تسجيل الدخولAng mahahaba niyan daliri na dahan-dahang nagkakabit ng mamahaling butones ng kanyang manggas ay natigilan ng bahagya. Ang madilim at makikitid na mata ay sumuri sa kanya mula ulo hanggang paa at sinabi sa kanya “dahil lang ba sinamahan ko si Olive sa doktor ngayon?”
Napakagaling ng pagkakagamit ng salitang “lang”.
Lumalabas na alam pala nitong magdaramdam siya dito, ngunit hindi man lang ito nag-abalang magpaliwanag.
Tumingin ng diretso si Jane sa kanya, napakahina ng boses niya, “Oo.”
Wala na siyang gaanong lakas para makipagtalo pa kung sino ang tama o mali.
At mas lalong hindi dapat malaman ni Terrence ang tungkol sa anak niya.
Walang kahit anong emosyon ang makikita sa madilim na mata ni Terrence, at wala siyang pakialam kung nagtatampo man ito ng may intensyon: “pwede kang maglabas ng galit dito sa bahay, pero bilang Mrs. samaniego sa labas, alam mo dapat ang ginagawa mo.”
Ang mga salitang ito ay isang malinaw na pagtatangka lang na dapat ay panatilihin ang magandang image ni Olivia sa publiko.
Wala itong pakialam sa nararamdaman niya.
Narerealize ni Jane na kahit nahuli pa niya ang kanilang matinding pakikipagsex, ano naman? Hindi nararamdaman ni Terrence na kailangan niyang magbigay ng kahit anong paliwanag sa asawa niya.
“Fine,”
Kusa ring napakuyom ang mga palad ni Jane, at ang sakit ay nagpakalma sa kanyang boses.
“Wala akong pakialam sa divorce na yan.”
Tiyak na hindi inaasahang pangyayari iyon para kay Terrence.
Malamig na tinignan ng lalaki ang asawa niya, na palaging masunurin sa kanya ngunit ngayon ay nagpapakita na ng mga signs ng pagrerebelde.
Ang mga mata niya ay walang anumang dagdag na emosyon o kaguluhan. “Wala akong time para intindihin ang emosyon mo ngayon.”
“Kung talagang masama ang loob mo, pwede kang kumuha ng lawyer para ikaw mismo ang gumawa ng kasunduan.”
Sa pitong taon nilang pagpapakasal, hindi kahit kailan ito nagsalita ng pag-ibig at hindi man lang nagkaroon ng gawin na ituring siyang bahagi ng buhay niya, kaya’t pumayag ito ng wlang pag-aalinlangan.
Matatag na dumaan si jane sa tabi ng matangkad na lalaki at dumiretso sa itaas para iimpake ang mga personal na gamit niya.
Pinalikit ni Terrence ang malamig niyang mga mata, habang ang paningin ay nakasunod sa payat na kaisipan ni Jane.
Kahit ganon, nahulaan niya ang intensyon ni Jane sa loob lang ng dalawang segundo.
Hindi masyadong dinibdib ni Terrence ang medyo “matinding” reaksyon ni Jane.
May mga pagkakataon na rin noong una na nagtangka itong makuha ang atensyon niya. Kahit kailan ay hindi niya kailangang mag-alala tungkol dito, dahil palaging yumuyuko at nagpapakita ng kahinaan si Jane sa kanya.
Kapag wala itong natanggap na tugon, magpapanggap na lang itong walang nangyari at sasarilinin ang pag-aliw sa sarili.
Pwedeng hindi man lang aabutin ng ilang araw.
Dahil dito, ang tinatawag nitong emosyon ay hindi ganon “kahalaga” para sa kanya.
Malamig niyang inilayo ang tingin, kinuha ang kanyang coat at umalis ng hindi man lang lumilingon.
Bumalik si Jane sa kwarto niya at pinagmasdan ang bahay na maingat niyang dinisenyo at itinayo sa nakalipas na pitong taon, nang biglang hindi na niya alam kung saan magsisimula.
Tumunog din ang chat sa tamang pagkakataon.
Nang lumabas ang chat head, agad na lumambot ang mga mata niya.
Binuksan niya ang voice message.
Isang pambatang boses ang narinig ulit sa speaker: “Mommy~ pupunta ako dyan sa Maynila para makita ka sa susunod na buwan` tapos magkakasama na tayo forever!”
Biglang naramdaman ni Jane ang pag-init ng kanyang mga mata.
Bahagya niyang itinagilid ang ulo paitaas, pinipigilan ang pagtulo ng mga luha niya.
Buti na lang, meron din siyang sariling anak.
Buti na lang. Hindi niya sinabi kay Terrence ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.
Sa kabilang banda…
Tumawag si Julian, na tunog nasasabik at nag-aalala: “dadating ba ang anak mo?”
“Oo, dadating sa susunod na buwan.”
Biglang napasinghap si Julian at sinabi ang nakakagulat na bagay, “diba walang anak si Terrence? Kung malalaman niya na nanganak ka na pala ng isang batang babae habang nakatalikod siya at nagpaplano ka pang iwan siya at panatilihin ang bata, hindi ba siya mababaliw?”
