공유

Guilty of Loving You
Guilty of Loving You
작가: D A L M A T I A N

1

last update 게시일: 2026-03-03 11:10:11

Ang amoy ng lumang kahoy, aircon, at ang mabigat na presensya ng kaba ang bumabalot sa buong session hall ng Saint Jude College. Para sa karaniwang estudyante, isa lang itong requirement o isang event na kailangang daloan para sa extra credits. Pero para kay Danah Elise Laureano, ito ang kaniyang entablado. Ito ang laro kung saan siya ang reyna.

Naka-upo si Danah sa dulo ng mahabang lamesa, suot ang kaniyang pinakamalinis na white blazer. Maayos ang pagkaka-pusod ng kaniyang buhok. Sa harap niya ay ang kaniyang laptop at ang makapal na folder na naglalaman ng kaniyang mga argumentong ilang linggo niyang ppinagpuyatan.

"Kaya mo 'to, Danah. You are a Laureano. Failure is not in your vocabulary," bulong niya sa sarili habang hinihintay ang pagsisimula ng Inter-College Debate Championship.

Lumingon siya sa kabilang panig ng hall. Ang ingay ng mga estudyante mula sa San Sebastian University ay tila isang babala. Doon, nakita niya ang kaniyang magiging katunggali. Ang usap-usapan ng lahat. Ang lalaking sinasabing hindi pa natatalo simula noong first year.

Si Lucas Sebastian Salazar.

Nakaupo ito nang relax, halos nakasandal na sa kaniyang upuan habang nakikipag-bulungan sa kaniyang teammates. Hindi ito mukhang kinakabahan. Sa katunayan, mukhang naiinip pa ito. Nang mapansin ni Lucas ang titig ni Danah, dahan-dahan itong nag-angat ng tingin. Isang mabilis na kindat ang ibinigay nito sa kaniya bago ito bumalik sa pakikipag-usap.

Uminit ang mukha ni Danah sa inis. "Ang yabang," gigil niyang sabi.

"Welcome to the final round of the Inter-College Debate Championship," panimula ng moderator. Ang bawat salita nito ay tila isang tambol na nagpapatibok ng puso ni Danah. "The topic for today: The legality and morality of corporate sovereignty over individual rights. Let the debate begin."

Tumayo ang unang speaker ni Danah. Maganda ang simula. Sumunod ang unang speaker ni Lucas. Palitan ng matatalas na salita. Pero alam ng lahat na ang totoong labanan ay sa pagitan ng dalawang team captains.

Nang dumating ang oras ni Danah, tumayo siya nang may dignidad. Ang kaniyang boses ay malinaw, bawat salita ay may diin, bawat argumento ay may basehan sa konstitusyon.

"Your Honor, the individual is the smallest minority. If we allow corporations to supersede the rights of the one for the profit of the many, we are not building a civilization; we are building a factory. The law must always protect the heartbeat, not the balance sheet!"

Nagkaroon ng bulungan sa loob ng hall. Nakita ni Danah ang pagtango ng mga judges. Ramdam niya ang tagumpay. Naupo siya nang may kumpirmasyon sa sarili na nakuha niya ang momentum.

Pero tumayo si Lucas.

Walang hawak na kahit anong papel si Lucas. Lumakad siya sa gitna, malayo sa kaniyang podium, tila ba nakikipag-usap lang sa isang kaibigan.

"My opponent speaks of heartbeats and factories," simula ni Lucas. Ang boses niya ay malalim, at nakaka-hypnotize. "It’s a beautiful sentiment, really. Very poetic. But we are here to discuss the law, not to write a romance novel. The economic stability of a nation rests on the structures we build. If we stifle the engines of growth, the very individuals Ms. Laureano wants to protect will be the first ones to starve in the dark."

Huminto si Lucas at tumitig nang diretso kay Danah. "Don’t give them poetry, Danah. Give them a future."

