Share

3

last update Tanggal publikasi: 2026-03-03 11:11:04

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang gabing iyon sa Saint Jude, pero ang bawat hibla ng utak ko ay nakakandado pa rin sa bawat salitang binitawan ni Lucas Sebastian Salazar. Hindi ko matanggap. Hindi ko maproseso kung paanong ang isang taong tinitingnan ang batas bilang isang laruan ay siyang nakakuha ng parangal na pinaghirapan ko nang buong tatlong taon.

"Danah, stop it. You’re going to burn a hole through that page," bulong ni Mia sa tabi ko.

Napatingin ako sa librong hawak ko. Halos mapunit ko na nga ang pahina ng Constitutional Law Review book sa higpit ng hawak ko. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili.

"I’m fine, Mia. Nag-aaral lang ako," sagot ko, kahit alam naming dalawa na kanina ko pa binabasa ang iisang sentence nang hindi ito pumapasok sa isip ko.

"No, you’re not. Simula nang matalo tayo, para ka nang laging sasabog. Move on na, girl. Graduation is just around the corner. Focus na tayo sa review for the Bar," payo niya habang nililigpit ang kaniyang gamit. "Tara, kape tayo sa labas. My treat."

Gusto ko sanang tumanggi, pero alam kong kailangan ko ring huminga. "Sige. Pero sandali lang, ah? Marami pa akong babasahin."

Naglalakad kami sa hallway ng aming university nang mapansin ko ang kumpol ng mga estudyante sa tapat ng main bulletin board. May mga nagbubulungan, may mga tumatawa, at may mga kinikilig na halos hindi mapakali.

"Anong meron?" tanong ni Mia habang sumisiksik sa crowd.

Sumunod ako, hindi dahil interesado ako, kundi dahil kailangan naming dumaan doon para makalabas. Pero nang makita ko ang malaking poster na nakapaskil, parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko.

Ito ang official announcement ng Inter-College Debate Circuit results. Nandoon ang malaking picture ng winning team. At sa gitna, kitang-kita ang mukha ni Lucas Sebastian Salazar. Hawak niya ang tropeyo, nakatingin sa camera, at suot ang isang ekspresyong hinding-hindi ko malilimutan.

Isang smirk. Isang maliit, tuso, at mapang-asar na kurba ng mga labi na tila nagsasabing, I told you so.

"Wow, he’s really handsome, right? Kahit medyo mayabang ang dating," narinig kong sabi ng isang junior student sa likod ko.

"Oo nga! I heard top of the class din siya sa San Sebastian. Perfect package," sagot naman ng isa pa.

Napakuyom ang mga palad ko. Kung alam lang nila ang lason sa likod ng mukhang iyan. "Let’s go, Mia," madiin kong sabi.

Naglakad kami patungo sa Starbucks na nasa tapat lang ng school. Paborito ko itong pwesto dahil tahimik at malamig, perpekto para sa seryosong pag-aaral. Pero nang itulak ko ang pinto, tila tinadhana na naman akong parusahan.

Ang amoy ng roasted coffee ay nahaluan ng isang pamilyar na presensya ng isang taong kinaiinisan ko.

"Look who’s here. Ang paborito kong runner-up," isang boses ang naging mitsa ng mabilis na pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

Nakatayo sa tapat ng counter si Lucas. Kasama niya ang kaniyang team, at gaya ng dati, siya ang center of attention. Nang makita niya ako, tila lalong naging matingkad ang kislap sa kaniyang mga mata. Humakbang siya palapit sa amin, bitbit ang kaniyang kape.

"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on, Danah? Pati ba naman dito, sinusundan mo ako?" pang-aasar niya.

"In your dreams, Salazar," mataray kong sagot. "I didn't know you owned this place. Kung alam ko lang, sana sa karinderya na lang ako pumunta para hindi kita makita."

Tumawa siya nang mahina, ang kaniyang baritonong boses ay tila yumayanig sa sistema ko. "Ang taray mo talaga. Pero sa totoo lang, bagay sa'yo ang galit. It adds color to your pale, bookish face."