Napangiti si Jane, may bakas ng paghamak sa boses niya: “hindi niya gagawin iyon.”
Kung wala man lang pakialam si Terrence sa kanya, bakit naman ito magkakaroon ng pakialam sa ganitong bagay?
Nagawa pa nga nito ang napakahalay na bagay na makipagsex sa nakababatang kapatid at hipag habang bahagi pa ng pagbubuntis nito.
May pakialam man ito sa anak niya o wala, hindi deserve ni Terrence na maging tatay ng anak niya!
Tungkol naman sa issue ng “walang tagapagmana”...
Bahagyang kumislap ang tingin ni Jane.
Sa totoo lang, hindi siy anaglihi sa unang taon ng kasal nila dahil maingat na nag-iingat si Terrence. Narinig niya ang mga katulong na pribadong nag-uusap.
Sinabi ng mga ito na malaking posibilidad na walang tagapagmana si Terrence.
Ang pamilya Samaniego ay nagtatangkang isaayos ang kasal sa pagitan ni Terrence at ng isang anak na babae mula sa isang kilalang pamilya na may katulad na katayuan sa lipunan.
Pero kahit ganon, paulit-ulit na tumatanggi si Terrence na tanggapin ito at ipinahayag pa na hindi siya magkakaroon ng anak.
Habang kumakalat ang mga tsismis, nagsimulang umikot ang posibilidad na mauuwi sa wala ang linya ng tagapagmana.
Bukod dito, ang pitong taon niyang kasal kay Terrence, sa ibabaw ay hindi nagbunga ng anak, na tila lalong nagpatunay sa katotohanan para sa mga taong nasa labas.
Noong mga nakaraang taon, naniwala nga si Jane dito at naramdaman pa ngang walang pakialam na iniisip na hangga’t maayos ang buhay niya, ang pagkakaroon ng anak ay design lang.
Ngunit si silang dalawa ni Terrence ay palaging may mga hakbang na ginagawa para mag-ingat.
Ang kanyang kakayahang pangkasarian ay palaging… magaling/
Kahit na strained ang relasyon nila, hindi niya iyon maikakaila.
Ngunit kalaunan, patuloy nitong iniiwasan ang issue tungkol sa pagkakaroon ng anak.
Siya mismo ay nagsimulang maniwala sa katotohanan ng tsismis.
Ngunit hanggang sa araw na iyon– sa una pa lang ay hindi na naging maganda ang kanilang relasyon pagkatapos ng kasal.
Bihirang umuwi si Terrence, kahit ang dalawang beses na pagsasama sa isang buwan ay isang malaking karangyaan na.
Lalo na ang regular na pakikipag-usap.
“Siguro naman, nabasa mo na yung tungkol sa pag-alis…” Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay mabilis na dumaan si Terrence sa tabi niya, hindi man lang nito napansin ang boses niya. Maya-maya ay narinig niya ulit ang mahinahon ta nakakapagpalubag=loob nitong boses at sinabi, “kung may sipon ka, magpahinga ka na lang ng maayos dyan. Papunta na ako dyan ngayon.” Wala siyang maisip na ibang tao na makakapagparamdam sa isang malamig ang puso na tulad ni Terrence nag ganoong kahabang pasensya. Ang Bentley ay mabilis na humarurot palayo sa mismong harap ni Jane. isang malamig at mamamatay-taong hangin ng taglamig ang umihip. Hindwakan ni Jane ang namamanhid niyang pisngi. Kung ito man ay dahil sa nakakapwing na hangin o sa hindi nakikitang sampal sa mukha niya galing sa pagkakaibang ito, hindi niya alam. Mas masakit pa ito kesa sa sampal ni Bernadette.Nasaktan siya sa mismong harap nito, ngunit wala man lang itong binitiwang kahit isang salita ng pag-aalala. Samantalang
“Ate Joyce, ihatid mo na ang bisita palabas.” Hindi nakipagtawaran si Terrence kay Bernadette sa simula pa lang. Pagkatapos sabihin iyon, sumulyap siya kay Jane na may hindi maipaliwanag na ekspresyon, saka tumalikod at umakyat ulit sa itaas. Galit na galit si Bernadette, ngunit hindi nangahas na magsalita laban kay Terrence, ang napiling tagapagmana na nakatakdang humawak ng kapangyarihan. Ang tanging nagawa niya bago umalis ang dumilat nang matindi kay Jane, “walang silbi yang pagiging simpleng housewife mo. bukod sa pag-aayos ng kaldero at kawali, wala ka nang ibang alam. Ano naman kung maganda ka? Mas magaling pa rin si Olivia sayo sa kakayahan at talino. Bakit ka humantong sa ganito? Jane, dapat lang sayo yan!”Wala ng lakas si Jane para sumagot pa. Siya mismo sa sarili niya ay nararamdaman na ang lahat ng taon ng pagsusumikap at walang katuturang pag-asa ay bunga lang ng pagkakabulag sa sobrang pagmamahal.Pumunta si Jane sa bathroom. Maputi ang balat niya at kahit naitagil
