December 4, 2:00 PM
"Demi, are you done?" rinig kong tanong ni Mommy sa labas ng kwarto ko.
Nagsuklay lang ako ng buhok at kinuha ko na ang bag ko, "Yes, mom. Palabas na po ako."
Naglakad ako patungo sa pinto ng kwarto ko at binuksan 'yon. Bumungad sakin si Mommy na nakangiti.
"Let's go?" tanong niya. Tumango nalang ako.
Papunta kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing si Mang Isko. Pinalibing agad siya dahil wala naman na daw pupuntang pamilya niya dahil hindi na mahagilap ang mga ito. Tanging ang nag-iisang anak niya nalang ang kasama niya sa buhay.
***
"Si tatay...hindi siya masamang tao. Hindi niya magagawa yung mga ibinibintang sa kaniya," umiiyak na sabi ni Ate Aurelia, ang anak ni Mang Isko. "Magmula ng mamatay ang nanay ko, si tatay lang ang laging nandiyan para sakin. Siya ang nagpalaki sa akin kaya masasabi kong isa talaga siyang mabait na tao."
Naramdaman ko ang paghawak ni Brix sakin. Tumingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti.
Patuloy naming pinakinggan ang mga kinukwento ni Ate Aurelia tungkol sa tatay niya. Habang naririnig ko ang mga iyon, ramdam ko ang labis na pagmamahal niya para kay Mang Isko. And as I look to her eyes, all I can see is pain.
***
Nag-uwian na ang ibang mga tao na dumalo sa libing ni Mang Isko pero nagpaiwan kami dito nila mommy. Kakausapin daw niya kasi si Ate Aurelia.
"Natatakot ako," napatingin ako sa nagsalitang si Macey. Nagpaiwan din ang mga kaibigan ko dito. "Sunod-sunod na ang mga namamatay."
"Magpapasko pa naman," sabi naman ni Sofia.
Bigla akong nakaramdam ng awa para sa kaniya. Hindi na naman sila makukumpleto sa pasko.
"Guys, wait lang. Punta lang ako sa restroom," paalam ko sa kanila.
"Malayo ata ang restroom dito. Gusto mong magpasama?" tanong ni Brix.
"Pre, para-paraan ah," sambit ni Jayson.
Napailing na lamang si Brix, "Hindi ako katulad mo."
Ngumiti nalang ako, "Kaya ko na mag-isa, Brix. Antayin niyo nalang ako dito."
Naglakad na ako palayo. Actually, hindi ko rin alam kung saan banda ang restroom dito. Magtatanong nalang siguro ako.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong babaeng naglilinis ng puntod sa harap ko.
"Excuse me, ate. Saan po ang restroom dito?" tanong ko.
"Kumaliwa ka lang diyan, hija."
"Sige po. Salamat," kumaliwa ako doon sa daang tinuro nung babae hanggang sa matanaw ko na yung restroom.
Habang naghuhugas ng kamay ay bigla nalang ako nakarinig ng malakas na sigaw. Para bang galit na galit ito. Nagmadali akong mag hugas ng kamay at agad na lumabas.
Kasabay ng paglabas ko ay ang pagkalabog ng pinto doon sa banyo ng mga lalaki. Lumabas dito ang isang lalaking nakasuot ng black hoodie at may nakasukbit na backpack sa likod nito.
Napatingin siya sakin at para bang gulat na gulat na makita ako. Naningkit tuloy ang mga mata ko habang tinitignan siya.
Hindi kaya siya yung sumisigaw kanina?
Wait! Parang nakita ko na siya kanina.
"Mahal na mahal ko ang tatay ko..."
Habang nagsasalita si Ate Aurelia ay hindi ko mapigilang ilibot ang tingin ko sa paligid.
Sumasabay sa paggalaw ang mga dahon ng puno sa malakas na hangin. Ngunit, may isa pang nakaagaw ng atensyon ko.
Kunot-noo kong tinignan ang isang malaking puno na hindi kalayuan sa pwesto namin ngayon. Para bang may lalaking nakatingin dito samin. Itim ang buong suot niya at parang kanina pa siya nakamasid dito.
"Demi, anak, ano sa tingin mo ang pwede natin itulong dito kay Aurelia? Naaawa ako sa kaniya."
"P-po?" napalingon ako kay mommy.
"Gusto kong tulungan si Aurelia," sabi ni mommy.
Bago ako sumagot ay tumingin ulit ako doon sa puno pero wala na doon ang lalaki.
