Share

CHAPTER 9: MAID

Things have been complicated this week. There are so many things that occurred. I lost my jobs all of a sudden.

"Ate Che, what do you mean I'm fired?" I asked. I don't have any idea why am I being fired. As far as I know, I did my best to be an exemplerary employee.

"I'm sorry, Maeca, but it has been decided. I can't do anything about it." She looked at me with her sad face. I also saw her helplessness.

Masakit mang-isipin pero kailangan kong tanggapin. Hindi ko naman siya pwede pilitin na huwag ako tanggalin. Sobra na ang tulong na ibinigay niya sa akin noon nakakahiya na rin.

I looked at her dejected," Okay ate, I understand." 

"Here, take it. It's just a little help." She gave me an envelope filled with money.

Hindi ko tinanggap ang pera na binibigay niya. 

"I can't accept it, ate. Masyado nang madami ang naibibigay mo sa akin," sagot ko. Itinulak ko sa kanya ang sobre na ibibigay niya sa akin. 

She insisted, "Just consider this a gift from me."

"I can't talaga ate,–"

"Just take it," kinuha niya ang kamay ko at ibinigay ulit sa akin ang sobre. "Kapag hindi mo ito kinuha magtatampo ako," sabi niya na para bang nagbabanta.

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang ibinibigay niya na pera. I think this would be a huge help for me habang hindi pa ako nakahahanap ng bagong trabaho.

"By the way, ito pala baka makatulong sa paghahanap mo ng trabaho," 

Inabot sa akin ni ate ang isang flier. May nakalagay doon na hiring sila ng part timer. Sakto ang mga qualifications at tugma sa akin. 

This is a good chance. I think I'm gonna pursue it already. I badly need work to survive.

Pagkauwi na pagka-uwi ko ng bahay ay nagsend agad ako ng application letter at resumé ko sa email nila. I am hoping na matanggap. Hindi man ganoon kadali yung trabaho na yon kaso sayang din kasi halos triple ang sweldo no'n sa dati kong trabaho.

Nahiga ako sa higaan kong nakalatag lamang sa sahig. Dumipa ako upang ibatak ang braso ko. Tanging ang kisame na puti ang nakikita ko. 

Ilang araw na din akong hindi nakakapasok. Napasapo ako sa noo ko at bumaling patagilid. Its been a hard life. Sobrang hirap parang gusto ko ng sumuko pero iba ang gusto ng katawan ko para itong may iba pang kailangang gawin.

Bumaling ulit ako sa kabila.

Luna.

Simula ng makabalik ako sa ospital ay hindi ko na siya nakita pa ulit. Tila naglaho siya ng parang bula. 

Gusto ko ulit siya makita.

Gusto ko siya ulit siya yakapin. Hindi ko pa man naaalala ang lahat tulad ng sinabi niya pero I have this feeling na hindi ko maipaliwanag. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Nakatatawa lamang dahil parehong naging miserable ang buhay namin. Pareho kaming nahihirapan sa buhay na ito.

Nahihirapan ako physically, pero sa palagay ko nahihirapan si Luna emotionally. The way she cried last time I can see that she l suffered for a long time. The tone of her cry, the pain in her eyes–she's like a vampire who lost her life to her lover. 

*ting*

Nabaling ang atensyon ko sa selpon ko na ngayon ay nakatanggap ng notipikasyon. Tinignan ko kung ano iyon. Isa iyong email galing sa trabaho na inapplyan ko. Napakabilis naman ata nilang magreply.

'You're hired,' 

Napaka-impormal naman. 

*ting* 

Muli na naman akong nakatanggap ng mensahe.

'This is the address '

Kasama ng email na iyon ang isang address na sa palagay ko'y pamilyar.

*ting*

'Someone will go to your address for you to sign the contract. '

Napakunot ang noo ko. Ang bilis naman ata. Hindi kaya scam ito? Wala naman silang makukuha sa akin kung scam man ito. Hindi naman siguro 'to scam walang masama kung hindi ko susubukan.

I replied with a thank you letter but I recieved a thumbs up emoji.

What an unusual employer napaka-impormal naman.

Ilang minuto ang lumipas at may narinig akong kumatok sa pinto. Agad naman akong tumayo at nagmadaling pumunta sa harap nangpinto ng bahay. Binuksan ko ito at nagulat ako ng tumambad sa akin ang nakangiting si Ephraem. 

