Share

CHAPTER 15: PORTAL

Troy went to the supermarket. He was cursing while finding where the sanitary pads are located but he couldn't find it. 

'Fuck it!' Mura nito sa kaniyang isipan. He doesn't have any choice but to ask the saleslady. 

"Where's the section of sanitary pads?" Palinga-lingang tanong ni Troy. Kung hindi lamang galit sa kaniya ang dalaga ay hindi niya ito gagawin. 

"Ay Sir, nasa second floor po ang section ng sanitary pads," sagot naman agad ng saleslady. 

Walang sabi naman na umakyat papuntang second-floor si Troy. Napabuntong hininga siya ng makita ang iba't ibang uri ng napkin. Hindi niya alam kung alin ang ginagamit ng dalaga kaya kinuha na lamang niya ang pinakamahal.

"Is this enough?" Napatanong bigla sa sarili ang binata habang hawak hawak ang limang balot ng kaniyang napiling napkin.

Troy thinks five isn’t enough yet, so he takes another three. He went to the cashier. Inilapag niya ang walong balot ng napkin sa harap ng babaeng kahera. Napatawa pa ng bahagya ang kahera na ikinatiim ng kaniyang bagang.

Naalala ni Troy na magkakalahating minuto na pala simula ng umalis siya sa condo niya para bumili ng ini-utos ni Maeca.

"Pwede mo bang bilisan? Baka maubusan na ng dugo yung pagbibigyan ko." Nagmamadali nitong sabi sa kahera. 

Napakunot naman ang noo ni Troy nang makita niya ang pangisi ng babaeng kahera, para bang kinikilig ito. 

"Ayan na sir, bilisan mo baka maubusan na ng dugo." Pabirong sabi ng kahera subalit hindi na iyon pinansin ni Troy. Binigay niya ang bayad at hindi na nag-abalang kuhain pa ang sukli.

Nagmamadaling pumunta sa su Troy sa parking lot upang kuhain ang kanyang sasakyan. 

Habang nagda-drive ay panay ang tingin ni Troy sa binili niyang napkin. He can't believe na susundin niya ang utos ng dalaga. Hindi din niya akalain na makakayanan niyang bumili ng ganoon. 

Napailing na lamang siya sa sarili. Nakagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi habang inaalala ang mukha kanina ng dalaga habang humihingi ito ng pabor. Para itong naging isang maamong tupa. Napailing na namang muli si Troy. Talaga yatang tinamaan na ito sa dalaga. 

"It can't be. She's just my maid. I just pity her." Pagkukumbinse ng binata sa kanyang sarili subalit naalala niya ang nangyari sa kanila noong mga nakaraang gabi.

Humigpit ang hawak niya sa manebila ng kaniyang sasakyan. Hindi niya alam ang nangyari sa sarili niya kung bakit nawalan siya ng control sa sarili niya kahit half-moon lamang iyon. Hindi din niya maintindihan nang maamoy niya ang dugo ng dalaga ay parang nagwala ang buo niyang sistema.

Napahigop na lamang ng malalim na hangin ang binata at napapilig, "this can't be right Troy. I'm getting insane." 

Napasabunot siya sa buhok niya gamit ang isa nitong kamay.

Nang makarating na siya sa building ay lakad takbo siyang pumunta sa elevator ganoon din sa pagpunta niya sa unit ng kaniyang condo.

Kumatok siya sa pinto ng C.R. 

"Maeca," tawag niya subalit walang sumagot sa kaniya. Na-aamoy na din niya ang dugo ng dalaga kaya agad nitong binuksan ang pinto ng C.R. sa pag-aakalang may masama na ritong nangyari. Subalit, tulog lamang na dalaga ang kaniyang natagpuan.

Ganoon ba siya katagal at nakatulugan na siya ng dalaga sa paghihintay?

Nag-alangan pa ang binata na gisingin ang dalaga sa masarap nitong tulog pero napagpasyahan parin nitong gisingin ang dalaga.

"Hey," tawag niya at tinapiktapik ang pisngi ng dalaga.

Marahang binuksan ng dalaga ang kanyang mga mata. Bahagya pa itong nagulat ng makita ang napakalapit na mukha ng binata sa kaniyang mukha. Kitang kita niya ang nakalulunod nitong mga mata pati na rin ang napakatangos na ilong nito. 

"Anong ginagawa mo?" Agad na tumayo sa bowl si Maeca. Yinakap niya ang kaniyang katawan at bahagyang lumayo kay Troy. 

"Your napkins," Hindi ito nakaharap sa kaniya habang inaabot ang napkin. Napansin din ng dalaga ang pamumula ng tainga ng binata habang inaabot ito. 

Noon naman napansin ng dalaga na wala pala siyang ibang suot pang-ibaba maliban sa kaniyang underwear na may stain na din ng dugo kaya nag-init ang kaniyang buong mukha. 

