"SIGE na po, manong."
"Bakit ba ang kulit mo? Kanina pa kita pinapaalis, ah?" "Saglit lang naman po ako. Kailangan na kailangan ko po talagang makausap si Sir Jerry." "Hindi nga puwede dahil iyon ang mahigpit niyang bilin sa amin na huwag tataganggap ng bisita para sa kanya." "Sampung minuto. Please?" "Umalis ka na lang. Huwag nang makulit." "Limang minuto. Sige na po, manong. Please?" "Ano ba kasing kailangan mo sa kanya?" Mabilis na nag-isip ng irarason si Jamilla. "Sisingilin ko lang po siya sa kabuuang bayad ng paglilinis ko sa kanyang condo. Naalala niyo po ba ako? Ikaw ang duty nang araw na pumunta ako rito." "Oo, naalala kita. Pero hindi ganyan si Sir Jerry. Mayaman siya kaya bakit naman niya babayaran ng instalment ang serbisyo mo. Maraming cleaner sa penthouse, pero ikaw lang ang bukod-tanging nagreklamo." "Maniwala po kayo sa akin, manong. Kahit tawagan niyo pa at itanong sa kanya." "Ayaw niyang magpaistorbo. Sige na. Umalis ka na." "Manong..." "Kapag nangulit ka nang nangulit, mapipilitan akong tumawag ng pulis." Laglag-balikat na umalis na lamang siya sa loob ng lobby, pero pinili niyang mamalagi muna sa labas ng gusali dahil baka sakaling magkita silang dalawa roon ni Jerry. Matiyagang naghintay at nag-abang si Jamilla. Inabot na siya ng gabi sa gilid ng City Royale Condominium na tubig at biscuit lang ang laman ng tiyan. Wala pa sanang balak umuwi ang dalaga kahit mangilan-ngilan na lang ang mga tao at sasakyan sa paligid kung hindi tumawag sa kanya ang nag-aalalang ina. Pero kinabukasan hanggang umabot ng dalawang linggo ay hindi sumuko si Jamilla sa paghihintay. Hindi na siya halos pumapasok sa trabaho. Mula madaling-araw hanggang hatinggabi, nanatili siya sa parehong puwesto sa City Royale Condominium. Kulang na nga lang ay bilangin niya paisa-isa ang mga kotse na dumaraan at humihinto sa driveway, pero kahit na mahilo siya't maduling ay walang kahit na anino ni Jerry ang nagpapakita. Nawawalan na siya ng pag-asa. Kung hindi dahil sa bata na nasa sinapupunan, siguro mas pipiliin na lang niya ang mamatay. Eksaktong ika-tatlong linggo nang masilip ni Jamilla sa loob ng lobby na iba na ang guwardiya na nagbabantay roon. Mabilis siyang pumasok at inulit ang kanyang eksena tungkol sa paniningil. "Naku, wala na rito si Sir Jerry." "Ho? Anong wala na?" "Ibinenta na niya ang condo at lumipat na." Napatda si Jamilla. Hindi naman siya pumalya sa araw ng paghihintay at pag-aabang sa labas, pero wala sa kanyang nakarating na balita. "Alam niyo po ba kung saan siya lumipat?" "Balita ko naninirahan na siya ngayon sa bahay ng mga magulang niya sa Makati." "May address po ba siyang iniwan?" "Wala. Pasensiya na. At kung meron man, hindi namin iyon puwedeng i-disclose sa mga outsider nang walang pahintulot mula sa tenant." Nakaramdam ng panghihina si Jamilla habang palabas ng gusali. Sa mahigit dalawang buwan nilang magkakilala ni Jerry ay wala siyang alam sa pagkatao o pagkakakilanlan nito. Inuna niyang pinairal ang pag-ibig. Nagtiwala siya. Umasa. Nagmahal. At ngayon ay labis siyang nasasaktan. Pinakawalan ng dalaga ang mga luha habang binabayo ang naninikip na dibdib. Muli ay hiniling niyang sana ay isa lang iyong panaginip na kinabukasan ay magigising din siyang nasa tabi uli ang pinakamamahal na lalaki. "Are you okay?" Wala sa sariling tinabig ni Jamilla ang humawak na kamay sa kanyang braso at paika-ikang naglakad palayo. Naiiling habang hatid-tanaw ni Jordan ang dalaga. "It's her again." Pumasok ang binata sa gusali ng City Royale Condominium at dumiretso sa reception. "Good morning, sir." "Manong, anong kailangan ng babaing kalalabas lang dito?" "Hinahanap po si Sir Jerry. 'Yong may-ari ng penthouse na lilipatan niyo. May kulang pa raw na bayad sa kanya sa paglilinis." Napakunot ng noo si Jordan dahil sa pagkakaalam nito ay saleslady si Jamilla sa Avalanche Shoe Mart. Imposibleng ang dahilan ng nakita nitong luha at panlulumo sa mukha ng dalaga ay pera. "Titingnan niyo po ang pe-" "Babalik ako." Kahit may kapansanan sa paa si Jordan, mabilis pa rin itong nakalabas at sinundan agad ang direksyong tinahak kanina ni Jamilla. "Darn!" Napamura ang binata nang makitang nakahandusay na sa daan ang hinahanap. He hurriedly came to the rescue just like what he did on the first day they met. "Miss?" Nanghihina man ay pinilit ni Jamilla na imulat ang mga namimigat na mata. "Jerry? Jerry!" sabay humahagulhol na yakap sa lalaking nasa tabi. "Huwag mo akong iiwan! Nakikiusap ako! Kailangan na kailangan kita!" "Miss..." Natahimik ang paligid. "Miss?" Tuluyan nang nawalan ng ulirat ang dalaga. Agad na tinawagan ni Jordan ang driver nito at tumungo sila sa pinakamalapit na ospital."NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany
"MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si
"PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago
MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad
"KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama
"KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C