At talagang tinawanan pa siya ng mga ito. Nakita rin niya ang kawalan ng pakialam ni Terrence at ang hindi man lang pagtatanggol nito sa kanya. Kahit pa ayaw na ni Jane kay Terrence, naramdaman pa rin niya… ang makitang nasaksihan ng ikatlong taong sumira sa kasal niya ang ganitong pambabastos sa kanya. Talagang nakakahiya. Malamig na sumulyap si Terrence kay Bernadette, sinabihan si Olivia na mag-uusap sila mamaya, at saka tinapos ang video call. Ang kalmado at hindi nagbabagong tingin ay gumuhit sa namumulang pisngi ni Jane bago tuluyang huminto sa mukha ni Bernadette. Ang boses nito ay manipis at malamig, “tita Bernadette, anong ibig sabihin nito?”Hindi agad nag-usisa si Terrence kung nasaktan ba siya. Hindi inaasahan ni Jane na makakakita pa ng kahit katiting na awa para sa kanya sa mukha ni Terrence. Sa nakalipas na pitong taon, matagal na siyang nasanay sa malamig nitong pakikitungo sa kanya. Tanggap na iyon ng sarili niya.Nang makatagpo ni Bernadette ang tingin ni Terr
Nakatayo si Terrence sa harap ng floor-to-ceiling window, habang ang cellphone niya ay nagpapakita ng video chat interface. Sa isang mabilis na sandali, nakita ni Jane ang mukha ni Olivia sa screen. Para silang… magkasintahang talagang nagmamahalan, na gustong magkita sa bawat sandali. Napakunot ang noo ni Terrence at tumingin sa kanya. Nang biglang itulak ni Jane ang pinto, malamig ang boses nitong nagtaning, “bakit hindi ka kumatok?” Ang mga salitang iyon ang siyang nagpagulat kay Jane. Bilang asawa nito, pagkatapos tumira sa bahay nila sa loob ng pitong taon, natagpuan niya ang sarili sa bagong patakarang iyon na kailangan na palang kumatok sa pinto dahil sa matamis na relasyon nito kay Olivia. “Lumabas ka nga!” malamig na utos ni Terrence.Para bang sinadya niyang pumasok para mag-usisa o makinig nang patago. Biglang kumirot ang puso ni Jane. kusang isinarado ang pinto at napaatras palabas. Hindi niya gustong saktana ang sarili kaya bakit pa siya manghihimasok para pakinggan
Sinasadya siyang pinapunta ng mga taong iyon doon para harangin at ipahiya. “Jane, aminin mo na ang mga pagkakamali mo. Mag sorry ka.” sabi ni Lance. “Kung naging mas totoo ka lang, hindi sana aabot sa ganito,” kawal na sabi ni Eugene habang itinututok ang daliri sa lamesa. “Tama yan, hindi buntis si Olivia. Malinis siya at walang tinatago. Wag mo siyang ipagkanulo sa ganyang klase ng bintang.” hindi alam ni Lance kung anong pumasok sa utak ni Jane para gumawa ng ganong walang katuturang tsismis. Alam nilang lahat na nakatanggap si Jane ng utang na loob sa pamilya Samaniego noong bata pa siya, at ang pamilya Samaniego ang nagdala sa kanya pabalik sa tahanan ng mga Samaniego. Sa logic ng mga bagay-bagay. Si Jane ay dapat na ituring na isa sa mga nakababatang kapatid ni Terrence.Sa kasamaang palad, ang nakababatang kapatid na ito ay walang hiya, kabubukas pa lang niya ng dalawampung taon nang makipagtalik siya kay Terrence. Ipinilit niya ang sarili sa isang magandang kasal. Hin
Isa pang kaibigan na si Lance ang pabirong nagtanong, “oo nga, bakit parang ang sama ng timpla ng mukha mo? Anong nangyari sayo?” Pagkaupo ni Eugene, sinulyapan niya si Olivia na nasa tapat niya. Ang babae ay napaka elegante at kagalang-galang, laging alam ang kanyang lugar at walang maipipintas sa mga kilos nito. Tapos ay ganoon lang pala ito pagtsismisan ni Jane sa likod nito!“Nakita ko si Jane sa baba.” Nang marinig ito, ang malamig at matalas namukha ni Terrence ay nanatiling walang eskpresyon habang kaswal na itinitiklop ang mga daliri sa mesa. Maliwanag na wala man lang silang konting interes sa asawa nito. Ipinagbuhos ni Olivia ng alak si Eugene at mahinahong nagsalita, “Nag-away ba kayong dalawa? Babae lang siya, wag mo ng dibdibin.”Nang makitang ipinagtatanggol pa ni Olivia si Jane, lalong naramdaman ni Eugene ang napakalaking pagkakaiba ng klase nilang dalawa. Sumandal siya sa upuan, nagkibit-balikat, at bahagyang natawa, “ alam mo ba kung anong sinasabi niya tungkol







