Umpisa pa lang ay masidhing pagnanasa na ang naramdaman ni Trevor para kay Heaven, ang maganda ngunit masungit na nurse na minsang nagligtas sa buhay niya. Ginawa niya ang lahat para maagaw si Heaven sa boyfriend nito at masira ang relasyon ng dalawa. Nang magtagumpay si Trevor ay sinamantala niya ang kalungkutan ni Heaven para mapalapit sa dalaga at maangkin ito. Pagnanasang unti-unting nauwi sa pagmamahalan. Pagmamahalang tumatag habang lumilipas ang panahon. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan handa na niyang pakasalan si Heaven ay saka niya na-diskubre na anak pala ito ng taong pumatay sa kaniyang ina. Magawa pa kaya ni Trevor na paghigantihan ang taong labis niyang kinamumuhian? O sapat na ang labis na pagmamahal niya kay Heaven para makalimutan ang mapait niyang nakaraan?
Lihat lebih banyakABALA sa paggawa ng assignments ang sampung taong gulang na si Trevor sa loob ng kaniyang silid. Mayamaya ay nakarinig siya ng sunod-sunod na kalabog at sigawan mula sa katabi ng silid niya, ang silid ng kaniyang ina at ng live-in partner nitong si Carlos.
Nabitawan niya ang hawak na ballpen at napatingin sa dingding na nasa pagitan ng kanilang mga silid. Nangilid ang luha sa mga mata ng bata. Nakuyom niya ang mga kamao. Gusto niyang tulungan ang mommy niya na walang awang binugugbog ni Carlos ng mga sandaling iyon, ngunit wala siyang magawa. Ano bang laban niya sa amain na bukod sa matangkad na ay malaki pa ang pangangatawan? Nang mamatay ang ama ni Trevor noong nakaraang taon dahil sa heart attack ay muling nakipag-relasyon ang kaniyang ina sa ibang lalaki. Six months ago ay nag-live in ang dalawa at tumira si Carlos sa bahay nila. Noong una ay maayos ang pakikitungo nito sa kanilang mag-ina. Ngunit hindi naglaon ay lumabas din ang totoo nitong ugali. Lagi nitong sinasaktan ang mommy niya, lalo na kapag hindi nagbibigay ng pera para sa pangsugal at pang-inom nito. Ilang buwan nang ganito ang sitwasyon sa bahay nila kaya naman nasanay na rin si Trevor. Wala naman siyang magagawa. Gustuhin niya mang awatin si Carlos sa pananakit nito sa mommy niya ngunit hindi niya magawa. Kapag umawat kasi siya ay siguradong sasaktan lamang siya nito. Pinagpatuloy na lang ni Trevor ang paggawa sa mga assignments niya. Ilang sandali pa ay tumigil na ang mga kalabog at sigawan sa kabilang kwarto. Ang tanging naririnig niya na lang ay ang malakas na paghagulgol ng kaniyang ina. Nang marinig niya ang malakas na pagbukas at pagsara ng pinto sa kabilang silid ay tumayo na rin siya. Nagpalipas muna siya ng ilang sandali. Nang masigurong naka-alis na ng bahay si Carlos ay lumabas na siya ng silid. Patakbo siyang bumaba ng hagdan at dumerecho sa banyo. Kumuha siya ng bimpo at nilagyan ng tubig ang isang palanggana. Kinuha niya rin ang medicine kit tapos ay umakyat sa silid ng mommy niya. Nakasanayan na niyang gawin ang bagay na ito sa tuwing matatapos mag-away ang dalawa. Nakagat ng bata ang pang-ibabang labi nang makita ang ina na naka-upo sa isang sulok ng silid. Putok ang labi nito at may black eye sa kanang mata. Patakbo siyang lumapit sa ina at agad na pinunasan ng basang bimpo ang duguang mukha nito. Habang nilalagyan ng gamot ang mga sugat ng ina ay tahimik lamang itong umiiyak. Napa-iyak na rin si Trevor dahil sa matinding awang nararamdaman para sa ina. "Umalis na tayo rito, mommy. Natatakot