Sa loob ng tatlumpung minuto, tila naging personal ang labanan. Bawat rebuttal ni Danah ay sinasalubong ni Lucas ng isang counter-argument na hindi lang basta lohikal, kundi mapang-asar. Bawat beses na sinusubukan ni Danah na bawiin ang atensyon ng judges, gumagawa si Lucas ng paraan para mapunta sa kaniya ang spotlight.

"You’re focusing too much on the theory, Ms. Laureano," sabi ni Lucas habang nasa gitna ng kaniyang cross-examination. Lumapit siya nang kaunti sa lamesa ni Danah, sapat na para maamoy ni Danah ang kaniyang perfume na amoy peppermint at leather. "In the real world, the gavel doesn’t fall for the loudest voice. It falls for the truth that hurts the most."

"And the truth is, you're just manipulating the facts to suit your arrogance, Mr. Salazar," ganti ni Danah, ang kaniyang mga mata ay nanlilisik.

"Arrogance is just a word people use for someone who knows they’re right," bulong ni Lucas bago bumalik sa kaniyang pwesto.

Natapos ang debate. Ang katahimikan habang naghihintay ng desisyon ng mga judges ay tila isang habambuhay para kay Danah. Pinagpapawisan ang kaniyang mga palad sa ilalim ng lamesa. Hindi siya pwedeng matalo. Hindi sa harap ng lalaking ito.

"The judges have reached a decision," sabi ng moderator.

Humawak si Danah sa gilid ng kaniyang upuan. Sa kabilang banda, si Lucas ay nakatingin lang sa kisame, tila ba alam na niya ang resulta.

"The winner of this year's championship, by a split decision... San Sebastian University!"

Ang tunog ng palakpakan ay tila isang malakas na sampal sa mukha ni Danah. Parang biglang nawalan ng hangin sa loob ng hall. Talo siya. Ang record niyang walang bahid ay nadungisan na.

Habang nagliligpit siya ng kaniyang gamit, naramdaman niya ang isang anino sa kaniyang harap. Pag-angat niya, naroon si Lucas. Hawak na nito ang maliit na gintong tropeyo.

"Good game, Laureano," sabi nito. Ang tono niya ay hindi mapang-alipusta, pero ang kaniyang mga mata ay puno ng tagumpay. "You were good. Too good, actually. Pero gaya ng sabi ko, masyado kang seryoso. You forgot to breathe."

Hindi sumagot si Danah. Mabilis niyang isinara ang kaniyang laptop at isinuksok sa bag.

"Huwag mong dibdibin," dagdag pa ni Lucas. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa tenga ni Danah, sapat na para maramdaman nito ang kaniyang mainit na hininga. "Sadyang may mga tao lang na ipinanganak para manalo, at may mga tao na kailangang matutong matalo sa kamay ko."

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Guilty of Loving You    20

    Ang amoy ng antiseptic at ang nakakabinging tunog ng heart monitor ang tanging nagpapaalala sa akin na gising pa ako. Nakaupo ako sa isang matigas na silya sa gilid ng kama ni Papa sa Intensive Care Unit. Ang puting gown na suot ko kanina sa photoshoot ay gusot-gusot na, may mantsa ng luha at dumi, pero wala na akong pakialam.Tiningnan ko ang maputlang mukha ni Papa. Ang lalaking laging matikas, ang Justice Laureano na kinatatakutan sa korte, ngayon ay nakahiga at umaasa na lang sa mga makina. At ang dahilan? Ako. Ang eskandalong dinala ko sa pamilyang ito."Papa, please gumising ka na. Magagalit ka pa sa akin, 'di ba? Papagalitan mo pa ako dahil hindi ako nag-top," bulong ko habang hinahawakan ang malamig niyang kamay.Bumukas ang pinto ng ICU at pumasok si Mama. Mugto ang mga mata niya at tila tumanda siya ng sampung taon sa loob lang ng ilang oras. Hindi niya ako tiningnan. Dumiretso siya sa kabilang panig ng kama ni Papa."Umuwi ka na muna, Danah Elise," malamig niyang sabi."Ma,

