Share

CHAPTER 12

NAGHAHARUTAN pa rin ang magpinsan nang makabalik si Heaven sa silid ni Trevor. Pinanlakihan siya ng mga mata nang makitang hinahampas ni Dr. Terrence ng unan ang pasyente at sinasalag naman ng kamay nito ang mga palo ng doktor.

Hindi napansin ng dalawa ang pagpasok niya. Tahimik niya lang pinanood ang mga ito. Masusi niyang pinagmasdan ang kilos ni Trevor, na kung titignan ay mukhang walang sakit na iniinda ng mga sandaling iyon. Tawa kasi ito nang tawa habang sinasalag ng kamay ang mga palo ng pinsan nito.

"Siguradong sasampalin ka ni Heaven kapag nalaman niyang nagsasakit-sakitan ka lang para mabantayan ka niya."

Natigilan siya sa sinabi ng doktor. Totoo nga kaya na nagsasakit-sakitan lang si Trevor?

Tumikhim siya nang malakas para kunin ang atensyon ng mga ito. Natigilan sa paghaharutan ang dalawa at tumingin sa gawi niya. Kapwa pinanlakihan ng mga mata ang magpinsan nang makita siya.

Naglakad siya palapit sa kinahihigaan ni Trevor. Nilahad niya ang isang kamay sa t
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status