"Anong ginagawa mo dito?" bigla kong tanong sa kanya.

Tinaas niya ang hawak niyang folder.

"Pipirmahan mo," sabi niya at mas lalo pang lumawak ang ngiti. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. 

Don't tell me sila ang may pakana ng trabaho na iyon?

"Don't tell me–," I was about to ask him but he interrupt me. "Yes," walang sabi siyang pumasok sa loob ng bahay ko. 

"You live in this small room?" Inilibot niya ang mata niya sa loob ng bahay ko. "How can you even live here?" Parang na-insulto naman ako sa sinabi niya.

Hindi naman kasi ako tulad niya na mayaman at kayang tumira sa mga mamahaling lugar.

"Mag-isa lang naman ako dito," saad ko. 

Tinuon niya ang atensiyon niya sa akin. "By the way, lets start," nagtungo siya sa maliit kong lamesa at naupo sa plastic na upuan. Sumunod naman ako sa kanya at naupo sa isa pang upuan.

"Here take a look at this," binigay niya sa akin ang folder na sa tingin ko ay naglalaman ng kontrata.

Kinuha ko iyon at binasa. Ayos naman ang mga nakasaad doon pero may isang ikinakunot ng ulo ko.

The employee must stay in the house of her employer. I know it was normal for a maid to stay on her master's house but I have this unexplainable feeling.

Hindi ba't mas okay iyon dahil wala na akong babayarang upa sa bahay at ang iba pang mga expenses? Isa pa kilala ko naman sila at wala naman sila makukuha sa akin kung sakaling scam ito.

"Mayroon ka bang gustong ipabago?" Napatingin ako sa kanya ng bigla itong nagtanong. 

"Wala, ayos naman ako sa terms at condition na nakalagay." 

Kinuha ko ang ballpen at agad ko ng pinermahan ang nasabing kontrata. Nang matapos ko na iyong pirmahan ay sinarado ko na ang folder at pinagsakop ang dalawa kong kamay.

"Okay, that's good. Pack your things, we will go today." 

"As in now?" hindi ko makapaniwalang tanong. Bakit ang bilis naman ata.

"Yes, right now. As in now," tumawa siya ng makita ang gulat kong reaksyon.

"Isn't it too fast?" 

"Wala ako magagawa. That's a direct order from him," napakamot siya sa kaniyang batok na para bang nahihiya.

"From who?" 

"From your employer. You'll get to know him soon. Don't worry, mabait naman iyon."

Wala akong nagawa kundi mag-ayos na ng. mga gamit kong dadalahin. Tinulungan naman ako ni Ephraem sa pag-aayos kaya mas napadali. Napatigil pa ito ng may tumawag sa kanya.

"Oo inaayos lang namin gamit niya," narinig kong sabi niya sa kausap niya. Are they talking about me?

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalagay ng mga damit ko sa bag. 

I heared him laugh, " Oo na 'ge bye."

"We need to hurry," sabi niya saka siya naglagay ng naglagay ng mga gamit ko sa isa pa na bag. 

Ilang minuto din bago kami matapos pag-aayos.

He was whistling a song while we're on his car. Tahimik lamang akong nakatingin sa daan. 

Namangha ako sa matatayog na gusali na nadadaanan namin iba ito sa mga nakikita kong mga matataas na building. May mga disenyo at iba ang estraktura ng pagkakagawa ng mga building dito.

"We're here," anunsiyo niya.

Pinara ni Ephraem ang kanyang kotse at bumaba ng sasakyan kaya bumaba na din ako. Nagtungo siya sa likod ng kotse at kinuha ang mga gamit ko. Kinuha ko din naman ang iba kong gamit para tulungan siya. 

Sumakay kami sa elevator.

"Pakipindot nga ng 20th floor," nginuso pa niya ang pindutan. Agad ko namang pinindot ang button.

Tahimik lamang kami habang nasa loob ng elevator. Tanging ang pagtunog lamang ng pagtipa niya sa keyboard ng kanyang selpon ang naririnig. Nakita ko pa itong pangiti-ngiti sa harap ng selpon niya. 

*ting* 

Tunog ng elevator nang makarating na kami sa 20th floor. Hinatid naman niya agad ako sa pinto ng employer ko.

"I have to go. Ikaw na lang maghintay sa kanya. May naghihintay pa saking chix," nagmamadali nito saad. Hindi na ako nito binigyan ng panahon para sumagot pa.