"Sino ka?" tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Sigurado akong siya yung nakita ko kanina.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Agad siyang tumalikod at naglakad palayo sakin.
Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya pero hindi ko na natiis na sundan siya. Ang bilis niya maglakad kaya halos tumatakbo na ako para lang maabutan siya.
Puro damuhan na ang nadadaanan namin pero may mga puntod pa rin sa gilid.
"Oh my God!" tumigil ako sa paglalakad nang makitang tumama yung bag nung lalaki sa isang nakausling bakal. Bahagya itong nabuksan na hindi niya napansin.
Kahit takot ay nagpatuloy ako sa pagsunod sa kaniya. Hindi maalis ang tingin ko sa bag niya lalo na doon sa bagay na bahagyang nakasilip.
Puting maskara.
Yung killer! Baka siya yung killer.
Kinapa-kapa ko ang cellphone sa bulsa ng pants ko. Nang makuha ko 'to ay agad akong tinawagan ang number ni Brix.
"Brix, sumagot ka please..."
Nanginginig ang kamay ko. Hindi sinasagot ni Brix ang tawag ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang mapansing nakatayo nalang ang lalaki. Napatingin ako sa malaking pader na nasa harapan namin.
Nasa dulo na kami at wala ng ibang dadaanan o malulusutan pa.
"Sino ka?!" pag-uulit ko ng tanong ko sa kaniya kanina.
Dahan-dahan siyang humarap sakin. Nakakatakot ang mga nanlilisik niyang mata. Napaatras nalang ako nang bigla niyang inangat ang hawak niyang baril at itinutok sakin.
"I-ikaw yung killer...ikaw ang pumatay sa pamilya ni Mayor pati na rin kay Mang Isko," kahit nanginginig ay pilit ko pa rin sinabi ang mga salitang iyon.
Muli kong tinawagan si Brix.
"Hello, Demi, nasan---"
"Brix, tulungan mo ako. Nandito yung killer."
"Nasan ka ba?"
Magsasalita na sana ako pero bigla akong napapikit nang makarinig ng isang malakas na putok ng baril.
"Demi!"
Gulat akong napatingin doon sa lalaki. Nakita kong umiiyak na siya at dahan-dahan na lumalapit sakin.
"Wag mo akong isusumbong. Wala akong kasalanan," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Patuloy pa rin ang paglapit niya sa akin kaya wala akong magawa kundi umatras.
"WALA AKONG KASALANAN!" sigaw niya at napatakip nalang ako ng tainga ko nang makarinig na naman ng putok ng baril.
Napailing-iling ako, "Baliw ka na! Pinapatay mo ang mga inosenteng tao. Hinding-hindi ka na makakatakas pa sa batas. Kailangan mong pagbayaran ang lahat ng ginawa mong kademonyohan!"
Muli siyang sumigaw na para bang nababaliw. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang mabilis siyang sumugod sakin. Hindi ako makakilos, napapikit na lamang ako nang itinaas niya ang baril niya at akmang ihahampas sakin.
Inantay kong tumama sakin ang baril ngunit wala akong naramdaman.
"Hayop ka! Demonyo!"
Nakita ko si Brix sa harapan ko, paulit-ulit na sinisigaw ang mga salitang 'yon habang binubugbog yung killer.
"Demi!"
Agad na lumapit sakin ang mga kaibigan ko at tinulungan akong makatayo.
Muli kong tinignan si Brix at yung lalaki. Duguan na ang mukha nung lalaki dahil sa bugbog ni Brix.
"Brix, tama na..."
Tumingin siya sakin. Puno ng galit ang mata niya.
"Demi," agad siyang lumapit sakin at niyakap ako. Hindi ko mapigilang umiyak.
"H-hindi ko sila pinatay..." napatingin kami doon sa lalaki, hirap na hirap siya habang sinusubukang tumayo. Humarang si Brix sa harap ko nang makitang hawak ulit nung lalaki yung baril niya.
"Hindi ko sinasadya. Hindi ko siya gustong patayin pero pinatay niya ang tatay ko," kumunot ang noo ko. Anong sinasabi niya.
Patuloy ang pag-iyak niya, "Si tatay nalang ang natitira sakin pero pinatay siya nung matandang 'yon. Pinatay niya ang tatay ko kaya napilitan akong patayin din siya."
Siya ang anak ni Ronaldo Corpuz?