"G-get out!" Namumulang sigaw ni Maeca. 

Nagmamadaling lumabas Troy sa loob ng C.R. habang si Maeca naman ay napakagat labi. Ang kaninang antok niya ay biglang naglaho bigla. Napahawak si Maeca sa mukha niyang ngayon ay namumula. 

"Umayos ka Maeca," tinampal niya ng mahina ang sarili niyang mukha. Tinignan niya ang binili ni Troy na napkin, hindi iyon ang ginagamit niya sapagkat mumurahin lamang naman ang binibili niya.

Lumabas si Maeca nang matapos na siya sa pagpapalit ng kaniyang pang-ibaba. Nang magkita sila ni Troy ay parehas silang nag-iwas ng tingin. Kita sa kanilang mga mukha ang bakas ng pagkahiya sa isa't isa.

Ang inis na nararamdaman ni Maeca kanina ay naglaho at napalitan ng hiya dahil sa nangyari. Panay ang kagat niya sa labi sa tuwing naaalala ang senaryo.

"Eherm," tumikhim si Troy bilang pagbasag sa katahimikan na namamalot sa loob ng kaniyang condo.

Namuo na naman ang katahimikan sa pagitan nila.

Parehas silang napatingin sa selpon ni Troy na ngayon ay nagriring. 

MAECA POV

Sumunod ang tingin ko sa pagkuha ni Troy nang selpon niya. Someone's calling him.

"Hello," casual nitong sagot. 

Napatingin sa akin saglit si Troy saka umiwas muli nang tingin. May sinasabi na ang kaniyang kausap subalit hindi ko iyon marinig. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Troy. 

"Can you handle that?" Muli itong sumulyap sa akin at muli uling nag-iwas nang magtama ang mga mata namin. 

What's with him? 

I am pissed, he will look then look away. Hindi ba pwedeng kung gusto niya ako titigan titigan niya na lang? Nakakahilo kasi.

I saw him licked his lower lip and his adams apple moved upside down.

"Kung kaya ninyo na hindi na ako pupunta," he said as he lean on the backrest of the sofa.

I heard him tsked, "Fine, I'll be there in a minute you bastard." I heard him cursed.

He looked at me with his black cold eyes, "I have something to do. Do the cleaning," he said in a cold voice. 

I don't know what to feel it seems that his a bipolar. He change his mood very frequently. Hindi ko na rin alam pabago-bago ang pakikitungo niya sa akin.

Napasimangot na lamang ako at napa-tukmod sa lamesa. Hindi ko talaga mabasa kung ano ang nararamdaman niya. It's hard to read him.

—iknowl—

That night I also waited him to comeback but started from that night he did not comeback every single day. Nakikita ko naman siya sa university namin pero hindi ako nagkakaroon ng pagkakataon na maka-usap siya kahit ang mga kaibigan niya ay hindi ko maka-usap. Ang mga tawag ko ay pinapatay rin nila. 

Iniiwasan niya ba ako? 

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Dapat na ba akong umalis sa condo niya para umuwi na siya doon?

I don't have the right to ask what happened. I'm just his maid, I can't interfere in his private life.

"Maeca," Humihingal na tawag sa akin ni Davi.

I watched her on catching her breath. Napapakagat labi pa ito dahil nahihirapan siya sa paghahabol ng kanyang paghinga. 

"I thought I was just hallucinating," she said it in between of her words. "I saw someone who looks just like you."

Hindi na ako nabigla sa sinabi niya. I know, it was her. 

"Akala ko ikaw 'yon. I called her pero hindi sya lumingon," sabi pa nito. 

"Saan mo siya nakita?" I asked her. 

Inilagay niya ang kamay niya sa baywang niya upang mabalanse ang katawan niya. 

"Sa canteen," 

I see, she's making her appearance here. 

"I don't know but it feels you and her are the same," she said. She sniffed me like a dog, "Even your scent are the same."

"She's my twin," napabuntong hininga kong saad sa kanya. I can't lie to her napakatalas ng pang-amoy niya.

Nakita ko ang paglaki ng kaniyang mga mata at ang pag-awang ng kaniyang mga labi. 

"That's not possible, magkamukhang magkamukha kayo." she blurted out.

"I know but we're not in a good terms. She had a reason to hate me, I understand her." Naka yuko kong saad. 

"Ayada," 

Sabay kaming napatingin ni Davi sa tumawag sa pangalan ko. Hindi ako magkakamali kung sino iyon. It was her. 

"I need to talk to you," tumingin siya sa akin at saglit na bumaling ang tingin kay Davi. I saw her growled. 

"Why're you with a wolf?" I can saw her fangs as she talk.

Napaatras naman si Davi at nagtago aa likudan ko. 

"She's my friend, Luna." 

"She's a wolf, Ayada." Tumaas ang tono ng boses niya. 

