LOGIN
Pitong taong kasal, isang lihim na anak. Ang bata ay limang taong gulang na ngunit walang alam ang asawa ni Jane Lewis sa sitwasyon. Hindi niya binigyan ng pagkakataon si Terrence Samaniego na maging isang ama.
Habang breaktime sa kanyang night shift, tahimik na nakinig si Jane sa malambot at inosenteng voice message ng anak niya na palihim niyang pinalaki sa probinsya.
“Mommy~ bakit hindi ko pa po nakikita si daddy? Patay na po ba siya?”
Seryosong nag-isip si Jane.
Hindi siya namatay.
Pero parang ganon na nga.
Nagsisimula ng magkaroon ng sariling pag-iisip si Julia at ang bagong problema na iyon ay lumilitaw sa kanyang maliit na ulo.
Ang pagiging curious ay nagsisimula ng lumitaw.
Lumilitaw ng sobra to the point na gusto ng ipagtapat ni Jane kay Terrence na meron silang limang taong gulang na anak na babae, na pwede niya ng takasan ang nakapahirap na parenting period at maging isang ama na walang kahirap-hirap.
Pagkatapos ng chat interface na iyon kay Julia. Kinalkula ni Jane ang oras.
At lumalabas na meron na lang silang tatlong buwang natitira ni Terrence.
Bago inayos ang kanyang mga salita, nag type si Jane ng mga linya ng text sa chat window ng asawa niyang si Terrence na merong mga ilang mensahe:
(Kung may anak tayo, anong gagawin mo…)
Hindi pa iyon nase-send nang biglang bumukas ang p***o.
Mabilis siyang tinawag ng nurse at sinabi, “Ate Jane, may emergency patient tayo. Nagkaroon ng intense intercourse sa early pregnancy at baka maging sanhi ng ruptured corpus luteum!”
Mabilis na tinurn-off ni Jane ang screen.
Mabilis siyang tumayo at sinundan ang nurse, habang nakakunot ang noo. “Kalokohan! Hindi ka pwedeng makipag sex kapag nasa early pregnancy ka pa lang! Nakakainis, hindi man lang makapagpigil…”
Habang hinihila ng nurse ang kurtina ay nakita ni Jane ang isang pamilyar na babae sa kama, tila napipi siya at bumagsak ang mga salita niya.
Pagkatapos mag atubili ng dalawang segundo, tinawag niya ang pangalan nito na may pagkagulat: “Olivia?”
Lumalabas na ang babaeng iyon ay ang magiging sister-in-law ng asawa niya.
Nang makita ni Olivia si Jane ay natigilan siya at hindi na pinansin si Jane.
Inobserbahan ni Jane ang sitwasyon nito.
Si Olivia ay fiance ng pinsan ng asawa niya.
Ngunit nakulong ang pinsan ng asawa niya 5 months ago dahil sa accounting issues sa kumpanya at sinintensiyahan ito ng isa hanggang kalahating taon ng pagkakakulong.
Ang tiyan ni Olivia ay flat pa rin at wala namang indication na buntis siya. Kung buntis man siya, hindi pa ito matagal.
Saan naman kaya nanggaling ang bata na hindi tugma sa buwan ng pagkakakulong ng boyfriend nito?
Ngunit hindi ugali ni Jane na mag-usisa tungkol sa buhay ng iba. Mabilis niyang kinuha ang medical gloves niya at sinabi, “mahiga ka muna, hayaan mo akong i-examine ka.”
Tumingin ang nurse kay Jane na may pag-aalala.
Inulit ni Jane ang sinabi niya, “kung ayaw mong magkaroon ng iba pang health problems, humiga ka para makagawa muna ako ng basic check-up sayo.”
Napasimangot si Olivia, inis sa malamig at nagmamataas na ugali ni Jane.
Hindi na nag-aksaya pa ng laway si Jane. bilang doktor, hindi niya pwedeng i-delay ang condition ng pasyente. Yumuko siya para itaas ang damit nito.
Binigyan siya ni Olivia ng malamig at sarkastikong tawa at hinawi ang kamay niya.
Isang malutong na tunog ng hampas ang narinig.
Napakalas niyon at napakasakit.
Napatingin si Jane at nakita na ang kamay niya ay namula.
Bago pa man siya makatugon, narinig niya bigla si Olivia na lumambot ang boses at tinawag ang tao sa likuran niya, “Terrence…”
Nang marinig ang pamilyar na pangalan, binalewala ni Jane ang sakit at napatingin sa gilid niya.
Naglalakad ang lalaki na may matatag at mabilis na hakbang, nakasabit ang overcoat niya sa braso niya. Ang matangkad at payat na tindig nito ay napakarangal para balewalain. Habang naglalakad siya palapit, bahagyang bumaling ang tingin niya at nagtama ang mga mata nila ni Jane.
Saglit lang iyon, nang walang pag-aalinlangan o paghinto man lang, malamig niyang inilipat ang tingin.
Dumaan siya sa tabi ni Jane na para bang hindi sila magkakilala at pumunta sa kabilang gilid ng kama.