Tinalikuran ko siya at nagtuloy sa counter para umorder, pero hindi niya ako tinigilan. Sumunod siya sa akin at sumandal sa counter, tinitingnan ang bawat galaw ko.

"So, kailan ang rematch? O baka naman natatakot ka nang matalo muli sa kamay ko?" hamon niya.

Humarap ako sa kaniya, malapit, sapat na para makita ko ang bawat detalye ng mukha niya. Ang kaniyang panga ay matigas, ang kaniyang mga mata ay tila laging may binabalak. Pero ang pinaka-hindi ko matanggap ay ang smirk na iyon. Ang smirk na sumira sa akin kanina sa bulletin board, at ngayon ay mas malapit at mas mapang-insulto.

"Bakit ako matatakot sa isang taong nananalo lang dahil sa flowery words? I believe in substance, Lucas. Something you clearly lack," sabi ko nang may diin.

Sa halip na mainis, lalong lumawak ang kaniyang smirk. Inilapit niya ang mukha niya sa akin, sapat na para maramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking pisngi. "Substance? Law is about persuasion, Danah. I persuaded the judges that your truth was boring, and my lie was exciting. I won. You lost. Case closed."

"Hindi pa tapos ang laban," banta ko.

"Oh, it's just getting started, Attorney Laureano," bulong niya bago siya bahagyang lumayo. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "You know, for someone so smart, you’re very easy to read. You hate me because you’re intimidated by me. Or maybe... because you can't stop thinking about how it feels to be on the winning side."

Bago pa ako makasagot, tinalikuran na niya ako at bumalik sa kaniyang mga kaibigan. Narinig ko ang tawanan nila habang naglalakad palabas ng shop. Nanatili akong nakatayo roon, nanginginig ang mga kamay, at halos hindi makahinga sa galit.

"Danah, okay ka lang? Ang putla mo," alalang tanong ni Mia.

"I hate him, Mia. I really, really hate him," bulong ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang epekto niya sa akin. I have met a lot of arrogant people in law school, but Lucas is different. He has this way of getting under my skin, of making me doubt everything I’ve worked for.

Umupo kami sa dulo ng shop, pero kahit anong pilit kong mag-aral, ang mukha ni Lucas at ang kaniyang mapang-asar na ngiti ang nakikita ko sa pagitan ng mga linya ng libro. It was destructive. It was personal.

"Hindi ko siya hahayaang sirain ang pangarap ko," panunumpa ko sa sarili habang tinitingnan ang labas ng shop kung saan kanina lang ay nakatayo ang lalaking iyon.

The silence of the cafe was only broken by the sound of my pen hitting the table. I wasn't just studying for the bar anymore. I was studying for vengeance.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Guilty of Loving You    20

    Ang amoy ng antiseptic at ang nakakabinging tunog ng heart monitor ang tanging nagpapaalala sa akin na gising pa ako. Nakaupo ako sa isang matigas na silya sa gilid ng kama ni Papa sa Intensive Care Unit. Ang puting gown na suot ko kanina sa photoshoot ay gusot-gusot na, may mantsa ng luha at dumi, pero wala na akong pakialam.Tiningnan ko ang maputlang mukha ni Papa. Ang lalaking laging matikas, ang Justice Laureano na kinatatakutan sa korte, ngayon ay nakahiga at umaasa na lang sa mga makina. At ang dahilan? Ako. Ang eskandalong dinala ko sa pamilyang ito."Papa, please gumising ka na. Magagalit ka pa sa akin, 'di ba? Papagalitan mo pa ako dahil hindi ako nag-top," bulong ko habang hinahawakan ang malamig niyang kamay.Bumukas ang pinto ng ICU at pumasok si Mama. Mugto ang mga mata niya at tila tumanda siya ng sampung taon sa loob lang ng ilang oras. Hindi niya ako tiningnan. Dumiretso siya sa kabilang panig ng kama ni Papa."Umuwi ka na muna, Danah Elise," malamig niyang sabi."Ma,