"She's my only friend, Luna." madiin ko ding saad sa kaniya. 

Napapikit na lamang si Luna at muling tumingin sakin, " Fine, pero kapag may ginawa syang masama sayo. Uubusin ko ang dugo ng asong yan." She glared at Davi. 

"Akala ko galit ka sa akin?" she's acting concerned.

"You're still my twin," lumapit siya sa amin ni Davi at hinawakan ang balikat ko. "Stop the drama, we need to talk. This is very important." seryoso niyang sabi sa akin at hinawakan ang kamay ko. 

"Mamaya na lang ulit kayo mag usap, asong lobo." tukoy niya sa kay Davi na ngayon ay naiwang nakatayo sa pwesto namin kanina. 

Mabilis naman akong hinila ni Luna sa kung saan. Dahil sa kakayahan naming mga bampira na tumakbo ng mabilis ay hindi na kami nahirapan sa paglalakbay. Hindi ko namalayan na naka labas na pala kami ni Luna sa loob ng university. 

"Saan tayo pupunta, Luna?" Tanong ko sa kaniya ng hindi na ako pamilyar sa paligid na tinatahak namin. Puro puno na ang aming nadadaan at ang kaninang matataas na building ay napalitan na ng matataas na puno.

"Stop talking, just keep on running, Maeca. May sumusunod sa atin." sabi nito habang tumatakbo pero hindi pa rin binibitawan ang isang kamay ko. I heard her growled, " those bastard, akala ko naligaw ko na sila kanina." kahit mahina niya iyong sinabi ay narinig ko parin. 

"In the name of Holiness, give me power to protect..." I heard her murmured then we stopped suddenly she turned her back our back and raised her right arm in the air. Nakakasilaw na liwanag ang biglang bumalot sa itaas ng kanyang kamay, "Holy light!" she shouted then swinged her arms and release the light.

I saw something's falling but I cannot identify what it is. 

"Let's go, " 

Muli akong hinawakan ni Luna atsaka kami tumakbo. Ilang minuto pa bago kami makarating sa lugar kung saan gusto niya kaming mag-usap. 

Dinala niya ako sa isang luma at sirang kasilyo. Sira na ang ibang bahagi ng mga ito subalit may ibang bahagi na maayos pa. Ginagapangan na din ng mga damo ang pader nito 

"Anong gagawin natin dito? Bakit dito mo ako dinala?" I asked her habang pinagmamasdan ang paligid ng sirang kasilyo.

"I found something here tingin ko ay konektado ito sa Hanlon," She said. 

Agad naman akong namapatingin sa kanya. This ruined castle is connected to Hanlon?

"Ibig sabihin...?"

"Oo ang mga sumusunod sa atin kanina they were from Hanlon. They're the unknown creatures. There's a portal inside, we must closed that portal or else those bastard will invade this world too, not only the Hanlon and the other neighboring continent." seryoso niyang saad. 

"Paano naman natin masasara ang lagusan na 'yan? E, hindi ko nga man lang alam kung ano ang kaya kong gawin." Napatingin siya sa akin. 

"Hindi pa lumalabas ang pakpak mo?" Nagtataka nitong tanong sa akin. 

"Pakpak? Do you mean that golden wings?" Tanong ko. 

Tumango naman siya, "Oo, yun nga."

"It showed up but hindi ko na alam ulit kung paano iyon palabasin." saad ko. "Isa pa, para akong pinapatay noong lumabas iyon." sabi ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya, " what do you mean? It should be painless. Wala naman akong naramdaman nang lumabas ang akin."

That's unfair!

Nagkatinginan lamang naman kami.

"...."

"In order to close that portal kailangan nating tuklasin kung ano pa ang pwede nating magawa except sa Holy light. Isa pa lamang iyon sa natutunan ko," basag ni Luna sa katahimikan.

"We must bring back your memories too, it will help you a lot—," natigilan sa pagsasalota si Luna. "Someone's coming."

Na-alarma naman ako kaya agad akong napahawak kay Luna. Inilibot namin ang paningin namin sa buong paligid. Dalawang pigura ang nakita ko sa direksyong pinanggalingan namin pareho ni Luna. 

"Let's hide," hinila ni Luna ang kamay ko. Tumago kami sa makapal na halaman sapat na upang itago kaming dalawa. 

"Are you sure na nadito ang portal?" tanong ng babae sa kasama nito.

Pinagmasdan namin ang dalawa habang pinagmamasdan ng mga ito ang kasilyo. 

"I can't be wrong, Ayesha. This is the place." Saad naman ng lalaki.

I can't clearly see their face but the name and voice are very sounds familiar to me. 

"Okay, Let's head in," 

"They were vampires," saad ni Luna habang nakatitig sa dalawa. 

Nagulat ako ng makita ko ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig siya sa dalawa kaya napatingin uli ako sa mga ito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status