Se connecterPaglabas ni Danah sa auditorium, parang sumikip ang dibdib niya sa dami ng hangin na kailangang ilabas. Ang bawat hakbang niya sa hallway ng Saint Jude College ay tila may kasamang bigat na hindi niya maipaliwanag. Hindi lang ito basta pagkatalo sa isang debate. Ito ay ang pagguho ng kaniyang mundo .Hindi siya sanay matalo. Sa loob ng tatlong taon, siya ang pambato. Siya ang boses na hindi nanginginig. Pero kanina, sa harap ng lalaking iyon, tila naging marupok ang bawat salitang binitawan niya.
"Danah! Sandali!" sigaw ni Mia, ang kaniyang best friend, habang hinahabol siya. Tumigil si Danah pero hindi lumingon. "Mia, please. Gusto ko lang mapag-isa." "Danah, it was a split decision! Isang point lang ang lamang nila. You were brilliant out there," pag-alo ni Mia nang makalapit ito. Inabutan siya nito ng bottled water pero tinitigan lang iyon ni Danah. "Isang point o isang daang point, Mia, talo pa rin. Talo ako kay Salazar," mariing sabi ni Danah. Ang pangalan ni Lucas ay parang lason sa kaniyang dila. "Nakita mo ba kung paano siya tumingin? Kung paano niya ako hiyain sa harap ng maraming tao? He didn’t win with logic, he won with lies and charisma." "That’s how it works, girl. Ganoon ang laro," buntong-hininga ni Mia. "Tara na, libre kita ng kape sa labas para mahimasmasan ka." Umiling si Danah. "Mauna ka na. May kukunin lang ako sa student council office." Naghiwalay sila ng landas, pero ang totoo, wala naman talagang kailangang kunin si Danah. Gusto lang niyang maglakad-lakad sa open grounds ng school para mawala ang init ng ulo niya. Habang naglalakad sa madilim na bahagi ng garden path, narinig ni Danah ang isang pamilyar na tawa. Huminto siya sa likod ng isang malaking puno ng acacia. Sa di kalayuan, sa ilalim ng isang post light, nakita niya ang team ng San Sebastian. Nagkakatuwaan sila, hawak ang tropeyo na dapat ay nasa kaniya. At sa gitna ng lahat, naroon si Lucas Sebastian Salazar. Wala na ang suot nitong blazer. Naka-puting polo na lang siya na bukas ang dalawang butones sa itaas, at nakasampay ang kaniyang coat sa balikat. Hawak niya ang tropeyo sa isang kamay habang ang isa ay nasa bulsa ng kaniyang slacks. Mukha siyang modelo na galing sa isang photo shoot, hindi isang debater na katatapos lang makipagbakbakan ng utak. "Congrats, Lucas! Iba ka talaga. Akala ko maiipit na tayo doon sa point niya tungkol sa individual rights," sabi ng isa niyang teammate. Tumawa si Lucas, isang tunog na nagpataas ng balahibo ni Danah sa inis. "Masyado siyang focused sa kung ano ang tama sa libro, hindi sa kung ano ang nararamdaman ng tao. Rules are meant to be manipulated, guys. That’s how you win." Napamaang si Danah sa narinig. Rules are meant to be manipulated? Ang kaniyang buong prinsipyo ay nakabatay sa integridad ng batas, tapos maririnig niya ang lalaking ito na tinatawag itong laruan? Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Humakbang siya palabas mula sa dilim. "Kaya pala," malamig na sabi ni Danah. Natahimik ang grupo. Lumingon silang lahat sa kaniya. Si Lucas ay dahan-dahang humarap, ang kaniyang mapang-asar na ngisi ay hindi nawala. "Well, well. Look who’s stalking the champions." "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Salazar," sabi ni Danah habang lumalapit. Ang bawat hakbang niya ay puno ng poot. "Narinig ko ang sinabi mo. You don't care about the law. You just care about the win. Ang lahat ng binitawan mong argumento kanina ay puro kasinungalingan lang para makuha ang panig ng judges." Ibinaba ni Lucas ang kaniyang coat sa bench at lumapit din nang kaunti kay Danah. Ang kaniyang mga kasama ay tila naramdaman ang tensyon kaya dahan-dahan silang lumayo, binibigyan ng espasyo ang dalawa. "Welcome to the real world, Laureano," mahinang sabi ni Lucas. Ang boses niya ay kalmado pero mapanganib. "Sa tingin mo ba sa korte, ang laging tama ang nananalo? Hindi. Ang nananalo ay ang may mas magandang kwento. Kanina, mas maganda ang kwento ko kaysa sa'yo." "Ang tawag doon ay panlilinlang," ganti