"A-ayokong makulong," napaatras kami nang inangat niya ang baril niya.
"Hindi ako pwedeng makulong!"
Sa isang iglap, nakarinig nalang kami ng malakas na putok ng baril. Nabalot kami ng katahimikan matapos ng putok na 'yon.
Tinignan ko yung lalaking nakahandusay sa lapag. Basag ang ulo, duguan, at wala ng buhay.
Wala na siya. Pinatay niya ang sarili niya.
***
"Demi, nakuha ko 'to kagabi sa office ni daddy," inabot sakin ni Brix ang isang lumang dyaryo.
Tinignan ko 'yon at nakita ko ang isang larawan ng lalaking naka black hoodie at may maskara. 5 years ago pa ang article na 'to.
"Yung lalaki kanina sa sementeryo, hindi siya ang killer. Pero yung suot niya at yung mask na nasa bag niya, kaparehas na kaparehas nitong killer na 'to," aniya at tinuro ang nasa dyaryo.
Unti-unti ay may nabubuong ideya sa isipan ko.
"He tried to hide his identity by copying the real killer's tactics but he failed. Nahuli natin siya kanina kaya nagpakamatay nalang siya."
---
December 5, 6:30 PM"You look so pretty, anak," sabi ni mommy habang inaayusan ako ng buhok. "By the way, where did you get this dress?" bahagya akong nagulat sa tanong niya pero hindi ko nalang pinahalata.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a red dress - the red dress that I received from the killer. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay mommy na sa isang killer galing ang damit na 'to."Binili ko po sa mall," sagot ko nalang."Oh, okay. Susunduin ka ba ni Brix dito?" tanong niya ulit."Yes, mom. Nasan pala si Kuya Derrick?" inayos ko na yung mga dadalhin ko at nilagay sa pouch."Kakaalis lang. Pupuntahan daw niya si Bianca. Sila na ba ulit?" tanong ni mommy na para bang kinikilig pa.Nagkibit-balikat nalang ako. I looked at my wristwatch and it says it's already 6:30 PM. 7 PM ang start ng Christmas Party namin sa school.
Natapos ang party nang maayos. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o mas kakabahan pa ako dahil hindi naman nagparamdam ang killer ngayon. I checked my phone if there are some missed calls or texts from the killer but there is none.It is already 9PM. Nandito kami ngayon sa parking lot ng university. Halos lahat ng estudyante ay nandito rin."Demi!" tumingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Akira, isa sa mga kaklase namin."Bakit, Akira?" tanong ko sa kaniya."Congrats sa inyo ni Brix," ngumiti ako. "By the way, gusto niyo bang sumama? May after party pa kasi, eh."Tinignan ko si Brix na nasa tabi ko. Nagkibit-balikat lamang siya. Bigla namang lumapit sina Macey, Jayson, at Sofia."We're going. Sama na rin kayo, Dems!" sabi ni Macey.Tinignan ko si Sofia, "Sasama ka?"Tumango naman siya at tinuro si Sander na nakasandal sa sasakyan niya, "P
December 7, 2:30 PMNilapag ko sa table ang envelope na kakapadala pa lang kahapon ng killer. Nandito kami ngayon sa Belle's Cafe para muling mag-usap tungkol sa killer.Si Brix naman ay naglabas ng mga dyaryo. Luma na ang mga iyon at ang iba ay punit-punit na. Nakuha niya ito sa office ng daddy niya. Mga natirang dyaryo na naglalaman ng mga nangyari five years ago."Shocks! Ibig sabihin, pakalat-kalat lang 'yong killer doon sa party noong isang gabi?!" gulat na tanong ni Macey. Nanlalaki ang mata niya habang tinitignan ang mga litrato.Bigla namang inagaw ni Sofia 'yong isang litrato, "A-anong ibig sabihin nito? Bakit may kuha ako rito?"Uminom muna ako sa kape ko bago mag salita. "Hindi ko rin alam---""Malamang ay may masama siyang balak sayo," sabat ni Jayson."Jayson, ano ba!" sita sa kaniya ni Macey."Bakit? Nagsasabi lang naman ako