Mabilog at malinaw ang boses niya, na may halong pag-aalala. “Kamusta ka?”
Talagang hindi iyon inaasahan ni Jane.
Ang familymember na dumating para suportahan si Olivia… ay ang asawa niya sa loob ng pitong taon!
Sa loob ng isang iglap, habang tinitignan niyang nakatuon ang pansin ni Terrence kay Olivia, napatanong pa siya sa sarili…
Nakita kaya ni Terrence ang pagsampal ni Olivia sa kamay niya?
Sa sandaling iyon na nagpakita ng pag-aalala si Terrence, pasimpleng tumingin si Olivia sa natitigilang si Jane.
Tumingin siya sa lalaking nag-aalala sa kanya, at nagsalita sa mas malambot at sweet na tono na tanging mga magnobyo lang ang gumagamit: “alam mo naman, pumunta ako sa ospital dahil masakit ang tiyan ko.”
Ang pahayag na iyon ay agad na nagbigay ng malisya sa mga taong nakapaligid doon.
Hindi ba’t ibig sabihin lang nito na ang lalaking bida sa “matinding pakikipagtalik” ay ang lalaking nasa harap nila mismo?
Hindi itinanggi o ipinaliwanag ni Terrence ang nangyari sa lahat.
Pinagmasdan ni Jane ang eksenang iyon. Muntik niya nang makalimutang mag react.
Pinanood niyang walang magawa ang asawa niya habang nagpapakita ng sobrang pag-aalala at pagpaparaya sa… nakababatang kapatid at hipag.
Kahit na si Terrence ay karaniwang cold naman talaga at walang emosyon, ang mga babae ay talagang sensitive, kaya paano niyang hindi mapapansin ang tago at malisyosong sitwasyon?
Ang dahilan kung bakit nadala si Olivia sa emergency room ay napakahalay at sangkot pa ang asawa niya dito!
Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang buong katawan.
Dati, inakala niya na ang pagiging cold ni Terrence sa kanya ay talagang ugali na nito, at hindi dahil sa hindi ito marunong magmahal.
Ngayon ay naiintindihan niya na, may iba lang talagang laman ang puso nito.
Ngunit ang current situation at ang kanyang identity ay napaka nakakatawa na gusto na niyang matawa.
Kahit sinong may mata ay makikita kung kanino naganap ang sinasabing “matinding pakikipagsex” ngayong gabi.
Matagal siyang nanatiling parang estatwa.
Mabagal na bumagsak ang tingin ni Terrence sa kanya.
Para itong isang may nakakalason na kagat na nagpagising kay Jane.
Ipinadala ba ito ni Terrence? Napasimangot si Jane at nag-alangan nang ilang sandali. Binuksan niya ang medyo malaking kahon . Ngunit natulala sila nang makita ang nasa loob. Napabulalas si Julian, “hindi ba ito ang Ru ware double lotus vase na ibinenta ng museum ng Italy sa napakataas na presyo? Napaka kaunti na lang ng umiiral na ganito. Nakita ko ang balita sa website abroad ilang araw na ang nakalilipas na ibinenta ito sa halagang 199 million dollars, na nagdulot ng malaking ingay sa ibang bansa. Si Terrence pala ang bumili nito?” Punyeta. Kani-kanina lang ay clumsy pa niyang inaalog ang kahon na naglalaman ng napakahalagang bagay na ito. Kung masisira ang mahalagang bagay na iyon, masisira rin siya. Pagkatapos ng kanyang paunang paglagulat, naging kumplikado ang ekspresyon ni Jane. Halos 200 milyon…“Ito ang pinakamahalagang pag-aari sa antique shop ng nanay ko. Ipinatawag ako ni Armando noon para ipagpalit ito sa cash noong araw.” Pagkatapos gamitin ni Armando ang pond
“Ang sabi ni Terrence ay kumuha siya ng delayed flights, kaya pwede ninyong ayusin ang sarili niyong oras para sa isang date o kung ano pa man ngayong umaga. Jane, lahat ng tao ay nagkakamali. Ang buhay ay nangangailangan ng pagtutulungan ninyong dalawa. Alam ni lola na may pagtingin ka pa rin sa kanya.” Hindi nakapagsalita si Jane, na para bang nabara sa mga narinig na salita. Kahit ang pinakamalalim na damdamin ay may nakalaang sistema ng points, walang sinumang immune sa lahat ng lason na kayang magmahal nang busong puso sa isang taong hindi naman siya minamahal nang walang hinihinging kapalit. Naibaba na ng matandang ginang ang phone. Sinubukan ulit ni Jane na tumawag pero hindi na maikonek ito. Hindi siya ang tipong nakikipagmukmok sa sariling awa at mabilis din niyang naintindihan ang sitwasyon. Sa katunayan, kailangan niya talagang makausap nang pribado si Terrence tungkol sa pamana ng pamilya Guevarra– ang maliit na dahon ng sandalwood na love lock. Kailangang magawa si