  • Guilty of Loving You    19

    Nagising ako sa tunog ng malakas na ulan na humahampas sa bintana ng maliit na unit ni Lucas. Ang silid ay nababalot pa ng dilim, maliban sa manipis na liwanag na nanggagaling sa mga streetlights sa labas. Sa tabi ko, naramdaman ko ang mahimbing na paghinga ni Lucas. Ang kaniyang braso ay nakapulupot sa bewang ko, tila sinisigurado na hindi ako mawawala sa gitna ng gabi.Dahan-dahan akong gumalaw, pilit na inaalala ang mga nangyari. Ang alak, ang tawag ni Adrian, ang sakit ng pagtakwil ng pamilya ko, at ang init ng bawat haplos ni Lucas. Ramdam ko pa rin ang bawat halik niya sa aking balat—isang uri ng pag-angkin na hindi ko kailanman naramdaman sa loob ng ilang taon. Kay Lucas, hindi ako ang tropeong kailangang ipakita sa mundo. Kay Lucas, ako lang si Danah.Dahan-dahan kong inabot ang phone ko sa sahig. Pagbukas ng screen, halos mabitawan ko ito.147 Missed Calls.238 Unread Messages.Karamihan ay galing kay Adrian. Ang iba ay kay Mama, kay Papa, at pati na rin sa sekretarya ng firm

  • Guilty of Loving You    18

    Biyernes.Ito ang araw na tila nakatadhana nang magpabago sa takbo ng hininga ko. Madaling araw pa lang pero gising na ako. Nakaupo ako sa gilid ng kama ko, yakap-yakap ang mga tuhod habang nakatitig sa bintana kung saan unti-unti nang sumisilip ang liwanag ng Maynila. Malamig ang pawis sa mga palad ko at ang puso ko ay parang isang tambol na mabilis na pinapalo.Ngayong araw ilalabas ng Supreme Court ang listahan ng mga bagong abogado. Pero para sa pamilya ko at kay Adrian, hindi lang ito simpleng listahan. Ito ang inaasahan nilang coronation night ko.Tumunog ang phone ko. Isang message mula sa group chat ng pamilya Laureano."Danah, today is the day. We are expecting a Top 1 finish. The Villareals are already preparing the banners for the firm. Make us proud, Attorney." - Dad.Napapikit ako nang mariin. Ang bigat. Sobrang bigat. Sumunod ang message ni Adrian sa personal inbox ko."Good luck today, my future Topnotcher. I’ve already contacted the press for an exclusive interview at

  • Guilty of Loving You    17

    Ang bigat sa dibdib ko ay tila isang malaking bato na hindi ko maialis-alis simula nang magising ako. Habang papalapit ang araw ng engagement party, mas lalong sumisikip ang mundo ko. Ngayong araw ang huling fitting ng gown ko, at gaya ng inaasahan, si Mama at ang nanay ni Adrian na si Tita Elena ang kasama ko.Nakatayo ako sa gitna ng isang exclusive bridal boutique sa Makati. Ang paligid ay puro puti, kumikinang na mga kristal, at amoy ng mamahaling pabango. Humarap ako sa malaking salamin habang tatlong designer assistants ang maingat na inaayos ang laylayan ng gown ko."You look like a goddess, Danah. Adrian is so lucky to have you," sabi ni Tita Elena habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. May hawak siyang baso ng champagne at ang kaniyang mga mata ay puno ng garbo."Salamat po, Tita," tipid kong sagot. Pinilit kong ngumiti, pero ang totoo, nangangalay na ang mga panga ko sa pagpapanggap."Danah, ayusin mo ang tindig mo. You represent the Laureano family. Huwag kang lulay