In a small notebook, I wrote down all the informations we gathered from the old newspapers."Ang creepy niya. Kung ang killer ngayon at ang killer dati ay iisa lang, pwedeng mangyari ulit ang mga nangyari dati." Muling kinuha ni Macey ang isang dyaryo at tinignan iyon. "Oh my God! Nai-imagine ko tuloy 'yong lalaking pinagtatataga niya. Gross!"Sumandal ako sa upuan at tinignan sila isa-isa. "Sa tingin ko ay iisa lang nga talaga sila."The white mask and the hoodie. The killer's still using those things to hide his identity. Just like what he did before. Isa pa, bigla siyang nawala dati kaya posible talagang bumalik siya."Pero bakit naman siya bumalik?" kunot-noong tanong ni Jayson.Bigla kong naalala noong minsan na tumawag 'yong killer. Tumingin muna ako kay Sofia bago mag salita."Ang sabi niya ay may kasalanan daw ang Mayor sa kaniya. Pati na rin daw ang lahat ng tao dit
December 11, 9AMDahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may nanonood sa 'kin.Napaupo ako bigla sa kama ko at gulat na tumingin sa taong nasa harapan ko ngayon. Sapo-sapo niya ang kaniyang noo at bulong nang bulong."Kuya Derrick?" tanong ko. Napahimas din ako sa noo ko nang makaramdam ng sakit. Tumama lang naman ang noo namin sa isa't-isa.Kumunot ang noo ko at tumingin ulit sa kaniya. "Bakit may suot kang mask?" tanong ko sa kaniya. He's wearing a white mask, dahilan para bigla akong mapaupo kanina. Kinabahan ako, akala ko nakapasok na rito sa kwarto ko ang killer. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pagpapakita niya sa 'kin kagabi.Tumayo siya kaya napa atras na lamang ako. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.Hindi maalis ang tingin ko sa mga mata niya at pilit inaalala k
December 24, 6PM"Hello, Brix?" sagot ko sa tawag. Naglalagay ako ng mga regalo ngayon dito sa ilalim ng Christmas tree nang biglang tumawag si Brix."Demi, pwede ba tayo magkita mamaya? I'll just give you something," aniya. Napatingin ako sa wall clock namin at ala-sais pa lang. Madami pang oras bago mag Noche Buena."Sure. Anong oras?" nakangiting tanong ko."8PM. Ako na lang ang pupunta d'yan.""Sige," sabi ko. Pagkatapos namin mag-usap ay hinanap ko ang regalo ko kay Brix. Kinuha ko 'yon at umakyat muna ako sa kwarto ko.I took a half bath. Naligo na rin naman ako kanina kaso pinagpawisan na rin ako dahil sa paghahanda para sa Noche Buena.Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ulit ako. It is already 7PM. Nagluluto pa rin si mommy ngayon.Naririnig ko naman si Kuya Derrick na may kausap sa phone habang nakaupo sa sof
Macey's POVDecember 25, 6PMI was applying my red lipstick when my brother knocked on my door."Just a minute!" sigaw ko."Ate, kanina mo pa sinasabi 'yan. Dad is waiting downstairs," aniya gamit ang iritadong boses.Alam kong inis na inis na siya sa 'kin dahil kanina pa siya pabalik-balik dito sa kwarto ko. Pero this time, tapos na talaga ako mag-ayos.For the last time, I looked at my mirror to see my whole outfit. I'm wearing a red plaid tweed dress together with a black high heeled boots. Kinuha ko na ang pouch ko sa side table ko at lumabas ng kwarto.Pagkababa ko ay nag-aantay na si daddy sa sala. Ang kapatid ko namang si Arkin ay nakapangalumbaba habang nakasimangot."Sorry, bro," I smiled at him and made a peace sign."Psh! Stop it, ate," aniya at naglakad na palabas ng bahay. What's wrong with hi
Demi's POVSabay-sabay na nag-alisan sina Macey, Jayson, at Sofia kaya kaming dalawa na lang ni Brix ang naiwan dito sa poolside."Ang bilis ng araw 'no? Ilang araw na lang, papasok na naman ang bagong taon," sabi ni Brix. Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya."Oo, ang bilis nga. Sobrang bilis at ang daming nangyari. Sa mga nakalipas na linggo, sunod-sunod ang namatay---" May sasabihin pa sana ako pinutol ni Brix ang pagsasalita ko."Shh...Demi. Kahit pasko 'yan pa rin iniisip mo?"Huminga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. "Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan."Simula nang mangyari 'yong homecoming, pare-parehas na lang ang naiisip ko – 'yong mga patayan at pati na rin ang pakikipag-usap sa 'kin n'ong killer."Bakit hindi na lang natin pag-usapan 'yong sa 'tin? You know, I'm excited to enter the new year lalo na't kasama kita,"