Share

Chapter 2

Author: VIENNA ROSE
last update publish date: 2026-08-05 10:30:47

Ang mga kamay niya na naka gloves na magsusuri sana kay Olivia ay bahagyang nanginig.

Para bang nahuli ang epekto ng sakit ng sampal ni Olivia, na nagdulot ng pansamantalang pagkawala ng oxygen sa kanyang utak.

 Lumalabas na mukhang tinuturuan na pala siya ng leksyon sa kataksilan, bakit pa niya kailangang ipahiya ang sarili sa pagpapatunay nito?

Napansin naman ni Olivia ang malamig na pakikitungo ni Terrence kay Jane, at bahagyang ngumiti ang mga gilid ng labi niya. Kusa niyang sinabi, “terrence, kailangan kong lumipat ng ospital. Doon sa mas sikat at mas kilalang ospital.”

“Okay, sige.” hindi nag atubili si Terrence, na tila ba tutuparin niya kahit anong hilingin ni Olivia. 

May malinaw na pagiging malapit sa pagitan ng dalawa na walang ibang taong makakapasok. 

Sa pananaw ni Jane, na sobrang nagmahal sa lalaking nasa harap niya bilang asawa sa loob ng maraming taon, paanong hindi niya ito mararamdaman?

Napakasakit na para bang pinupunit ang puso niya ng paitaas, paunti-unti. 

Ang comment ni Olivia na “pumunta sa mas sikat na ospital.” ay walang iba kundi isang matinding pahayag na hindi siya qualified na gumamot sa kanya.

Inayos ni Terrence ang mga bagay-bagay. 

Hindi man lang siya nagsabi ng kahit isang salita kay jane, kahit man lang pahiwatig ng…

kahihiyan!

Hanggang sa makalabas ang dalawa sa observation room.

Hindi pa rin makawala si Jane sa napakasamang sitwasyon na iyon sa mahabang panahon. 

Ang mga kasamahang nakakita sa lahat ay agad na nagsimula ng isang buhay na buhay na tsismisan.

My god! Mga kabataan talaga ngayon ano, marunong ng magpakasaya.

Tumingin ang nurse ng may inggit: “pero ang gwapo talaga ng lalaking iyon, nanghihina ang mga binti ko, at mukhang magaling din siya sa kama!”

Ibinaba ni Jane ang ulo niya, medyo tulala, at tahimik na sinimulang hubarin ang medical gloves sa kamay niya: “ganun ba?”

Ang batang nurse na walang kaalam-alam sa nakakagulat na kahulugan sa likod nito, ay tila may naisip at yumuko ng bahagya para magtanong sa mababang boses, “nga pala, Ate Jane, diba ilang taon ka ng kasal? Bakit parang hindi kita naririnig na nababanggit na may anak kayo?” 

Ipinukol ni Jane ang mga gloves sa basurahan: “may erectile dysfunction ang asawa ko at ginagamot pa rin hanggang ngayon.”

 Mabilis na natahimik ang nurse, ang mukha niya ay puno ng kahihiyan.

Walang pag-aalinlangang naibunyag ni Jane ang sikreto ng asawa nang hindi man lang kumukurap ang mga mata niya. 

Dahil dito, naisip ng nurse na dapat ay totoo ito. Kung hindi, paanong ang isang taong pitong taon ng kasal ay wala pa ring anak?

Dahil dito, mas lalo pa niyang tinignan si Jane ng may awa. 

Hindi nagsalita ng totoo si Jane.

Sa katunayan, ayaw lang talaga ni Terrence na magkaanak sila. 

Simula pa lang ng unang gabi ng kasal nila ay malamig na nitong sinabi sa kanya, “busy ako sa trabaho at wala akong oras para sa mga bata, kaya wala akong planong magkaanak. Wag ka ng umasa at wag mo nang subukang makipag-usap sa akin tungkol dito.”

Noong mga oras na iyon, naintindihan niya ito at naisip na talagang busy lang ito. 

Ngunit ngayon…

Bahagya na niyang nalaman kung bakit ayaw nitong magkaanak.

Nangangamba ito na kapag isinilang ang bata, magtatanim ng sama ng loob ang babaeng pinakamamahal nito. 

Nakakatawa na nung nakaraan lang ay napakatanga niyang nagtangkang magtapat kay Terrence na meron silang anak na babae!

May mga yabag ng paa na lumapit ulit, at nang tumingala siya, nakasalubong niya ang misteryosong mga mata ni Terrence. 

Tinignan siya ng lalaki na mas malamig pa kesa sa isang hindi kakilala habang tinatanggap nito ang resibo ng payment. 

Narinig kaya nito ang paninirang puri niya tungkol sa “erectile dysfunction”?

Pero nang mag-isip siya ulit…

Ano naman ngayon kung narinig niya? Wala na siyang pakialam. 

Mabilis na inilayo ni Terrence ang tingin at malamig na tumalikod. 

Hindi na nagulat si Jane. 

Ganito naman palagi si Terrence. Palaging cold. 

Ang kawalan niya ng pasensya, malamig na pakikitungo at kawalan ng interes na mag-aksaya ng lakas sa kanya ay hindi kahit kailan itinago. 

