Share

CHAPTER 10: DANGER

CHAPTER 10 

Umaga ako ng nagising para magluto ng umagahan ni kumag. Nanlumo naman ako nang buksan ko ang kakaibang refrigerator niya. Halos puro alak lamang ang laman nito at isang tray ng itlog. Napapikit na lamang ako. 

Napabuntong hininga na lamang ako saka kumuha ng apat na itlog upang lutuin. Nagsaing na rin ako sa kabilang kalan. Inihanda ko na ang mga gagamitin sa pagluluto ng itlog. Ini-scramble ko na lamang ang dalawang itlog at ang natira pang dalawa ay sunny side up. Para naman may pamilian pa siya kung alin gusto niya kahit na parehas lang din namang itlog.

Saktong katatapos ko lamang maghanda ng pakain ng magising siya. Magulo pa ang bagsak niyang buhok at halata pa na kagigising lamang ito. Pero bakit ganoon lalo pa yata siyang mas gumwapo?

Tumikhim ako, "the foods is ready." saad ko. Napatingin naman ito sa akin kasunod sa nakahandang pagkain. 

"You cooked that?" tanong niya sa akin saka tinuro ang itlog na niluto ko.

"Oo, 'wag ka na magreklamo 'yan lang matinong laman ng refrigerator mo." saad ko at nagsandok ng kanin para sa akin. 

Katulad ng sinabi ko hindi na siya nagreklamo pa at tahimik na lumapit sa hapag kainan. Umupo siya sa tapat na upuan ko. Nang maka-upo na siya ay nakatingin lamang ito sa kaniyang plato at hindi gumagalaw. Para ba na mayroon siyang hinihintay. 

Don't tell me hindi niya alam kung paano magself-service?

"Kuha ka na," inabot ko sa kaniya ang kanin at itlog. Ilang sigundo pa niya iyong tinignan bago niya kuhain sa kamay ko. Para ba na sinasadya niya ang paglapat ng kamay namin nangkuhain niya ito.

Kumuha siya nang kaunting kanin at ulam. Hindi halata sa katawan niya na ganun lang ang kain niya o siguro dahil hindi niya gusto ang pagkain na niluto ko. 

Sumubo ako ng isa at halos hindi na maipinta ang mukha ko nang maibuga ko sa kaniya ang pakain na kinakain ko. Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko akalaing ganoon pala kaalat ang naluto kong ulam.

Tumingin ako sa kaniya. Nakaakto itong susubo na din subalit nakatigil ito ngayon at may mga kanin ang kaniyang mukha. 

"Sorry," saad ko saka nagpeace sign. 

Binaba niya ang hawak niyang kutsara. Hindi ko alam kung galit siya o hindi dahil wala namang ekspresyon ang kaniyang mukha.

"Come here," isinenyas niya ang kamay niya na lumapit ako. Agad naman akong tumayo at lumapit sa kaniya.

"Clean this up," itinuro niya ang mukha niyang puro kanin. Pinilit kong huwag matawa sa itsura niya ngayon dahil baka magalit ito at parusahan ako.

Agad naman akong naghanap ng bimpo at bumalik sa kaniya upang linisin ang mukha.

He was staring at me while I was cleaning his face. I can sense his stare on my face as if his memorizing it. I also notice his deep gulp and his moving Adams apple.

"Ayan tapos na," anunseyo ko nang matapos ko ng linisan ang mukha niya.

"As your punishment feed me," he announced with his emotionless voice.

Napanganga ako sa sinabi niya, "May sarili ka namang kamay bakit kailangang ako pa magpakain sayo?" reklamo ko agad bilang pagtutol sa sinabi niya.

"You will do it whether you like it or not," Maawtoridad nitong saad.

Inignora ko lamang ang sinabi niya saka tumalikod, "Kailangan ko ng maghanda may pasok pa tayo, Master."

I emphasized the word 'Master'. Wala akong balak sundin ang gusto niya. Kumain siya gamit ang sarili niyang kamay kung gusto niyang kumain. I can't tolerate him.

Hahakbang pa lamang ako palayo sa kanya nang makarinig ako ng pagkabasag, agad akong napalingon. Na-alarma ako nang makita ang duguan niyang kamay. He was just staring at his bleeding hand. Wala man lamang siyang karea-reaksiyon sa kaniyang mukha. 

What's with him? Bakit niya ginawa iyon?

Agad kong hinanap kung saan nakalagay ang first aid kit niya at nang makita ko na iyon ay agad akong bumalik sa kaniya upang gamutin ang sugat niya sa kaniyang dalawang kamay at nilagyan ko iyon ng benda.

"Now you can feed me, right?" 

Natigilan ako sa sinabi niya. He did this to his hand for me to feed him? Is he crazy? Hurting his self to get what he want? What a childish personality.

Now, I don't have a choice but to feed him, but before that I cleaned the broken glass. And prepared him with a new food. 

I sighed as I said, "Open your mouth." 

He open his mouth while his eyes were glued in my face. Nakatingin lamang siya sa akin habang sinusubuan ko siya. Naiilang ako sa ginagawa niya.

Nakapagtataka lamang din dahil enjoy na enjoy siya sa pagkain samantalang napakaalat ng naluto ko. Nang matapos na siya kumain ay tumayo na siya.

"I'll take a bath," Anunseyo niya.

Namula ang mukha ko ng sabihin niya iyon. "Don't tell me–," He cut my word. 