May pinindot akong button sa labas ng pinto. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi parin iyon nagbubukas. 

Pinindot ko muli ang button.

Namula ang buong mukha ko ng bumukas ang at tumambad sa akin ang isang lalaki na ngayon ay hubad. Tanging ang tuwalyang puti lamang ang nakapulot sa baywang nito. Tumutulo pa din ng tubi ang basa at magulo nitong buhok. Pinupunasan niya iyon ng maliit na tuwalya.

"I just finished taking a bath. Kanina ka pa ba dyan?" Normal nitong tanong. 

Hindi ako nakasagot. Ayaw bumukas ng bibig ko hindi rin ako makagalaw. What was that? I just saw his abs! I saw him naked!

My hands reacted as I thought of that embarrassing moment. I covered my face because of embarrassment but I removed it when I heard him speak.

"What are you doing? Why aren't you coming in?" Tanong ulit niya. 

Nabaling ang tingin niya sa mga dala kong gamit. 

"Ah," sabi niya na para bang may nalaman. 

Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok ng nito. Lalo na't napakabango pa nito. na-amoy ko ang napaka bago nitong katawan ng lumapit siya sa akin.

"Come in," subalit tulala parin ako at hindi makagalaw. 

Napasigaw ako ng bigla niya akong hilahin papasok sa loob. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan niya ako at ang puso ko lalo pa itong tumibok ng malakas. 

"You're gonna be my maid, right?" Tanong niya sa akin habang sinasara niya ang pinto.

"Sa kasamaang palad, oo." habang inililibot ang mata ko buong condo niya.

Napakalinis at napaka-organizado ng mga gamit niya. Wala ka din makikitang kahit anong alikabok o dumi. Parang halos minu-minuto itong nililinis. Nasan dito ang lilinisin ko? Mukhang mas malinis pa 'to sa bahay ko.

"Talaga bang kailangan mo ng maid? Parang hindi naman," sabi ko habang inililibot ulit ang aking paningin.

Nagtama ang nga mata namin ng tumingin ako sa kanya. Para siyang batang galit na hindi napagbigyan ang gusto. Walang sabi siyang pumunta sa kwarto. Bumalik itong may dalang isang maliit na laundry basket.

Napanganga ako ng ikalat niya ang laman noon at tumingin sa akin. 

Gusto ko siyang sabunutan sa ginawa niya. Sino kayang matinong tao ang magkakalat ng nakaayos na nagamit.

"I think I need a maid," seryoso niyang saad habang nakatitig sa akin.

Napasapo ako sa noo ko. Gusto kong magmura hindi ko alam na isip bata pala pagsisilbihan ko.

"Isn't this enough to have a maid?" tanong niya pero hindi ako binigyan ng oras para sumagot pumunta naman siya sa kusina at dinumihan ang mga plato. Binuksan din niya ang mga sitserya at ikinalat ang laman nito.

Kaya siguro malaki ang sahod dito dahil tupakin ang amo. Napapikit ako ng malalim at lumapit sa kanya. 

"Tama na. Oo na pwede ka na kumuha ng maid ng ganyan," sabi ko sa kanya na-ikinatigil naman niya sa pagkakalat. 

Tumingin siya sa akin ng walang ekspresyon, "Good." sabi nito. Nilagay niya ang kamay niya sa baywang niya na para bang katatapos lamang sa trabahong napakahirap.

Noon ko lamang din ulit narealized na hindi pa pala ito bihis kaya muli na namang namula ang mga pisngi ko.

"M-magbihis ka nga muna," nauutal kong sigaw sa kaniya. Tumingin lamang siya sa akin. Kasunod  ay tumingin din siya sa hubad niyang katawan.

"Ayaw mo sa abs ko?" sabi nito at hinawakan pa ang abs niya

Gusto kong tusukin ang tainga ko dahil sa narinig ko. Hindi ko alam but his way of speaking tagalog was so damn makalaglag panty.

"No, so please lang." nakapikit kong sigaw. Narinig ko naman siyang tumawa.

"It's fun teasing you. You're face look like tomato," tumatawang saad nito at pumasok na sa loob ng kwarto niya para magbihis.

Na-upo naman ako sa mahabang sofa upang magpahinga. Napagod ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Madali yata akong mamatay dahil sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status