabi naman ni Macey.Tinignan siya ni Jayson. "Ihahatid na kita sa inyo," sabi niya kay Macey."No need, babe. Padating na rin 'yung driver namin para sunduin ako," saad ni Macey.
November 24 10:30 AMFriday na ngayon at bukas na ang pinaka inaantay na homecoming. Everyone is excited. Sa kabila ng mga hindi magagandang nangyari sa loob ng ilang araw, hindi pa rin mawala ang labis na tuwa ng mga tao para sa pagbabalik ng pamilya ni Mayor Javier. Bukod pa doon ay abala din ang lahat para sa nalalapit na pasko."Half-day lang daw tayo ngayon kaya pwede natin tapusin mamaya ang pagdedecorate sa town hall," nakangiting sabi ni Macey."Guys, thank you ulit sa tulong niyo. Siguradong matutuwa si mom 'pag nalaman ang ginawa niyong tulong," sabi ni Sofia. Nginitian namin siya."Wala 'yon, Sofia. Kahit kami ay masaya na nakatulong kami," sabi ko sa kaniya."Gusto niyo bang pumunta mamaya sa Belle's pagkagaling natin sa town hall?" masayang tanong ni Sofia.Tinignan niya kaming lahat at nagtanguan naman kami."Libre mo?" tanong ni Jayson.
November 25, 6:30 PMHabang nagsusuklay ay biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag."Hello," sagot ko."Hello, Demi, are you ready? Papunta na ako d'yan," sabi ni Brix."Yup, patapos na rin,""Okay," Pagkatapos namin mag-usap ay binaba ko na agad ang tawag. Tinapos ko na ang pag-aayos ko at lumabas ng kwarto."Demi, gusto mo bang sumabay?" tanong ni kuya.Umiling ako, "Papunta na rin si Brix dito. Sabay na kami," sagot ko."Okay, mauuna na ako doon," sabi ni kuya."Nasaan pala sila mommy?" tanong ko."Nandoon na rin sila. Bilisan niyo dahil malapit na mag start yung event," sabi niya. Tumango nalang ako.Pagkaalis ni kuya ay bigla namang dumating si Brix."Tara na?" tanong niya."Let's go. Nauna na sila mommy do
Hindi pa kami nakakalayo sa town hall nang pinatigil ko kay kuya ang sasakyan."Kuya, may kukunin lang ako saglit," sabi ko sa kaniya."Demi, nagkakagulo na sa town hall. Paano kung nandun pa yung killer?!" sigaw niya.Bumuntong-hininga ako, "Kuya, saglit lang talaga."Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako sa sasakyan."Demi!"Hindi ko siya pinansin at tumakbo na ako pabalik sa town hall. Buti nalang ay nandoon pa yung mask. Agad kong kinuha iyon at tinago sa bag ko.Bumalik agad ako sa sasakyan ni kuya at pumasok."Tara na," sabi ko.***November 26, 8:00 AMMaaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Parang may umiiyak.Tama nga ako dahil pagbaba ko ay nakita ko si mommy na umiiyak."Mom, what happened?" tanong ko.
November 27, 8:00 AMAng buong tao sa Greenville ay balik sa dating nakagawian. Ngunit ngayon ay kapansin-pansin sa mukha ng bawat isa ang takot at lungkot. Ang dating tawanan ay napalitan ng katahimikan. Tila nagbalik ang Grenville sa dating sitwasyon. Five years ago, ganito rin ang Greenville at dahil din iyon sa isang killer. At nakakatakot kung mangyari ulit 'yon ngayon."Demi!" nakita ko si Mang Isko na kumakaway sakin. Nginitian niya ako. I know that he's also worried. Five years ago, nasaksihan ni Mang Isko ang mga nangyari dito sa Greenville, at alam kong nag-aalala siya na baka mangyari ulit ang mga iyon ngayon."Good morning, Mang Isko," bati ko at pilit na ngumiti."Inaantay mo si Brix?" tanong niya."Opo. Alam niyo naman pong lagi kong kasabay yun tuwing papasok," sabi ko."Ah sige, mauna na ako. Kailangan kong pumunta nang maaga sa chapel para tumu
November 30, 10:00 AMYakap-yakap namin ang umiiyak na si Sofia. Nandito kami ngayon sa sementeryo at halos lahat ay umiiyak habang pinapanood na dahan-dahang ibinabaon sa lupa ang mga kabaong kung saan nakalagay ang labi ng asawa't anak ni Mayor Javier.Nasa harapan namin si Mayor, hindi siya umiiyak pero alam naming sobra rin siyang nasasaktan. He just lost his loved ones and he's also the father of Greenville. At sa nangyayari ngayon, malamang ay sobrang nahihirapan siya.Pagkatapos ng libing ay nag uwian na rin ang iba, kami naman ay sinamahan muna si Sofia sa bahay nila. Tahimik lamang siya at namamaga na ang mata dahil sa sobrang pag-iyak kanina."Sofia, everything will be alright. Okay?" sabi ni Macey. Hindi na umiiyak si Sofia pero bakas na bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya."Mahahanap din yung killer at siguradong makukuha niyo ang hustisya," sabi ko sa kaniya.