na po ako sa bahay na 'to. Please umalis na tayo," umiiyak niyang pakiusap sa ina. "Hindi ko p'wedeng iwanan ang Tito Carlos mo. Siguradong susundan niya tayo kahit saan tayo magpunta. Papatayin niya ako 'pag iniwan ko siya. Baka pati ikaw madamay, anak. At iyon ang ayokong mangyari." Bakas sa bawat salitang binitawan nito ang matinding takot para kay Carlos. Umangat ang kanang kamay ni Annie at masuyong hinaplos ang mukha ng kaisa-isang anak. "Tinawagan ko kanina ang Tito Christian mo." Ang tinutukoy ni Annie ay ang kapatid nito na nakatira sa kabilang bayan. "Binigay ko na sa kaniya ang naiwang pera ng daddy mo. Doon ka muna tumira sa bahay niya. Siya muna ang pansamantalang magpapa-aral at magpapalaki sa 'yo." Natigilan si Trevor sa ginagawa. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Hindi niya lubos maisip na ipapamigay siya ng sariling ina sa kapatid nito. Mabait naman si Christian. Parang anak nga ang turing nito sa kaniya sa tuwing magkasama sila. Kaya lang ay ayaw niyang mapahiwalay sa mommy niya. Wala na nga ang daddy niya, pati ba naman ang mommy niya ay mawawala rin? Nag-unahan sa pagtulo ang luha sa kaniyang mga mata. Sa labis na pagkabalisa ay nabitawan niya ang hawak na bimpo. "Hindi mo na ba ako mahal, mommy? Ayaw mo na ba akong makasama?" umiiyak niyang tanong. "Mahal na mahal kita, anak. Kaya ko nga ito gagawin kasi mahal kita at gusto kong maging maayos ang buhay mo." "Pero bakit mo ako ipamimigay? Kung mahal mo ako, hindi mo ako ipamimigay kay Tito Christian." "Dahil mas magiging ligtas ka kung aalis ka sa impyernong bahay na 'to. Mas mapapanatag ang kalooban ko kung pansamantala kang titira sa tito mo. Walang mananakit sa iyo ro'n. Mas maaalagaan ka niya. Susunduin ka niya bukas sa eskwelahan. Sumama ka sa kaniya, Trevor." Pilit na nginitian ni Annie ang anak. Mariin siyang umiling bilang pagtutol. Ayaw niyang mapalayo sa mommy niya. Mas gugustuhin na niya ang magulong buhay sa piling nito at ni Carlos kaysa magkahiwalay silang dalawa. "Huwag kang mag-alala, anak. Pansamantala lang naman 'to. Kukunin din kita sa kaniya kapag naayos ko na ang problema ko sa Tito Carlos mo." "Ayoko pong sumama sa kaniya, mommy. Nangako ako kay daddy noon na hindi kita iiwan. Dito lang po ako sa tabi n'yo. Hinding-hindi ko po kayo iiwan." "Pero, anak-" "Mommy, please dito lang ako. Ayoko pong magkahiwalay tayo. Okay lang po sa akin kahit lagi akong saktan ng Carlos na 'yon basta makasama ko lang kayo." Yumakap siya sa ina at tuluyang napahagulgol ng iyak. "Magpapalakas po ako para maipagtanggol kita kay Carlos. Kapag malaki na ako, mapo-protektahan na kita at hindi ka na niya masasaktan." Napahagulgol na rin ng iyak si Annie. Gumanti ito ng yakap sa anak at pinaghahalikan si Trevor sa tuktok ng mukha. "I'm sorry, anak. Pati ikaw nadamay sa gulo ng buhay ko." Ilang sandali silang nanatiling magkayakap. Mayamaya ay pinilit tumayo ni Annie kahit na nanginginig ang katawan nito. "Magluluto muna ako, Trevor." "Gutom ka na ba, mommy? Ipagluluto po kita." "Huwag na, anak. Ako na lang. Siguradong magagalit na naman ang Tito Carlos mo kapag umuwi siya at inabutan niyang walang pagkain sa kusina." Pinilit maglakad ni Annie ngunit nakaka-ilang hakbang pa lamang ito ay agad din itong bumagsak. Agad na lumapit si Trevor sa ina. Inalalayan niya ito paupo sa gilid ng kama. "Dito