Share

XXXIII. Prom Night

We're having breakfast when dad suddenly asked mom. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ni mommy.

"Where did you get the scratches?"

Nagkatinginan kami ni mom pero agad din niyang ibinaling ang tingin niya kay daddy. "M-may nakausli kasing bakal d'yan sa labas ng bahay natin. Baka doon ko nakuha," aniya.

Tumango-tango na lang si dad. "Okay, be careful next time." Inubos niya na ang pagkain niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya.

"Mauuna na ako," aniya at hinalikan si mommy sa noo. Tumingin naman siya sa akin. "Gusto mo bang sumabay na, Demi?" tanong ni dad.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 7:30 na. "Sige, dad."

Tumayo na rin ako at dumiretso sa sala para kunin ang gamit ko. Si daddy naman ay lumabas na.

"Demi." Lumingon ako kay mommy na sumunod pala sa akin.

"Mom...are you okay?" tanong ko. What happened last night was a nightmare. Alam kong sobrang naapektuhan si mom doon. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong totoo, pero sa tingin ko hindi pa ito ang tamang oras.

"Yes. Ingat kayo ng daddy mo, and please lang...'wag mong sabihin sa kaniya ang nangyari," sabi niya. Isa pa 'to, hindi dapat namin 'to tinatago lalo na kay daddy kaso natatakot si mom.

Tumango na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. "Bye, mom."

***

"Good morning!"

Pagkarating ko sa school ay may sumalubong agad sa akin na SSG officer. Binigyan niya ako ng isang maliit na white envelope.

Nang makalagpas ako sa kaniya ay kunot-noo kong binuksan 'yung envelope. May card sa loob no'n. Binasa ko ang lahat ng nakasulat doon.

It's an invitation for our Prom Night. Gaganapin daw sa February 13.

"Hey, Demi. Good morning." Nilingon ko ang tumabi sa akin na si Brix.

"Good morning," bati ko. Napapikit na lang ako nang maalala na hindi ko pala siya na-text kagabi. Nawala sa isip ko dahil na rin sa nangyari sa amin ni mommy.

"What happened? Inantay ko ang tawag mo kagabi." Ayun na nga, nagtanong na siya.

"Ano kasi..." Ano ba pwedeng idahilan? "Ano...nakatulog agad kasi ako. I'm sorry."

"Hmm, okay. At least you're okay. Next time tawagan mo ako kung lalabas ka ng gano'ng oras. Willing akong puntahan ka agad," aniya.

Ngumiti na lang ako at tumango.

Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad papunta sa building namin.

"Sa Prom Night, ikaw na date ko, ha?" tanong niya.

"Of course," sagot ko.

Nang makarating kami sa room ay wala pa ang ibang kaibigan namin maliban kay Jayson na nagce-cellphone lang sa upuan niya.

"Wala pa si Macey?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Nasa office raw ng SSG. Busy eh."

Oo nga pala. Si Sofia kaya? Noong huling kita namin sa town hall ay mukhang okay naman na siya. Papasok kaya siya?

***

February 13, 9:00 PM

Kakasimula pa lang ng party pero maingay na agad ang paligid. Sinabayan pa ito ng malakas na music at makukulay na ilaw.

Sa isang hotel ginanap ang prom namin at ang alam ko ay hanggang alas-tres 'to.

"Nag chat pala ulit sa 'kin si Sofia," sabi ni Macey na nasa tabi ko. Nasa iisang table kami ngayon kasama si Brix, si Jayson, at dalawa pa naming kaklase.

"Anong sabi?" tanong ko.

"Ayon, nag so-sorry pa rin," aniya at uminom ng tubig.

Tumingin ako sa kaniya. "Ikaw ba? Ready ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

Huminga siya nang malalim at tumingin din sa 'kin. "I don't know. Naguguluhan pa rin ako, Demi. Naiisip kong 'yung pagkakaibigan nating lahat, pero sa tuwing naaalala ko naman ang ginawa nila sa akin ni Jayson, parang bumabalik lahat ng galit at sakit."

"Wait for the right time...pag handa na kayong tatlo." Nginitian ko siya.

Patuloy na lumalim ang gabi. Nakapag sayaw na kami ni Brix at may ilan pang nag aya sa akin. Ngayon naman ay may tumutugtog lang na banda sa stage.

"Snacks?" Naglapag si Brix ng pagkain sa harap ko.

"Thank you," sabi ko.

"Nasabi ko na ba kung gaano ka kaganda ngayong gabi?" tanong niya habang nakangiti at diretsong nakatingin sa akin.