ni Danah. "You’re a fraud. At kung akala mo ay hanggang dito na lang ito, nagkakamali ka. I will prove that you’re nothing but a charlatan with a pretty face and a loud voice." Bahagyang tumawa si Lucas at mas inilapit ang mukha kay Danah. "Pretty face, huh? So, aminado kang gwapo ako?" "Don't flatter yourself!" sigaw ni Danah, ang kaniyang mukha ay namumula na sa galit. "You’re disgusting." "And you’re beautiful kapag nagagalit ka," bulong ni Lucas. Inabot niya ang kamay niya para sana ayusin ang isang hibla ng buhok ni Danah na kumawala sa pusod nito, pero mabilis na tinampal ni Danah ang kamay niya. "Huwag mo akong mahawakan," babala ni Danah. "Ouch. Masakit 'yon, ah," biro ni Lucas, pero may kung anong kislap sa kaniyang mga mata na hindi mabasa ni Danah. "Alam mo, Danah, ang problema sa'yo, masyado kang malinis. You live in a world of black and white. Pero ang batas? It’s gray. At sa loob ng gray area na 'yon, doon ako ang naghahari." "Then I’ll be the light that exposes you," sabi ni Danah nang may determinasyon. Tinalikuran niya si Lucas at naglakad palayo nang mabilis. Ramdam niya ang titig ng lalaki sa kaniyang likuran. Ang bawat salita ni Lucas ay tila naging hamon na nakatatak sa kaniyang isipan. Nang makalayo na siya, huminto si Danah at huminga nang malalim. Tumingin siya sa langit. Ang gabi ay tila mas naging madilim. Hindi niya alam kung bakit, pero ang presensya ni Lucas ay nag-iiwan ng kakaibang epekto sa kaniya. Hindi lang ito galit. Ito ay isang uri ng tensyon na nakakagulo ng kaniyang sistema. "Hinding-hindi ako magiging katulad mo, Lucas," bulong niya sa hangin. Ngunit sa kabilang panig ng garden, pinanood ni Lucas ang pag-alis ni Danah. Inalis niya ang ngisi sa kaniyang mukha at napalitan ito ng isang seryosong tingin. Hinawakan niya ang tropeyo nang mahigpit. "The light that exposes me, huh?" bulong ni Lucas sa kaniyang sarili. "Let’s see if you can handle the heat, Atty. Laureano."Ang library ng City Hall ay ang pinakamatahimik na lugar na alam ko sa buong siyudad. Dito, ang tanging ingay na maririnig mo ay ang paglipat ng mga pahina, ang mahinang pag-ugong ng lumang aircon, at ang paminsan-minsang pag-ubo ng librarian. Walang music, walang malakas na tawanan, at higit sa lahat, walang distraction. O iyon ang inakala ko.Alas-otso pa lang ng umaga ay narito na ako. Pinili ko ang pinakasulok na table, iyong malayo sa bintana para hindi ako maakit tumingin sa labas. Nakalatag na ang aking Codals, ang aking mga makukulay na highlighters, at ang aking notebook na puno ng mga mnemonics na ako lang ang nakakaintindi. Criminal Law ang focus ko ngayong araw. Kailangan kong kabisaduhin ang bawat elemento ng bawat krimen."Rebellion, Sedition, Treason..." bulong ko sa sarili ko habang sinusulat ang mga keywords.Maayos na ang lahat. Naka-focus na ang utak ko. Pero makalipas ang isang oras, naramdaman ko ang pagbukas ng mabigat na pinto ng library. Hindi ko sana papansini
Magtatanghali na, at ang kalsada sa labas ng paborito kong coffee shop sa siyudad ay abala sa mga taong nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang trabaho. Pero ako, heto, nakakulong sa apat na sulok ng kapihang ito, sinusubukang lunukin ang lahat ng probisyon ng Civil Law habang lumalaklak ng kape.Isang buwan na ang nakalipas simula noong graduation, at ang review para sa Bar Exam ang tanging bagay na nagpapanatili sa akin na maging matino. O baka naman ito rin ang unti-unting sumisira sa akin."Excuse me, Miss? Pwede bang maki-share ng table? Wala na kasing bakante," tanong ng isang lalaki.Hindi ako nag-angat ng tingin. "May nakaupo na rito," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay ang bag ko lang naman ang nasa tapat na silya."Talaga? Ang pagkakaalam ko, ang mga bag ay walang karapatang bumoto o umupo sa mga public spaces, Atty. Laureano."Halos mabitawan ko ang highlighter ko nang marinig ko ang boses na iyon. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko, nanalangin na sana ay namamali l