ka na lang, mommy. Ako na po ang magluluto." Nginitian niya ang ina tapos ay patakbo nang lumabas ng silid nito at nagtungo sa kusina. Wala silang katulong kaya naman sa murang edad ay nasanay na siya sa mga gawaing bahay, lalo na kapag hindi makakilos nang maayos ang mommy niya sa tuwing pinagmamalupitan ito ni Carlos. Dati ay may dalawang katulong sila sa bahay. Subalit parehong umalis ang mga ito dahil pinagtangkaang halayin ni Carlos. Tahimik na umiiyak si Trevor habang nagluluto ng corned beef. Nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang galit. Balang araw ay makakaganti rin siya kay Carlos. Ipaparanas niya rito ang lahat ng hirap at pasakit na lagi nitong pinapatikim sa kaniyang ina.NAGISING si Heaven nang maramdaman ang pagyugyog sa kaniyang balikat. Nagmulat siya ng mga mata at nilibot ang paningin sa paligid. Nakahinto ang sasakyan nila sa isang parking lot. "Nasaan tayo?" pupungas-pungas niyang tanong kay Trevor. "Nag-lowbat 'yong phone mo. Hindi kita magising kanina kaya dinala na lang kita rito. Dito ka na lang magpalipas ng gabi sa condo ko." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Agad siyang tumutol. "No way, Trevor! Hindi ako makikitulog sa unit mo." "Anong gusto mong gawin? Umuwi sa bahay mo at magpa-uto sa ex mo?" Sandali siyang natigilan. Sa tuwing nag-aaway sila ni Kobe ay agad itong nagpupunta sa bahay niya para makipag-ayos. Ilang beses na rin niyang nahuli ito dati na nambababae. At siya naman itong si tanga na kaunting lambing lang ay bumibigay agad at pinapatawad ito. Ang dahilan niya ay mahal niya kasi ito. Subalit dahil sa nasaksihan niya kanina pakiramdam niya ay tuluyan nang naubos ang pasensya niya sa kasintahan. Pinat
"BEH, manonood kami ng sine mamaya. Gusto mong sumama?" tanong ni Daniella kay Heaven. Nasa nurse station sila noon at naghahanda na sa pag-uwi. "Hindi ako p'wede ngayon. May lakad kami ni Kobe." "Ay sayang naman. Minsan na lang tayo lumabas." Naglakad na sila palabas ng hospital. "Next time na lang." "Saan ba lakad n'yo ni Kobe?" "Pupunta lang kami sa bar." Natigilan sila sa pagkukuwentuhan nang tumunog ang cellphone ni Heaven. Agad niya iyong kinuha sa loob ng shoulder bag at sinagot ang tawag. Si Kobe ang nasa kabilang linya. Ayon dito ay may meeting pa ito sa opisina kaya hindi siya masusundo sa hospital. Pinapa-una na siya nito sa bar. Pumayag naman si Heaven dahil malapit lang sa hospital ang bar na pupuntahan nilang dalawa. Nang makalabas ng hospital ang magkaibigan ay kaniya-kaniya na silang sakay ng taxi. Nang makarating si Heaven sa bar ay agad siyang naghanap ng bakanteng lamesa. Nilibang niya muna ang sarili sa pag-check ng social media acco
"ANONG ginagawa mo rito? Natanggal na iyong tahi sa ulo mo. Bakit nandito ka na naman?" tanong ni Terrence nang abutan si Trevor sa loob ng silid nito. Natigil sa pag-iisip si Trevor na noon ay nakatayo sa tabi ng bintana at nakatingin sa labas. Pumihit siya paharap sa pinsan. "Wala lang. Na-miss kita, eh." "Ako ba talaga ang na-miss mo o si Heaven?" Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi matapos marinig ang pangalang binanggit nito. "Saan ka ba nag-lunch break? Bakit ngayon ka lang dumating? Kanina pa ako naghihintay sa 'yo rito." "Nagkita kasi kami ng fianceè ko. Nakipag-meeting kami sa event coordinators ng magiging kasal namin." Naglakad na si Terrence papunta sa table nito at naupo sa swivel chair. Binasa nito ang ilang medical records na nasa ibabaw ng lamesa. "Ikaw ba, Trevor, wala kang planong lumagay sa tahimik? You're not getting any younger. Mag-asawa ka na." "Dati wala. Pero ngayon mayro'n na." Lumapit siya kay Terrence at tumayo sa tabi nito. "N
