Share

XIV. Like a Hawk

Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Parang pamilya na ang turing namin kay Mang Isko. He's like my lolo. And now, he's dead.

"Demi," napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko kung saan nakatayo si Kuya Derrick.

Agad niya akong nilapitan at niyakap.

"Shh, stop crying."

Umiling-iling lang ako.

Kahapon ay kasama lang namin si Mang Isko. Akala namin okay na ang lahat matapos ng ginawa namin kahapon pero hindi pala. May balak pa pala ang killer para sa kaniya. Pero bakit siya?

"Huwag mong sayangin ang mga luha mo para sa taong hindi naman natin kaano-ano."

Nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Kuya.

"What are you saying, Kuya? Bakit ganiyan ka mag salita?"

"What? I'm just saying the truth," saad niya.

"Parang pamilya na natin si Mang Isko. He's been with us since we were kids. He's our family, okay?!" sigaw ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya, "Demi, ano ba! Don't you know that he's a killer?"

Dahan-dahan akong napatayo dahil sa sinabi niya.

"H-hindi totoo 'yan," giit ko. Oh my God! May nakaalam kaya ng ginawa namin kahapon?

"May nakitang bangkay sila Dad kanina sa gubat. May fingerprints ni Mang Isko. May nakita rin silang baril sa kwarto ni Mang Isko na sa tingin nila ay ginamit doon sa pagpatay sa lalaking natagpuan sa gubat," No! Inilibing na namin ang lalaking 'yon. Paano nila nakita? "Baka nga siya rin ang pumatay sa pamilya ni Mayor," dagdag pa ni Kuya.

That killer! Sabi niya walang makakaalam. At malamang siya rin ang pumatay kay Mang Isko.

"Demi, bakit ka may ganito dito?"

Nanlaki ang mata ko nang makitang hawak-hawak ni Kuya yung kutsilyong binigay nung killer.

"Akin na 'yan," inagaw ko sa kaniya ang kutsilyo.

"Demi, sagutin mo ako! Bakit may ganiyan ka?" bakas na ang inis sa tono ni Kuya.

Inagaw niya muli sakin yung kutsilyo, "Dugo ba 'to?"

"No! It's just a paint," sabi ko. "Props lang 'yan para sa play namin sa school," palusot ko pa.

Nilapag niya sa side table ko yung kutsilyo at tumingin siya sakin.

"Kuya, lumabas ka na. Matutulog na ako," sabi ko nalang.

Nakahinga ako nang maluwag nang lumabas na siya. Agad kong ni-lock ang pinto.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Brix.

"Brix..."

"Hello, Demi? Bakit?"

"Nakita nila yung bangkay ni Ronaldo," pagkasabi ko nun ay nakarinig ako ng ilang mura galing kay Brix.

"Paano? Maayos ang pagkakalibing namin doon!"

"I know. Pero sinabi lang sakin ni Kuya Derrick na nakita daw nila Dad kanina sa gubat. Iniisip nila na si Mang Isko talaga ang pumatay dahil may fingerprints niya at may nakita rin silang baril sa bahay niya."

"Sh*t! Demi, sorry. Sisiguraduhin kong hindi ka madadamay dito."

"No, Brix. Kahit ano pang malaman nila, tatanggapin ko kung ano man ang gawin nila satin. Basta ang alam ko lang, isa lang ang may gawa nito at 'yon ay ang killer."

***

Hindi pa rin ako makatulog. Ilang gabi na ata akong puyat kakaisip sa mga nangyari at sa kung ano pang pwedeng mangyari.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakaramdam agad ako ng galit nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hayop ka!"

"Magandang gabi rin, Demi," aniya at tumawa.

"Pinatay mo si Mang Isko!"

"You're wrong, honey. I didn't kill him. I was shocked, actually. Naunahan akong pumatay."

"Wag kang mandamay ng ibang tao. Ikaw lang naman ang pumapatay dito."

"Akala ko nga ako lang pero hindi pala. I'm telling the truth, Demi. Hindi ako ang pumatay kay Isko."

Pagkasabi niya nun ay binaba niya na ang tawag.

Maya-maya lang ay tumunog ulit ang cellphone ko. Si Brix naman ang tumatawag ngayon.

"Hello, Brix."

"Sabi ko na nga ba gising ka pa," aniya.

"I can't sleep."

"I know you're overthinking again. Everything will be alright, Demi. Trust me."

Huminga ako nang malalim. I just can't help not to overthink. Masyadong maraming nangyayari ngayon.

Una ang pamilya ni Mayor. Ngayon naman si Mang Isko. Who's next? Puro malalapit samin ang namamatay.

"Demi, still there?"

"Uh, yes, sorry."

"Demi, I'm always here for you, you know that. Kung may gusto kang sabihin or may problema ka, nandito lang ako palagi."

"Thank you, Brix."

"Matulog ka na. May pasok pa tayo bukas."

"Ikaw din. Good night."

"Good night, Demi. I love you."

***

December 3 6:00 PM

"Wala na ba kayong nakalimutan bilhin?" tanong ni Jayson. Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot ng mall. Kakatapos lang namin mamili para sa Christmas Party namin.