Ang graduation day ay dapat masaya. Dapat puno ito ng tawanan, iyakan ng katuwaan, at ang matamis na lasa ng tagumpay matapos ang ilang taong pagpupuyat sa ibabaw ng makakapal na codals. Pero habang sinusuot ko ang itim na toga sa harap ng salamin, wala akong ibang maramdaman kundi ang bigat sa aking dibdib."Danah, anak, napakaganda mo sa suot mo," sabi ni Mama habang inaayos ang kulyar ng toga ko. "Sabi ko na nga ba, magiging ganap na abogado ang anak ko."Pilit akong ngumiti sa repleksyon ni Mama sa salamin. "Hindi pa po, Ma. Review pa po para sa Bar.""Sus, ikaw pa ba? Top 1 ka nga sa batch niyo, 'di ba?" pagmamalaki niya.Iyon na nga ang problema. Kahit ako ang Top 1 ng aming unibersidad, kahit ako ang may pinakamataas na GPA sa buong College of Law, ang pakiramdam ko ay palaging may kulang. Parang may isang malaking batik sa record ko na hindi mabura-bura. At ang batik na iyon ay may pangalan—Lucas Sebastian Salazar.Ang graduation ceremony ay ginanap sa isang malaking conventio
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang gabing iyon sa Saint Jude, pero ang bawat hibla ng utak ko ay nakakandado pa rin sa bawat salitang binitawan ni Lucas Sebastian Salazar. Hindi ko matanggap. Hindi ko maproseso kung paanong ang isang taong tinitingnan ang batas bilang isang laruan ay siyang nakakuha ng parangal na pinaghirapan ko nang buong tatlong taon."Danah, stop it. You’re going to burn a hole through that page," bulong ni Mia sa tabi ko.Napatingin ako sa librong hawak ko. Halos mapunit ko na nga ang pahina ng Constitutional Law Review book sa higpit ng hawak ko. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili."I’m fine, Mia. Nag-aaral lang ako," sagot ko, kahit alam naming dalawa na kanina ko pa binabasa ang iisang sentence nang hindi ito pumapasok sa isip ko."No, you’re not. Simula nang matalo tayo, para ka nang laging sasabog. Move on na, girl. Graduation is just around the corner. Focus na tayo sa review for the Bar," payo niya habang nililigpit ang kaniyan
Paglabas ni Danah sa auditorium, parang sumikip ang dibdib niya sa dami ng hangin na kailangang ilabas. Ang bawat hakbang niya sa hallway ng Saint Jude College ay tila may kasamang bigat na hindi niya maipaliwanag. Hindi lang ito basta pagkatalo sa isang debate. Ito ay ang pagguho ng kaniyang mundo .Hindi siya sanay matalo. Sa loob ng tatlong taon, siya ang pambato. Siya ang boses na hindi nanginginig. Pero kanina, sa harap ng lalaking iyon, tila naging marupok ang bawat salitang binitawan niya."Danah! Sandali!" sigaw ni Mia, ang kaniyang best friend, habang hinahabol siya.Tumigil si Danah pero hindi lumingon. "Mia, please. Gusto ko lang mapag-isa.""Danah, it was a split decision! Isang point lang ang lamang nila. You were brilliant out there," pag-alo ni Mia nang makalapit ito. Inabutan siya nito ng bottled water pero tinitigan lang iyon ni Danah."Isang point o isang daang point, Mia, talo pa rin. Talo ako kay Salazar," mariing sabi ni Danah. Ang pangalan ni Lucas ay parang lason
Ang amoy ng lumang kahoy, aircon, at ang mabigat na presensya ng kaba ang bumabalot sa buong session hall ng Saint Jude College. Para sa karaniwang estudyante, isa lang itong requirement o isang event na kailangang daloan para sa extra credits. Pero para kay Danah Elise Laureano, ito ang kaniyang entablado. Ito ang laro kung saan siya ang reyna.Naka-upo si Danah sa dulo ng mahabang lamesa, suot ang kaniyang pinakamalinis na white blazer. Maayos ang pagkaka-pusod ng kaniyang buhok. Sa harap niya ay ang kaniyang laptop at ang makapal na folder na naglalaman ng kaniyang mga argumentong ilang linggo niyang ppinagpuyatan."Kaya mo 'to, Danah. You are a Laureano. Failure is not in your vocabulary," bulong niya sa sarili habang hinihintay ang pagsisimula ng Inter-College Debate Championship.Lumingon siya sa kabilang panig ng hall. Ang ingay ng mga estudyante mula sa San Sebastian University ay tila isang babala. Doon, nakita niya ang kaniyang magiging katunggali. Ang usap-usapan ng lahat.