  • Guilty of Loving You    19

    Nagising ako sa tunog ng malakas na ulan na humahampas sa bintana ng maliit na unit ni Lucas. Ang silid ay nababalot pa ng dilim, maliban sa manipis na liwanag na nanggagaling sa mga streetlights sa labas. Sa tabi ko, naramdaman ko ang mahimbing na paghinga ni Lucas. Ang kaniyang braso ay nakapulupot sa bewang ko, tila sinisigurado na hindi ako mawawala sa gitna ng gabi.Dahan-dahan akong gumalaw, pilit na inaalala ang mga nangyari. Ang alak, ang tawag ni Adrian, ang sakit ng pagtakwil ng pamilya ko, at ang init ng bawat haplos ni Lucas. Ramdam ko pa rin ang bawat halik niya sa aking balat—isang uri ng pag-angkin na hindi ko kailanman naramdaman sa loob ng ilang taon. Kay Lucas, hindi ako ang tropeong kailangang ipakita sa mundo. Kay Lucas, ako lang si Danah.Dahan-dahan kong inabot ang phone ko sa sahig. Pagbukas ng screen, halos mabitawan ko ito.147 Missed Calls.238 Unread Messages.Karamihan ay galing kay Adrian. Ang iba ay kay Mama, kay Papa, at pati na rin sa sekretarya ng firm

  • Guilty of Loving You    18

    Biyernes.Ito ang araw na tila nakatadhana nang magpabago sa takbo ng hininga ko. Madaling araw pa lang pero gising na ako. Nakaupo ako sa gilid ng kama ko, yakap-yakap ang mga tuhod habang nakatitig sa bintana kung saan unti-unti nang sumisilip ang liwanag ng Maynila. Malamig ang pawis sa mga palad ko at ang puso ko ay parang isang tambol na mabilis na pinapalo.Ngayong araw ilalabas ng Supreme Court ang listahan ng mga bagong abogado. Pero para sa pamilya ko at kay Adrian, hindi lang ito simpleng listahan. Ito ang inaasahan nilang coronation night ko.Tumunog ang phone ko. Isang message mula sa group chat ng pamilya Laureano."Danah, today is the day. We are expecting a Top 1 finish. The Villareals are already preparing the banners for the firm. Make us proud, Attorney." - Dad.Napapikit ako nang mariin. Ang bigat. Sobrang bigat. Sumunod ang message ni Adrian sa personal inbox ko."Good luck today, my future Topnotcher. I’ve already contacted the press for an exclusive interview at

  • Guilty of Loving You    17

    Ang bigat sa dibdib ko ay tila isang malaking bato na hindi ko maialis-alis simula nang magising ako. Habang papalapit ang araw ng engagement party, mas lalong sumisikip ang mundo ko. Ngayong araw ang huling fitting ng gown ko, at gaya ng inaasahan, si Mama at ang nanay ni Adrian na si Tita Elena ang kasama ko.Nakatayo ako sa gitna ng isang exclusive bridal boutique sa Makati. Ang paligid ay puro puti, kumikinang na mga kristal, at amoy ng mamahaling pabango. Humarap ako sa malaking salamin habang tatlong designer assistants ang maingat na inaayos ang laylayan ng gown ko."You look like a goddess, Danah. Adrian is so lucky to have you," sabi ni Tita Elena habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. May hawak siyang baso ng champagne at ang kaniyang mga mata ay puno ng garbo."Salamat po, Tita," tipid kong sagot. Pinilit kong ngumiti, pero ang totoo, nangangalay na ang mga panga ko sa pagpapanggap."Danah, ayusin mo ang tindig mo. You represent the Laureano family. Huwag kang lulay