MATAPOS kumain ay lumapit si Trevor sa wheel chair at naupo roon. "Nurse Heaven, samahan mo akong magpa-araw sa labas." Natuwa siya sa sinabi nito. Kahapon pa niya kasi pinipilit si Trevor na magpa-araw sa garden ngunit tumatanggi ito. "Sure!" Agad siyang lumapit sa binata. Pumwesto siya sa likuran nito at tinulak na ang wheel chair palabas ng silid. "Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" "Hindi na ako nahihilo. Kaya lang makirot iyong tahi. Ang bigat ng kamay ni Terrence." "Sinisi mo pa ang pinsan mo." Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa garden ng hospital. "Wow! Ang ganda pala rito," buong paghangang bulalas ni Trevor habang nililibot ang mga mata sa buong hardin. May ilang puno roon. Mayroon ding iba't ibang uri ng halaman na nakatanim sa mga paso, at mga bulaklak niyon ang lalong nagpa-aliwalas at nagpaganda ng ambiance. Humugot ng malalim ng hininga si Trevor para langhapin ang sariwang hangin. "Ngayon ka lang ba nakapunta rito?
NAGHAHARUTAN pa rin ang magpinsan nang makabalik si Heaven sa silid ni Trevor. Pinanlakihan siya ng mga mata nang makitang hinahampas ni Dr. Terrence ng unan ang pasyente at sinasalag naman ng kamay nito ang mga palo ng doktor. Hindi napansin ng dalawa ang pagpasok niya. Tahimik niya lang pinanood ang mga ito. Masusi niyang pinagmasdan ang kilos ni Trevor, na kung titignan ay mukhang walang sakit na iniinda ng mga sandaling iyon. Tawa kasi ito nang tawa habang sinasalag ng kamay ang mga palo ng pinsan nito. "Siguradong sasampalin ka ni Heaven kapag nalaman niyang nagsasakit-sakitan ka lang para mabantayan ka niya." Natigilan siya sa sinabi ng doktor. Totoo nga kaya na nagsasakit-sakitan lang si Trevor? Tumikhim siya nang malakas para kunin ang atensyon ng mga ito. Natigilan sa paghaharutan ang dalawa at tumingin sa gawi niya. Kapwa pinanlakihan ng mga mata ang magpinsan nang makita siya. Naglakad siya palapit sa kinahihigaan ni Trevor. Nilahad niya ang isang kamay sa t
"BAKIT parang bigla kang namutla? Ngayon mo lang ba 'to gagawin? Ngayon ka lang ba nakakita ng ari ng lalaki?" walang prenong tanong ni Trevor kay Heaven na noon ay tila hindi alam ang gagawin. "H-hindi naman," bantulot niyang tugon. "Bilis na. Naiihi na ako." Sandali siyang natigilan. Pilit niyang siniksik sa isipan na parte ito ng trabaho niya bilang private nurse ni Trevor. Dapat ay magpaka-profesional siya at gawin ang nararapat njyang gawin. Inangat na niya ang hospital gown na suot ni Trevor. Napalunok siya nang makita ang brief nito at ang malaking naka-umbok doon. Naaasiwa man ay ibinaba niya ang brief ng binata. Agad na kumawala ang malaki at mataba nitong pagkalalaki. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang kaniyang mga pisngi na unti-unting gumapang sa buo niyang katawan. Habang umiihi si Trevor ay hawak niya ang pagkalalaki nito. Hindi na bago sa trabaho niya ang makakita ng private parts ng mga pasyente. Subalit iba ang dating sa kaniya ng pagkalalaki n
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen