Share

XXXII. Deathbed

"I'll go now. Kayo na ang bahala rito," sabi ni mommy. Katatapos lang rin namin mag dinner. Bago siya tumayo ay tumingin muna siya sa akin. Ngumiti pa siya pero halata naman na pilit 'yon.

"Ok mom. Ingat," sabi ni kuya.

Tumayo na rin ako.

"Hey, hey, hey! Where are you going?" tanong ni kuya.

"Inaantok na ako, kuya. Aakyat na ako," sabi ko sa kaniya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.

"Ikaw maghuhugas ng pinagkainan natin ngayon," saad niya.

Napahawak ako sa ulo ko. "Inaantok na talaga ako. Ang sakit din ng ulo ko." Hindi ko na inantay pa ang susunod niyang sasabihin, umakyat na agad ako sa kwarto ko.

Kinuha ko ang hoodie ko sa closet ko at sinuot iyon. Nilagay ko naman sa bulsa ko ang kutsilyong binigay sa akin no'ng killer.

Kailangan kong sundan si mommy. Ewan ko ba pero masama ang kutob ko. Feeling ko ay may mangyayari ngayong gabi.

Lumabas na ako ng kwarto ko at ni-lock iyon. Dahan-dahan akong bumaba para hindi makagawa ng ingay. Naririnig ko pa ang sa kusina, malamang ay naghuhugas na si kuya.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong sumakay sa bike ko. Hindi ko naman pwede gamitin ang sasakyan ni kuya dahil baka makagawa ako ng ingay, at isa pa, hindi rin ako marunong mag drive.

Alas-otso pa lang ng gabi kaya naman may mga nadaanan pa akong mga bukas na tindahan. May mga tao at sasakyan pa rin naman sa kalsada.

Tahimik kong tinahak ang daan papunta sa Greenville Medical Hospital kung saan nagtatrabaho si mommy.

Tumigil ako saglit sa pagba-bike nang mag ring ang cellphone ko.

"Hello, Brix?"

"Hello...wait! Nasa labas ka ba?" tanong niya mula sa kabilang linya.

Oh, great! Nalaman niya. "Uh, yes. May bibilhin lang sana ako."

"Ikaw lang mag-isa?" tanong ulit niya.

"Oo, pero saglit lang naman ako. Babalik---"

"Demi, you know that it's not safe outside, especially at this hour. Sana tinawagan mo ako o nagpasama ka manlang sa kuya mo," saad niya.

Bumuntong-hininga na lang ako. "Ayos lang ako, Brix. Saglit lang talaga 'to. I'll call you when I get home. I love you."

Narinig ko ang malalim na paghinga niya. "Okay, I'll wait for your call. I love you, too."

Nang matapos ang pag-uusap namin ay pinaandar ko ulit ang bike ko. Ilang saglit lang ay naaaninag ko na ang GMH.

Pinarada ko ang bike ko at agad na naglakad patungo sa entrance ng hospital. Tumingin-tingin pa ako sa paligid dahil baka makita ako ni mommy.

"Demi?" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin.

"Oh, Demi, ikaw nga. What are you doing here? May problema ba?"

Umiling ako at ngumiti. "Good evening, Doc Pia. Nandito na po ba si mommy?" tanong ko. Siya ang pinakamalapit kay mommy dito kaya kilala namin ang isa't-isa.

Bahagya namang bumuka ang bibig niya. "Si Doc Feli?" Kumunot ang noo niya. "Wala siyang duty ngayon. Bukas pa ang pasok niya. Bakit?"

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay may ibang pinuntahan si mommy.

"Ah wala po. Umalis po kasi siya, baka po may pinuntahan lang saglit. Sige po, thank you, Doc Pia. Huwag niyo na lang po sabihin kay mommy na pumunta ako dito," sabi ko sa kaniya.

"Okay, okay. Ingat," aniya at pumasok na rin siya sa loob ng ospital.

Nagmadali akong bumalik sa bike ko. Sasakay pa lang sana ako pero nag ring ulit ang cellphone ko.

Shit! 'Yung killer!

Mabigat ang paghinga ko habang nakatapat sa tainga ko ang cellphone.

"Do you still remember Ronaldo Corpuz? Pumunta ka sa lugar kung saan niyo siya inilibing. You'll find your mom there. Faster, Demi!"

Pagkasabi niya no'n ay mabilis niyang binaba ang tawag.

"Oh my God! Mom, wait for me..." bulong ko sa sarili ko habang pinapaandar ang bike.

Si Ronaldo Corpuz...sa gubat namin siya dinala no'n at masyado nang madilim sa parteng 'yon. Pinagsisisihan ko tuloy na hindi ako nagdala ng flashlight manlang.

Binilisan ko pa ang pagba-bike. Habol ko ang hininga ko habang tinatahak ang daan patungo sa gubat.

Sana walang masamang mangyari kay mommy.

***

Ginamit ko na lang ang flashlight ng cellphone ko para kahit papaano ay may maaninag ako sa daan.

Dahan-dahan akong lumakad habang hinahanap kung saan mismo namin nilibing si Ronaldo no'n.

Bigla namang nag ring ang cellphone ko kaya agad kong sinagot 'yon.

"Stop right there, Demi," sabi niya. Napahawak ako sa malaking puno na nasa tabi ko.

"Nasaan si mommy?" tanong ko.

"Look to your left." Sinunod ko ang utos niya at nakita ko si mommy. Naka-angat ang kamay niya na may hawak na baril at panay ang tingin niya sa paligid.

"One move, Demi. Just one wrong move and your mother will die," anito na nagpakaba lalo sa akin.

"H-hayop ka!" mariin kong sabi. "Bakit ginagawa mo 'to? Anong kasalanan ni mommy sa 'yo?"

"Malaki...napakalaki ng kasalanan niya sa akin."

Nanlaki ang mata ko nang may isang lalaki na naglalakad papalapit kay mommy. Nakasuot siya ng hoodie at natatakpan ang mukha niya ng isang puting mask.

"Nakikita mo ba 'tong hawak ko? Kapag hindi ako nakapagpigil, sa isang iglap ay mamamatay ang nanay mo."

Nanindig ang balahibo ko nang itutok niya ang hawak na baril kay mommy.

Napalunok ako at dahan-dahan na naglakad ngunit napapitlag ako nang makarinig ng isang malakas na putok.

"Mommy!" sigaw ko.

Narinig ko mula sa kabilang linya ang tawa ng killer at ang iyak ni mommy.

"P-please...itigil mo na 'to." Narinig kong pagmamakaawa ni mommy.

Napatakip ako ng bibig habang pinipigilan ang iyak ko. Kitang-kita ko kung paano umatras si mommy habang papalapit nang papalapit sa kaniya ang killer.

"Tulong! Tulong---ahh!"

Tuluyang bumuhos ang luha ko nang hindi ko na makita si mommy. Tila nabingi ako dahil sa sunod-sunod na pagputok ng baril.

Biglang namatay ang tawag. Kahit nanlalambot ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumakbo palapit sa pwesto nila kanina. Wala na silang dalawa roon.

"Mom! Mommy---"

Natigilan ako nang may narinig akong sigaw.

"Demi! Demi! T-tulong!"

Sinundan ko kung saan nanggagaling 'yung sigaw at halos matumba ako nang makakita ng isang malalim na hukay.

"Mommy!" sigaw ko nang makita si mommy doon sa hukay. Mas lalo akong naiyak nang makita kung paano niya sinusubukang tumayo.

Lumuhod ako at inabot sa kaniya ang kamay ko. "Mom, abutin mo ang kamay ko."

Sinunod niya naman ang utos ko kahit na hirap na hirap siya. Nang mahawakan niya ang kamay ko ay agad ko siyang hinila. Napadaing na lang ako dahil sa hirap.

"K-konti nalang, mom," sabi ko sa kaniya habang pinipilit siyang hilahin.

"Demi...anak." Agad akong niyakap ni mommy nang makalabas siya sa hukay.

Niyakap ko rin siya pabalik. Napahagulgol na lang ako nang mayakap ko siya nang mahigpit. Akala ko kanina...

Humiwalay kami sa isa't-isa nang tumunog ulit ang cellphone ko.

"Don't tell anyone about what happened tonight...even to your father kung ayaw mong tuluyang mamatay ang buong pamilya mo."

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status