  • Guilty of Loving You    16

    Masakit ang ulo ko, hindi dahil sa puyat sa pag-aaral gaya ng nakagawian ko noong nakaraang apat na taon, kundi dahil sa dami ng emosyong pilit kong ibinabaon sa limot.Tumingin ako sa ceiling. Tahimik. Masyadong tahimik.Ito na ang buhay na pinangarap ko, 'di ba? Wala nang Codals, wala nang Case Digests, at higit sa lahat, wala nang panggugulo ni Lucas Salazar dahil tapos na ang Bar Exams. Dapat ay masaya ako. Dapat ay nagse-celebrate ako dahil bumalik na ang lalaking pinili ko—ang lalaking para sa lahat ay depinisyon ng salitang perpekto.Adrian Marcus Villareal.Bumangon ako at dahan-dahang lumapit sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko. Magulo ang buhok, medyo maputla, pero sa aking daliri, kumikinang ang engagement ring na ibinigay niya. It was a beautiful, heavy piece of jewelry. Simbolo ng katapatan, ng yaman, at ng kinabukasan na binuo na para sa akin bago ko pa man makuha ang aking lisensya.Pero bakit sa tuwing titingnan ko ang singsing na ito, ang naaalala ko ay ang magasp

  • Guilty of Loving You    15

    Maaga akong nagising dahil sa silaw ng araw na tumatama sa singsing na nasa daliri ko. Ang diamond ring na bigay ni Adrian ay tila nagpapaalala sa akin ng bawat obligasyong kailangan kong gampanan ngayong araw. Engagement party planning. Meeting with the caterers. Fitting ng gown para sa malaking dinner mamaya."You can do this, Danah. Isang taon na lang, Attorney Villareal ka na," bulong ko sa sarili ko habang humaharap sa salamin.Pero bakit sa tuwing tinitingnan ko ang sarili ko, hindi ang "perpektong bride" ang nakikita ko? Ang nakikita ko ay ang babaeng nanginginig ang tuhod nang halikan siya ng kaniyang kaaway sa rooftop dalawang gabi lang ang nakakaraan. Ang "lamat" sa gintong buhay na binuo para sa akin ay hindi nakikita ng iba, pero nararamdaman ko ang bawat bitak nito sa loob ng dibdib ko.Eksaktong alas-nuwebe, dumating si Adrian sa condo ko. Naka-puting polo shirt siya na laging plantsado, amoy mamahaling pabango, at may dalang kape. He looked like a dream. He looked like

  • Guilty of Loving You    14

    Ang ingay ng mga tawanan sa loob ng penthouse ni Adrian ay tila isang background music na hindi ko magawang sabayan. Ngayong gabi ang selebrasyon para sa aming lahat—ang pagtatapos ng Bar Exams at ang opisyal na pagbabalik ni Adrian mula sa kaniyang business trip sa ibang bansa. Puno ang paligid ng

  • Guilty of Loving You    13

    Ang sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ng aking kwarto ay tila isang mapanghusgang titig. Masakit ang ulo ko, hindi dahil sa alak, kundi dahil sa dami ng iniisip. Sa tabi ng unan ko, nakalatag ang gavel necklace na ibinigay ni Adrian kagabi. Sa kabilang banda, ang phone ko ay nakataob. Naroon a

  • Guilty of Loving You    12

    Ang amoy ng mamahaling steak at ang mahinang tugtog ng violin sa loob ng restaurant na ito ay dapat sapat na para pakalmahin ang nerves ko. Pero habang nakaupo ako sa tapat ng lalaking halos anim na buwan ko ring hindi nakasama nang matagal dahil sa Bar review, tila may kung anong mabigat sa dibdib

  • Guilty of Loving You    11

    Alas-tres na ng madaling araw pero ang mga mata ko ay tila nakikipagtitigan pa rin sa kisame ng kwarto ko. . Tapos na ang Bar. Dapat ay mahimbing na ang tulog ko dahil sa sobrang pagod, pero sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang nararamdaman ko ay hindi ang relief ng pagtatapos ng exams—kun

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status