"Okay na. Sa Belle's Cafe muna tayo, gusto niyo?" tanong ni Macey.

"Sige. Libre ko," sagot ni Sofia.

"Yown! Masarap pag libre. Tara na!" tuwang-tuwang saad ni Jayson.

"Wait, is that Tito Aries?" tanong ni Sofia.

"Nasaan?" tanong naman ni Macey.

Tinuro ni Sofia ang isang SUV na nakaparada 'di kalayuan sa kinatatayuan namin ngayon.

Kumunot ang noo ko nang makita ang sunod na bumaba sa SUV. Si Tita Agnes, Jayson's mom.

"Oh, bakit magkasama si Daddy saka si Tita Agnes?" tanong ni Macey at tumingin kay Jayson.

"Baka may pag-uusapan about business," sagot ni Jayson.

Biglang napatingin si Tito Aries sa puwesto namin. Mukhang nagulat pa ito nang makita kami.

"Dad!" kinawayan siya ni Macey.

Lumapit sila sa puwesto namin, "Oh, nag shopping kayo?" tanong ni Tito Aries.

"Konti lang, dad. Yung mga susuotin lang namin for Christmas Party."

"Mom, nasan si Daddy?" tanong ni Jayson kay Tita Agnes.

"Nasa office pa. He's busy with his projects. Pauwi na rin ba kayo?"

"Pupunta pa kami sa Belle's Cafe. Manlilibre daw 'tong si Sofia eh," sagot ni Jayson.

Ngumiti naman si tita.

"Umuwi rin kayo agad. Jayson, ikaw na bahala sa anak ko. Pag may nangyari d'yan, ikaw agad pupuntahan ko," sabi ni Tito Aries.

"Ano ka ba, Aries. Jayson is a good man. Hindi niya pababayaan ang anak mo. Sige na, mauna kami. May meeting pa kami at may nag-aantay na samin sa loob," sabi ni Tita Agnes.

Nagpaalam na rin kami sa kanila. Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa coffee shop ni Ms. Belle.

***

"Kailangan na nating simulan yung investigation," sabi ko sa kanila.

"Wait, anong investigation?" tanong ni Sofia.

Oo nga pala, hindi niya pa alam ang tungkol sa investigation na napag-usapan namin.

"Nagplano kaming mag imbestiga tungkol doon sa pumatay kay Tita Serenity at Ate Sandy. Pero sikreto lang 'to at walang dapat makaalam bukod satin," sagot ko.

"Pero delikado 'to, Demi."

"I know, pero gusto ka naming tulungan. If you are not okay with this, okay lang kahit hindi ka sumama para hindi ka na mapahamak pa," sabi ko sa kaniya.

Matagal bago siya sumagot. Tila nag-isip isip pa siya. Bumuntong-hininga siya bago sumagot, "Tutulong ako, Demi."

Napangiti ako at tumango.

"Okay. After ng Christmas Party magsisimula na tayo."

"Akong bahala sa mga codes kung sakaling magpadala ulit siya. Makakatulong 'yon para mahanap natin siya," sabi ni Macey.

Tumingin ako kay Brix, "Brix, journalist si Tito Julius, diba may mga sinulat siyang article dati tungkol sa killer na gumagala dito 5 years ago?" Journalist ang tatay ni Brix at tanda ko pa na may mga sinulat siyang articles dati. For sure, makakatulong 'yon samin.

"Hindi ko alam kung nakatago pa ang mga 'yon. Tinapon niya na ang ibang mga articles na isinulat niya dati."

Bumuntong-hininga ako.

"Ito na po ang order niyo."

Dumating na ang order namin kaya kumain muna kami.

***

"Kuya?" nagulat ako nang makita si Kuya Derrick sa loob ng kwarto ko. Bigla siyang natigilan sa paglalakad.

"San ka galing?" tanong niya.

"Sa mall. Bakit ka nandito?" tanong ko naman.

Napatingin siya sa mga hawak kong paper bags at pagkatapos ay tumingin ulit ng diretso sakin.

"Manghihiram lang sana ako ng laptop. Nasira yung sakin eh."

"Okay," sagot ko at lumapit doon sa drawer ko. Kinuha ko ang laptop ko doon. Sinilip ko rin yung mga envelope na nakatago sa loob. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi naman mukhang nagalaw ang mga 'yon. Buti nalang ay naitago ko 'yon.

Inabot ko kay Kuya yung laptop.

"Thanks. Bumaba ka na rin maya-maya. Mom prepared a dinner for us."

Tumango nalang ako.

***

Habang kumakain ay ramdam ko na may nanonood sakin, at tama nga ako. Nahuli ko ang mga mata ni Kuya na nakatingin sakin. Nakakunot pa ang noo nito na parang may mali sakin.

What's wrong with him? Kagabi pa siya. Kanina pumasok siya sa kwarto ko ng wala ako. Hindi naman siya ganun dati.

"Oh, bakit hindi kayo kumakain? Hindi ba masarap ang luto ko?" tanong ni mommy.

"Ang sarap kaya. Ang tagal kong hindi natikman 'to," sagot ni kuya at ngumiti-ngiti.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status