  • Guilty of Loving You    16

    Masakit ang ulo ko, hindi dahil sa puyat sa pag-aaral gaya ng nakagawian ko noong nakaraang apat na taon, kundi dahil sa dami ng emosyong pilit kong ibinabaon sa limot.Tumingin ako sa ceiling. Tahimik. Masyadong tahimik.Ito na ang buhay na pinangarap ko, 'di ba? Wala nang Codals, wala nang Case Digests, at higit sa lahat, wala nang panggugulo ni Lucas Salazar dahil tapos na ang Bar Exams. Dapat ay masaya ako. Dapat ay nagse-celebrate ako dahil bumalik na ang lalaking pinili ko—ang lalaking para sa lahat ay depinisyon ng salitang perpekto.Adrian Marcus Villareal.Bumangon ako at dahan-dahang lumapit sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko. Magulo ang buhok, medyo maputla, pero sa aking daliri, kumikinang ang engagement ring na ibinigay niya. It was a beautiful, heavy piece of jewelry. Simbolo ng katapatan, ng yaman, at ng kinabukasan na binuo na para sa akin bago ko pa man makuha ang aking lisensya.Pero bakit sa tuwing titingnan ko ang singsing na ito, ang naaalala ko ay ang magasp

  • Guilty of Loving You    15

    Maaga akong nagising dahil sa silaw ng araw na tumatama sa singsing na nasa daliri ko. Ang diamond ring na bigay ni Adrian ay tila nagpapaalala sa akin ng bawat obligasyong kailangan kong gampanan ngayong araw. Engagement party planning. Meeting with the caterers. Fitting ng gown para sa malaking dinner mamaya."You can do this, Danah. Isang taon na lang, Attorney Villareal ka na," bulong ko sa sarili ko habang humaharap sa salamin.Pero bakit sa tuwing tinitingnan ko ang sarili ko, hindi ang "perpektong bride" ang nakikita ko? Ang nakikita ko ay ang babaeng nanginginig ang tuhod nang halikan siya ng kaniyang kaaway sa rooftop dalawang gabi lang ang nakakaraan. Ang "lamat" sa gintong buhay na binuo para sa akin ay hindi nakikita ng iba, pero nararamdaman ko ang bawat bitak nito sa loob ng dibdib ko.Eksaktong alas-nuwebe, dumating si Adrian sa condo ko. Naka-puting polo shirt siya na laging plantsado, amoy mamahaling pabango, at may dalang kape. He looked like a dream. He looked like

  • Guilty of Loving You    13

    Ang sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ng aking kwarto ay tila isang mapanghusgang titig. Masakit ang ulo ko, hindi dahil sa alak, kundi dahil sa dami ng iniisip. Sa tabi ng unan ko, nakalatag ang gavel necklace na ibinigay ni Adrian kagabi. Sa kabilang banda, ang phone ko ay nakataob. Naroon a

  • Guilty of Loving You    12

    Ang amoy ng mamahaling steak at ang mahinang tugtog ng violin sa loob ng restaurant na ito ay dapat sapat na para pakalmahin ang nerves ko. Pero habang nakaupo ako sa tapat ng lalaking halos anim na buwan ko ring hindi nakasama nang matagal dahil sa Bar review, tila may kung anong mabigat sa dibdib

  • Guilty of Loving You    11

    Alas-tres na ng madaling araw pero ang mga mata ko ay tila nakikipagtitigan pa rin sa kisame ng kwarto ko. . Tapos na ang Bar. Dapat ay mahimbing na ang tulog ko dahil sa sobrang pagod, pero sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang nararamdaman ko ay hindi ang relief ng pagtatapos ng exams—kun

  • Guilty of Loving You    10

    Hinatid ako ni Lucas hanggang sa tapat ng condo ko. Sa loob ng sasakyan niya, ang tanging naririnig ay ang mahinang tugtog ng radyo at ang tunog ng ulan na nagsisimula nang pumatak sa windshield. Pagod na pagod ang katawan ko, pero ang utak ko ay gising na gising. Ang pakiramdam ng kaniyang mga bis

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status