Nalaman ni Jane na ang mga herbal medicines dito ay mas mataas pa ang quality kaysa sa kanyang inakala. Pagkakuha ng mga sample, hinila niya si Penny pabalik sa kwarto para i-discuss ang pagpapahusay sa formula. Hindi siya dumalo sa dinner ng team. Habang nag-uusap sila ay may kumatok sa pinto. Isang waiter ng hotel ang nagtulak ng food cart na may dalawang hiwa ng cake sa ibabaw..“Sorry, wala kaming inorder na food.” naguguluhan si Jane. Ngumiti ang waiter at sinabi, “Ms. Jane, tama po ba? Gusto po kasi ni Ms. Olivia na kumain ng mango cake, pero saradoo po kami para sa New Year. kumuha po si Mr. Samaniego ng isang pastry chef para gumawa nito sa hotel para maipadala rin sa inyo ni Mr. Penny.” Halos hindi mapanatili ni Jane ang kanyang magalang na ngiti. Umiwas na nga siya at hindi pumunta sa mga dinner ng grupo, bakit kailangan pa rin siyang habulin at patayin sa sama ng loob? Wala siyang anumang kagustuhang malaman kung gaano karami ang pagmamahal ni Terrence kay Olivia! Pa
Bang!Biglang pumutok ang mga fireworks sa kalangitan, na nagpaliwanag sa gabi. Tumingin sa itaas si Jane. Sa andaling iyon, may dumadaang nagsabi, “halika bilis, tignan mo! Si Mr. Samaniego nagsponsor ng fireworks show para sa girlfriend niya. Swerte natin!”Bahagyang nawala ang ngiti ni Jane. Habang pinagmamasdan ang mgagandang fireworks na pumuputok, naisip niya, “busy siya.” Busy sa pakikipag-date, busy sa pag-aamo sa kanyang girlfriend. Puno ang kanyang schedule.Nakausap niya ang kanyang lolo at si Mr. Allegria nang ilang sandali. Bumalik si Jane sa kanyang kwarto nang hindi gumagawa ng lingon. Tungkol naman sa fireworks show ngayong gabi sa ngalan ng pag-ibig, hindi siya pinalad na ma-enjoy iyon. Hindi natulog si Jane pagkabalik sa kwarto. Pagkatapos maligo, binuksan niya ang kanyang computer para tignan ang kamakailang clinical datas. Mabilis na lumipas ang oras nang hindi mo namamalayan.Malapit na ang hatinggabi.Muling itinulak ang pinto para bumukas.Tumingin siy
May trabaho pa ito sa Northern Europe, kaya ibinaba rin agad ang phone pagkaraan ng ilang sandali. Ngunit hindi siya nakinig sa usapan. Biglang tumingin si Bettina kay Jane at ngumiti, “Jane, nagkakausap pa ba kayo ni Anton? Magkaklase kayo noon at napakaganda ng relasyon niyo. Pagkatapos ng nangyari noong araw, halos akalain ko na kayo ni Anton ang magkakatuluyan…”Biglang tumahimik ang malaking private room. Napahinto rin si Jane nang hindi sinasadya. Napasimangot ang matandang ginang, “bakit kailangang banggitin pa ang mga bagay na walang katotohanan sa nakaraan? Maayos naman ang pagsasama ni Jane at Terrence.” Alam ni Jane na nag-aalala lang ang matandang ginang na baka mag-isip nang iba si Terrence.Ngunit…Nang lumingon siya sa lalaking nasa tabi niya nang hindi sinasadya..Natuklasan nila na…Nakatitig si Terrence sa screen ng kanyang phone, nagtatype at nakikipagchat. Bumaba ang tingin ni Jane.Nakita niya ang nakalagay na pangalan, “baby.”At ang larawang katatagpo lang
“Ikaw!” naging pangit ang ekspresyon ni Bernadette. “Tama na! Kumain na kayo ng tahimik!” inihampas ng matandang ginang Samaniego ang kanyang kamay sa mesa, at inutusang tapusin na ang sagutan. Sa wakas ay napawi rin ang usok ng away. Nanatiling tahimik si Jane. Pati na rin ang pagkakaroon ng walang itinatago sa kanya habang pinag-uusapan ang mga bagay na ito ay malinaw na nagpapakita na hindi nila siya seryosong kinokonsidera at walang pakialam sa pagpapakumbaba sa kanya. Tungkol naman kina Danilo at Luis, tila wala silang pakialam sa usapin. Hindi sila nakikialam sa mga girl topic na ito. Malamig ang buong pamilya sa isa’t-isa. Lalo na si Terrence, na nakaupo mismo sa tabi niya. Dahan-dahan at deliberate siyang uminom ng kape, na ganap na pinapabayaan ang hidwaang sumiklab sa pagitan nila ng kanyang hipag dahil sa kanilang hindi makontrol at imoral na relasyon. Ayaw na ni Jane na madamay sa kaguluhang ito.Tumingin siya sa mga pagkain sa lamesa. Sa harap niya ay may isan







