Share

KABANATA 60

"Dito na," para ni Mama.

Naunang bumaba si Mama ng tricycle. Sumunod ako rito. Tiningala ko agad ang karatula ng up and down Grocery namin. Pagkatapos ay kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Israel Grocery Store.

It feels like an achievement. Hindi ko lubos maisip na may ganito na kami ngayon. Hindi naman sobrang malaki ang building, sakto lang pero mukhang maluwang. Mabuti na lang at nagbunga ang lahat ng pagtuturo ko.

Napabaling ako kay Papa ng tumabi ito sa gilid ko.

"Hindi na ba babalik ng bahay 'yon?" tukoy nito kay Rigel.

"Hindi na, Pa. Hinabol mo ba naman po ng itak. Hindi na po iyon magde-deliver." Napangiwi pa ako.

Bakit ba naman kasi hinahayaan nilang mautusan ni West?!  At mukha naman kasi talagang hindi na babalik si Rigel doon. Napag-utusan lang itong maghatid ng buko pie ngunit ayon at nahabol pa ng itak ni Papa.

Naunang pumasok si Papa sa loob at nasa likod lang kami ni Mama. May mga empleyado na nag-aayos s

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status