Kahit na gusto niyang makipagtalo, mahihirapan siyang simulan ito. 

Ang lahat ng ito ay naipon na lang sa dibdib niya araw-araw, nang hindi mailabas. 

Kahit may asawa siya, wala siyang masandalan. Wala rin silang anumang emotional na connection. 

Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit lihim siyang nanganak at pinalaki ang anak nang nakatalikod ito. 

Mabigat ang mga hakbang na ginawa niya habang naglalakad pabalik sa kanyang private observation room. 

Binuksan ni Jane ang drawer sa ilalim ng table niya kung saan tahimik na nakalagay ang dalawang tumpok ng dokumento. 

Bago iregister ang kasal kay Terrence, nilapitan siya ng head ng pamilya Samaniego at binigyan siya ng dalawang kasunduan. 

Ang isa ay isang prenuptial agreement, at ang isa naman ay…. Isang divorce agreement. 

Ang pinagmulan niyang pamilya ay malayo sa antas ng pamilya Samaniego at napakalayo ng agwat niya kay Terrence. Kung hindi dahil sa malaking scandal na nangyari noon, kahit kailan ay hindi papayag ang pamilya Samaniego na makapasok siya sa pamilya nito.

Mababa ang tingin sa kanya ng matanda.

Ang divorce agreement ay nagtakda ng seven years. Kapag natapos na ang seven years, magkakabisa ang kasunduan ng divorce. 

Noong panahong iyon, hindi man lang tinignan ni Terrence ang nilalaman ng kasunduan bago ito pirmahan. Tiyak na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito alam na umiiral ang kasunduang iyon. 

At ngayon, malapit na ang itinakdang huling araw para sa divorce.

Tatlong buwan na lang ang natitira.

Ayaw niya nang mag-aksaya pa ng kahit isang segundo. Mabilis niyang inilagay ang kasunduan sa bag niy at hinarap ang pagod na katawan pabalik sa bahay niya pagkatapos ng trabaho sa araw na iyon. 

Pagkapalit pa lang niya ng sapatos, nakita niyang bumababa si Terrence mula sa itaas.

Napatigil si Jane.

Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataong makipag-usap kay Terrence o ipaliwanag ang nangyaring emergency.

Habang lumalapit ito sa tabi niya, sa wakas ay nahanap na niya ang kanyang boses at sinabi dito. “Mag divorce na tayo.”

“Bibigyan kita ng three months para ayusin ang pagtatransfer at paghahati ng mga assets.”

Napatigil si Terrence sa paghakbang. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emerson Dela cruz
bakit hindi pa sinabi ni Terrence ng maaga para hindi na umasa si Jane masakit para s aisang asawa at masakit para sa isang ina ang makita ang anak na lumalaking walang tatay
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 163

    Malabong-malabo ang paningin ni Jane, at sa kaniyang kagustuhang mabuhay, wala siyang nagawa kundi ang kumapit sa salbabida na mabilis na sumusugod sa tubig. Ang mga braso ng lalaki na nakapalipot sa kanyang baywang ay malakas at matatag. Agad siya nitong inilabas mula sa tubig. Bumuhos ang oxygen sa kanyang mga baga sa isang iglap. Nagdilim ang mga mata ni Jane; ang kanyang mga nakaraang nakatatakot na karanasan ay nag-iwan sa kanyang isip na walang laman at nanginginig. "Jane?" Isang malamig at maakit-akit na boses ang nanggaling sa tabi ng kaniyang tainga. Nabuhat na siya papunta sa may gilid. Umiikot nang matindi ang kanyang ulo. Bahagya niyang ibinukas ang kanyang mga mata at nakita ang matalas at malinaw na linya ng panga ni Terrence. Basa ng tubig ang kaniyang maitim na buhok, at malamig ang kanyang ekspresyon. Mabilis siyang kumuha ng towel sa upuan sa kaniyang tabi at ibinalot ito sa katawan ni Jane. Naramdaman ni Jane ang isang matalas na sakit sa kanyang mga baga. May si

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 162

    Naramdaman ni Jane ang tila pagbara ng buhangin na may kasamang magma sa kanyang dibdib sa sobrang sikip. Mahapdi at tuyot ang kanyang lalamunan, na para bang may dugong nag-aalboroto sa kanyang loob. Nagulat siya nang labis. Kahit gaano pa kasama ang sitwasyon... Siya ay isang tao, hindi isang bagay.Naramdaman niyang hindi siya dapat pagmukhaing mababa ni Terrence nang ganun na lamang. Nakatutok pa rin ang camera kay Terrence at Olivia. Alam na alam niya kung ano ang iniisip ng lalaki. Dahan-dahan nitong itinaas ang kanyang mga mata—walang bakas ng galit o inis sa kanyang mukha. Hindi na hinintay ni Jane ang sagot ni Terrence. Ipinatapat na lang niya agad ang tawag. Pinisil ni Jane ang espasyo sa pagitan ng kanyang mga kilay.Wala na siyang kuryosidad sa magiging asal ni Terrence. Nagkahiwalay na sila ng landas at wala nang anumang ugnayan, kaya kung ano man ang isipin nito ay wala na siyang pakialam. Nakaupo si Penny sa tabi ni Jane, kaya likas na narinig niya ang buong pangyayar

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 161

    Ang private room, na puno ng soft music ay tahimik na lumubog sa isang maikling sandali. Biglang naging nakakatakot ang kapaligiran. Kahit si Lance, na karaniwang walang alalahanin, ay nawalan ng ngiti at tumingin kay Daniel nang may kawalan ng paniniwala. Gusto ni Daniel na i-seduce si Jane? Kusa at napakunot ang noo ni Eugene. Narinig na niya bago ito mula kay Daniel na interesado ito kay Jane, ngunit inakala niyang isang mabilisang interes lang iyon. Hindi niya kahit kailan naisip na makararating ito sa ganito. At ang pinakakrusyal na punto... Ang mga tila "napakabastos" na salitang ito ay sinabi pa mismo sa harap ni Terrence. Bumagsak ang kaniyang tingin sa mukha ni Terrence. Sa gitna ng kumukutikutitap na liwanag at mga anino, ibinaba ni Terrence ang kanyang mga pilikmata, habang pinapanood ang mga yelo sa kaniyang baso na humahampas sa gilid, at sumagot, "Kilala ko siya." Walang ipinapakitang anumang emosyon ang kanyang tono.Ang dalawang simpleng salitang ito ay may malali

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 161

    Ang private room, na puno ng soft music ay tahimik na lumubog sa isang maikling sandali. Biglang naging nakakatakot ang kapaligiran. Kahit si Lance, na karaniwang walang alalahanin, ay nawalan ng ngiti at tumingin kay Daniel nang may kawalan ng paniniwala. Gusto ni Daniel na i-seduce si Jane? Kusa at napakunot ang noo ni Eugene. Narinig na niya bago ito mula kay Daniel na interesado ito kay Jane, ngunit inakala niyang isang mabilisang interes lang iyon. Hindi niya kahit kailan naisip na makararating ito sa ganito. At ang pinakakrusyal na punto... Ang mga tila "napakabastos" na salitang ito ay sinabi pa mismo sa harap ni Terrence. Bumagsak ang kaniyang tingin sa mukha ni Terrence. Sa gitna ng kumukutikutitap na liwanag at mga anino, ibinaba ni Terrence ang kanyang mga pilikmata, habang pinapanood ang mga yelo sa kaniyang baso na humahampas sa gilid, at sumagot, "Kilala ko siya." Walang ipinapakitang anumang emosyon ang kanyang tono.Ang dalawang simpleng salitang ito ay may malali

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 160

    Sa madaling salita, hindi malilinis ni Jane ang kanyang pangalan tungkol sa paggamit ng mga bata bilang test subject. "Salamat sa pag-aalala mo, may plano ang Capital Care," Hindi binanggit ni Penny ang katotohanang may pwesto si Julian sa documentary. Kung sabagay, hindi natin pwedeng alertuhin ang kaaway. Naramdaman ngayon ni Lance na si Penny ay... ayaw tumanggap ng mabuti o masamang payo. Hindi mapigilang maguluhan. Plano nga ba talaga ni Penny na protektahan si Jane? Naintindihan din ni Olivia ang asal ni Penny. Hindi niya maiintindihan kung anong uri ng gayuma ang ginawa ni Jane kay Penny. Manatiling tahimik sina Jane at Terrence sa buong meeting. Ang tanging mga tunog sa elevator ay ang pag-uusap ni Olivia at ng iba pang mga executive tungkol sa intelligent triage robot. "Ms. Olivia, napakalayo ng iyong mga pananaw. Napakaraming kumpanya sa Pinas ang gumagawa ng smart healthcare, bakit mo pinili ang aming kumpanya?" Ngumiti ng malumanay si Olivia at tumingin kay Terrence n

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 159

    "Nagkaroon po ng emergency. Napakabihira po ng mga kwartong may ganoong tanawin. Bukod sa kwartong ito na nagkakahalaga ng 18,000 pesos ang tanging kwartong may tanawin ay ang presidential suite na nagkakahalaga ng higit sa 300,000 pesos bawat gabi."Naintindihan ni Jane. Ang hindi inaasahang sitwasyon ay may ibang taong kumuha nito.Tumingin siya sa receptionist, ayaw na maging mahirap ang mga bagay-bagay: "Ang ibig mong sabihin, kung gusto kong ma-enjoy ang view na iyon, pwede ko lang i-book ang presidential suite na nagkakahalaga ng higit sa 300,000 pesos?"Hindi na binabanggit na hindi pa nagpasa si Terrence ng mga dokumento para sa divorce. Kahit na meron talaga siyang ganoon karaming pera.Hindi natin kayang sunugin iyon.Hindi ba niya alam na mas maganda ang presidential suite?"Nandito ang order ko. Dapat hawakan nang maayos ng inyong hotel ang bagay na ito at bigyan ako ng isang kasiya-siyang sagot." Hindi rin madaling tapakan si Jane. Ayaw nilang magdusa nang tahimik.Nag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status