Bahagya akong natawa. "Pagkasundo mo pa lang sa akin sa bahay, sinabi mo na 'yan. Tama na." Sumubo ako ng nachos na nasa harapan ko.

"Hindi ko mapigilan, eh." Napa-iling na lang ako. "Miss, pwede bang manligaw."

Saglit na kumunot ang noo ko at natawa na lang. "Hindi pa ba tayo? O gusto mong mag break muna tayo?"

Napasimangot naman siya sa sinabi ko. Mas lalo tuloy akong natawa. Buti na lang talaga ay nandito si Brix. Kahit papaano ay nakukuha ko pa ring tumawa dahil sa kaniya.

"Brix, thank you, ha."

"For what?" tanong niya.

"For staying, simula pa lang no'ng mga bata tayo hanggang ngayon," sagot ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako sa mata. "Lagi ko namang sinasabi diba? Lagi lang akong nasa tabi mo at iingatan ka."

Mas lumapit siya sa akin at niyakap ako. Napapikit na lang ako habang dinadama ang yakap niya.

***

Nagpalakpakan ang lahat nang magsimula nang magbigay ng mga awards.

"The "Star of the Night" award goes to..." pabitin ng emcee. Kung kani-kaninong pangalan ang isinigaw ng mga estudyante. Nagulat pa ako nang marinig ko ang pangalan ko.

"The "Star of the night" is...Sofia Javier!" anunsyo ng emcee. Pumalakpak kami nang umakyat si Sofia sa stage. Halatang nahihiy siya pero ngumiti na lang siya.

"Next is the "Couple of the Night." Taas nga ang kamay ng couples d'yan," biro ng emcee.

Nagkatinginan kami ni Brix at siya na mismo ang nagtaas ng kamay naming dalawa.

"Huwag na nating patagalin 'to. The "Couple of the Night" award goes to...Demi San Diego and Brix Mariano. Come here on stage, lovebirds."

Napabuka na lang ako ng bibig dahil sa gulat. Panay pa ang hiyawan ng mga tao.

Umakyat kami sa stage at sinabitan kami ng sash at binigyan ako ng flowers.

"Akalain mo 'yon, nakakuha pa tayo ng award," sabi ni Brix habang pababa kami ng stage.

Magsasalita na sana ako ngunit hindi natuloy nang makarinig kami ng isang malakas na sigaw.

"Tulong! Tulong! 'Yung girlfriend ko..." sigaw ng isang lalaki na nagmamadaling pumasok ng hall. Pinagpapawisan pa siya at nanginginig ang mga kamay.

Naglapitan ang mga teachers sa kaniya kaya lumapit na rin kami.

"'Y-yung girlfriend ko po...nakita ko po siya sa CR na duguan at tadtad ng saksak."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad kaming nagkatinginan ni Brix.

"Demi." May humawak sa balikat ko. Nakita ko ang takot na mukha ni Macey. "Hindi kaya ayon na 'yung killer na tumatawag sa 'yo?" bulong niya.

Ilang beses akong napalunok. Sumunod kami roon sa lalaki hanggang sa makarating kami sa CR na sinasabi niya.

"Call the police and ambulance!" sigaw ng isa sa mga teachers.

Napatakip ako nang bibig nang makita ang babaeng nasa lapag at naliligo sa sarili niyang dugo. Tadtad nga ng saksak ang katawan niya.

"Fuck! Look at her right hand," sabi ni Brix.

Tinignan ko iyon at halos matumba ako nang makita ang puting maskara na nakapatong doon sa kamay niya.

"Brix, nandito na naman siya," sabi ko.

"Please go back inside the hall. Now!" utos ng isang teacher. "Lahat kayo magsama-sama roon at walang aalis," dagdag pa niya.

Inalalayan ako ni Brix habang pabalik kami sa hall. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa takot.

Pinaupo niya muna ako at inabutan ng tubig.

"Stay here, Demi. Baka nasa paligid pa 'yon," sabi ni Brix. Lumayo siya sa akin saglit at tumingin-tingin sa paligid.

Bigla akong napatayo nang may humawak ulit sa balikat ko. Gulat akong tumingin sa taong 'yon.

"K-kuya Derrick..."

Hinawakan niya ang braso ko at nag-aalalang tumingin sa akin. "Dad, called me. Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Tumango ako.

"Buti na lang malapit lang ako dito sa hotel na 'to at nakarating ako kaagad," aniya at niyakap ako.

Kumunot ang noo ko.

Anong ginagawa ni kuya malapit sa hotel na 'to ng ganitong oras?

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status