Nagtwo -piece swimsuit pa rin si Chloe pero nag doble na lamang siya ng maong shorts at manipis na puting t-shirts. Para hindi siya mapagalitan ng kanyang boyfriend na conservative, natatawa na lamang siya pagpinag- hihigpitan siya sa pananamit ni Clyde. Masayang lumabas ng banyo si Chloe at inaya nang kumain ang kanyang nobyo na busy pa rin sa pag-aayos ng kanilang mga gamit. "Tama na yan honey...! Kumain an muna tayo... Kanina pa tayo hinihintay nila Stacey." Pag- aya niya kay Clyde."Oo sige na... saglit lang magpapalit ako ng damit." Sagot ni Clyde at tumayo na para magpalit ng damit.Nagpalit lang ng sando si Clyde at swimming trunks... Pero nang lumabas siya at nang makita ni Chloe ang suot niya ay hindi nagustuhan ng kanyang girlfriend."Ano yan ididisplay mo yang abs mo... hindi pwede, palitan mo yang suot mo." Kunwaring masungit na sabi ni Chloe, pero ang totoo ginagantihan niya lang ito. Natatawa si Chloe habang kunwaring nag- susungit."Ginagantihan mo ba ako honey...??? L
Nag -suot ng two piece swimsuit si Chloe at nagshorts siya ng maong na kulay white. Siguradong papagalitan siya ng kanyang boyfriend/ bestfriend pag nakatwo- piece lang siya. Sinilip di niya kug ano pa ba ang ginagawa nito, Nagbibihis ito ng damit pero hindi pangligo. Naka t-shirt na kulay puti at shorts lang ang binata. Napaka- gwapo at bango pa rin nitong tingnan. Napakabait nito siya lahat ang nag- ayos at nag-asikaso ng kanila mga dadalhin at gagamitin nila. Ano pa ba ang hahanapin ni Chloe kay Clyde, nakabait at maasahan. Kaya alam niya magiging mabuti at responsableng ama ito sa kanilang mga magiging anak balang araw. Nagsilapitan ang kaklase niyang babae at pinuno si Stacey. Kaya nag-umpisa na naman siyang mairita, pero umiwas si Clyde at hinanap siya ng mga mata nito. Agad naman siyang nilapitan ng kanyang boyfriend. "Superman ko... bakit...???" Kunwaring tanong ni Chloe pero kinilig siya dahil lumayo si Clyde sa mahaliparot namga babae. "Prinsesa ko.. tara maglakad-lakad ta
Nagmadali na silang umuwe ni Clyde dahil alam niyang galit ang kanyang daddy. At nag- aalala siya dahil baka kung ano ang gawin nito sa kanyang boyfriend. Ayaw niyang masaktan si Clyde, iba magali ang kanyang daddy."Prinsesa ko... huwag ka nang kabahan... magiging okey din ang lahat." Nakangiting sabi ni Clyde at hinawakan ang mga kamay ni Chloe."Alam natin na iba magalit si Daddy Clyde... paano kung may gawin siyang masama sayo..??? Hindi ko kakayanin yun." Nag-aalala pa rin na sabi ni Chloe."Alam naman natin na hindi naman ganon kasama ang daddy mo, tatanggapin ko lahat ng galit niya at ipaglalaban kita kahit na anong mangyari." Mariing sabi ni Clyde."Hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala Clyde..." Kinakabahan na sabi ni Chloe.Mabilis lang ang kanilang biyahe dahil wala naman traffic. Pagkarating sa kanilang mansiyon ay agad nang bumaba ng sasakyan si Chloe para salubungin ang kanyang Daddy. Pinuntahan niya ito sa opisina sa loob ng kanilang tahanan. Nang pumasok siya seryoso
Nakatitig si Clyde kay Chloe. Nakatayo siya sa di kalayuan ng bar na kinaroroonan nito. Birthday ng kaklase nito at doon ginanap. 4th yr. college na sila. Pero hindi pa rin ito nagbago,napakamot na lang sya ng ulo. Parang gusto na nyang magsisi sa pagtanggap na maging scholar ng kumpanya ng Daddy nito.Naalala pa niya ng kinausap sya ni Mr. Robles."Clyde Hijo,maari ba akong humiling sayo?" tanong ni Mr. Robles"Sige po,kahit ano po Mr. Robles." sagot ni Clyde"Makikiusap sana ako sayo kung maaari na bantayan mo ang aking anak na si Chloe,parang bodyguard. Alam mo naman na busy ako sa negosyo ko. Mula nang namayapa ang aking asawa, wala na kasi gumagabay sa kanya. Nagpapasalamat nga ako kay Cynthia kasi nandyan sya para kay Chloe." Ani ni Mr. Robles."Opo sige po Mr. Robles. Pinapangako ko po na babantayan ko sya,para sa inyo." Pangako ni Clyde.Pinagmamasdan ni Clyde ang kanyang Binibini,sumasayaw at mukhang nalasing na. Sa apat na taon na nya bilang scholar,ganito na lagi ang set up
"Oh hayan Binibini. Kumain ka ng marami at sesermunan kita ah." patawang sagot nito.Natapos na silang kumain, icecream na lang nila ang inuubos nila. Tumikhim si Clyde."Ehem, Chloe Robles. Pakiusap hindi ka naman binabawalan uminom. Pero maging responsable ka naman sa sarili mo. Yung kaya mo lang at may katinuan pang natitira sayo." Umpisa nitong sermon."Yes father,sorry po hindi ko nakontrol ang sarili ko sa pag inom ng alak. Kasalanan ko po" Mabait nyang sagot,habang nakangiti."Paano kung wala ako,kung sino lang ang maghahatid sayo. Tulog ka,hindi mo alam kung saan ka dadalhin. Ingatan mo naman ang sarili mo!" Inis na sabi ni Clyde at medyo tumaas ang boses kaya Nagtinginan ang ibang mga customers sa kanila na nagbubulungan."Opo superman... Hindi na po mauulit." Paghingi nya ng paumanhin.Tumayo na si Clyde,at nilagay ang kanyang mga kamay sa bulsa. At seryoso nyang tinitigan si Chloe."Ayaw ko lang mapahamak ka Binibini, dahil hindi sa lahat ng oras ay lagi akong nasa tabi mo.
"Opo Nanay,aalagaan ko ang sarili ko at si maam Chloe para sa inyo ni Mr. Robles." Pangako nya rito,at ngumiti sya ng napakatamis."Hmmm...Binata na talaga ang anak ko. At napakagwapo pa." Pambobola nito sa kanya."Si Nanay nambola pa oh. Siyempre po gwapo talaga ako dahil nagmana ako sayo." Paglalambing nyang sagot."Bakit hanggang ngayon wala ka pang girlfriend ah. Eh sa gwapo mong yan,matalino at makisig.Baka hindi babae ang hanap mo ah." Pang aalaska ng nanay nya."Hala si Nanay grabe oh,syempre hindi ko pa iniisip yun. Gusto ko makagradute muna ako at may stable na trabaho bago ako pumasok sa isang relasyon. Hindi ko naman kailangan magmadali diba." Mahaba nyang paliwanag sa nanay nya."Sabagay tama ka anak,magpakasawa ka muna na maging binata kasi mahirap ang magkaroon ng obligasyon." Pagsang- ayon ng kanyang nanay."Punta na po ako sa komedor Nay, baka malate na po kami sa klase." Paalam na nya rito. At hinagkan nya ito sa pisngi at agad na umalis."Good morning sa napakaganda
"Hayyy ano ba yan... Kainis naman!"Pagrereklamo ni Jude."Talagang sumakto noh" Inis din na sabi ni Brent.Pumunta na sila sa mga locker nila at nagbihis na ng kanilang basketball uniform.Habang nagpapalit na sya ng kanyang uniform, narinig nyang may nag-uusap. At nabanggit ang pangalan ni Chloe."Alam mo may maganda pala tayong kabatchmate hindi ko lang alam kung saan department sya eh. Pero ang alam ko Chloe Robles ang ang pangalan nya eh.Maganda at sexy pare,kaso parang pakawala. Laging lasing sa mga bar... Pero pwedeng pwede pangdisplay,hindi nga lang pang seryoso." Mahabang litanya ng isa sa mga ka-teamate nyang si Jonard."Kilala ko yun, classmate sya ng girlfriend ko. Anak mayaman kasi kaya ganon, spoiled brat daw." Sagot na naman ni George.Lumabas na sya ng cubicle at hinarap ang dalawang ka-teammates."Sino na naman yang prospect nyo ahh." Seryoso na pasimpleng tanong nya sa kanila."Yung Chloe Robles pare. Ang ganda at napakasexy pa. Ang ganda ng mga mata." Papuri na sab
"Superman ko... Mag girlfriend ka na kasi para may mag alaga na sayo." Sabi ni Chloe."Binibini ko gusto mo tayo na lang ang mag-away ahh...." Sagot nya kay Chloe.Napatingin ng masama si Chloe sa binata, kinurot niya ang tagiliran ng binata at humalakhak ng malakas si Clyde. Napaka-gwapo at kisig ng kanyang superman, pero hindi niya pwedeng ibigin ito dahil sa estado ng kanilang mga buhay."Hahah sige... Ok na ba yan lagyan q na ng bandage." Saad ni Chloe.Habang nilalagay ni Chloe ang bandage napapatitig sya sa mga mata ni Clyde. Ang ganda ng mga mata nito kulay abo, kumikinang at nakangiti. Nagkatitigan silang dalawa at natigil sya sa paglalagay ng bandage. Nang bigla na lang siyang yakapin ni Clyde."Salamat Binibini ko sa pag-alala. Maasahan mo ako sa lahat ng oras. Hayaan mo lang ako na lagi nasa tabi mo" Malambing na sabi nito habang yakap sya."Oo naman Clyde... Maraming salamat din sa lahat... Sa pagiging mabuting bestfriend at tagapagtanggol ko." Napangiti nya ding sabi at n