"Of course not, you need to bath too. There's a shower there." 

Tinuro niya ang pinto malapit lamang dito sa kusina. 

Napahawak ako sa dibdib ko nang maka-alis na siya. I thought gusto niya din ako isama sa paliligo niya. Muntik na akong atakehin sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Wala talagang palya ang kumag na iyon para hindi ako pakabahin.

Napailing na lamang ako sa aking naiisip. Ma-babaliw pa yata ako dito.

—

Nakatingin lahat sa amin ang mga taong dumadaan sa parking lot nang bumaba kami sa sasakyan niya. They were mumbling, especially the girls. Sino ba naman ang hindi mapupukaw ang atensiyon kapag itong kumag na ito ang dumating. Ang matipuno pa lamang niya na katawan ay makalaglag panty na isama mo pa ang napakagwapo nitong mukha, lalo na kapag namumungay ang mga mata nito.

Nakakatawang isipin kung paano kong paano ko siya purihin sa diskripyon ko. Samantalang naiinis ako sa kumag na ito.

Walang sabi na hinawakan nito ang kamay ko. I don't know what to do. I felt electric flowing through my body. Hindi naman masyadong naglapat ang balat namin, pero bakit ganun? Iba pa rin ang tama sa akin.

"Let's go," saad niya at hinila na ako paalis sa lugar na iyon.

Everyday with him are getting weirder especially my heart.

"Teka 'yong kamay ko" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Tumingin din naman siya sa magkasakop naming kamay.

"..Pakibitawan mo," napayoko ako. Nakagat ko ang labi ko ng hindi niya bitawan iyon.

"My hand denied your request," sabi nito at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Mas ikinalakas iyon ng pagtibok ng puso ko. I want to deny it, but I think I've been infatuated with him.

I was just staring his broad shoulder while we're heading out to our classroom. Ang maingay naming mga ka block ay tumahimik nang pumasok kami. Ilang sandali lamang ay napuno na iyon ng bulungan. 

"Why she's with Prince Troy?" 

 "That poor is flirting with our prince,"

"That bitch!" 

"They were holding hands!"

Napapikit na lamang ako sa mga naririnig ko. That's why I hate him. Masyado siyang sikat, madaming nagkakagusto sa kaniya. Paniguradong hindi nila palalagpasin ito. 

Naramdaman ko na lamang ang paglagay ng earphone sa isang tainga ko. Namula ang mukha ko ng marinig kung ano ang naka-play doon. It was him singing a song.

"Oy!" napabaling parehas ang mga mata namin sa kumakaway na si Darwin.

Agad naman kaming pumunta sa puwesto nila. 

"Naks naman bilis talaga," komento ni Ephraem nang makita niya ang magkahawak naming kamay ni Troy. Agad naman akong napabitaw sa pagkakahawak namin kaya napatingin siya sa kamay namin na ngayon ay magkahiwalay na. Wala naman siyang reaksiyon at naupo sa bakanting upuan, samantalang ako naman ay wala nang ma-uupuan.

Ilang minuto kaming nagkatinginang lima nagpakiramdaman kung sino ang tatayo sa apat at bibigyan ako ng upuan. Umasa naman akong ang tatayo ay si Troy, subalit wala man lang sa kanila ang tumayo kaya padabog akong umalis sa harap nila at naupo sa bakanting upuan sa pinakahuling hanay.

"Hi," napatingin naman ako sa lalaking katabi ko.

Tinignan ko siya kung pamilyar ba siya sa akin pero hindi, e. Ito pa lamang yata ang unang pagkakakita ko sa kanya.

"Hello," Hindi interesadong sagot ko.

Akala ko ay titigilan na niya ako subalit hindi pa pala patuloy pa din niya akong tinanong. 

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin at itunuon ang atenseyon sa akin. "May boyfriend ka na ba?" Mas nailang ako nang tanungin niya ito. Hindi ko siya sinagot sa halip ay kinuha ko ang libro ko at kunyaring nagbabasa. 

"Can I get your number?" Muli pa nitong tanong. I am trying to focus pero ayaw niya pa din akong tigilan kaya humarap ako dito.

"I'm not interested in you. Please stop bugging me," Anger was evident in my voice. 

Nagulat ako ng bigla naman nitong hawakan ang braso ko at tumingin ng masama.

"You're just poor. Wala kang karapatan na magmataas. And don't think na mahalaga ka sa kanya, nagawa na niya yan sa madaming babae," His voice was growling and his glaring at me.  

Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa brasho ko subalit napakahigpit ng kaniyang hawak. Nasasaktan na ako ang braso ko din ay nagsisimula ng mamula.

"Bitawan mo ako," utos ko sa kaniya. Subalit ngumiti lamang ito ng nakakatakot. 

"Why don't you hangout with me instead of him," nakangisi nitong saad habang hawak-hawak pa din ang braso ko. 

Natatakot na ako. Sana pala hindi na lang ako dito naupo. 

"You can warm my bed, I'll give you money." 

Mas nagpumiglas ako nang sabihin niya iyon. He's very creepy.

"Ano ba bitawan mo ako," nagpumilit pa rin ako magpumiglas sa kanya.

Gusto ko nangmaiyak sa ginagawa niya. Gusto ko sumigaw pero tinakpan niya ang bibig ko. Wala naman nakapapansin sa ginawa niya dahil nasa hulihan kami.

Please, someone help me. 

Troy help me.

Even if it is impossible I want you to save me, please.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status