Share

Chapter 117

Penulis: EL Nopre
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-28 23:30:42

NAGKATAON na wala sa penthouse si Jordan dahil may mahalaga itong lakad. Gabi na rin itong makakauwi. Pero agad tinawagan ni Jamilla ang reception hall ng City Royale, pero busy ang linya kaya hindi niya maabisuhan ang receptionist na naka-duty roon.

"Puwede mo bang bilisan pa?" pakiusap na utos ng dalaga kay Gener.

"Hindi tayo niyan makarating kung maaaksidente tayo."

"Iba talaga ang kaba ko ngayon, Gener."

"Hindi iyan kaba. Excitement. Gusto mo na siyang makita at mayakap. Tama ba?"

Umiling si Jamilla. "Hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag. Kapag nalaman nilang nagkita na kami ni Amberlyn, posible na ipahanap nila ang tirahan ko. And they'll guard it until she showed up."

"Huwag kang mag-overthink. She'll be fine," pagpapalakas ng loob ni Gener sa dalaga. "Manalangin ka na lang na sana hindi mangyari iyang iniisip mo."

Pumikit si Jamilla at hiniling sa langit ang kaligtasan ng kanyang anak. Sapat na rin naman siguro ang mga pinagdaanan niya na sakit at pagdurusa para hindi dinggin n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
kapareho pa Rin Kay Jamilla Kahit sinabihan hwag umalis matigas ang ulo aalis pa rin Kaya napapahamak tan pati Yaya mo nabaril dhil sa katigasan Ng ulo mo wala kng pinagkaiba sa ina mo
goodnovel comment avatar
Bella Liam
Ay buset disgrasya pa.Kasi naman Amber e dapat di ka umalis ay.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • AANGKININ KO ANG LANGIT   Finale

    "NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany

  • AANGKININ KO ANG LANGIT   Chapter 128

    "MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si

  • AANGKININ KO ANG LANGIT   Chapter 127

    "PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago

  • AANGKININ KO ANG LANGIT   Chapter 126

    MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad

  • AANGKININ KO ANG LANGIT   Chapter 125

    "KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama

  • AANGKININ KO ANG LANGIT   Chapter 124

    "KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status